HIS VILE CRAVING (A Tagalog Story) Chapter 29

"KIAH, please pack your things. Aalis tayo."

Nilingon ni Kiah ang lalaki nang sabihin nito iyon saka ginawaran niya ng nagtatanong na tingin. "B-bakit? May pupuntahan ba tayo?"

Saglit munang tumingin sa kan'ya ito at tila nag-isip, pero mayamaya rin ay bumuntong-hininga. "Uuwi tayo sa Cavite, sa parents ko." Hindi naman maiwasang magulat ni Kiah sa narinig. "Ayaw kitang iwan dito mag-isa kaya isasama na lang kita. Dalhin mo na rin ang school bag at uniform mo, ihahatid na lang kita bukas ng maaga sa school mo," sunod-sunod pang utos nito.

Walang nagawa si Kiah kung hindi sumunod na lamang sa lalaki. Inimpake niya ang mga mahahalagang gamit na alam niyang kakailanganin niya sa eskwelahan. Naglagay din siya ng mga ilang pares na damit-bihisan. At wala pa ngang isang oras ay sakay na sila ng sasakyan nito at binabagtas ang kahabaan ng Edsa, ayon na rin sa nadaanan nilang karatula.

Biglang nanibago si Kiah sa katahimikan na namamayani sa pagitan nila ni Aki. Panaka-naka'y sinusulyapan niya ito ngunit nasa daan lamang ang paningin ng lalaki at ni hindi siya kinikibo. Pakiramdam niya, kay lalim ng iniisip nito nang mga sandaling iyon.

Marahil ay dahil iyon sa nangyari kanina, isip-isip niya.

Aaminin ni Kiah na maging siya ay nabigla nang tawaging Kuya ni Gavin ang kanyang amo kanina. Agad na pumasok sa isipan niyang maaari ngang magkapatid ang mga ito. Unang kita pa lamang kasi niya noon kay Gavin, ay napagtanto niyang may kamukha ito subalit hindi lamang niya mawari kung sino. Ngunit ngayon ay napatunayan niyang ang kanyang amo nga ang kahawig nito.

Kung titingnan, si Aki ang mas matandang bersyon ni Gavin. Malaki ang pagkakahawig ng mga ito. Subalit sa pakiwari ni Kiah, lingid sa kaalaman ng amo na may nakababatang kapatid pala ito. At marahil iyon ang dahilan kung bakit biglang naisipang umuwi nito sa mga magulang.

"O-okay ka lang ba, Aki?" lakas-loob na tanong ni Kiah rito. Hindi kasi talaga siya sanay na ganoon ito katahimika. Naninibago siya.

"Don't worry, I'm okay. Kung inaantok ka, umidlip ka muna. Malayo-layo pa tayo," sagot naman ng lalaki na hindi man lamang sumulyap sa kaniya.

"S-Sige."

Iyon na lamang ang naisagot ni Kiah sa lalaki, pagkatapos ay inayos niya ang sarili sa kinauupuan. Naghanap siya ng komportableng pwesto at saka nagpasyang maidlip muna. Tutal ay inaantok din naman siya.

• • •

"Kiah, wake up! Nandito na tayo." Marahang tinapik-tapik ni Aki ang braso ni Kiah nang marating nila ang bahay. Agad namang dumilat ang babae at kinusot-kusot pa ang mga mata bago tumingin sa kan'ya.

"Ay! S-sorry, kung napahaba ang tulog ko!" ani Kiah saka luminga-linga sa paligid. "Narito na ba tayo?"

Tumango siya. "Yes. Let's go inside." Nauna nang bumaba si Aki sa drivers side saka umikot upang pagbuksan si Kiah ng pinto. Mabilis namang bumaba ang babae bitbit ang bag pack nito.

May ilang saglit pa, sinalubong si Aki ng kanyang Mama pagpasok nila main door. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan nang makita siya, pero nang mabaling ang paningin nito kay Kiah ay may naglarong mapanuksong ngiti sa labi ng ginang.

"Son, I do not expect you to come!" bulalas ng Mama niya sabay yakap nang mahigpit.

Gumanti naman siya ng yakap dito. Masaya rin siyang makita ang kanyang Mama pero nang maisip niya ang dahilan kung bakit siya biglang napasugod doon ay nawala ang sayang 'yon.

"And who's this beautiful lady?" tanong nito na kay Kiah nakatingin. Sinulyapan naman niya ang babae bago siya maupo sa sofa. Pansin niyang namula ito dahil sa papuring iyon ng kanyang Mama.

"Hello po. Ako po si Hezekiah, Ma'am," kiming pakilala ni Kiah sa ginang.

"Oh! What a lovely name! It suits you, hija! Halika't maupo ka muna. I'm sure, napagod ka sa biyahe." Agad na niyakag ng ginang si Kiah sa katabing sofa kung saan nakaupo si Aki, at saka tumabi rin ang ginang rito.

Pinagmasdan naman ni Aki ang kanyang Mama, at hindi pa man niya naririnig ay alam niya na ang sunod na sasabihin nito. "Tell me hija, gaano katagal na kayong mag-nobyo ng anak ko? When is the wedding?"

I knew it! Lihim na napailing si Akihiro sa sinabing 'yon ng Mama niya. "Mom!" inis na saway ni Aki rito. Nilingon naman siya ng ginang nang may nagtatanong na tingin. "She's not my girlfriend, okay?"

Hindi naitago ng ginang ang lungkot at dismaya sa magandang mukha nang marinig ang sinabi niya, pagkatapos ay binalingan si Kiah na noon ay bakas sa mukha ang pagkailang. "Totoo ba iyon, hija? Hindi mo nga ba nobyo ng anak ko?"

"Opo, hindi po, Ma'am," kaagad na sagot ni Kiah sabay yuko na parang hiyang-hiya.

"Pero bakit magkasama kayo?" clueless pang tanong ng kanyang Mama na sa kan'ya nakatingin.

"Kanojo wa, watashi no meidodesu, (She's my maid)" ani Aki 'tapos ay tumayo na. "Otōsan wa doko? Kare to hanashi o shitaidesu, (Where's Dad? I want to talk to him,)" tanong pa niya.

"Oh, I see," malungkot na turan ng ginang. "Your dad is in the library. May kausap sa cellphone.

Why? Is there any problem, son?" usisa naman nito.

Sandali munang pinagmasdan ni Aki ang maamong mukha ng kanyang Mama. Alam kaya ni Mama na may kapatid ako? Iyon ang mga tanong nag naglalaro sa isipan ni Aki nang mga oras na iyon.

Gusto niya itong tanungin pero wala siyang lakas ng loob. Isa pa, ayaw niyang makitang masaktan ang kanyang Mama kung sakaling hindi pa nga nito alam na may kapatid siya, na obviously ay sa ibang babae.

Muling umahon ang poot sa dibdib ni Aki pero pinigil niya iyon. Ayaw niyang mahalata ng kanyang Mama na may bumabagabag sa kan'ya nang mga sandaling iyon. Kung kaya't umiling na lang siya saka ngumiti. "Nothing, Ma. Na-miss ko lang kausap si Papa," pagsisinungaling niya.

"Natutuwa ako anak, dahil sinabi mo iyan. O siya, puntahan mo na roon. Baka tapos na iyon. Dalian niyo lang at kakain na tayo ng hapunan, mayamaya, ha?" bilin pa ng Mama niyang hindi humihiwalay Kiah. Nakita n'ya pang naka-angkla pa ang kamay nito sa mga braso ng babae.

Si Mama talaga! Palibhasa, sabik ang Mama niya na may ipakilala siyang girlfriend, kaya gan'on ito ka-clingy kay Kiah.

Wala pa kasi siyang ipinakikilalang girlfriend sa parents niya. Wala naman kasi siyang girlfriend, flings lang ang mayr'on. Kaya hanggang ngayon, alam niyang nagtataka ang Mama niya kung bakit wala siyang ipinakikilala sa mga ito.

"Okay, Ma. Puntahan ko lang si Papa," anang Aki saka binalingan si Kiah na noon ay nakatingin lamang sa kanila at walang imik. "Feel at home, Kiah. Si Mama na ang bahala sa'yo."

Mabilis namang tumango si Kiah. "Okay."

• • •

Nakatatlong-katok muna si Aki bago niya marinig ang tinig ng Papa niya sa loob ng silid. Agad siyang pumasok at naabutan niya ang ama na nakaharap sa isang makapal na librong siguro ay tungkol sa business. Iyon kasi ang madalas nitong basahin.

Nang makita siya nitong pumasok ay ibinaba nito ang hawak na libro saka walang emosyong tumingin sa kan'ya. "Dōshite koko ni kita no? (What brought you here?)" walang kangiti-ngiting tanong nito.

Kumuyom ang kamao ni Aki saka pinukol ng nang-uusig na tingin ang kanyang Papa. "Who is Gavin Mikhail Buenavista?" kaagad niyang tanong.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Aki ang pagkagulat na rumihistro sa mukha ng kanyang Papa nang marinig 'yon. Sandali pa muna itong nakatitig lang sa kan'ya at hindi nagsasalita. Pero mayamaya ay lumambot din ang ekspresyon ng mukha nito. Fuck! I knew it!

Sinugod niya ang desk ng ama saka padabog na dumulog doon. "Answer me, Pa! Sino ang Gavin na 'yon?!" bulalas n'ya. Hindi na niya napigilan pa ang emosyon na nanghahari sa kanyang dibdib.

Ramdam ni Aki ang galit habang pinagmamasdan ang ama niyang natitigilan. Pakiramdam pa niya, nanginginig ang kanyang kalamnan dahil sa matinding galit nang mga sandaling iyon.

"He's my son to other woman."

Dahil sa narinig na pag-amin ng kanyang Papa ay hindi napigilan ni Aki na kwelyuhan ito. Matapos niyon ay pinukol n'ya ito ng nagbabagang tingin habang pigil-pigil ang sariling pagbuhatan ito ng kamay. Ama n'ya pa rin ito kahit bali-baliktarin ang mundo.

"How could you do that to Mom, huh?! Sino ka para saktan ang Mama?!" galit at mariin niyang tanong sa matanda.

Pilit inalis ng kanyang Papa ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kwelyo nito. Matapos niyon ay nagtungo ito sa isang estante kung saan nakalagay ang bote ng mamahaling alak. Nagbukas ito ng isa at sinalinan ang wine glass saka inisang lagok iyon. At nang marahil ay nakakuha na ito ng lakas ng loob sa alak na nainom ay hinarap siya nito.

"Hindi ko iyon ginusto," sabi nitong ikinapanting ng kanyang tenga.

'Di ginusto? What the fuck? "Anong hindi ginusto? Goddammit! Nabuntis mo pero 'di mo ginusto?" sikmat niya sa ama. Hindi naman ito nagsalita. Sa halip, muli itong nagsalin ng alak sa baso at nilagok

Wala siyang pakialam kung mabastos na niya ito. Ang tnging nasa isip lang niya ngayon ay ang mararamdaman ng kanyang Mama 'pag nalaman nito ang totoo. Napakabait nito. Wala itong ginawa kundi pagsilbihan ang kanyang ama sa tanang-buhay nito. 'Tapos gan'on lang ang igaganti nito?

"It only happened once, when I was drunk. Hindi ko alam na may mabubuo pala," katwiran pa nitong lalong nagpadagdag sa galit na nararamdaman ni Aki.

"Why didn't you tell to Mama, huh? Pa'no kapag nalaman niya, Pa? Paano?!"

"Please son, do not tell your mother. I don't want to hurt her."

Ngayon lang narinig ni Aki na nakiusap ang Papa niya, pero sa halip ay matuwa siya, lalo siyang nakaramdam ng galit rito.

Umiling-iling siya sa kanyang ama saka ginawaran ito ng nanunuyang tingin. "Hindi mo ba alam na nagkita na kami at kilala n'ya ako, Pa? Sa kan'ya ko nalaman ang tungkol dito! Sige nga, paano mo ipapaliwanag kay Mama kung sakaling malaman n'ya 'to, ha? Paano?"

"Ano ang dapat kong malaman, anak?"

Natulos sa kinatatayuan si Aki nang marinig ang tinig na iyon mula sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito, nakatayo ang kanyang Mama sa pintong bahagyang nakabukas, na siguro ay nakalimutan n'yang isara noong pumasok siya sa library.

"Ma. . ."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.