HORRIBLE YOU Chapter 16

"Señorito!"

Natigilan kaming lahat nang makita ang matandang lalaki na pumasok sa mansyon.

Simula nang mangyari ang pagtangka kong pagpapakamatay hindi na nila ako nilubayan laging may naiiwan sa tabi ko na hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang inaasal nila.

"Mang Arnel!" Nakangiting lumapit si Taxon sa matandang lalaki.

"Kumusta na po kayo?" Nilingon kami ni Mang Arnel nakita ko ang ngiti niya. "Ang dami niyo pa lang kasama," sinulyapan niya si Elle. "Señorita Shine at Diamond. Señorito Kil," baling niya naman sa mga ito.

"Sabi saiyo 'wag mo nang tawagin kaming ganyan. Taxon na lang, Shine, Diamond at Kil," nakangiti pa ring sabi ni Taxon.

"Nakakahiya naman po," nagkamot pa ito sa ulo niya.

"Ikaw talaga, eh, parang lolo ka na namin," masiglang sabi ni Taxon.

Lumapit naman si Kil, Shine at Diamond. Nagmano sa kaniya.

"Kumain ka na po ba?" Tanong ni Elle.

"Ay, opo. Gusto ko lang po sanang imbentahin kayo sa salu-salo bukas. Sana makapunta kayo."

"Sure!" Sagot agad ni Elle.

Matapos noon ay umalis na rin ang matanda. Lumapit sa akin si Taxon at inayos nanaman ang buhok ko. Nasanay na akong ginagawa niya 'yon.

"Alis tayo," nag-angat ako ng tingin at ngumiti sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?"

"Ayiee! Magde-date sila!" Nangibabaw ang pang-aasar na iyon ni Rev.

"Shut up! Wala na talagang tigil ang bibig mo!" Natawa naman silang lahat sa saway ni Taxon.

Nasa sofa kaming lahat ngayon. May kaniya-kaniyang ginagawa. Si Jave at Kean ay nagche-chess habang nanonood naman sa kanila si Elle at Ali. Si Lance at Carme ay nagkikilitian.

Sana all!

Si Clench, Arah at Kil ay nagge-games sa phone. Si Diamond ay walang tigil sa pagngiti sa salamin habang naglalagay ng kung anu-ano sa mukha. Gusto kong matawa sa kaniya dahil kanina pa siya, hindi na natapos.

"We're going to visit our pineapple farm."

"Talaga? Tara! Pakainin mo ako no'n, huh? Paborito ko rin 'yon," hinila ko na agad siya palabas.

Rinig ko pa ang mga kantyaw nila pero hindi na namin pinansin.

"Malapit lang ba 'yon? Maglakad na lang tayo para exercise."

"Okay."

Kumapit ako sa braso niya. Hindi na talaga mawawala ang pagiging clingy ko sa kahit kanino.

"Ang ganda rito sainyo. Sana lagi mo akong isama." Nakangiti kong sabi habang pinapasadahan ng tingin ang mga puno ng saging. "Pipitasin mo na lang ang mga bunga, hindi mo na kailangan pang bilihin. Makikita mo rito ang yaman na hindi pera."

Napahinto ako nang makita ang kulay pink na bulaklak.

Gumamela!

Meron ring kulay puti, yellow at iba't ibang kulay.

"Ang ganda! Wala nito sa Makati," inilapit ko ang ilong ko kahit wala naman itong amoy.

"Hey, it has pollen mamaya may allergy ka, 'yon pa ang masinghot mo," saway sa akin ni Taxon.

"Wala namang amoy pero maganda siya."

Natigilan ako nang pitasin iyon ni Taxon at nakangiting inilagay sa tainga ko.

"It's not my hobby to take a picture, but I think I'll regret if I didn't do that," inilabas niya ang phone niya. "Smile."

Sumunod naman ako sa kaniya. Ngumiti ako nang malapad. Natigilan siya saglit bago ako kunan ng picture. Lumapit ako kaagad sa kaniya.

"Patingin!" Nagtatalon ako nang makita kung gaano kaganda iyon. "Ang galing mo! Ang ganda ko. Tingnan mo ang ngiti ko rito, sobrang ganda. Daig ko pa ang dalagang-dalaga na. Bagay pala sa akin ang may bulaklak sa tainga. Hindi ko na ito tatanggalin."

Nang lingunin ko siya ay nakatitig lang siya sa akin at nakangiti.

"Nagagandahan ka rin sa akin 'no? Alam ko na 'yon!" Kinurot ko ang pisngi niya.

"Yeah."

Umakbay na ako sa kaniya at naglakad na muli.

Ramdam ko ang masarap na simoy ng hangin. Hindi naman masiyadong mainit lalo na at maraming puno na nagpro-produce ng oxygen. Muli akong natigilan nang makita ang naggagandahang bulaklak na parang bell. Yellow bell siguro, may violet at white. Kinuha ko kaagad iyon.

"Ang ganda talaga! Ang panatag naman dito." Inilagay ko ang yellow bell sa tainga ni Taxon at saka ko iyon tinawanan.

"Ano kayang hitsura mo kapag babae ka?" May naisip naman agad ako. "Kamukha mo ang mommy mo!"

Pinakatitigan ko pa ang mukha niya. "Oo nga! Siya ang girl version mo!"

"Blabby," nakangiting sabi niya. Sinasabihan niya nanaman ako na madaldal.

"Eh, ganito ako," napasimangot ako pero agad ding ngumiti. "Kung hindi ako mag-iingay iiyak lang ako gusto mo ba 'yon?"

Umiling siya kaagad. "Hindi naman ako nagrereklamo."

Humawak na ulit ako sa braso niya kahit bumubungisngis pa dahil nasa tainga niya ang yellow bell. Hindi niya na namalayan iyon. Pinipigilan ko ang tawa nang unti-unti ay may mga nakakasalubong na kaming tao. Natitigilan sila at tumatawa.

"Mang Arnel," bati ni Taxon sa lalaking pumunta kanina sa mansyon.

"Señorito--ay, Taxon pala," napatingin siya sa gilid ng tainga ni Taxon at saka tumawa.

"Why?" Kinapa ni Taxon ang gilid ng tainga niya.

Sumama ang tingin niya sa akin nang makapa niya ang bulaklak. Sabay kaming humagalpak ng tawa ni Mang Arnel.

"You bad, Blabby," nakangiti niya ring sinulyapan ang gilid ng tainga ko.

Nang kapain ko iyon ay nandoon din pala ang gumamela. Nahiya tuloy ako dahil para rin pala akong ewan.

Inilibot kami ni Mang Arnel sa pinyahan.

"Señorito!" Nakangiting bati ng mga tao kay Taxon.

Namangha ako dahil sobrang close niya ang mga tao na para bang mga kaibigan niya ito noon pa. Sila ang may-ari nito pero kung ituri nila ang mga tao ay parang kamag-anak nila. Nawala ang pagiging masungit at nanlilisik na mata ni Taxon.

Lubos ko siyang nakilala kung ano talaga ang ugali niya. Sa likod ng kaniyang masamang tingin at tayong mayabang ay puro panlabas lang pala dahil hindi no'n mapapantayan kung gaano kabuti ang puso niya, puso nila, ng mga Baider.

"Si Vinea nga pala, best friend ko," pakilala sa akin ni Taxon.

"Ay, kagandang bata nere. Bakit hindi mo ligawan?" Sabi ng isang matandang lalaki.

"Talaga si Mang Kulas," muli akong napatitig kay Taxon nang tumawa siya.

Kakaiba talaga ang mga ngiti niya. Malayo sa masungit niyang hitsura.

"Kumain na ba kayo? Teka sandali." Inilabas ni Taxon ang phone niya na sa tingin ko ay nag-order ng kung ano.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong pinyahan. Ang sayang makita ng mga pinya, may kulay yellow, green at ang iba ay orange na.

Lumapit ang babae sa amin at binigyan kami ng pineapple juice at pineapple na hiniwa.

"Masarap ang pinya dito dahil alagang-alaga," nakangiting sabi ng babae.

"Of course! Kayo ba naman ang nag-aalaga, Aling Corazon," kinuha ni Taxon ang ibinigay niya.

"Talaga si Señorito mangbobola," nilagyan niya pa kami ng hat na sa magsasaka. "Mainit dapat may pandong kayo sa ulo."

Nang lingunin ko si Taxon ay walang pasabing isinubo niya sa akin ang kapiraso ng pinya.

"Good for the health with vitamins," malapad siyang ngumiti.

Napapikit ako nang malasahan kung gaano kasarap iyon, matamis at nakaka-adik ang lasa. Kinuha ko pa ang marami at kinain iyon.

"Hey! Masusugat ang dila mo kapag masyadong marami," saway niya sa akin.

Sinubuan ko na lang din siya at nakangiting pinagmasdan ang pagnguya niya.

"Ang sarap!" Masigla kong sabi at saka nilagok ang pineapple juice.

Nagtatawanan sila at nakikipag-biruan kay Taxon. Walang gap sa pagitan ng amo at mga tauhan nila.

Ang astig ng personality ni Kenny.

Pinagpapawisan na siya pero wala siyang pakialam doon. Kahit naiinitan ay gwapo pa rin siya sa puting round neck na suot niya na alam kong binili niya rin sa akin. Akala ko hindi niya isusuot ang mga 'yon pero sa nakikita ko. Iyon ang mga suot niya, talaga ngang wala siyang arte sa katawan.

Sinusuot niya rin kaya ang mga undies?

Natawa ako sa sariling naisip. Malamang dahil hindi niya naman bibilihin kung hindi niya susuotin. Sayang!

"Hindi mo ba gusto itong magandang dilag? Talagang mag-best friend lang kayo?"

Sabay kaming nabulunan ni Taxon nang itanong iyon ni Aling Corazon. Kahit nabulunan siya ay ako pa rin ang inalala niya. Inabutan niya agad ako ng tubig at hinaplos ang likod ko.

"Chismosa mo kasi Corazon, nabulunan tuloy," sabi ni Mang Kulas.

Nagtawanan naman sila kaya nakitawa na rin kami ni Taxon. Nakakatuwa sila para bang walang problema silang pinagdaraanan sa buhay. Hindi ko katulad 19 pa lang punong-punong na ng problema ang isip.

Nakangiti akong nakatitig sa kaniya. Nang magbaba ng tingin ay napasulyap ko sa labi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala 'yong oras na binigyan ako ng hangin ni Taxon sa ilalim ng tubig. Hindi namin napag-usapan ang tungkol doon pero bakit gano'n nag-iinit ang pisngi ko. Hindi ko itatangging para na rin kaming naghalikan at sa ilalim pa ng tubig. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Pinagmasdan ko ang mukha niyang nakangiti at tumatawa habang nakikipag-kwentuhan sa mga kasama.

Natatakot ako na baka magkagusto ako sa kaniya dahil may boyfriend ako. Hindi ako malandi para magdal'wa-dal'wa pero sino naman bang nagsabi na magiging boyfriend ko si Taxon, magkaibigan lang naman kami.

De-deadmahin ko na lang kung ano man ito. Hindi na iyon mahalaga dahil may boyfriend na ako.

Nagugulat kong tiningnan si Taxon nang punasan niya ang noo ko gamit ang likod ng palad niya. Siya ang pawisan pero bakit ako ang pinupunasan niya? Bumalik din siya sa pakikipag-kwentuhan matapos niya iyong gawin.

Kung ganiyan ang ugali niya sinong babae ang hindi siya magugustuhan?

Nang matapos ang matagal naming pananatili sa pinyahan ay niyaya na rin ako ni Taxon at nagpaalam na rin kami sa kanila.

"Ang saya nila kasama," nakangiti niyang sabi.

Kumapit ako sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad. Kahit minsan hindi ko naramdamang hinawakan niya ako nang walang pasabi. Kapag may gusto siyang gawin ipinagpapaalam niya katulad na lang ng 'pahawak ng kamay' madalas ay ako ang kumakapit sa kaniya. Para bang malaki talaga ang respeto niya sa akin at sa relasyon namin ni Brekley.

"Taxon?" Nilingon ko siya. Diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Hmm?"

"Bakit mo ako hinalikan sa ilalim ng tubig?"

Napatigil siya bigla.

Mali ba 'yong term? Parang hindi naman dapat halik 'yon, 'di ba? Binigyan niya lang ako ng hangin. Iyon lang 'yon.

Petchay! Nakakahiya!

"Hoy! Sige 'wag mo nang isipin alam ko na. Ginawa mo lang na--"

"Because I want to." Napatitig ako sa kaniya. "I want that," nagkamot siya ng noo at nag-iwas ng tingin. "To save you."

Wala sa akin ang tingin niya nasa malayo. Hindi ko mahulaan ang isip niya.

"Vinea Clee, if you love someone are you willing to sacrifice everything?" Seryoso niyang tanong.

"Yes! Kahit pa dumaan sa matinding delubyo. Susugal ako para sa kaniya," nakangiti kong sabi.

"What if she doesn't love you too?" Seryoso pa ring tanong niya.

Napatitig ako sa mata niya. "Hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga mahal mo siya dahil kung totoo ang pagmamahal mo hindi ka na maghahangad pa ng kapalit," ngumiti ako sa kaniya.

Tumango siya at ngumiti. "That's what I do," nagsimula na ulit siyang humakbang. "She has a boyfriend and it sucks that she will never be mine therefore all I want is to taking care of her."

"Bakit sino bang gusto mo?" Pangngungulit ko sa kaniya. Nagpatuloy na ulit kami maglakad.

"I keep it here," hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.

Teka lang! Petchay! Bakit pakiramdam ko ako 'yon? Hoy, hindi! 'Wag feelingera!

"Sige kung ayaw mong sabihin pero nagka-girlfriend ka na ba?"

"Not yet."

Nanlaki ang mata ko at iniharap siya sa akin. Tiningnan kong mabuti kung nagsasabi siya ng totoo.

"Seryoso ka?"

"Kailan ba ako nagbiro?" Tumaas ang dalawang kilay niya.

Oo nga, ano? Parang hindi ko siya naririnig magbiro. Ibig bang sabihin noon lahat ng sinasabi niya seryoso?

"Eh, bakit wala pa? Kahit isa? Weh?"

"Wala pa, eh, and I don't want. My family is different." Nagsimula na ulit siyang maglakad kaya hinabol ko.

"Paanong different?" Habol ko sa kaniya at hinila ang braso niya, kumapit ulit ako.

"You want to try?" Ngumisi siya at inilapit ang mukha sa akin hanggang sa maging ga-hibla na lang ng buhok.

Hindi ako umiwas o umatras. Matapang ako, eh. Hindi uso sa akin ang manghina sa gawain ng lalaking ganyan.

Pinakatitigan niya ang mata ko ganoon din ako habang nakahawak pa rin sa braso niya.

"Be my wife." Mahina niyang sabi, pabulong, seryoso at diretsong nakatitig sa mata ko.

Umalingawngaw ang sexy'ng boses niya sa tainga ko.

'Be my wife.'

Nagpaulit-ulit iyon sa tainga ko pero agad ko ring pinalis. Alam kong hindi 'yon seryoso. Nagbibiro lang siya.

Nanlaki ang mata ko pero tumawa rin naman. Pinigil ko ang kilig ko at pag-init ng pisngi ko. Pinigilan ko lahat ng posibleng maramdaman dahil mali 'yon. Pipigilan ko ito hangga't kaya ko.

Bakit ba ang hirap pigilan ng nararamdaman?

Natatakot akong baka isang araw lunod na ako sa pakiramdam na ito.

Tumawa ako. "Be my wife ang petchay! Nakakatawa ka talaga. Bakit gaano ba kahirap ang maging 'wife' mo?"

Nagkibit balikat siya. "Simple, you'll die."

Nanlaki ang mata ko ulit matapos ay tumawa nanaman. Nababaliw na ako, lahat ng sinasabi niya ay tinatawanan ko lang.

"Nakakamatay pala ang maging asawa ka. Mamamatay sa pagmamahal mo? Gaano ba katindi 'yon? Patawa ka," sa lakas ng tawa ko ay nakatingin lang siya sa akin.

"You'll know that if you're going to love me." Seryoso niyang sabi at nagpatiuna na.

Sinundan ko ulit siya habang bumu-bungisngis pa rin.

Nakakatawa pala siya magbiro. Kakaiba! Ibang-iba talaga ang ugali ng lalaking Baider na ito.

"Hindi mo malalaman, Vinea Clee, kung wala ka namang balak pakasalan ako."

Lumakas nanaman ang tawa ko. "Gusto mo na bang mag-asawa? Eh, sabi mo nakakamatay ang mahalin ka?" Tawa ako nang tawa.

Umangat ang gilid ng labi niya. "Happy?"

"Sad!"

"Tsk."

Nanahimik na kaming dalawa at naglakad na lang. Kinukulit ko pa rin siya dahil habang naglalakad ay tumatalon-talon ako pero tahimik na siya.

Nangatog ang tuhod ko nang may humarang sa amin na mga armadong lalaki. Agad akong itinago ni Taxon sa likod niya. Gumapang ang takot at kaba sa buong sistema ko.

"Tagal kong hinintay ang pagbabalik mo," ani ng isang lalaki na nakatingin nang diretso sa mata ni Taxon.

Sino sila?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.