HORRIBLE YOU Chapter 17

"Kumusta, Taxon Ken Baider," nakangising sabi ng lalaki.

"Good as I can be, Mayor," malapad na ngumiti si Taxon.

Mayor pala siya? Nakakatakot ang ngisi niya parang may masamang binabalak.

Walang takot na nakatayo si Taxon at kung ngumiti ay animo'y matalik na magkaibigan pero nakikita kong hindi dahil kinasa na nito ang baril na hawak. Humigpit ang pagkakakapit ko sa damit niya. Nakatago lang ako sa likod niya.

"You want a revenge? Too slow to move," taas noong sabi ni Taxon.

"Yabang mo talaga." Pagkasabi niya no'n ay ipinutok niya na agad ang baril.

Nagulantang ang buong sistema ko pero naramdaman ko ang mabilis na kilos ni Taxon. Sa isang iglap ay naitago niya ako sa sagingan.

"Wait for me," ngumiti siya sa akin. "Wag kang lalabas, understand?"

Akmang aalis na siya pero hinila ko siya. "Mag-iingat ka," tumulo ang luha ko. Ngumiti lang siya at tumango.

Pinanood ko na lang siya na tumalikod. Sumilip ako at gano'n na lang ang pagkamangha ko kay Taxon.

Wala siyang kasing bilis, sinugod niya agad ang mga tauhan. Sa tingin ko ay mga sampo sila kasama 'yong tinatawag niyang mayor.

Hindi na pinagsasalita pa ni Taxon ang mga ito. Kahit pinapaulanan siya ng bala ay daig pa niya ang hangin. Sinugod niya ang isa marahas niyang kinuha ang baril at iyon ang ginamit niya pamalo sa mukha nito.

"Taxon!"

Napasigaw ako nang makita ang isa pang nasa likod niya pero walang tinginang sinipa niya ito patalikod. Napamaang ang labi ko sa sobrang pagkamangha.

Anong klaseng tao siya?

Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong masamang tao siya dahil sa lakas niya manuntok at manipa.

Horrible!

Ang nag-iisang deskripsyon sa kaniya nakakatakot 'yong tipong hindi mo na gugustuhin pang lumaban isusuko mo na lang ang mga kamay mo dahil hindi pa man lang lumalapat ang kamao niya ay tumba ka na.

Sumugod ang sa tingin ko ay apat pero kahit nasa likuran ang ilan ay nagagawa niyang suntukin ito ng walang tinginan. Nanlilisik ang mga mata niya at sa tingin ko iyon din ang isa pang kinatatakutan ng kalaban.

Halos lumipad na siya sa ere tuwing itutuon niya ang mga paa sa dibdib ng kalaban at pagbagsak ay nakasuntok na kaagad. Nagtaka na tuloy ako kung may kinalaman ba roon ang pamilya niya.

Ang pamilyang Baider...

Noong hindi ko pa siya kilala nakikita ko na ang ibang miyembro nila misteryoso at walang reaksyon, iyon sila, ang nakakapanindig balahibo pa ay ang minsang nakita ko si Diamond at Kil noon na makipaglaban sa kung kanino.

Ang astig ni Taxon, pinapawisan na siya pero hindi mahahalata ang pagod.

"Taxon!"

Tumulo nang tumulo ang luha ko nang makita kong papuputukin nanaman ng mayor ang baril na itinutok pa kay Taxon. Natigilan ako nang landasin niya ang distansya papunta sa mayor nang halos lumipad dahil ginawa niyang apakan ang mga balikat ng tauhan.

Woah? Petchay! Paano niya nagawa 'yon? Daig pa niya si Jackie Chan!

Pagbagsak niya ay nasipa na niya ang mayor sa dibdib. Gumapang ang takot ko nang muling pumutok ang baril.

"Taxon!"

Nakita ko ang pagtulo ng dugo sa balikat niya.

Natamaan siya! Taxon!

Hindi ko man lang nakitang nasaktan siya. Nainis oo, pero ang umaray wala. Tumayo ang mayor at sumuntok kay Taxon pero nailagan niya iyon nang bumaling siya pakaliwa at hawakan ang pulsuhan nito at pilipitin ang kamay.

"Ahhh!" Sigaw nito habang pinipilipit ni Taxon ang kamay.

Natigilan ako nang may bunganga ng baril na tumutok sa sentido ko. Marahas niya akong itinayo at ipinunta kay Taxon.

"Bibitawan mo 'yan o sabog ang utak nito?" Sabi ng lalaki kay Taxon.

Nakita ko ang takot sa mata ni Taxon nang makita ako. Hindi ako makagalaw tulo lang nang tulo ang luha ko. Nasa unahan ako ng lalaki at nakatutok ang baril sa mismong ulo ko.

"Sino ka ba sa akala mo? Nagmamayabang ka! Patayin ko kaya ang babaeng ito?"

"Do that! I'll make you suffer!" Masama siyang tiningnan ni Taxon matapos ay tiningnan niya ako at nakita ko ang gigil niya.

Mas pinakadiinan ng lalaki ang baril sa ulo ko.

Iyak lang ang nagawa ko wala naman akong magagawa sa sitwasyon.

Hanggang sumilay ang ngisi ni Taxon sa hindi ko malamang dahilan. Hinawakan niya ulit ang mayor sa baba.

"Isang pitik patay ang isang ito," masama ang tingin, nakangisi at mayabang na sabi ni Taxon.

"Mauuna muna ang iyong binibini," sabi naman ng lalaki sa likuran ko.

"I'm Baider," taas noo, mayabang at maangas na sabi ni Taxon.

"Ano naman? Ang yabang mo. Pinagmamalaki mo pa ang apilyedo mo," tumawa nang malakas ang lalaki.

Nakita ko naman na unti-unti nang bumabangon ang mga napatumba ni Taxon. Lagot na kami, katapusan na namin! Tiningnan ko si Taxon pero hindi ko aakalaing makikita ko pa ang malapad na ngiti niya.

Hanggang sa isang sipa na lang ang nagpatilapon sa lalaking nasa likod ko.

Elle?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jave at Elle. Ang lakas naman ng sipa ni Elle para mamilipit sa sakit ang lalaki.

"I thought this will be a vacation, how come there is an action adventure here?" Maangas na tumayo si Elle at nagawa pang tumawa habang nakikipag-suntukan.

Gulat na gulat ako sa kaniya. Nang mapasulyap naman ako kay Jave ay tumatawa rin siya dahil hindi man lang tamaan ng kalaban.

Itinutok ni Taxon ang baril sa mayor kaya napatakbo ako kaagad at niyakap siya sa likuran.

"No! Please no!" Humihikbi kong sabi sa kaniya.

"Okay," ngumiti na si Taxon at ibinaba ang baril.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

Gano'n kadali?

Akala ko mahihirapan pa akong pigilan siya pero sa isang sabi ko lang prente niyang ibinaba ang baril.

Ano 'yon? Pati sa ganito ako ang sinusunod niya?

"Say thank you to my best friend," isenenyas ako ni Taxon sa mayor.

Petchay! Parang ewan! Para lang siyang nakikipaglaro rito!

Gusto kong himatayin dahil nababaliw na ako sa inaasal ni Taxon. Ang angas niya tapos isang sabi kong 'wag 'okay' woah! Grabe hindi talaga siya nawawalan ng sorpresa tungkol sa ugali niya.

"Ayaw mo mag-thank you?" Itinutok muli ni Taxon ang baril. Aligaga namang tiningnan ako ng mayor.

"T-thank you," nanginginig niyang sabi.

"Very good," nagawa pang pasiglahin ni Taxon ang boses na parang isang teacher na pinupuri ang estudyante.

Nasapo ko ang noo ko.

Ano pa, ano pa ang hindi ko alam tungkol saiyo? Petchay!

Nang lingunin ko si Elle at Jave ay para silang baliw na pinagtatawanan ang mga kalaban. Parang magka-showdown sa sayaw, nagagawa pa nilang kumembot-kembot habang may sinusuntok at sinisipa.

Woah! Abnormal? Petchay kayo!

Mga dancer sila alam ko 'yon pero akalain mo ba namang sa ganitong sitwasyon ay sasayawan pa nila ang kalaban? Ohh! Parang sumasakit ang ulo ko.

"Come on faster, baby," kume-kembot na sabi ni Jave at saka sumipa.

Tawa naman nang tawa si Elle, sumipa siya at pagbagsak ay ikenembot ang baiwang at umikot hawak ang baiwang ni Jave.

"Oh, men," hindi na napigilan ni Taxon ang tumawa kaya naman napahagalpak na rin ako ng tawa.

"Look at them, they're crazy," maluha-luha na ang mata namin ni Taxon kakatawa roon sa dalawa.

Hanggang sa tumigil na sila at magkasabay na umakbay sa isa't isa na akala mo walang nangyari. Prenteng naglakad at nagkilitian pa.

Petchay! Parang hindi galing sa labanan, ah.

"See, how naughty they are," nakangiting sabi ni Taxon.

Nilingon ko siya at agad na nag-alala nang makitang may galos siya sa pisngi at sugat ang labi niya. Lumapit ako agad dinampian iyon ng hintuturo.

"Masakit?"

"Hindi," hinawakan niya ang kamay ko. "Pahawak, ah. Tara na."

Tiningnan ko na lang ang kamay naming magkahawak. Kung iwan ni Taxon ang mga binugbog nila ay parang walang nangyari. Nagtaka tuloy ako sa katauhan nila. Kahit JavElle supporter ako hindi ko alam na gano'n pala sila. Marunong lumaban, ang astig nila pero mas astig ang lalaking nakahawak sa kamay ko ngayon. Puno ng tanong ang isip ko pero 'di ko maisatinig.

"Are you okay?" Inilagay niya ang buhok na humaharang sa mukha ko sa tainga ko.

"Okay lang ako. Ikaw nga ang may sugat diyan," nag-aalala kong sabi.

"Edi gamutin mo ako," ngumiti siya.

"Sige."

Nang marating namin ang mansyon ay gulat silang lahat sa hitsura ni Taxon kahit naman maliit na galos lang iyon ay mapapansin mo pa rin.

"Taxon Ken, anak are you okay?" Nag-aalalang lumapit si tita Laureyna.

"Yes, mom."

"Gamutin natin ang sug--"

"No, mom. Si Vinea Clee ang gusto kong gumamot sa akin," nakangiti niyang sabi.

Ngumiti si tita Laureyna sa akin. "Okay."

Nagkantyawan nanaman sila at nangunguna roon si Rev.

"Mga da-moves ni Taxon," pangaasar ni Rev.

"Hayaan mo na at least umuusad ang lovelife," sabi naman ni Kil.

Umiling-iling si Taxon pero nakangiti. "Tsk."

Nang mapasulyap ako kay Jave at Elle ay hindi talaga ako makapaniwala sa kanila. Nagagawa pa nilang maglambingan ngayon matapos makipag-away sa labas.

Umakyat kami ni Taxon sa kwarto sa taas. Ibinigay niya sa akin ang medical kit.

Trip ba ako nito? Sabi niya hindi naman masakit pero gustong gamutin ko?

Dinampi-dampian ko ng bulak na may gamot ang sugat niya sa pisngi. Wala man lang aray kaya napakunot ang noo ko. Ginamot ko rin ang daplis na sugat sa balikat niya. Akala ko malala 'yon buti hindi, maliit na sugat lang.

"Hindi naman masakit, 'di ba?"

"Hindi parang kagat lang ng langgam," nagawa niya pang ngumiti.

"Bakit? Sanay ka ba masugatan? Saan ka natuto makipaglaban?"

"Don't ask, it's a family's thing," nag-iwas siya ng tingin.

Bigla ay na-curious ako kung ano ba talaga ang mayroon sa pamilya niya. Parang may malaking sikretong nakatago hindi ko alam kung bakit 'yon ang naisip ko.

"Sige," sinulyapan ko ang sugat sa labi niya at dinampi-dampian 'yon ng bulak.

Naaakit ako sa labi niya pero inaayos ko ang sarili ko. Mali 'yon. Bumabalik sa alaala ko 'yong nangyari sa ilalim ng tubig. Ang pula ng labi niya at maganda ang kurba noon. Kahit ayaw kong tingnan ay hindi ko pa rin maalis ang tingin ko. Ramdam ko ang titig niya sa mukha ko, hindi ko pinapahalata na naiilang ako. Alam kong nakatingin siya sa labi ko.

Bakit niya ba tinitingnan? Naiilang talaga ako! Petchay ka, Kenny!

"I want to kiss you."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ano raw?

'I want to kiss you.'

Nagpaulit-ulit 'yon sa tainga ko. Ang pogi nang pagkakabanggit niya noon.

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyon.

"Hoy!" Napatayo ako at lumayo sa kaniya. Sobrang layo tipong mararating ko na ang pintuan sa lawak ng kwartong ito.

"I know that's not right, okay? Actually, I don't like you," tumingin siya sa kung saan upang hindi magtama ang tingin namin.

Hindi niya ako gusto pero gusto niyang halikan ako? Ang gulo niya!

"Masyado kang bata, apat na taon ang agwat nating dalawa. Mas matanda pa ng isang taon si Shine saiyo. I just really can't avoid you," malungkot niyang sabi. "Best friend?" Ngumiti siya sa akin pero kita ko pa rin ang lungkot sa mata niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang mga sinasabi niya sa akin. Lumapit na ulit ako at umupo sa tabi niya.

"Best friend," kinuha ko ulit ang bulak at ginamot siya. "Masakit ito, eh. Sakit pa naman kapag may sugat sa labi," sinipat ko ang labi niya.

Parehas kami, gusto ko ring halikan siya pero hindi ako malandi para gawin 'yon. May boyfriend ako at alam kong mag-best friend lang kaming dalawa. Hindi ko na gugustuhin pang humigit pa roon ang samahan namin. Masaya na ako na magkaibigan kami.

"Blabby."

Napatingin ako sa mata niya.

"Bakit?"

"We're forever best friend, right?"

Sumakit ang dibdib ko nang marinig ko iyon sa kaniya. Gustong mangilid ng luha ko pero pinigilan ko. Nalilito ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya kung si Brekley naman ang mahal ko.

Kahit labag sa loob ko ay sinabi kong, "oo naman."

Napahinto ako sa ginagawa nang dampian niya ang labi ko ng thumb niya. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa.

"Bakit palagi mo 'yan ginagawa?" Kunot-noo kong tanong.

"Nothing. Halika na."

Lumabas na kami ng kwarto. Nakita namin sila sa sala na nagkukulitan pa rin. Maghapon na sila riyan grabe ang energy nila.

"Can we talk?" Mataray na sabi ni Diamond.

Mataray ba talaga siya o 'yon na ang normal na paraan niya ng pagsasalita?

Tumango ako at tumango rin si Taxon.

Dinala ako ni Diamond sa veranda ng mansyon.

"Do you like Taxon?"

Napayuko ako nang itanong niya iyon.

Umiling ako. "Oo, as a best friend."

'Yon naman talaga ang totoo ni hindi ko nga alam kung crush ko siya o ano.

"Do you want him to be your lover?"

Umiling-iling ulit ako. "Ayaw ko may boyfriend ako."

"What if you don't have? Is it possible?"

Natigilan ako at tumingin sa kaniya.

Kung wala nga ba? Gugustuhin ko ba siya maging boyfriend?

Hindi ko masagot, hindi ko alam.

Bumuntong hininga si Diamond. "Okay, kung hindi mo talaga siya magugustuhan okay lang. This family isn't the ordinary family. Mas mabuti na rin sigurong mag-best friend na lang kayo."

Ikinagulat ko ang sinabi niya pero hindi nagpahalata.

Bakit parang big deal naman yata ang maging girlfriend ni Taxon? Anong mayroon?

Ang dami kong tanong sa isip ko na hindi ko magawang isatinig. Sa daldal kong ito kapag tungkol kay Taxon hindi ko magawang magtanong lalo na tungkol sa pamilya niya.

"One thing I assure you," tumingin siya sa akin at seryosong tumitig sa mata ko.

"Taxon never joke whatever he said is all matters to him."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.