Nakauwi na kami ni Taxon sa Mansyon dahil maayos na ang lagay namin. Nagpaalam na si Elle na uuwi na dahil kinukulit na siya ng asawa. Umuwi na rin ang tatlong kapatid niya maging sila Mr. Baider kaya kami na lang ang naiwan, si Taxon, Diamond, Kil at ako.
Ipinakulong nila ang Mayor. Marami pa lang ginagawang anumalya ito. Maging sa paggamit ng ilegal na gamot at ilegal mining na sumisira sa kalikasan. Pinalitan siya ng vice mayor na mabuting tao kaya ligtas na ang kanilang bayan.
Nasa veranda lang ako tumambay at nakatanaw nanaman sa dagat. Pinakikiramdaman ko ang malamig na hangin. Tumabi si Taxon sa akin at inabutan ako ng juice na ininom ko agad.
"Aren't we going back to Makati?" Tanong niya.
"Ayaw ko pa. I'm not yet ready to face my world there," malungkot kong sabi.
Siguradong maraming magja-judge sa akin. Kamumuhian ako ng lahat ng kakilala namin ni Brekley. Iisipin nilang iniwan ko siya ng ganoon na lang. Ayaw ko pang bumalik sa totoong mundo na nandoon si Brekley.
"Are you afraid of your world there or afraid of facing Brekley again?" Tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya.
"Syempre isa na rin 'yon kahit naman naging ganito kami.. minahal ko siya," mahina ang pagkakasabi ko sa huling linya.
"Eh, ngayon. May Brekley pa rin ba sa puso mo?" Mahahalata ang kalungkutan niya.
Umiling ako. "Kung pagmamahal bilang espesyal na lalaki wala na pero ang pag-aalala ko sa kaniya ang nandito pa rin. Hindi rin madali ang buhay ni Brekley."
"I understand, but are you fully love me?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Oo," lumapit ako at yumakap sa baiwang niya. "Akin ka lang, 'di ba?"
Sumilay ang pinaka-guwapong ngiti na nakita ko. "I'm all yours."
"Ay! Petchay! Gumaganiyan si
Attorney." Pang-aasar ko sa kaniya.
Kinilig kasi ako nang todo.
Woah!
'I'm all yours.'
"I love you!" Masigla kong sabi sa kaniya at yumakap.
"I love you more, Blabby," emusyonal niyang sabi.
Nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako. Humawak ako sa batok niya at pinaggigilan nanaman siya.
"Oh! Fuck! My virgin eyes!"
Natigilan kaming dalawa ni Taxon at nilingon si Kil na ngayon ay nakatakip sa dalawa niyang mata. Sabay kaming tumawa ni Taxon.
"What was that, Kuya? Go to the room! Doon kayo 'wag dito sa veranda. People can see you outside.. look," tinuro niya ang mga tao.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may mga taong nakatingin sa amin. Nasa beach sila, malayo man ay kitang-kita kami.
Mabilis akong naglakad papasok ng mansyon.
Woah! Nakakahiya!
Sumunod sa akin si Taxon tumatawa siya sa reaksyon ko.
"Nahihiya ka pa," umakbay siya sa akin.
"Eh kasi.. ang daming tao. Grabe naman kasi bakit mo ba ako hinalikan doon? Ayan tuloy gumawa tayo ng kissing scene sa labas." Dire-diretso kong sabi na lalong nagpatawa sa kaniya.
"So what?"
"So what ka riyan!" kinurot ko ang pisngi niya.
"Fine, let's go to the room," bigla ay sabi niya kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Ayaw ko nga!" Naglakad ako nang mabilis at pumunta sa sofa.
"Takot ka talaga sa intimate romance," nakangising sabi niya.
"I'm not yet married, eh."
"So, Berkley did not took your mmm?" Nahihiya niyang tanong.
"Hindi, ayaw ko, eh."
"Really?" Pinagtaasan niya pa ako ng dalawang kilay, naninigurado. "Seven years of being together?"
"Oo nga! Patunayan ko pa saiyo, eh," bulong ko.
"Sure.. let's go!"
Nanlaki ang mata ko.
"Iniinis mo ba ako, huh? Best friend?" Pang-iinis ko rin sa kaniya.
"I'm not your best friend anymore. I'm your boyfriend and future husband," pagmamalaki niya.
"Who said I'll marry you?" Natakpan ko ang bibig dahil mali ang lumabas sa bibig ko. Tumalim ang tingin niya sa akin.
"Gano'n ba?" Malungkot niyang sabi.
"Joke lang! Syempre, pakakasalan kita!" Masigla kong sabi at niyakap pa ang sarili sa braso niya.
Nanahimik na si Taxon. Tumutok na lang siya sa TV.
"Taxon," paglalambing ko sa kaniya.
"Hmm?"
Humiga ako sa hita niya kaya tumunghay siya sa akin.
"Gusto ko ng mangga. Nakita ko 'yong puno sa likod ng mansyon ang daming mangga."
"Sige. Sabihin ko kay Mang Arne--"
"Gusto ko ikaw ang umakyat." Nginitian ko pa siya. Nanlaki ang mga mata niya.
"Hindi ako marunong."
"Okay," naglungkot-lungkutan ako.
"Sige na nga! Wooh! Vinea ang dami mong trip sa buhay," inis niyang sabi.
Tumayo na ako at pinipigilan ang bumungisngis. Ang totoo gusto ko lang siyang pagtripan pero naglalaway ako talaga sa mangga. Magkakameron yata ako nasisiguro ko 'yon. Ganito ako kapag dadatnan na.
Tumatalon-talon pa ako habang naglalakad papunta sa likod ng mansyon. Namangha ako kung gaano karaming bunga ang mangga.
"Woah! Petchay! Tingnan mo.. sabi ko saiyo, eh! Ang dami, 'di ba?" Tinuro ko pa ang mga iyon.
Namumutok sa bunga, kumpol-kumpol at halos malito ka na kung alin ang kukunin mo. Nakita kong kabahan si Taxon dahil sa taas ng aakyatin niya. Pigil ko nanaman ang tawa.
"Hindi ka pa buntis niyan, huh? Paano na lang kapag nagka-anak na tayo?" Masungit niyang sabi.
"Edi 'wag mag-asawa. Simple," pang-aasar ko sa kaniya.
"Yeah. Heto na aakyatin na!"
Nagsimula siyang umakyat. Nanginginig siyang tumapak sa sanga. Pinipigilan ko ang tawa habang pinapanood siya. Hindi siya marunong umakyat at grabe ang kapit niya.
"Go! Mr. Horrible!" Pagche-cheer ko sa kaniya.
Tumapak siya sa isang sanga pero hindi na alam kung papano pa uusad kaya naman tawang-tawa ako.
"Vinea Clee!" Inis niyang sabi.
Pataas na siya nang pataas pero ang takot niya na mahulog ay naroon.
"Ahhh!" Napasigaw siya nang may marupok na sanga siyang naapakan. Hindi maipinta ang hitsura ni Taxon habang nakalambitin sa sanga.
Hindi ko na napigilang humagalpak ng tawa.
Nakahinga siya nang maluwag nang makabalik siya sa malaking sanga. Pinagpapawisan na siya at nanginginig.
"Ikaw babae ka ikaw na lang lagi ang nasusunod! Samantalang hindi nga ako magawang utusan ng kapatid at mga pinsan ko!" Pagmamaktol niya sa taas ng puno kaya napahagalpak ako ng tawa.
Totoo 'yon. Maawtoridad siya sa kanila pero pagdating sa akin kung ano ang gusto ko ginagawa niya.
Dahan-dahan siyang kumukuha ng mangga at inilalagay iyon sa shirt niya na itinali lang. Mukha na siyang hamog ngayon dahil sa dungis niya. Akalain mong si Taxon Ken Baider ay mangangakyat ng puno para lang sa akin. Napangiti ako sa naisip, talagang mahal niya ako para gawin niya ang mga bagay na hindi niya naman talaga ginagawa.
"Is it enough?" Tanong niya na isenenyas ang mga nakuha.
"Yes! Halika na baba ka na. Kiss mo ako!" Ngumiti siya dahilan para makabitaw.
"Ahhh!" Sigaw nanaman niya dahil muntik na malaglag. "Fuck! Nababakla ako rito," tinawanan niya ang sarili.
Nang mapatingin siya sa baba ay nanlaki ang mata niya.
"Blabby, I don't know how to go down," natatakot niyang sabi.
"Kaya mo 'yan. Go, Taxon! Go, go, Taxon!" Chiner ko pa siya at tumawa nang malakas.
"Tsk."
Dahan-dahan siyang bumababa. Natigilan siya nang marinig ang malakas na tawa ni Kil at Diamond sa likod ko.
"Si Kuya umakyat ng puno," malakas na malakas ang tawa ni Kil.
"Look at her face," sabi naman ni Diamond na ngayon ay nakatakip na sa bibig sa pagpipigil ng malakas na tawa.
"Shut up!" Inis na sabi ni Taxon pero hindi niya napatigil ang pagtawa ng dalawa na sinabayan ko na rin.
Kabaliwan ko talaga at naisipan kong paakyatin siya sa sanga.
"May panungkit, Kuya! Inakyat mo pa?" Pang-aasar ni Kil na kinuha pa ang panungkit. "Heto, oh!"
Hindi na kami magkandaugaga kakatawa kay Taxon na ngayon ay hindi na alam paano siya bababa. Masama ang tingin niya sa amin at kapit na kapit sa sanga.
"Aray! Ouch! Ouch!" Sabi niya sa taas ng puno dahil kinakagat na ng langgam na pula.
"Kawawa naman! Mr. Horrible baba na!" Sigaw ko sa kaniya.
"How? Ugh! Ants are biting me!"
"Kaya nga baba na!" Sigaw ko ulit. "Try to go down. Alangan namang diyan ka na lang forever?"
"Fine!"
Dahan-dahan siyang bumaba at nang makababa ay niyakap ako. Ramdam ko ang tibok ng puso niya. Kabadong-kabado siya.
"Bad mo, Blabby," bulong niya na tinawanan ko lang.
Kinuha ko agad ang mga mangga at masayang pumasok sa loob. Binalatan ko agad iyon at malaking kinagat.
"How's the taste?"
"Yummy!" sabi ko at sinawsaw pa iyon sa asin. "Tikman mo," inilapit ko ang mangga at masigla niya namang kinagat. Nangasim ang mukha niya kaya tinawanan ko siya.
"Asim!" Nacutan ako kaya kinurot ko ang pisngi niya.
Nagbalat ako ng anim na mangga at hiniwa iyon sa maliliit. Nakita namin si Kil at Diamond na nasa sofa doon ko inilapag ang mangga.
"What's the taste?" Tanong ni Diamond.
"Tikman mo na lang," inabot ko ang plato sa kaniya. Nagustuhan niya kaya masaya kaming kumain. Kumuha rin si Kil pero ayaw niya.
Nanood lang kaming apat sa sofa. Ang palabas ay volleyball. Ayaw ko noon kaya nilipat ko sa spongebob. Wala silang nagawa kaya ngumiti na lang ako.
"Spongebob square pants.. spongebob square pants," kumanta-kanta pa ako. Nang lingunin ko sila ay nakatakip ang mga tainga.
"Petchay! Ang sama niyo! Ang cute kaya ng boses ko!" Nakanguso kong sabi.
"What's cute? Eww!" Mataray na sabi ni Diamond.
"Para kang si Arah. Ang sakit sa tainga ng boses kapag kumakanta," sabi ni Kil.
Napangisi ako sa kaniya. "Ayiee miss na niya si Arah."
Nag-iwas ng tingin si Kil.
"Miss na niya pero ang sabi niya hindi niya gusto." Umirap pa si Diamond.
"Bakit?" Nalungkot agad ako.
"Family's thing," sagot ni Kil kaya kumunot ang noo ko. Gano'n din ang sinasabi ni Taxon.
"Family's thing? Hindi naman mapili ang mga Baider. Mababait nga kayo, eh. Bakit lagi na lang gano'n ang sagot niyo?"
Hindi sila sumagot pare-parehong nag-iwas ng tingin. Meron talaga silang tinatago tungkol sa pamilya nila. Gusto kong malaman pero sikreto raw 'yon. Napasimangot ako at itinuon ang atensyon kay spongebob.
"Blabby, don't ask so many questions you will know that in the right time."
Nagpadausdos ako sa sofa at umupo sa carpet.
"Hey, malamig diyan," saway ni Taxon.
"Gusto ko rito." Wala na siyang nagawa.
Kumain lang ako ng mangga habang nanonood.
"You really like spongebob, huh?" Tanong ni Taxon.
"Oo." Nakangiti kong sabi at walang pasabing sinubuan siya ng mangga kaya nangasim nanaman siya pero nginuya pa rin.
"Paano mo nakakain 'yan? Ang asim-asim!"
"I'm craving to sour."
"Didn't you craving to me?"