Sumakit ang mata ko nang makita kung gaano kaliwanag. Nang igalaw ko ang kamay ko ay may nakahawak. Lilingunin ko na sana pero hindi ako makagalaw sa sobrang sakit ng buo kong katawan. Naiyak ako sa sakit ng pakiramdam ko lalo na ang leeg ko.
Nag-angat ng tingin si Taxon. Tumulo agad ang luha niya nang makita akong nakamulat.
"Blabby ko," marahan niya akong niyakap. "Gising ka na," tumulo ang mga luha niya sa mukha ko.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko kaya hindi ko siya magawang hawakan.
"Taxon.. okay ka na?" Tumango siya at hindi makapagsalita dahil sa paghikbi. Puno rin ng pasa ang mukha niya at maraming sugat.
Napalingon ako sa mga pumasok sa pinto. Si Elle, Kil, Diamond, ang buong pamilya nila at ang tatlong kapatid na lalaki ni Elle.
"Taxon! I told you not to move!" Inis na sabi ni Elle kay Taxon at pilit na kinukuha ito sa pagkakayakap sa akin.
"Ayaw ko! Gusto ko rito lang sa tabi ng girlfriend ko!" Para siyang bata na umiiyak sa akin.
"Let him, Shine," mahinahon na sabi ni Tita Laureyna. Lumapit pa siya sa amin.
"Vinea, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. Umiling ako dahil iyon ang totoo. Narinig ko ang matunog na buntong hininga nila.
"Iuusog kita, huh?" Paalam ni Tita Laureyna, tumango lang ako. Dahan-dahan niya akong inusog. Pagkausog ko pa lang ay mabilis na humiga si Taxon sa tabi ko at yumakap.
"Are you two hungry?" Tanong ni Diamond. "Of course, you are hungry. Duh!" pagtataray nito na sumagot sa sarili niyang tanong kaya pinakain niya kaming dalawa ni Taxon.
"Kuya," lumapit si Kil sa kapatid at inayos nito ang buhok. "Pagaling ka," paglalambing pa nito at saka tumingin sa akin. "Ikaw rin," tumango lang ako. Hirap na hirap akong kumilos man lang. Tiningnan ko si Taxon. Nakapikit na siya pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin.
"Mabuti pa ay iwan na muna natin sila," sabi ni Mr. Baider.
"Anak, if you need something tap your watch," Sabi ni Tito Jerex.
Bigla ay na-curious ako sa relo niya.
"Taxon.."
"Hmm?"
"Anong mayroon sa relo mo?" 'Ayon na nga naitanong ko na. Daldal ko talaga.
"It's an exclusive watch for my family. Mayroon kami nito lahat dahil kapag nangangailangan ng tulong ang bawat isa, isang pindot lang darating sila. It can track our location."
Naloka ako sa sinabi niya.
May gano'n?
"As you can hear, every member should be protected," dagdag pa niya.
"Gano'n ba kalupit ang pamilya niyo? Pati relo ay kailangan in case of emergency?"
"Yeah. Si Kil ang nakaisip ng ideyang ito which is really convenient for all of us. Kapag part ka na ng pamilya namin. Malalaman mo ang lahat."
Gustuhin ko mang tingnan ang mukha niya ay hindi ko magawa hindi ko maigalaw ang leeg ko parang matinding stiff neck ang inabot ko. May nakalagay rin dito na kung ano.
"Do you want to marry me?" Sa kabila ng katahimikan ay iyon ang tinanong ko kay Taxon.
"Of course."
"You need to prepare yourself."
"Bakit?"
"Like what I said, we're not an ordinary family. Blabby, I hate reapeting lines, 'di ba?"
"Eh.. kasi marami akong hindi maintindihan saiyo. Ang dami kong tanong na hindi masagot. Ang weird ng pamilya niyo tapos magugulat na lang ako action scenes na."
Natawa si Taxon sa sinabi ko. "Hindi mawawala 'yon sa pamilya ko dahil likas sa amin ang pagtulog dahilan para hunting-in kami ng kung sinu-sino at patayin."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi lang pala siya ang mahilig tumulong kung hindi lahat sila.
"Especially Shine. Buong buhay niya aksyon dahil kasali siya sa organization. Hand-to-help, layunin ang makatulong kahit pa ang nababangga na nila ay malalaking tao."
Hindi nanaman ako makapaniwala sa mga katauhan nila.
Hanggang kailan nila ako balak sorpresahin?
Sa ugali, tradisyon, kultura, at paraan nila ng pakikisalamuha, lahat ay nakakaantig ng kuryosidad ko.
"Pahinga ka na, Blabby ko. Magpagaling ka." Inabot niya ang pisngi ko upang haplusin. "I'm here at your side. I love you."
"I love you more, Mr. Horrible."
Nagpahinga na lang ulit ako. Nagising ako nang maramdamang may nakatunghay, si Mel Zaimon.
"How's your feeling?" Malungkot niyang tanong.
"Hindi pa okay. Masakit pa ang katawan ko."
Nasa tabi ko pa rin si Taxon, nakayakap at natutulog.
"Bakit ba kasi ang aksyon ng buhay ng mga Baider pati ikaw nadamay."
"Okay lang. Pinili ko ito," ngumiti ako sa kaniya.
Pinagbaltan niya ako ng orange at isinubo sa akin.
"You know what, Vinea, I like you."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ako nagsalita.
"I really don't care kung marinig ni Taxon. I just want you to know.. ikaw ang pangatlong babaeng nagustuhan ko pero katulad mo ay taken na rin sila," umiling-iling pa siya. "Laging ang malas ko."
"Okay lang 'yan. Ano ka ba?"
"Oo, alam ko kaya lang bakit naman gano'n palagi na lang?"
Kinuha niya ang earphone sa bulsa niya at sinaksak sa tainga ko ang isa habang nasa kaniya ang isa.
"Hanga ako kay Taxon hindi siya seloso kahit alam niya naman na nagustuhan kita hindi siya katulad ni Jave 'yong tipong sisingit pa sa gitna ni Princess at kung sinong katabi niya," kwento niya.
"Sino si Princess?"
"Si Elle, nag-iisang prinsesa kasi namin siya. Namatay na ang panganay na ate namin."
"Huh? Sino?" Nagtataka nanaman ako ang dami kong gustong malaman tungkol kay Elle.
"Si Mel Zecka. Alam mo naman sigurong ampon lang siya pero kapatid talaga ang turingan namin sa isa't isa."
Tumango ako. Sinubuan niya ulit ako ng orange. Nakangiti niya akong pinanood.
"Aruy! Nainlove na talaga si z3. Tsk, tsk, tsk, kawawa!" Napalingon kami kay Mel Zeke na ngayon ay nasa pintuan. "Kapag nagising si Taxon susuntukin ka niyan," biro nito.
"Nope, parang hindi mo kilala si Taxon. Ang lakas ng confident niyan hindi man lang marunong magselos," sabi ni Mel Zaimon.
Pumasok naman si Mel Zen at tiningnan ang lagay namin. Nagtaka ako dahil parang alam na alam niya kaya ngumiti siya sa akin. Nahulaan ang pagkakakunot ng noo ko.
"I'm a doctor," sabi niya. "Kumusta ka na?" Malambing na tanong niya. "Malamang hindi pa pero gagaling din 'yan," dagdag pa niya.
Napangiti rin ako sa ganda ng ngiti niya.
"Don't tell me may crush ka rin sa kaniya kaya ganyan ang ngiti mo, Kuya?" Pagbibiro nanaman ni Mel Zeke. Masama siyang tiningnan ni Mel Zen.
Kapag nakikita ko si Mel Zen parang may kung ano sa kaniya at sumasaya talaga ako. Hindi ito pagmamahal bilang isang lalaki parang pagmamahal siya bilang kapatid.
"Rest well," sabi ni Mel Zen. Hinawakan pa ang noo ko at hinaplos.
Kuya.
Tumulo ang luha ko. Bakit kuya? Wala sa sariling pumasok iyon sa isip ko.
"Wag kang umiyak gagaling din ang mga sugat mo," pinalis ni Mel Zen ang luha ko.
"Sabi na, eh. May gusto rin si z1!" Kinumpas pa ni Mel Zeke ang kamay at nakangising tiningnan si Mel Zen.
"Wag mo ngang bigyan ng malisya, z2!" Pagsusungit niya rito.
"Pero Kuya ang sungit mo kaya? Bakit sa kaniya ang bait mo?" Kunot-noong tanong ni Mel Zaimon.
"Hindi ko rin alam," tumingin sa akin si Mel Zen. "Magaan ang loob ko kay Vinea."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Parehas kami.
Gusto kong alamin kung may koneksyon ba kaming dalawa?
"As if it's true Kuya, baka naman talagang gusto mo siya hindi mo lang alam?" Pamimilit ni Mel Zeke.
"Stop that! Mamaya magising pa si Taxon sabihin niya totoo ang sinasabi mo!" Asik ni Mel Zen.
"Ang alin ang totoo?" Napalingon kaming apat kay Taxon. Kunot-noo niya kaming tiningnan.
"Nothing, rest," sabi ni Mel Zen.
Hindi kami iniwan ng tatlong Suarez na ito. Lalo na ni Mel Zen at Zaimon. Tinatanong kami palagi kung ano ang kailangan namin.
Pumasok si Mr. Baider at tiningnan kaming dalawa ni Taxon. Kung titingnan mo si Mr. Baider ay talagang guwapo siya kahit pa matanda na ito. Siguro noong kabataan niya ay tinitilian siya ng maraming babae. Matangkad din siya at pormal kung kumilos parang si Taxon.
"How's your feeling?" Tanong niya sa akin.
"Medyo okay na po kahit papano."
"Mabuti kung gano'n." Sinipat-sipat niya ang hitsura ko at ni Taxon. May alam din siya tungkol sa panggagamot halata sa kaniya.
"I'm a doctor, but I resigned because of Laureyna. She wants me to rest. Ayaw na niyang napapagod ako dahil marami na rin akong sakit," Kwento niya.
"Talaga po? Ang galing naman! Si Elle teacher, ikaw doctor, si Taxon lawyer, si Diamond fashion designer, si Kil Chemist?" Napangiti ako nang malapad. "Iba't ibang propesyon!" Namamangha kong sabi.
"Yeah, Anmela Eris should be happy," malapad siyang ngumiti.
"Sino po si Anmela Eris?" Hindi ko nanaman mapigilan ang pagtatanong sa kaniya.
Lumapad lalo ang pagkakangiti niya iyong tipong hindi na makita ang mga mata. "Lola ni Taxon, my bebe girl."
"Bebe girl! Ang sweet!" Kinikilig na sabi ko.
"Blabby!" Naiinis na sabi ni Taxon. Natutulog nanaman kasi siya.
"Sorry naman."
"I'll go home. Take a rest, hija, apo." Sabi ni Mr. Baider at nagpaalam na.
Lumabas na nga si Mr. Baider pero nandito pa rin si Mel Zen. Umalis na rin 'yong dalawa.
Nakaupo lang siya sa sofa at nagbabasa ng medical book.
"Mel Zen." Tawag ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin.
"Yes?"
"Wala lang. Masaya lang akong nakilala kita katulad mo magaan ang loob ko," emusyonal kong sabi.
"Me too. You're like a little sister to me."
"Talaga? Ikaw Kuya."
Ngumiti kami sa isa't isa. May masayang dulot iyon sa akin.
Nilapit ni Taxon ang bibig sa tainga ko.
"Now.. I'm jealous," bulong niya kaya tinawanan ko siya.
"He's like a brother to me," bulong ko rin baka marinig ni Mel Zen.
"Okay." Mahigpit na yumakap at pumikit na lang siya ulit.
"I'm going outside. Just call me if you need something."
Bago pa siya tuluyang makalabas ay tinawag ko siya.
"Kuya," iyon ang lumabas sa bibig ko kaya natigilan siya. Nilingon niya ulit ako at ngumiti.
"Can I call you, Kuya?" Gumaralgal na ang tinig ko sa hindi ko malamang dahilan.
Gusto kong pangiliran ng luha sa sinabi ko. May kung ano sa akin na nagsasabing malapit siyang tao sa akin.
"Sure.. my little sister."