Habang dumadaan ang mga araw, mas nagiging malapit sina Ashy at Paul, idagdag pa riyan ang mga paandar ni Jem. Habang tumatagal ay nakikilala na nila ang isat-isa. Napatunayan niya na hmmabuti talagang tao si Pau. Ano pa nga ba ang hahanapin ng isang babae sa katulad niya. Aminin man niya o hindi may konting paghanga na nabuo para kay Paul, natiral hindi naman niya iyon sasabihin.
Minsan hindi na sila nagkijita ni Jem sa opisina dahil pareho na silang abala sa mga trabaho nila.
"Ohb Jem, andito ka pa pala? Akala ko ankauwi ka na? Bakit andito ka nasaan ang sasakyan mo?" Tanong nito sa kanya na halatang kanina pa naghihintay ng masasakyan.
"Pinaospital ko sissy, nanghina na. Ehh ikaw mukhang natagalan ka yatang lumabas ngaun.?" Balik tanong nito sa kanya.
"Oo may emergency meeting kasi sa taas kanina. Hindi naman ako puwedeng luambas na lang kaya hinintay ko ng matapos." Aagot naman nito.
"May lakad ka pa ba? Labas naman tayo tutal maaga pa naman ohh. Take out na kang tayo para kay mama mo. Minsan na lang tayong magkasama ehh.. sa taas ka na kasi lagi nagla-lunch." Sabay irap ito sa kanya.
Oumuwesto ito sa harap niya saka nilagay ang dalawang kamay sa beywang niya.
"Una, hi di ko iyon kasalanan dahil kasalanan mo iyon. Ioinagtulakan mo ako. Pangalawa, lagi kaykng subsob sa trabaho. Kaya, magtiis ka," sagot nito saka sila nagtawanan.
"Sige na saan mo gusyong pumunta?" Tanong niya ulit dito.
"Kahit saan. Kelan ba naman ako namili ng puountahan, basta sagoy mo okay ako," tumawa lang ito sa pang-aasar sa kaibigan.
Habang naghihibtay sila ng masasakyan ayay oumaradang magarang sasakyan sa harap nila. Nabg buksan ang bintana nito ay nakita nila si Paul na nakangiti pa ito sa kanila.
"Kanina pa ba kayo? Baka matagal pa ang taxi, hatid ko na kayo." Alok nito sa kanila.
Natural oo agad si Jem, pero oinigil siya ni Ashy.
"Si huwag na, maghihibtay na lang kami dito maaga pa naman po." Sagot nito na nakangiti parin.
"Ano ka ba,baka matagal pa talaga ang sasakyan. Tara na, gagabihin tayo nito. Ikaw din walang kasama mama mo sa bahay niyo." May pubto nga naman ito.
"Sige na sakay na kayo. Ihahatid ko na kayo. Mahirap na babae pa naman kayo." Bumaba ito ng sasakyan upang buksan ang pintuan ng sasakyan niya.
Nagtutulakan pa ang magkaibigan na pumasok sa sasakyan. Panay ang irap ni Ashy sa kaibigan.
"Sir salamat ha? Pasensiya na po talaga, nasira din po kasi ang sasakyan ko ehh kaya kinailangan naming maghintay." Dahilan naman ni Jem na totoo nga naman walang halong sulsol.
"Ano ba kayo, Paul na lang wala na tayo sa opisina. Npaka-formal na masyado kung tatawagin niyo pa akong sir dito sa loob ng sasakyan. Saan nga pala kayo bababa?" Maya-maya ay tanong nito sa kanila.
"Jan na lang po saay caffee sir,matagal na din po Ashy kaming hindi nagkasama ni Ashy kaya get together po muna kami. Baka gisto niyo pong sumam?" Tanong nito na ikinagulat pa lalo ni Ashy.
Kahit kelan talaga ay pahamak ang kaibigan niya. Yayain ba naman ang boss nila sa isang caffee na mumurahin.
Tinadyakan niya ang paa nito na dahilan upang tumingin ito sa kanya. Saka niya pinandilatan ng mata.
"Really? Gusto niyo akong kasama?" Tanong niya dito sabay tingin sa salamin.
"Oo naman po. Para malibang na din tong kaibigan ko. Alam mo kasi sir matagal na din aksi itong broken." Sambit niya na binalewala ang mga pagbabanta sa mukha ni Ashy.
Nangiti na lamang si Paul sa mga sinasabi ni Jem. Hindi niya alam kung maasar ba siya sa kaibigan o matatawa na lang din ito.
Si Paul na lang din ang angdesisyon kung saan sila kakain. Siya na din ang magbabayad na sobrang ikinatuwa naman ni Jem.
Habang papasok sila sa elegante at mamahaking restawrant,sinadya ni Ashy na bagalan ang lakad nila upang bahagyang makalayo sa kanila ni Paul.
"Ikaw ha, sumosobra ka na. Kung anu-anong piangsasabi sa kanya baka mamaya maniwala yan na broken talaga ako. Mamaya kung ano pa ang isipin sa akin." Buntung-hininga nito.
"Alam mo kailangan mo din naman kasi talagang mag-unwind, paminsan-minsan. Hidi puwede yung lagi ka na lang nagmumukmok sissy." Dahilan nito na halos hilain na niya upang makaupo na sila.
"Itilom mo yang bibig mo ha? Kundi pakakainin kita ng buong siling labuyo," banta nito sabay tiro sa naka-display na sili sa mesa na nadaanan nila.
"Oo na, bilisan mo na baka magbago pa ang isip ni Paul. Hmm ang sarap bigkasin ang pangalan ang lambing pakinggan." Kilig na turan nito sa kanya.
Inignore na lang niya ang kaibigan dahil talagang hindi ito magpapatalo sa kanya.
Nang makaupo na sila ay kinuha na ng waitress ang mga order nila. Habang naghihintay sila ay nagkakwentuhan sila ng mga bagay-bagay na ayaw sanang isali ni Ashy ang sarili pero wala siyang choice dahil magkakasama nga sila.
"So Jem,bakit mo nasabing broken itong si Ashy?" Tanong ni Paul sa kanila.
"Sir, wag kang magpapaniwala diyan kay Jem,ako lang talaga ginagawang sangkalan niyan." Palusot nito. Ininahan na niyang magsalita nag kaibigan dahil baka kung ano nanaman ang sabihin niyo sa kanya.
"Bakit nga ba?" Tanong niya ulit dito na natatawa na lang habang nakatingin kay Jem.
Natahimik na lang siya. Ni hindi niya napansin na nagtitinginan na pala ang dalawa dahil sa pananahimik niya.
"Ohh see? Iniisip ko nanaman si Storm noh?" Tanong nito sa kanya sabay pitik ng daliri niya sa harap nito na ikinagulat niya.
"So Storm is the name?" Paul asked.
"Yun po yung ex-boyfriend niya sir. Na hanggang ngaun ay hindi niya mapatawad." Sagot ni Jem.
"Pssst. Tumigil ka na nga. Nakakahiya kay sir, Paul pala." Bawi nito.
"So sino si Storm? Mukhang mapanakit ahh? Pangalan pa lang bagyo na." Pabirong turan nito sakanya.
"Storm Robles, that's tha whole name. Pero hayaan na natin yun. Tapos na yun isa pa okay na ako. Kumain na lang tayo." Paglilihis niya sa usapan nila na talagang ayaw niyang pagusapan.
"Wow, he did it as well to portray his name." Pagbibiro ni Paul.
"Sabi mo pa.. binagyo talaga tong kaibigan ko. Kaya eto hanggang ngaun lutang parin. Sana nga makahanap na siya ng magiging boyfriend." Dagdag naman ni Jem na ngumingiti..
"Tigil na kayo. Mabuti pang kumain na lang para matapos na at ng makauwi na tayo. Walang kasama si mama sa bahay." Sabad niya sa dalawa habang lihim na nakatitig kay Paul.
Narealize niya na habang tumatagal nagihing guwapo ito. Siguro ay dahil na rin sa hilig niyong mag-ayos sa sarili niya. Malinis talaga itong tingnan, hindi magdadalawang isip ang kahit na sino na halikan siya anong oras.
"Better be. Don't worry door to door ko kayong ihahatid para siguradong safe kayo." Sumubo ito ng pagkain at waring hindi na ito tatanggap pa ng kahit anong pagtanggi.
"Thank you sir Paul....ay Paul pala. You're such a gentleman. Mga katangiang....." may sasabihin pa sana ito ng maramdaman niyang tinadyakan siya ni Ashy saka nginitian ng makahulugang ngiti.
"..hinahanap ngmga babae sa isang lalake," pagtutuloy niya.
Natawa na lang si Paul sa sinabi nito.
Matapos nilang kumain ay inihatid na nga niya ang mga ito. Nauna nilang hinatid si Jem, napakindat pa nga ito kay Ashy nung paalis na sila upang si Ashy naman ang ihatid nito sa bahay niya.
Habang nasa daan sila..
"Palabiro talaga iyong si Jem noh?asaya siguro layo kapag kayo ang magkasama. Magaan ang feelings when we are with her. She neve fail to say words na talagang mtatawa ka." Ngiti nito sa kanya habang nakatuln nag mgta mata sa daan.
"Tahimik na tao yun sa totoo lang, sigiro nasana na lang din siya. Siya kasi lagi ang kasama ko mula pa nung nag-aaral kami. She comgorts me, she's honest. Kapag alam niyang mali ka sasabihin niya, pero kapag alam niyang tama ka ipaglalaban ka niya. Ganun siya. Kaya minsan nag-aaway kami," natwa siya bigla sa sinabi niya.
Napatitig si Paul sa kanya na parang may gustong sabihin o itanong man lang.
"Ash, okay lang ba kung magtanong ako?" Tumingin ito sa kanya upang malaman kung ano ang magihing reaksiyon niya.
"Oo naman,ano ba iyon?" Tanong nito.
"About Storm Robles. I mean, bakit kayo naghiwalay?" Buong tapang na tanong nito sa kanya.
"Ahh iyon ba? Problema sa pamilya? Siguro mas mahalaga lang talaga sa amin ang pamilya. Hi di namin nagawa yung mga bagay na ipinangako na min sa isa't-isa. Dumating sa point na kailangan naming mamili. Siguro dahil na din 'yon sa nagsimula kamisa maling relasyon. May girlfriemd siya nuon, nainlove ako sa kanya, naging kami. Hanggang sa malaman ng babae ng asawa niya ngaun." Kagat labi niyang itinuon ang atensiyon sa daan.
"I'm sorry about that, siko alam na ganun pala ang pinagdaanan niyo. Di sana...." lumunok ito at halatang gustong bawiin ang sinabi.
"Sana ano?" Takang tanong ni Ashy sa kanya.
"Sana hindi na lang ako nagtanong. How insensitive. " umiling ito na halatang may pagsisisi sa mga nauna niyang sinabi.
"Okay lang 'yon, isa pa matagal na din nung mangyari 'yon. S aloob ng taltlong taon nasanay na rin ako.at alam ko na masaya na siya sa buhay na pinili niya. Kasi hindi na siya bumalik. Siguro dahil talagang hindi kami para sa isa't -isa..
Tumahimik na lamang ito hanggang s a
makarating na sila sa bahay nila. Agad din utong umalis matapos mag-paalam sa mama niya.