Pagkatalikod ni Paul ay hinanda na niya ang binili niyang pagkain para sa mama niya. Panay ang tingin nito sa kanya na mukhang may gumatakbo nanamang kakaiba sa isip niya. Nahawa na yata ito sa kaibigan niyang si Jem.
"Ma ha? Kanina ka pa diyan. Mabuti pa umupo ka na at nang makakain kana." Pansin niyo sa mama niya na nakatayo lang sa kikod ng upuan.
"Bakit masama na ba ang tumingin sayo anak? Si paul na lang ba ang may karapatang tumingin sayo?" Panunukso nito tsaka umupo sa upuan upang kumuha ng pagkain.
"Hay nako ma! Sa susunod huwag na kayong kakain sa mga dinadala ni Jem dito ha?nahahawa kayo sa mapaglaro niyang utak." Naiiling na sagot ni Ashy. Umupo iyo sa harap ng mama niya upang sabayan parin itong kumain.
Tahimik silang kumain. Nangatapos na sila ay nagpunta sa sala si Ashy dala-dala ang dalawang kape. Nakagawian na nila ito ng mama niya.
"Ma,kape." Iniabot niya ito sa kanya.
"Salamat,"
"Ano po iniisip niyo? Namimis niyo ba si papa?" Tanong nito saka sumandal sa balikat ng ina.
"Oo, kasama sana natin siya ngaun." Bulong nito na maluha-luha.
Niyakap siya ni Ashy. "Ma, masaya na si papa. Ang mahalaga alagaan niyo ang sarili niyo para mas maging masaya pa siya. Isa pa ma,andito naman ako para alagaan kayo." Ngumiti ito sa kanya.
"Ayoko naman na sa akin na lang nakatuon ang atemsiyon mo. May sarili kang buhay at kailangan mo iyong harapin. Magmahal ka ulit anak. Alam ko na may darating para sayo. Ohh baka nga dumating na hindi mo lang napapansin dahil nasa akin ang atensiyon mo." Malungkot na sagot ng ina nito.
"Ma, hindi naman dahilan na kaya ako hindi nagkaka-boyfriend ay dahil sayo. Grabe ka ha? Parang gusto mo na akong umalis dito. Tsaka hindi kita iiwan dahil wala ng ibang mag-aalaga sayo. Kung hindi lang nawala ang kapatid ko, di sana magkakasama tayo. Isa pa ma,bata pa ako at darating yung time na magkakaron din ako niyan. Sa ngaun, tayo na muna." Ngumiti ito tsaka sa kanya.
"Kalimutan mo na rin ang kapatid mo. Masaya na silang magkasama ng papa mo."malungkot na yumakap ang ina nito sa kanya.
2 years ago, nahuki anv kapatid niya na nag ebenta ng bawal na gamot. Kaya pala ito hindi humuhingi ng pera sa kanila dahil may raket ito na ikinapahamak niya. Nanalaban siya kaya napilitan ang mga pulis na barilin siya.
Naiwan silang mag-ina,wala na silang magawa dahil ginusto naman ng kapatid niya kung anong nangyari sa kanya.
"Mabuti pa ma,matulog na tayo. Gabi na rin, tsaka may pasok pa ako bukas." Tinulungan nito ang ina na tumayo mula sa upuan.
Nagpunta na sila sa kani-kaniya nilang kuwarto upang mkapagpahinga. Npag-isip isip ni Ashy tama nga naman ang ina nito. She must not live her life from the past. Dapat isipin din niya ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.
Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. Kagaya ng dati kakain bago papasok sa trabaho. Paalis na sana siya ng bahay nang biglang may kumatok s apintuan nila. Binuksan niya ito at tumambad sa harap niya si Paul na may dalang bulaklak. Nakangiti ito sa kanya na para bang plinano niya talagang puntahan ito.
"Goodmorning, goodmorning po." Bati niya sa dalawa.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka nagpunta?" Takang tanong ni Ashy na halatang gulat sa pagdating ng boss niya.
"Well, andito ako para sunduin ka. Para hindi ka na magcommute. And I will do it everyday." Magiliw na sagot nito.
"Ano ka ba? Tsaka para sana tong mga bulaklak. Hindi ko naman birthday." Tanong niya, pero sa kaloob-looban niya ay mujhang alam na niya kung saan mapupunta ang pasundo-sundo at pabula-bulaklak na ginagawa nito. Aminin man niya sa harap nito o hindi ay kinikilig siya. Matagal na panahon na din mula nung huli niyang maramdaman ang salitang 'kilig' muntik na nga niyang makalimutan.
"Then let's make it everyday as your birthday. So shall we go?" Tanong nito.
"Sige,"
Nagpaalam na sila sa mama niya saka sila lumabas ng bahay. Gentleman naman talaga ito. Mula sa pagsakay sa kotse hanggang sa paglalagay nito ng seatbelt niya.
Amoy na amoy ni Ashy angabangong pabango nito. Kung puwede nga lang na halikan na niya ito ay ginawa na niya. Ayun nga at umubra na ang kapilyahan niya pagdating sa lalake.
"Are you okay?" Tanong niya bago i-start ang makina ng kotse nito.
"Oo naman," sagot niya. Napapikit na lang siya ng makitang nakatingin na ito sa daan.
Hindi malaman ni Ashy kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Nuon lang din niya napansin na dala-dala pala niya ang bulaklak na bigay nito sa kanya. Wala na siyang choice kundi dalhin na ito hanggang sa opisina. Kailangan na lang niyang ihanda ang sarili sa mga di maawat na pagtatanong sa kanya ni Jem.
Tahimik lang sila habang nasa sasakyan. Pinakkikiramdaman ang bawat isa. Ayaw niyang isipin, ngunit bakit parang ang gaan ng pakiramdam niya kay Paul. Kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay kasama niya si Storm. Minsan naiisip niya na baka ngbago ito ng mukha.
Najkarating sila ng oposina na ganun ang nasa isip niya. Hindi din niya namalayan na nabuksan na ni Paul ang pintuan ng kotse at hinihintay na lang siyang bumaba.
Habang papasok sila ng opisina ay hindi niya maiwasang mahiya. Hidni dahil sa kasama niya ang boss nila kundi dahil sa bungkos ng bulaklak na hawak niya.
Ano na lang kaya ang iniisip ng mga empleyado dito sabi niya.
Ipinagdarasal niya na sana ay hindi siya makita ni Jem. Pero malayo pa lang ay nakita na siya ng kaibigan. Sa ngiti pa lang nito ay alam na niyang pauulanan siya nito ng tanong.
Pagdating sa CEO's floor ay napatigil si Paul.
"Ash, can I ask you out for dinner tonight?"tanong nito na nagsusumamo ang mga mata.
"Sir?" Tanong ni Ashy.
"Let's have dinner tonight, after office." Ulit nito.
"Okay po sir." Sagot na lang niya for formality dahil nga nasa loob sila ng opisina.
Habang abala siya sa mga dapat pirmahan ni Paul...
"Ashy, I have a lunch meeting I'm going now. Ikaw na ang bahala dito, I'll see you at dinner." Paalala nito saka lumabas na ng opisina.
Napabuntong-hininga na lamang si Ashy habang nakatingin sa boss na papaalis na.
Maya-maya pa ay tumatawag na sa kanya si Jem.
Sinagot niya ito at sinabi sa kaibigan na magkita na lang sila during lunchbreak.
At hindi na nga nakapaghintay ang kaibigan at sinundo na siya nito.
"Halika na excited na akong makasama ka sa lunch." Pilyong ngiti ang ibinigay nito.
"Excited ka lang mang-intriga. Sinundo mo pa nga ako. Hayy nako kilala na kita sissy." Umiling na lang ito habang inaayos ang sarili upang makaalis na sila.
Habang kumakain sila ay sinadya niyang hindi magsalita.
"Psst... Ash, lumelevel-up na ba si sir sayo?" Kilig na tanong nito.
"Anong lumelevel-up?" Kunwari ay tanong nito sa kanya.
"Sus, kunwari ka pa. May pa-flowers at pasundo-sundo na nganga nalalaman ehh." Tumingin siya rito at tinigil ang pagnguya sa pagkain nito.
"Ewan ko, ininvite nga din niya akongagdinner mamaya. Baka bored lang kaya nag-aya ng kasama. Baka gusyo mong sumama, the more the merrier." Uminom ito ng tubig saka sumubo ulit.
"Sira ka talaga,ayan na nga ang moment na mkapag-solo kayo tapos magyayaya ka pa ng kasama. Eto na yung sinasabi ko sayo. Ash, pagbigyan mo na ang puso mo. Its about time para magibg masaya ka na rin." Hinawakan ng kaibigan ang kamay niya upang iparamdam sa kanya na suportado niya ito.
"Masyado kang advance mag-isip. Magdidinner lang po kami at hindi siya nanliligaw sa akin.
"Sissy, yang mga ganyang kalakaran alam na natin. Diyan yan nagsisimula. Bakit ka naman pag-aaksayahan ng panahon ng isang biyonaryong guwapo na masarap pa,...magmahal, kung hindi siya interesado sayo. Ang layo niya kay Storm, si Storm medyo may pagkatarantado siya napaka-gentleman." Kinaway-kaway pa ni Jem ang mga kamay nito upang ipaliwanag sa kanya ang katotohanan.
"I'll cross the bridge when I get there, sa ngayon ayokong mag-assume or ano pa man. We are friends yes, and na-appreciate ko yun." Sagot nito na walang planong kagatin ang pang-aasar ng kaibigan.
Hanggang sa matapos na silang kumain at kailangan na nilang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.
Natapos nanan ang araw at hindi pa bumabalik si Paul mula sa lunch meeting nito. Nagtatanong tuloy siya sa isip niya kung matutuloy pa ba sila sa dinner nila o hindi na.
Inayos na lang niya ang mga gamit niya upang makauwi na siya. Mukhang hindi na sila matutuloy dahil alas-sais na ng hapon at wala pa itong tawag kung matutuloy pa ba sila.
Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng lungkot. Lungkot na hindi sila matutuloy at lungkot na hindi niya ito makikita bago man lang siya umuwi. Siguro nga ay may nararamdaman na rin ito para sa kanya hindi lang niya ito maamin dahil sa takot na nararamdan niya.
Palabas na siya ng opisina ng makita niya itong nkasandal saay sasakyan niya na halatang kanina pa ito naghihintay. Hindi niya inaasahan na dun pala siya hihintayin nito. Bigla siyang nakaramdam ng hiya rito. Hiya na may halong kilig.
"Ready?" Ngiting tanong nito. Binuksan niya ang sasakyan niya at kinuha ang bungkos ng bulaklak sa upuan at iniabot sa kanya.
"Thank you," nakangiting tinanggap niya ito.