Lumipas ang isang linggo na hindi sila nagkikibuan sa opisina. Namimis na din ni Ashy su Paul. Tumatawahmg naman ito ngunit bihira lang dahil marami daw itong ginagawa. Naiintindihan naman nito ang nature ng trabaho niya at dapat niya itong intindihin dahil magiging asawa siya nito. Dapat sanayin na niya ang sarili sa mga panahong wala ito sa tabi niya.
Habang nakaupo ay bahagya siyang napasulyap sa kinaroroonan ni Storm. Seryoso ito sa ginagawa niya at mukhang walang planong guluhin siya. Isang linggo na mula nung huli silang magkausap. Mula nuon ay hindi na iyo gumawa ng kahit na ano na ika-iirita niya.
Maya-maya pa ay may dumating na babae.
"Goodmorning can I come in? I mean puwede ko bang puntahan ang boss mo?" Tanong nito haabng taas ang mga kilay at tinitigan siyaula ulo hanggang paa.
"May appointment po kayo ma'am?" Tanong niya na nakatingin lang din sa kanya.
"Do I need it? Well I don't think I need an appointment. I'm Mayi. He's expecting me." Mataray na sagot nito.
Kung pwede lang niya itong bulyawan ay ginawa na niya. Wala siyang choice kundi puntahan si Storm upang sabihin na may bisita siya.
"Sir, may naghahanap po sa inyo. Mayi daw ang pangalan." Tumingin ito sa kanya.
Saglit na tumingin ito sa kanya at tiningnan ang relo sa mga kamay na mukhang may hinihibtay nga siya.
"Let her in," matipid na sagot nito tsaka itinabi ang mga gagawi niya.
Lumabas na ito mula sa opisina niya.
"Pasok na kayo ma'am," tipid aiyang ngumiti sa babae.
"I told you." Mayabang na ngumiti iyo sa kanya.
Binalewala na lang niya ito saka umupo sa upuan niya. Ayaw man niyang tumingin sa kinaroroonan niya ay nahagip parin sila ng kanyang mga mata. Nakita niya kung paanong maglampungan ang mga ito sa loob ng opisina.
Nakaramdam siya ng biglaabg pagkainis kay Storm,may usap-usap pa siyang nalalaman pero ayun at may nilalandi na palang babae. Ni hindi nga niya alam kung saang lupalop nanggaling ang babaeng yun.
Teka nga! Bakit nga ba siya naiinis. Kung tutuusin wala na sana siyang pakialam kahit sinong babae pa ang landiin nito. Sa kanya na rin mismo nanggaling na wala na siyang aasahan dito. Na magpapakasal na ito sa kapatid niya bakit parang feel na feel naman niya ang sakit habang nakikita si Storm na may nakalingkis na ibang babae.
Ibinawi na lang niya ang tingin sa mga ito. Sinubukan niyang huwag tumingin sa kanila kahit gustong-gusto niya sananga gawin. Napapikit siya nang maisip kung ano na ang ginagawa ng mga ito.
Maya-maya pa ay lumabas angga ito.
"Ashy, paki-iwan na lang nag mga kailangan kong pirmahan sa desk ko. I need to leave." Utos nito sabay tingin sa kasama nito at nagngitian pa sila.
"Okay sir," tipid niyang sagot.
Umalis na nga ang dalawa at sakto namang papunta si Jem sa kanya.
Sinundan nito ng tingin ang dalawa, habang lumaki naman angata ng kaibigan sa nakita niya.
"Sissy, ano yun? I mean yung kasama ni Storm?"nakasimangot ito habang umupo ito sa harap niya at inilapag angga dala niyang papeles.
"Sira ka rin ehh noh? Nakasalubong mo na nga di mo pa tinanong. Sa akin ka pa talaga nagtanong, ano bang malay ko dun?" Padabog na sagot nito.
"Ang sweet nila. Tsaka maganda yung babae ha, matangkad tsaka maputi. Yun nga lang mukhang maarte tsaka matapobre." Tumingin ito sa kanya na para bang sinusubukan kung anongagiging reaksiyon niya.
"She belongs." Sagot naman nito na nuon ay nakatingin parin sa paleles na hawak niya.
"Grabe ka naman sa she belongs mo. Bakit ganun din ba si Storm? Diba hindi naman?" Pagtatanggol niya rito.
"Pamilya niya. Ang mama niya, alam mo naman kung gaano siya ka-matapobreng tao diba? Buti n nga lang hindi naana si Paul." Bawi niya rito.
Maya-maya ay naisip nanaman niya ang kasintahan. Kumusta na kaya ito. Hi di pa siya tumawag para mag-update.
"Hoy! Ano lutang lang? Day dreaming? Walang kausap?" Iminuwestra pa nito ang mga kamay para ipahalata na nasa harap niya ito.
"May naisip lang ako," bumuntong -hininga siya.
"Ano?"
"Si Paul, hindi pa kasi siya tumatawag. Nag-aalala kasi ako sa kanya kapag ganito na hindi siya nagpaparamdam. Alam mo ba yun. Normal lang naman na maging busy, pero yung buong araw na wala kang paramdam parang iba naman. Sabagay maaga pa naman." Tumingin siya rito.
"Yun ba talaga o may nabubuong selos diyan sa utak mo. Iniisip mo na baka sa mga oras na ito ehh may kasama siyang iba. Kasi nakita mo si Storm na kasama yung malanding yun. Iniisip mo na baka ganundin ginagawa niya ngayon. Taht it runs in fhe family? Alam mo konting-konti na lang ha,maniniwala na akong magal mo si Paul." Ngumiti ang kaibigan sa kabya na para bang nang-aasar.
"Ano ka ba, mahal ko naman talaga siya. Kailangan pa bang pagdudahan iyon? Magpaoakasal ba ako sa kanya kung hindi?" Tumayo ito upang ilagay ang papaeles sa mesa ni Storm.
"Nuong wala pa si Storm siguro nga pwede na akong maniwala na mahal mo nga siya, pero nung dumating si Storm, nagbago yung paniniwala ko. Sorry ha? Alam ko naman na ako ang nagtulak sayo kay Paul. Akala ko naman kasi hindi na babalik si Storm. Kung alam ko lang na patay na pala ang asawa niya ehh baka nilagay pa kita sa rehas para wala ng makalapit sayo." Pabiro ngunit seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Jem habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Natawa na lang si Ashy sa sinabi ng kaibigan. Kilala niya kasi ito. Loka-loka man itong tingnan madali itong makaramdam ng guilt kapag alam niyangay ibang taong nagsa-suffer dahil sa mga ginagawa niya.
"Ano ka ba? Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo. Everything happens for a reason. Siguro may dahilan kung bakit talaga kami nagkita ni Paul. Siguro dahil siya na yung lalakeng para sa akin. Siguro kaya biglang sumulpit si Storm dahil gusto kaming subukin ng panahon kubg dapat bga ba kamibg magpakasal o hindi." Pagdadahilan niya upang sa ganun ay hindi maguilty ang kaibigan.
"Paano kung hindi pala kayo dapat ikasal sissy? Paano kung kaya sumulpot si Storm ay para sabihin sayo ny Diyos ng hindi si Paul ang lalakeng para sayo? Kaya ko bang tanggapin? Kaya mo bang hawakan ang kapalaran niyo?" Makahulugang tanong ni Jem sa kaibigan.
Nabigla si Ashy sa tanong ng kaibigan. Hindi niya inaasahan na magtatanong ito sa kanya ng ganun. Napatingin siya rito bago magsalita. Sa totoo lang, nasasakta siya sa tuwing kaharap si Storm. Hindi niya maipaliwanag kubg saan nanggagaling ang sakit na iyo at kung bakita ang tagal mawala.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Hindi ko alam kung kaya kong isipin na makaksakit ako ng ibang tao para lang maging masaya. Ni minsan hindi ko naisip na darating ako sa punto kubg saan kailangan kong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para lang hindi makaapak ng iba. Sabagay, ano pa nga ba ang bago dun? Lahi namang ako yung nagbibigay, laging ako yung nagsasakripisyo." Bumuntong-hinibga ito saka tumingin sa kaibigan
Seryosong hinawakan ni Jem ang mga kamay niya. Hawak na kung pwede ay hindi na niya bibitawan pa.
"Bakit di mo subukang pakawalan ang nararamdaman mo Ash, bakit di mo subukang sundin naman kung ano ang makakapag-pasaya sayo? Bakit di mo subukang isantabi naman ang nararamdaman ng iba? Subukan mo namang maging masaya." Ngumiti ito sa kanya upang mabawasan ang bigat na narardan niya.
" sa tingin mo kakayanin ng konsensiya ko na maging masaya kung alam kong may isang taong nasasaktan? Lalo pa kung ang taong iyon ay walang ginawa kundi ang mahalin ka at respetuhin ng buong-buo walang labis walang kulang? Kubg ikaw ang nasa sitwasyon ko Jem, kakayanin mo ba?" Makahulugang tanong nito sa kaibigan na nukn ay ibibaba na lang ang tingin.
"Hindi ko masasagot yan dahil wala ako sa sitwasyon mo. Pero kung ako sayo,pipiliin kong maging totoo sa sarili ko at sa taong mahal ako. Pipiliin kong masaktan siya ng isang beses lang kesa masaktan siya habang-buhay ng paulit-ulit. Ang minsang sakit ay matindi ngunit kayang kalimutan. Atleast you can save the trust Ash. Pero ang sakit na paulit-ulit mararamdaman ay iba, sisirain niya ang puso mo pati na ang tiwala mo na siyang pinakamahirap mabuo." Paliwanag ng kaibigan.
May punto nga naman ito.
"Isa pa walang dahilan para gawin ko iyon. Matagal na kaming tapos ni Storm, as you can see masaya na siya sa buhay niya. Ayun nga at mukhang nag-date na diba? Kaya wala akobg dapat problemahin dahil matutuloy ang kasal namin ni Paul. Alam ko na mahal niya ako at ganundin ako sa kanya." Matigas na paninindigan ang binitiwan niya sa harap ng kaibigan.
"Sabagay tama ka nga naman. Mukha namang nagpaubaya na si Storm. Sana lang hi di dumating sa punto na kulitin ka nanaman niya." Tumayo na ang kaibigan..
Lunchbreak na din at hi di na nila namalayan ang oras.
Habang papalabas na sana sila upang kumain ay nakita nila ang paparating na sina Storm at ang babaeng kasama nito kanina.
"Ash, I'm leaving. Ikaw na muna bahala dito. I'll see you guys tomorrow." Sabi nito sabay hapit sa beywang ang kasamang babae na daig pa ang linta kubg makalingkis sa kanya.