How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 27

Pagkagaling sa opisina ay daig pa ang latang gulay na ibinagsak ni storm ang sarili sa kanyang kama.. Hindi niya alam kung paano babaguhin ang desisyon ni Ashy. Ayaw niyang pangunahan ito at isa pa ayaw din niyang makialam kung puwede lang. Pero may mabigat siyang dahilan kung bakit niya ito gagawin.

Alas otso na ng bagi at hindi parin siya makatulog. Naisipan niyang tawagan si Mark ay yayaing uminom. Matagal na din silang hindi nagkita ng kaibigan. Ni hindi pa nga sila nagkita mula nung nkabalik siya mula sa US. Kahit papaano ay gusto na rin niya itong makita at makasama.

Tinawagan niya ito sa cellphone at sinabi kung saang lugar sila magkikita.

Agad siyang tumayo sa kanyang kama upang ihanda ang sarili sa maginding inuman.

Lumabas siya ng bahay at pinaandar ang sasakyan niya.

Pagdating sa lugar ay hinanap niya agad si Mark na kanina pa naghihintay sa kanya.

"Bro, long time no see. Wow! Ibang-iba tayo ngayon ahh. Lalo tayong naging magandang lalake." Umiling-iling ito habang tinititigan siya.

"People changed bro. Hindi rin naman ako playboy. Kaya huwag kang mag-isip ng hindi maganda. Sa itsura mo palang alam ko na kung ano ang iniisip m." Tumingin ito sa kanya saka umupo sa upuan na nsa tabi niya.

Sinadya nilang magkita sa isang lugar kung saan lugar ng mga drunken master. Sa lugar kung saan nagpupunta ang mga problemadong mga tao. Para uminom, magliwaliw, mag-enjoy at magsaya. Lugar kung saan pwedeng mag-isa at aliwin ang sarili. Lugar kung saan pwedeng maghanap ng kaligayahan.

"Galing mo talaga pumili ng lugar ahh. Alam na alam mo kung saan ka mag-eenjoy." Pabirong sabi nito kay Mark.

Sa dinami-dami ba naman kasi ng lugar na maiisip niya duon pa talaga sa lugar kung saan lugar ng mga sawi.

"Bro. Kilala kita alam kong sawi ka.. kaya nga dito kita dinala para makalimot ka. So anong atin? Pasensiya ka na pala hi di na ako nakapunta nung namatay si Girlie, alam mo naman mahigpit ang mga magulang ko nun dahil ma problema sa pamilya." Paghingi nito ng paumanhin.

"Bro huwag mo ng alalahanin yun. Naiintindihan ko. Lahat tayo may mga pinagdadaanan." Tinapik nito ang balikat niya tasaka sinenyasan ang waiter upang lumapit sa kanila.

Umorder siya ng iinumin nila saka nito ibi alik ang tingin sa kaibigan.

"Kumusta ka na ngayon? Balita ko mabait ka na ahh. Kumusta na nga pala inaanak ko?" Tanong nito na hindi parin maialis ang tingin sa kaibigan.

"Okay na siya,kahit paano nakaka-move on na din siya sa pagkawala ng mommy niya. Iniwan ko siya sa US dahil hi di naman ako magtatagal." Sumandal ito sa upuan saka nilaro-laro ang baso sa harap niya.

"Akala ko dito ka na for good. Akala ko pa naman magkakasama ulit tayo sa negosyo. Sino na pala ang humahawak ng negosyo niyo? Bro. Pasensiya ka na talaga. Wlaa akong masyadong alam sa mga nangyayari. Alam mo naman siguro kubg bakit." Seryosong tumingin ito sa kanya.

Totoo nga naman dahil kailan lang ito nakalabas sa kulungan dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Pinagbintangan siya na nagbebemta ng droga pero ang totoo any planted lahat ng ebidensiya dahil gistong pabagsakin ang pamilya nila. Mabuti na lang t naayos din nila ito at nakipagtulungan ang inutusan para gawin iyon kaya naibasura ang kaso niya.

"Nung mamatay sina mama at papa si Paul ang pinauwi ko dito sa Pilipinas upang mamahala sa kumpanya. Kailangan din niyang gawin yun para patunayan ang sarili niya. Pumayag naman siya." Bumuntong-hininga ito.

Maya-maya pa ay dumating na ang alak na iinumin nila. Kinuha agad niya ang baso at naglagay ng yelo at alak dito.

"So kumusta naman kayo ng kapatid mo? Ibig kong sabihin, okay na ba kayo?" Tanong nito na mukhang alam kung anong estado meron sila ng kapatid.

"Ewan, siguro. Hindi din naman ako ganun kasigurado kung okay nga ba kami. Nag-uusap kami pero casual lang. Hanggang ngayon kasi hindi ko mahagilap sa puso ko kung paano tatanggapin ang mga nangyari. Hindi man kami magkasundo ni mama namimiss ko namn sila kahit paano. Lalo na si papa." Uminom ito ng alak. Naglagay ulit siya sa kanyang baso.

"Dahil hanggang ngayon si Paul parin ang sinisisi mo tama ba?" Tumingin sa kanya ang kaibigan na nuon ay katatapos lang uminom.

"Not exactly bro. Pero hindi yun maiaalis sa akin kasi siya yung dahilan kung bakit sila nawala. Pero inintindi ko naman siya. Hindi ko naman pinapamukha sa kanya kung anuman ang naging kasalanan niya. Kapatid ko parin siya at aware naman ako dun." Tumingin ito sa mesa at ininom ang natitirang alak sa baso niya.

"Tama ka. Kapatid mo siya at tapos na rin naman iyon. Kahit magalit ka pa sa kanya buong buhay mo, hindi na maibabalik ang buhay ng maga magulang niyo. Hindi rin naman siguro sila matututwa na makitamg hindi kayo okay ng kapatid mo." Tinitigan niya ito at hinintay kung anong magihing reaksiyon niya.

"Kilala nila ang kapatid ko. Kaya ko nga ito ginagawa para maging maayos naman siya. Yung makuha niya kung ano ang dapat na para sa kanya." Tanging malalim na buntong-hininga ang binigay niya rito.

"Ehh bakit mukhang problemado ka? Ano bang meron at mukhang hindi ka masaya sa buhay mo?" Napansin pala ni Mark na kanina pa ito di mapakali. Hindi din naman niya ito agad masabi sa kanya ang dahilan dahil nagdadalawang isip siya.

"Naguguluhan ako."

"Naguguluhan saan? Bakit ka nga ba umuwi ng Pilipinas ay biglaan naman yata. Wala ka ngang pasabi na uuwi ka ehh, kung hindi mo pa ako tinawagan ngayon, hindi ko pa malalaman na amdito ka pala." Kunwari ay nagtatampo ang tono nito.

"Biglaan kasi talaga. Kahit ako ay nabigla rin. Hindi rin naman kasi ako magtatagal. May dapat lang akong ayusin at problemang pinasok nanaman ni Paul. Ewan ko ba, ipinanganak na yata akong taga-ayos ng gusot na papasukin niya." Uminom ulit ito. Sa sandaling iyon ay hindi na niya aa ang epekto ng alak.

"Wala ka bang ablita kay Ashy?" Bigla ay natanong nito.

"Ayan tayo bro ehh. Para-paraan ka rin ehh noh? Gusto mo lang namangalaman ang tungkol kay Ashy ang dami mo pang naisip na dahilan." Natatawang sagot ng kaibigan.

Napangiti na lang siya sa reaksiyon ng kaibigan. Alam kasi nito kung gaano siya nasaktan nung hindi siya siputin ni Ashy.

"So wala ka ngang balita sa kanya?" Ulit na tanong nito.

"Wala ehh. Kelan nga lang akong nakalabas sa kulungan diba? Hindi nga ako dapat umiinom ehh kasi bawal pa. Pero ang huling balita ko, magkasama sila ni Jem sa trabaho. Alam ko na hanapin mo si Jem sigurado ako amraming alam yun. Baka nga magkasama pa hanggang ngayon ang mga yun ehh. So ano nga bakit ka nga biglang umuwi? Dahil kay Ashy na?" Nakuha nga niya.

"Dahil sa kapatid ko. Mag-aasawa na siya." Sagot nito na kinuha ang isa pang bote ng alak. Medyo nahihilo na siya at ramdam niya iyon.

"Seryoso ba? Wow! Inunahan ka na niya ahh." Manghang sagot nito. May sasabihin pa sana ito nguniy sinarili na lang niya dahil baka ma-offend si Storm.

"Nagulat nga din ako. At ito pa, alam mo ba kung sino ang mapapangasawa niya?" Tanong nito sa kanya.

"Sa akin ka pa talaga nagtanong bro, alam mo naman na wala akong alam na naging girlfriend niyang kapatid mo,pero kung..."

"Wag mo ng ituloy dahil alam ko na ang sasabihin mo." Itinaas nito ang kamay niya upang pigilan siya.

Oo, maraming alam si Mark tungkol kay Paul ngunit pagdating sa babae wala itong alam. Kaya nga nagtataka ito na ikakasal na pala.

"Ito pa nag hindi ko maintindihan. Ang babaeng pakaksalan niya ay walang iba kundi si Ashy." Pag-amin niyo. Uminom siya ng alak sabay tingin sa taas.

"Ohhh no! Seryoso? Bro, seryoso ka? As in si Ashy? Yung ex mo na si Ashy? Mapapangasawa ni Paul?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yun nga ang problema, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Ni hindi nga alam ni Paul na nanging kami. Bro alam natin pareho na never siyang nagka-girlfriend ngayon lang. At ngayon magpapakasal siya,hidni ito puwede. Alam mo hindi talaga puwede." Matinding pagtutol ang ipinapahayag nito.

"Alam mo bro naiintindihan kita,bukod sa ex mo si Ashy alam natin pareho kung bakit hindi pwede na makasal sila. Isa lang ang paraan diyan ehh sabihin mo ang totoo. Ohh kaya akitin mo si Ashy ulit para mailayo siya sa kapatid mo." Ayun nga at sinulsulan na siya ng kaibigan.

"Sira ulo ka ba, ehh di lalong nagalit yun sa akin. Baka mamaya isumpa na niya ako. Ngayon pa nga lang mujhang galit na siya sa akin ehh." Pagdadahilan naman nito.

"Bakit nasaan ba si Paul?"

"Umalis daw for business meeting mawawala siya a month or more. But I doubt it. Alam kong hindi negosyo ang pinuntahan niya..  walang problema sa site na sinasabi niya.. guamwa lang siya ng excuse niya para makalabas ng bansa na hindi kasama si Ashy. Nakakaa ako ng awa sa kabya dahil wala siyang alam. Pero naiinis ako everytinme na ipinagtatanggol niya ang kapatid ko." Himutok nito.

"Bro,ay naisip akong paraan para mailayo mo si Ashy, kapag ito hindi umubra. Guamwa ka ng plan B." Bumulong sa kanya si Mark.

Naintindihan naman agad ito ni Storm.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.