Pagpasok sa loob ng bahay nila ay naabutan niya ang mama niyang naghihintay sa kanya.
Nakaupo ito sa sofa habang nanunuod ng telebisyon.
"Goodevening ma, pasensiya kana medyo na-late ako ng uwi, mai inasikaso lang ako sa opisina. Dinaanan ko pa kasi itong papele sa bahay ni Paul nakakailanganin namin bukas para sa promotion ng mga empleyado." Paliwanag nito.
Hindi na niya hinintay pa ang mama niya na magsalita at magtanong kung saan siya galing. Alam naman niya na iyon din ang tatanungin niya kaya inunahan na niya ito ng sagot.
Ngumiti ang mama niya sa kanya saka nilapirot ang ilong nito.
"Ma!" Saway nito na parang hinawa siyang bata ng mama niyo.
"Marunong ka ng magdahilan ahh? Alam na alam mo na kung anong itatanong ko sayo. Mukhang memoryado mo na nga." Pabirong kinurot pa siya nito.
"Ikaw ba nama ma, araw-araw mong tinatanong yan sa akin kapag dumarating ako ng late, siyempre alam ko na yan." Sahot naman nito saka sumandal sa upuan. Itinaas ang paa saka tuluyan ng nahiga.
"Mukhang pagod na pagod ka ah. Malauo ba ang bahay ni Paul? Para kang naglakad ng ilang milya ang layo." Puna ng mama nito.
Bigla ay nakaramdam siya ng hiya sa tanong ng mama niya. Alam niya kung bakit ganun na lang ang pagod niya. Hindi na niya ito ipinahalata ngunit sadyang ina nga niya ito at napapansin kahit ang pinaka-maliit na bagay tungkol sa kanya.
"Medyo stressed lang ma. Wala kasi si Paul may business meeting abroad, a month or more siyang wala sa opisina kaya medyo marami akong ginagawa." Depensa niya. Half-true. Dahil hindi yun ang dahilan kung bakit pagod siya ng araw na iyon.
Hangga't maari, ayaw sana muna niyang malaman ng mama niya na nasa iisang opisina sila ni Storm. Alam niya kung paanong mag-alala ang mama niya kapag si Storm ang pinag-uusapan. Alam kasi niya at nakita niya kubg gaano siyang nasaktan nuon.
"Kumusta na nga pala kayo ni Paul? Kumusta ang preparation ng kasal niyo?" Hinawi nito ang buhok niya na nililipad ng hangin na nanggagaling sa veranda.
"Okay naman ma. Busy ang organizer. Magbibigay na lang siya ng update kapag kailangan na ng approval namin. Sa ngayon, hinahayaan muna namin siya na gawin ang part niya." Tumingin siya sa mama nito upang kalmahin ang anumang negatibo na pwede niyang maisip.
"Mabuti naman kung ganun anak. Napapnsin ko kasi panay ang meetings niya abroad ehalapit na ang kasal ninyo. Diba dapat nakatutok kayo sa kasal niyo?" Tanong nito.
"Ma, kiala mo naman si Paul, hindi yun pipir.i sa isang lugar hangga't alam niyang may magagawa pa siya. Isa pa malayo pa naman ang kasal at may mga in-charge nan na sa pag-aayos. Tatawagan naman nila kami kapag may kailangang ayusin." Ngumiti ito bilang pagpaoatunay na okay lang ang lahat.
"Mabuti naman kung ganun. Iba talaga kapag mayaman ang napangasawa, hindi mo kailangang gumalaw ng gumalaw para magkaroon ng maayos na kasal. Pwedeng pwede mong ioaubaya sa iba. Pero anak, lagi mong tatandaan, pinakamahalaga sa isang kasal ay ang nararamdaman ng ikakasal. Kung gaano sila kasaya at kubg gaano nila iingatan ang sumpaan nila sa harap ng altar." Hinawakan ng mama nito ang mga kamay niya.
Ngumiti siya ng matamis,matamis na ngiti na sa loob ayay pait. Pait dahil alam niyang isa sa mga sinabi ng mama niya ay wala sa magihing kasal niya.
"Huwag kang mag-alala ma, magiging masaya kami ni Paul. Magiging mabuti kami sa isa't-isa. Magiging katulad namin kayo ni papa na hanggang sa huli ay nagmahalan kayo." Niyakap niya ito saka hinalikan sa noo.
Matapos nilang mag-usap ay kumain na sila. Tinulungan na niya ang mama niya s apagliligpit saka ito umakyat sa kaniyang kwarto.
Ibinagsak niya ang katawan sa kama matapos siyang maligo. Habang nakahiga ay dama parin niya ang init ng katawan ni Storm na nakadikit sa katawan niya. Dama niya ang mainit nitong mga halik na naglalakbay sa kanyang katawan.
Napakagat-labi na lang siya habang ibinabalik sa isip niya ang sandaling kaligayahan na pinagsaluhan nila na hindi niya alam kung ano ang magiging resulta.
Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. Hindi niya maintindihan ngunit pakiadam niya ay excited siyang pumasok sa opisina.
Naligo siya at nagbihis. Bumaba siya upang kumain gaya ng nakagawian niya bago pumasok sa trabaho.
Habang nasa kusina siya ay takang napatingin sa kanya ang mama niya.
Umikot-ikot ito ng ilang beses sa kianuupuan niya bago siya nagsalita.
"Ma, nahihilo ako sayo. Pwede ba? Huwag mo nanaman akong simulan s amga paandar mo?" Kunwari ay galit itonv tumingin sa ina.
"Alam mo Ashy, ako ang nahihilo sayo." Tumingin ito s akalendaryo na nsa ibabaw ng refrigirator nila.
"Bakit ba ma? Ano nanaman ang kinalaman niyan?" Tanong niyo habang tinituro ang hawak ng ina.
"Ang alam ko kasi Ashy, sabado ngayon at wala kayong pasok sa opisina. Huwag mong sabihin na may overyime kayo dahil bawal yun sa opisina niyo. Ngayon sabihin mo sa akin. Bakit nakabihis ka ng ganyan." Nakapameywang ang mama nito sabay turo ang suot niyang pang-opisina.
Binitiwan niya ang hawak na tinidor saka dali-daling umakyat sa kanyang kwarto upang magbihis. Nang bumalik ito ay nakapam-bahay na lang.
"Anong nangyari anak? Bakit lutang ka?" Tanong ng ina na nakaupo na rin upang sabayan na siyang kumain.
"Wala ma, mali lang yung date dito sa phone ko kaya nalito ako. Huwag mo nanamang gawing big deal yun ma." Inirapan niya ang ina nito na nuon ay pinipigil ang tawa habang kumakain.
"Iba kasi ang awra mo ngayon 'nak. Parang ang saya mo ngayon. Alam mo yun, nakikita naman kiyang masaya pero iba lang kasi talaga ngayon. Meron ba akong dapat malaman?" Tanong nito.
Ngumiti na lang siya. Kung pwede ay ayaw niyang magsalita. Ayaw niyang pangunahan ang kahit na anong pwedeng mangyari.
"Wala naman ma. Ganito lang siguro yung pakiramdam kapag malapit ng ikasal. Alam mo yun sa bawat araw na dumadaan bilang na, parang ang tagal nga ehh." Bigla ay nasabi niya.
Maya-maya pa ay lumapit ang kasama nila sa bahay.
"Ate may bisita po kayo." Sabi nito.
"Sino?" Takang tanong niya. Wala naman siyang inaasahang bisita. Kung si Paul, kilala naman siya ng kasambahay nila at isa pa hindi pa iyon uuwi dahil wala pang dalawang linggo mula nung umalis siya.
"Hindi ko kilala ate, ngayon ko lang din siya nakita. Lalake po, at gwapo." Sagot nito na kitang-kita sa mukha niya ang kilig.
Bigla siyang kinabahan. Sino kaya iyon. Ayaw man niyang isipin ay iisa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon. Alam niyang nakatingin ang mama niya sa kanya. Iniiwas niya ang tingin niya dito.
"Sige papasukin mo na lang." Sagot niya rito tsaka tayo upang tingnan kung sino ang bisitang sinasabi niya.
Unang hakbang pa lang niya sa sala ay nakita na niya si Storm na papasok sa pintuan. Napakagwapo nito sa suot na polo-shirt at maong na pantalon. Ang simple ngunit napakalakas ng dating. May dala itong dalawang bungkos ng bulaklak.
Napakunot ang noo ni Ashy habang nakatingin ito sa kanya.
"Goodmorning! Para sayo nga pala." Bati nito saka iniabot ang isang bungkos ng bulaklak.
Maya-maya pa ay lumapit ang mama nito.
"Para sa inyo po. Magandang umaga po pala." Bati niya sa ginang sabay abot ny isang bungkos ng bulaklak.
Tinanggap naman ito ng ina ni Ashy saka nagpasalamat.
"Ma,si Storm po pala..."
"Alam ko. Medyo nagmature ang itsura niya pero kilala ko parin naman siya. Kumusta ka na iho." Tanong ng ina nito saka itinuro ang uouan para makaupo sila.
"Okay lang naman po,kayo po kunusta na din. Hi di po akyo tumatanda ahh." Pabirong puri nito sa ginang.
"Tumatanda rin, hindi na gaya ng dati ngayon limitado na lang ang pwedeng gawin." Ngumiti ito sa kabya na parang komportable na kausap siya.
Pakiramdam nga niya ng mga oras na iyon ay hindi siya ang sinadya ni Storm. Paano ba naman, ni hi di nga siya kinakausap. Mama niya ang madalas na kausap nito..
Nagpaalam siya upang maghanda ng makakin nila habang nag-uusap. Lumingon siya sa kinauupuan ni Storm at nakita niya kung paano siya nito tititigan at sundan ng tingin.
Nahiya naman siyang bigla sa suot niya na maiksing short. Alam niya kasi na kinaiinisan ni Storm ang ganun. Huli na nung marealize niya ang bagay na yun. Hindi naman siya pwededng umakyat bigla sa taas para magpalit ng damit natural magtataka ang mama nito.
Inignire na lang niya ang tingin nito. Gagamitin na lang ang pagkakataon upang inisin pa itong lalo.
Pagbalik niya ay nadatnan niyang nagtatawanan ang mga ito.
"Palamig muna," alok niya sa mga ito.
"Salamat," tumingin ito sa kanya na mukhang galit.
"Ohh siya nga pala Storm may gagawin pa kasi ako. Nextime kwentuhan ulit tayo ha? Maiwan ko na muna kayo. Anak ikaw na ang bahala dito kay Storm. Dalhin ko na yong mga bulaklak para maiayos ko sa vase." Paalam ng ina. Dala niya ang mga bulaklak.
"Sige ma," ngumiti ito bago sila tuluyang iniwan.
"Nakakatuwa naman ang mama m. Ngayon lang kami nagkausap ng matagal. Alam mo na, wala naman kaming pagkakataon na makapg-usap nuon." Tumingin ito sa kanya. Nagbago ang ekspresyon nito matapos niya itong tingnan mula utaas hanggang ibaba.
"Ikaw hindi ka nakaktuwa!" Sagot nito.
"Bakit? Anong ginawa ko?" Itinuro ang sarili na kunwari ay walang alam.
"Anong ginagawa mo dito? Nananadya ka ba?" Inirapan niya ito.