How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 31

Nanatili itong nakatayo habang hinihintay ang sagot ni Storm. Matapos ang nangyari sa kanila mas lumakas yata ang loob nito para guluhin siya. Kung bakit nga ba kasi siya bumigay rito at hinayaan na mag mangyari sa kanila ng araw na iyon.

Nakatitig lang iyo sa kanya at mukhang walang planong magsalita.

"Hindi ka ba magsasalita? Bakit nandito ka? Wala ka bang ibang alam gawin sa buhay mo at pati ako guguluhin m?" Padabog na umupo ito sa sofa.

"What should I do with you?" Mariin at makahulugang tanong nito sa kanya.

"Ano? Bakit ako? Bakit sa akin nanaman napunta ang usapan?" Takang yanong nito na talagang naiinis na.

"You asked me kung wala ba akong ibang alam gawin sa buhay ko, right? So I'm asking you,what should I do with you,coz you are my life." Nakangiting sagot nito sa kanya. Ngiti na nagmumula sa puso niya.

Gustong makaramdam ng kilig ni Ashy ng mga oras na iyon ngunit pinigil niya ang sarili niya. Hindi siya dapat makaramd ng ganun. Hondi niya tuloy alam kung nagmamalinis ba siya o talagang iniisip lang niya si Paul.

"Tumigil ka sa mga paandar mo Storm, hindi nakakatuwa. So bakit ka nga nandito?" Ulit na tanong nito.

"Masama bang dalawin ko ang future sister-in-law ko?"

"Hindi ka dapat nagpupunta dito, nakakhiya kay mama. Ano ka ba?" Mahinang sabi nito.

Oo nga at hindi pa niya nasasabi sa mama nito ang tunay na kaugnayan nina Storm at Paul.

"Wala naman akong nakikitang problema kay mama mo, sayo lang naman may problema Ash. Hindi ko alam kung bakit." Maya-maya ay napatingin ito sa kanya. Mula ulo hanggang paa.

Alam na ni Ashy na nag susunod na pupunahin niya ay ang suot nitong maiksing short. Isa kasi talaga ito sa pinaka-ayaw ni Storm nuong magkarelasyon pa sila. Ayaw na ayaw niyang nakikita si Ashy na nag-susuot ng mga damit na halos kita na ang buong kaluluwa, isang bagay na hinahangaan ni Ashy sa kanya. Pero ngayon ay gagamitin niya iyo para inisin siya.

"Kelan ka pa natutong mag-suot ng ganyan? Halos wala k ng tinakpan sa katawan mo ahh. Yan ba ang epekto ng pakikipag-relasyon m sa kapatid ko?" Mahina ngunit mapanghusgang tanong nito sa kanya.

"Kung anuman ang suot ko ngayon yun ay dahil dito ako komportable. Isa pa nandito lang ako sa loob ng bahay namin. Walang kinalaman si Paul sa kung anong suot ko ngayon." Inis na sagot nito saka pinaikot ang mga mata.

"Naninibago lang ako. Hindi ka naman daging ganyan magsuot ng damit. Isa pa, alam mong pinaka-ayaw ko yang ganyang pananamit lalao at babae ka." Inayos nito ang buhok gamit ang kamay saka siya mulibg tinitigan.

"May mga bagay na nagbabago Storm. Changes is good if its for the better. Eto na ako ngayon at kung ano man ako nuon matagal ng wala yun. Isa pa kung ayaw mo akong mag-suot ng ganito di huwag kang tumingin." Pi andilatan niya ito ng mga mata.

"Ganyan ka na ba ka-insensitive Ash? Hindi mo ba ramdam, that untill now I still love you. I still want you to be my wife and I want us end up together." Ibinuka nito ang mga kamay niya upang maintindihang mabuti ni Ashy ang ibig niyang sabihin.

"You still love me? You still want me? Ohh maybe yes, you still want me. But the words you love me,parang ang hirap naman yatang paniwalaan yun Storm. Parang ang hirap i-digest. Ang hirap isiksik sa utak ko." Maluha-luhang sagot nito sa kanya.

"If you could only open my heart...."

" I can't and I don't want to." Mariing salo nito sa sasabihin niya.

Bakit nga ba niya ito gagawin. Isa pa para saan pa at nag-uusap sila ehh alam namn nilang pareho na ikakasal na siya. Bakit ba kasi kung kelan maayos na nag buhay niya ay saka pa ito sumulpot. Ano ba ang gisto nigong mangyari.

"Ash, nandito ako not gor arguments. Nandito ako to convibce you na huwag ngagpakasal sa kapatid ko. I'm here to asked you na umatras na lang. This is for your own sake believe me." Paliwanag nito.

"For my own sake? Baka naman ang ibig mong sabihin ehh for your own sake, of for the sake of your family's wealth. Baka iniisip mo na huhuthutan ko si Paul kaya ganyan na lang ang pagtanggi ko sakin. Bakit Storm, ganun ba ang pagkakakilala m sakin?" Tiningnan niya ito ng makahulugan.

Siya din ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi niya kaya na tingnan nito at salubungin ang mga mata niyang nagsusumamo.

"That is not the point Ash. Bakit ka papasok sa isang relasyon na hindi ka naman masaya. Bakit ka magpapakasal sa isang tao na hindi mo namn mahal."

"So mahal mo si Girlie kaya ka nagpakasal sa kanya nuon. Hindi mo ako mahal kaya may pinili mong ako yung masaktan. Pinili mo siya dahil siya naman talaga ang mahal mo. Oo, hindi mo naman na kailangang ipamukha sa akin ang katangahan ko Storm. Naniwala ako sayo,nagtiwala pero anong nangyari?" Pinahid nito ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Yun lang ang alam mo Ash, pero kung hahayaan mo akong magpaliwanag maiintindihan mo kung bakit." Tumaas na ang boses nito na halos marinig na sa buong bahay.

"Kung anuman yang paliwanag mo wala ng kwenta yan sa akin ngayon. Bakit mababago ba ng paliwanag mo lahat ng nangyari? Maibabalik ba ng paliwanag mo ang lahat ng sakit na naramdaman ko? Diba hindi? Kaya para saan pa, wala na Storm. At kung anuman yang ipinaglalaban mo, please lang tama na."

Dala ng sama ng loob at pagsisisi napaiyak na lang si Ashy, hangga't maari ay ayaw niyang makarinig ng kahit ano pang salitang mangagaling kay Storm. Sinubukan pa siya nitong yakapin ngunit itinulak niya ito palayo.

"Ashy please, pakinggan mo ako. Oo hindi na maibabalik ang sakit, ikaw lang ba ang nasaktan? Ako din,.oo hindi na maibabalik at mababawi ang sakit na naramdan natin. Pero hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit." Pagsusumamo nito.

Nagpalitan sila ng sagot at hindi nila namalayan na nagsisigawan na sila.

"Umalis ka na!" Bulyaw ni Ashy sa kanya.

Narinig iyon ng mama niya kaya lumapit siya sa kinaroroonan nila.

"Nag-aaway ba kayo?" Maang na tanong nito.

"Aalis na po ako. Salamat po sa pagtanggap sa akin dito." Hinalikan niya sa noo ang ginang saka ito tuluyang lumabas ng pinto.

Naiwan si Ashy na bakas pa sa mga mata ang pag-iyak. Gusto man niyang pigilan ngunit hindi na niya ito kaya. Kaya wala na siyang choice kundi umiyak na lang. Hinayaan naman siya ng mama niyo na mailabas ang sakit na nararamdaman niya. Niyakap siya nito saka hinaplos ang likod.

"Tama yan, iiyak mo para mabawasan ang sakit. Alam ko na matagal mo ng dinadala ang sakit na yan sa puso mo." Ramd nito ang malasakit at pang-unawa ng isang ina.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ma, bakit kailangang bumalik pa siya sa buhay ko. Kung kelan tahimik na ako, kung kelan maayos na ang buhay ko. Kung kelan nakakalimutan ko na siya, saka pa siya magpapakita sa akin." Hagulgol niya sa harap ng ina.

"Bakit hindi mo pakinggan ang paliwanag niya, bakit di mo tanungin sa kanya ang lahat ng tanong na nasa isipan mo. Mas maiintindihan mo ang mga pangyayari kapag narinig mo ang mga paliwanag niya anak. Hangga't sarado ang isip mo, hindi mo rin siya maiintindihan." Payo ng mama niya na nuon ay inayos ang kanyang pagkaka-upo.

"Hindi na rin naman iyon mahalaga ma. Dahil ikakasal na ako. Ikakasal ako sa kapatid niya." Pag-amin niya.

Napanganga ang mama nito. Nabigla siya sa narinig sa anak.

"Ikakasal sa kapatid niya? Anong ibig mong sabihin? Na sina Paul at Storm ay magkapatid?" Tanong nito na tinakpan ang bunganga sa pamamagitan ng kanyang mga palad.

Naiyak siya sa reaksiuon ng ina.

"Oo ma, yun ang dahilan kung bakit kinukumbinsi niya ako na wag ituloy ang kasal. Paano ko iyon gagawin? Pano ko sasabihin kau Paul na may nakaraan kami ng kapatid niya? Kapag nalaman niya iyon masasaktan siya, magdududa siya sa akin. Hindi ko kayang makutang nasasaktan siya ma." Sagot nito sa ina saka ito yumakap sa kanya.

"Mabait na bata si Paul anak. Nakita ko kung gaano ka niya kamahal, nakikita ko kung gaano ka niya pinahahalagahan. Kung aaminin mo sa kanya ang totoo tiwala ako na maiintindihan ka niya. At alam ko na kung hihilingin mo ang kalayaan mo, ibibigay niya iyon dahil mahal ka niya." Positibong sabi ng kanyang mama.

"Aaminin ko sa kanya ang totoo na naging kami ni Storm ma, pero yung hilingin na palayain niya akoa, hindi ko kaya. S ailang taon naming magkarelasyon, wala siyang ginawa kundi intindihin at igalang ako. Ni minsan hindi ko naraan na nagalit siya sa akin, hindi ko kayang suklian yun ng sakit at kabiguan. Kung meron mang isang tao na aywa kong masaktan, si Paul yun." Sagot nito saka tumingin sa kisame na para bang nasa taas ang sahot sa lahat ng problema niya.

Hinawakan ng ina ang kanyang balikat,

"Tanging katotohanan lang ang makakapag-palaya sayo anak. Katotohanan din ang magbibigay ng tunay na saya. Kung anuman ang magind desisyon mo, susuportahan kita." Hinalikan niya ito sa noo. Saka iniwan sa sala upang makapag-isip.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.