How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 32

Natapos ang mahigit isang buwan na walang usapan na nangyari sa pagitan nila ni Storm. Hi di niya ito kinulit. Kung kakausapin man niya ito, ito ay tungkol lang sa trabaho at wala ng iba. Ioinagpasamlamat niya naman ito. Sa loob niya ay baka nagsawa na ito na kulitin siya. Siguro narealize niya na hindi na nito mababago ang isip ni Ashy.

Nakauwi na rin naman si Paul mula sa isang meeting at halatang namiss siya nito.

Pagpasok niya sa opisina ay nadatnan niya ang maga bulaklak na nakapaligid sa area niya. Napaiyak na kang siya ng makita ang kasintahan na may hawak na bulaklak.

"I'm back. Hmmmmm!!... namiss kita sobra." Iniabot sa kanya ang bulaklak saka ito hinalikan sa pisngi.

Nakita niya sa kabilang kwarto si Storm na nakatingin sa kanila at madilim na madilim ang mukha.

"Mabuti naman nakabalik ka na, namiss din kita sobra. Akala ko nakalimutan mo na ako." Sagot nito na kunwari ay nagtatampo.

"Pwede ba naman yun. Alam mo naman, malapit na tayong magpakasal kailangan paghandaan ang future. Ohh before I forgot, I have something for you." Pumasok ito s aopisina niya saka may kinuha. Pagbalik nito ay may hawak itong rectangular box.

"Ano yan?" Takang tanong ni Ashy sa kanya.

"This is my gift for you." Iniabot niya ito sa kanya.

Inabot naman ito ni Ashy saka binuksan.

Napanganga na lang ito nakita ang laman ng box.

Isang necklace naay diamond na pendant. Halatang hindi biro ang presyo nito.

"Hon, I'm sorry. Hindi ko uto matatanggap. Saan ko naman ito gagamitin?" Akmang ibabalik niya ang box sa kabya ngunit tumanggi uto.

"Hon, gagamitin mo yan sa araw ng kasal natin. Mahalaga ang araw na iyon at gusto ko lahat ng detalye ay mahalaga, ganundin ang halaga ng necklace na yan. You deserves that, you deserve everything. Kaya kung anuman ang halaga niyan mas hihit pa diyan ang halaga mo sa akin." Ngumiti ito saka hinalikan sa noo.

"Akala ko nga nakalimutan mo na ang kasal natin. Ang tagal mo kasi dun, buti na lang may in-charge sa wedding ku di hindi ko alam ang gagawin ko." Sagot nito s akanya saka itinago na ang kwintas.

"Sorry na hon,don't worry babawi ako sayo promise." Itinaas pa nito ang kamay niya upang ipakita ang sincerity niya.

"Joke lang, ikaw naman dika na mabiro. Alam ko naman na hindi mo iindiyanin ang kasal natin." Paglalambing ni Ashy.

Kitang-kita niya kung paanong mainis si Storm sa kanilang dalawa. Sinasadya naman nitong ilapit ang mukha niya kay Paul para lalo pa itong mainis.

"So kumusta naman dito sa opisina. Ibig kong sabihin,hindi ka ba pinapahirapan ni Storm? Madyo may pagka-pilyo kasi yan ehh." Tanong nito.

Na-guilty naman siya bigla sa sinabi ni Paul.

"Hindi naman hon. Professional naman ang turingan namin dito. Mabait naman siya kahit paano. Pero siyempre mas mabait ka parin." Paglalambing nito sa kanya.

Ngumiti naman ito sa kanya saka siya niyakap.

"Hon, so magkita tayo mamaya ha? Ihahatid kita pag-uwi. Kailangan din kasi naming mag-usap ni Storm." Paalam nito saka siya hinalikan sa noo.

Pumasok na nga ito sa loob. Sinadya nitong baguhin ang ayos ng uouan niya upang hindi niya makita ang dalawa.

Maya-maya pa ay dumating si Jem upang balikan ang mga papeles na iniwan niya, pero siyempre siguradong chichikahin mjna siya nito.

"So finally he's back. Paano yan, wala ka ng ligtas. Magpapakasal na talaga kayo. Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Umupo ito sa harapan niya na naka-ismid.

"Wala namang dapat magbago Jem, tuloy kung annuman ang plano bago siya umalis. Seryoso na ako dun at wala ng mababago pa. Kung ang iniisip mo ay ang tu kol sa amin ni Storm, matagal ng tapos iyon. Wala na kaming dapat pag-usapan. Isa pa, hindi ko hahayaan na maapektuhan ng nakaraan ko ang anumang meron kami n Paul ngayon." Seryosong sagot niya sa kaibigan.

Ganun pa man. Hindi parin kumbinsido ang kaibigan sa sinabi niya. Kilala kasi niya ito, alam niya na mula pa nuon ay si Storm na ang laging laman ng puso niya. Ni minsan hindi niya ito naisipang palitan hanggang sa dumating si Paul.

"Magagalit ka ba kung magsasalita ako?" Tanong ng kaibigan.

"Bakit naman ako magagalit sissy? Malaya naman ang lahat ng tao para magsalita. Hindi naman siguro nayin ika-kukulong kung magsasalita tayo tama ba?" Balik na tanong nito sa kanya.

"Kaya hayaan mo akong magsalita. Minsan ko na alang itong sasabihin sayo at hindi ko na uulitin pa. It's up to you if you will going to take it positively or not. Getting married is not as easy as how it is being said. Kapag nagpakasal ka sa isang tao kasama na dun ang buo mong pagakatao. Ikaw na buong-buo, at siya na tatanggapin mo ng buo may pagkukulang man sa kanya o kalabisan. Ikaw ba mahal mo siya ng buo?" Makahulugang tanong niyo sa kanya.

Napatitig ito sa kaibigan saka tumingin sa ibaba.

"mahal ko siya. Ayoko siyang masaktan. Kung kabuuan ang pag-uusapan, habang tumatagal alam ko na magigibg buo ang paamahal ko sa kanya. Alam ko na darating ang panahon at matututunan kong paikutin ang mundo ko sa kanya. Sana maging masaya ka para sa akin. Ito naman ang gusto mo diba? Ikaw pa nga ang naglapit sa amin. Ngayon na ikakasal na kami bakit ramdam ko na gusto mong magbago ang isip ko." Tumayo ito upang kumuha ng folder na gagamitin nila sa meeting.

"Oo mali ako dun. Nagawa ko yun dahila ang akala ko hindi na  babalik si Storm, akala ko hindi namatay ang asawa niya. Akala ko wala n talagang pag-asa na magibg kayo ulit. Pero ngayon nakakita ako ng pag-asa na magibg masaya kayo."

"Tama na Jem. Hindi na rin naman magbabago ang isip ko. Kahit paulit-ulit mo pang ipaalala sa akin kung gaano ko aiya minahal nuon. Nuon yun Jem, iba na ngayon. Hindi ko sasaktan ai Paul na walang ibang ginawa kundi mahalin  at unawain ako. Hindi ko na rin dapat pang ulitin ang mga salitang ito sayo." Yun lang at inayos na niya ang sarili.

Pumasok siya sa kinaroroonan nina Paul at Storm upang kunin ang mga papeles na kailangan ni Jem.

Halatamg seryoso ang pinaguusapan ng dalawa, pagkakuha ng mga papeles ay agad itong lumabas.

Iniabot niya ang mga ito kay Jem at agad naman itong bumalik sa trabaho niya.

Hindi malaman ni Ashy ang gagawin. Nagdadalawang isip siya na sabihin kay Paul ang totoo. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Paul kapag nalaman niya na may namagitan sa kanila ng kapatid niya.

Maya-maya pa ay lumabas na ito sa opisina. Naiwan si Storm sa loob na halatang hindi maganda ang naging usapan nila.

"Kumusta hon?: tanong nito nangaupo siya sa tabi niya.

"Okay naman hon, meron lang konting problema sa branch namin sa US, gustong umalis ni Storm pero pinigilan ko siya. Hindi siya pwedeng umalis lalo't malapit na ang kasal natin. Pahirapan pa ang pagkumbinsi ko sa kanya para lang mag-stay siya." Paliwanag nito.

Hindi naman kasi maintindihan ni Ashy kung bakit kailangan pang andito ang kapatid para sa kasal nila. Hindi rin naman sila magkasundo.

"Baka naman kasi may importante siyang gagawin sa US hon, bakit di mo na lang siya payagan? Isa pa kaya naman natin kahit wala siya tama?" Sinubukan nitong kumbinsihin siya upang paalisin na lang si Storm.

May pakiramdam kasi si Ashy na kahit anong oras ay pwede nitong ipagtapat ang totoo. Pwede niyang sabihin lahat para lang mapigilan ang kasal nila.

"Siyempre I need someone to be with me on my wedding. Yung maghahatid sa akin sa altar. Hindi rin naman pwede na ako lang. Buti ikaw andiyan ang mama mo." Pagdadahilan nito. Sabagay may punto nga naman ito. Ang lungkot namang makasal na wala ka man lang kamag-anak sa tabi mo.

Naalala tuloy niya ang papa niya. Kung paano siya pagsabihan nuon na ipaglaban ang nararamdan niya. Kung paano niya dapat maging matapang upang harapin ang anumang pagsubok sa buhay pag-ibig niya.

"Sabagay, mabuti kung nakumbinsi mo siya. Baka mamaya wala n pala siya dito sa Pilipinas." Pagbibiro ni Ashy.

"Puwes sinigurado ko talagang hindi siya makaka-alis. makakalipad ba siya ng wlang pak-pak?" Nangingiting sagot nito.

"Bakit anong ginawa mo?" Taning ni Ashy na halatang may pag-aalala saukha nito.

"Siyempre makaka-alis ka ba ng bansa kung wala kang passport? Siyempre hinde." Sagot nito na natatawa na lang sa ginawa niya.

"Hon, ginawa mo yun? Buti hindi nagalit?" Tanong ni Ashy saka tinakpan ang bunganga sa pamamagitan ng kanyangga palad.

"Wala siyang choice hon. He will stay weather he like it or not. Kahit ano pang gawin niya hindi ko ibibigay ang passport niya hangga't hindi natatapos ang kasal natin." Seryoso at matigas na salita amg sinabi niya sa harap ng kasintahan.

Natatawa na lang si Ashy, hindi niya alam na may kapilyuhan din palang itinatago ito. Sa kabila ng kanyang mga ngiti ay nakatago naman ang pangamba na baka nga nakatakda na talagang lumabas ang katotohanan. Hindi na niya ito mapipigilan. Kung kailan ito mangyayari ay hindi niya alam at hindi siya sigurado sa mga darating na araw.

"Ohh natahimik ka," puna ni Paul habang hawak ang kamay nito.

"Wala hon, naisip ko lang ang kasal natin." Another excuse. Another lie.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.