Hunter's Temptation Chapter 10

NAPAGDESISYUNAN ni Zyline na umuwi nalang sa bahay niya dahil wala naman siyang magawang maayos dahil sa nangyayari. Pakiramdam niya’y mas lalong hindi niya matuloy ang ginagawa dahil sa nangyari kaninang pag-uusap nila ni Hunter.

Cristine kept on asking her what her problem was but she refused to say anything to her.

Wala naman kasing problema si Zyline. She’s perfectly fine, base sa pagkakaalam niya.

Huwag nga lang lumalapit si Hunter sakanya dahil nagkakapatong-patong bigla ang problema niya.

Panatag sana ang loob niyang aalis sa lugar na iyon. Bitbit ang sketch pad, purse at cellphone, lalabas na sana siya ng Sweet Desire. Pero pinigilan siya ni Cristine at inabutan ng isang box.

“That’s Hunter’s cookies. Since you’re a friend and you liked it, that’s our gift!” Nakangiting sabi nito kay Zyline. Napangiwi naman siya. Dahil ayaw niya na magtanong pa si Cristine, tinanggap nalang niya ito at nagpaalam na. Matapos ilagay sa tabing upuan niya ang mga dala, hindi niya naiwasang tignan ang binigay ni Cristine.

Hindi niya maiwasang isipin na sana, cookies nalang ang binata. At least, sweet ito.

Napailing nalang siya bago binuhay ang makina ng sasakyan at bumalik sa condo niya. Mag-oorder nalang din siya ng pagkain para mamaya. Wala pa din kasi siya sa mood magluto.

Marunong namang magluto si Zyline dahil na din sa kapatid na si Blue. Blue loves to cook. Si Blue ang nagturo sakanya kung paano magluto. Kaya sigurado si Zyline na hindi magugutom ang mapapangasawa niya kung sakali.

Gaya ng nakagawian, naligo ulit si Zyline. Sanay siyang maglakad sa loob ng bahay niya ng naka-underwear lang. Wala naman siyang kasama sa bahay niya at isa pa, wala namang maipipintas sa katawan niya ang kung sinuman kung tutuusin.

Matapos maligo’y naka-underwear lang siya habang nag-hahanap ng maisusuot na magiging kumportable siya. Nahinto siya sa ginagawa nang magring ang cellphone niya kaya naman agad niya iyong sinagot.

“Hey, Bobbie, where are you?” Tanong niya dito. Umupo muna siya habang kausap ang kaibigan. Tinanggal niya ang towel na nasa buhok at pinatuyo ito.

“On my way to your unit. May ipapabili ka?” He asked her. Napangiti naman si Zyline. She’s lucky to have Bobbie as her best friend, too. Best friend niya si Cyan, ang asawa ng Kuya Blue niya, pero alam naman niyang hindi sa lahat ng oras, makakasama niya pa si Cyan. Kaya masaya siyang may ibang tao pang nariyan para makasama niya.

“Wala naman. Pero I’m too lazy to cook. Cook for me, please?” Paglalambing niya sa kaibigan. Masarap kasing magluto si Bobbie ng pochero kaya naman iyon ang lagi niyang nirerequest sa kaibigan.

“Okay. I’ll be there. Pupunta lang ako sa grocery para bumili ng kailangan ko sa pagluluto,” ani Bobbie sakanya. Kumunot ang noo niya. Napansin niyang parang may iba sa kaibigan.

“Hey, nagkita ba kayo ng daddy mo?” tanong ni Zyline kay Bobbie. “Hoy, Roberto Macapagal, lalaking lalaki ka naman makipag-usap!” Hindi niya napigilan matawa. “O baka kasama mo pa ang daddy mo kaya ka ganyan? Sige na. Papayag na akong magpanggap na girlfriend mo para hindi niya malaman ang totoo,” pang-aasar niya sa kaibigan.

Saglit namang tila hindi nakasagot si Bobbie. Iniisip kung ano ba ang dapat isagot sa dalaga.

“Bobbie? Andyan ka pa ba?” tanong ni Zyline nang ilang minuto na atang walang imik ang kausap.

“Yeah, kasama ko nga si daddy kanina,” anang Bobbie. “Medyo napagagod akong magpanggap…” he cleared his throat.

Napangiti naman siya. “Kasi naman ikaw, sayang ang lahi! Ang gwapo gwapo mo, eh. Malay mo, may chance pa.” Natatawang sabi niya. “Sige na. Mamili ka na. And don’t forget to buy ice cream, ha? I love you, Bobbie!” Hindi na niya hinintay na makasagot ito. Ibinaba niya na ang tawag at kinuha nalang ang lotion niya at umupo sa kama para maglagay sa katawan.

Wala pang kinse minutos ang nakakalipas nang marinig niya ang pagdoorbell sa pinto.

Inisip ni Zyline na si Bobbie na iyon. Baka naisipan nitong isama nalang siya sa pagbili sa supermarket para hindi ito mainip. Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Not minding her appearance. Sanay na sanay si Bobbie na makita siyang nakaunderwear lang. Si Bobbie din naman kasi ang kasama niya sa mga photoshoots niya kapag wala siyang mahilang kasama niya.

Nakapaa lang siya na nagtungo sa pinto at binuksan ito.

“Ang bilis mo nam—“ nanlaki ang mata niya nang hindi si Bobbie ang nabungaran niya. “Hunter…”

Anong ginagawa nito dito? May usapan ba sila?

“Oh, shit!” Bigla niyang naalala ang text nito sakanya. Seryoso ba talaga ang binata sa alok nito?

“You looked prepared, Zyline.” He eyed her from head to toe.

Tsaka naman narealize ni Zyline ang itsura niya. Hindi niya napigilang mapamura ulit. Bigla niyang isinara ang pinto at sumandal dito.

“What the hell!” Hindi niya napigilan mapasigaw. “Ang tanga mo, Zyline Cerise!” Nagmamadali siyang nagpunta sa loob ng kwarto niya at mabilis na nagbihis. Hindi sinasadyang sexy na damit ang nakuha niya pero hindi na siya namili. Agad siyang bumalik sa pinto at binuksan ito. Nakatayo pa din si Hunter doon.

Nakasuot ito ng itim na polo at nakangiti ito sakanya.

“Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ni Zyline sa binata.

“I should do surprise visits more often,” he smirked at her. “I’m picking you up for our dinner,” he shrugged. Napataas naman ang kilay niya nang bigla nalang pumasok ang binata sa loob ng unit niya.

“Sorry to say this, Mr. Dela Cruz, pero busy ako. Hindi ako sasama sa’yo kaya makakaalis ka na,” ani Zyline na sumunod sa lalaki matapos isara ang pinto.

Umupo naman si Hunter sa couch na naroon at tumingin sakanya.

“I don’t take no for answers, Zyline.” Ngumiti ulit sakanya si Hunter. “Besides, wala naman akong intensyong masama.”

Mas tumaas naman ang kilay niya. Ang hirap naman atang paniwalaan iyon. After saying he wants to fuck her, mahirap isiping walang intensyong masama si Hunter.

“Umalis ka na. Hindi ako sasama sa’yo.” Pagtataboy ni Zyline sa binatang prenteng-prente ang pagkakaupo sa sofa niya.

“Hindi ako aalis ng hindi ka kasama.” Nagkibit balikat si Hunter at sumandal pa. Napailing nalang siya. Pumunta siya sa harap nito at tinitigan ang binata. “Umalis ka na,” aniya sa seryosong tinig.

Hindi siya pinansin ng binata kaya ganoon nalang ang inis na naramdaman niya.

“Come on, Hunter, umalis ka na nga!” Inis na sabi niya hinawakan niya ang kamay nito para hilahin patayo pero mas malakas si Hunter kaya naman ito ang humila sakanya.

Nawalan siya ng balanse kaya naman bumagsak siya sa kandungan ng binata. Naitukod ni Zyline ang kamay sa dibdib ni Hunter at halos gahibla nalang ang layo ng mukha nito at mukha niya.

Hindi naiwasan ni Zyline na titigan ang mukha ni Hunter.

Hindi maikakailang napakagwapo nga ni Hunter. Bakas na bakas ang dugong Dela Cruz sa panlabas na anyo nito. Mula sa panganay na si Thunder, kay Hunter at sa bunsong si Mika, hindi maikakaila na napakaganda ng lahi ng mga ito.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Zyline ng init. Init na hindi niya alam kung saan nagmumula. Gusto niyang itanggi na gusto niya sa kinalalagyan ngayon. Pero hindi niya magawa.

She’s damn attracted to Hunter and she must stop! Kailangan niyang pigilan ang sarili niya dahil para lang siyang humukay ng sariling libingan kung ilalapit niya ang sarili sa binata.

Para lang siyang kumuha ng batong ipupukpok sakanya. Para lang siyang gumawa ng ikasasakit din niya.

Hunter’s not the marrying type. Matagal na niyang alam iyon. Wala naman siyang pakialam, kung tutuusin. Pero ngayon, may munting parte ng katawan niya ang umaasang hindi totoo ‘yon.

Dapat ay iniiwas niya ang mukha niya nang makita niyang lumapit ang mukha ni Hunter sa mukha niya pero hindi siya gumalaw. Naramdaman niya ang kamay nito sa batok niya. Hinihila siya para palalimin ang halik.

Dapat ay pinigilan niya ang sariling mapaungol nang kagatin ni Hunter ang labi niya pero hindi niya nagawa. Sa halip, iniyakap niya pa ang kamay sa leeg ng binata habang patuloy ito sa paghalik sakanya.

Dapat ay itinutulak niya na ito lalo pa’t naramdaman niya ang isang kamay ni Hunter sa bewang niya at marahang hinahaplos ang balat niya, pero hindi niya ginawa. Sa halip, hinayaan niya lang ang binata.

Higit sa lahat, dapat ay hindi siya tumutugon sa halik ni Hunter pero hindi niya malaman kung bakit tila nalasing na siya nang dumampi ang labi nito sa labi niya.

Nasa kandungan siya ni Hunter kaya naman nasa magkabilang panig nito ang binti niya. Ang kamay ni Hunter ay patuloy na dumadama sa katawan niya pataas. Hindi din nilulubayan ng labi ni Hunter ang labi niya.

Pataas nang pataas ang direksyon ng kamay ni Hunter hanggang sa maramdaman niya ang kamay nito sa dibdib niya.

Nakulong ang mga ungol niya sa labi ni Hunter. Ang kamay niya’y nanatili sa leeg nito.

Napasinghap siya nang pisilin ni Hunter nang marahan ang dibdib niya. Sinamantala iyon ng dalaga upang mapasok nito ang dila sa bibig niya.

Siguro nga’y tuluyan nang nadarang si Zyline sa sensasyong hatid ng mga labi ni Hunter kaya naman gumanti siya ng halik na kasing lalim ng ginagawa ng binata sakanya.

Itanggi man niya gamit ang bibig na hindi niya gusto ang binata, iba ang sinasabi mg katawan niya. At naamin na niya iyon sa sarili niya. She likes him. Gusto ni Zyline si Hunter.

Bumaba ang halik ni Hunter patungo sa leeg ng dalaga. He’s kissing and sucking her neck. Hindi napigilan ng binata ang pagngiti dahil alam niyang gusto siya ni Zyline. She wants him as much as he wants her.

Bumaba pa ang halik ni Hunter sa dibdib ni Zyline. Ganoon nalang ang naging pag-ungol ni Zyline nang maramdaman ang mainit na labi ni Hunter sa dibdib niya.

He’s kissing and sucking her nipples. Zyline closed her eyes and bit her lower lip. Hindi niya alam kung kailan at bakit pero hindi niya napigilang mapaarko ang katawan… offering herself to him more.

She can also feel the wetness between her legs. Damn, this man can really wake the living virgin inside her.

Sinadya man ni Hunter o hindi, muling napaungol si Zyline nang bahagyang gumalaw si Hunter at naramdaman niyang may kung anong bumangga na matigas sa katawan niya.

Bumibigat ang paghinga niya. Pakiramdam ni Zyline ay kinakapos siya ng hangin dahil sa nangyayari.

Ang mga labi ni Hunter ay patuloy ang ginagawa sa dibdib niya. His tongue can really do magic!

Hinawakan ni Zyline ang mukha ni Hunter at hinalikan ito sa labi. Alam niyang nabigla si Hunter sa ginawa niya but she couldn’t care less. Ang tanging nasa isip niya ay ang init na nararamdaman dahil sa labi ni Hunter.

Hindi pinigilan ni Zyline si Hunter nang hubarin nito ang suot na damit. Nagpaubaya siya at hinayaan siyang madarang sa tukso. Hustong nahubad na ni Hunter ang bra niya nang mapahinto silang dalawa sa ginagawa nang may magsalita sa likod ni Zyline.

“What the fuck?”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Bobbie na nakatingin sakanilang dalawa ni Hunter. She’s sure she can’t say that, that was nothing. Hindi naman nothing na makita siya ni Bobbie sa kandungan ng lalaking alam nitong sinusumpa niya na walang damit at naghahalikan pa!

Nagmamadali siyang umalis sa kandungan ni Hunter at mabilis niyang kinuha ang damit at isinuot ito para takpan ang kahubdan niya. Hindi niya naiwasang pamulahan ng pisngi nang mapadako ang mata ni Bobbie sa bra niya na basta nalang initsa ni Hunter kanina kaya nasa paanan nito.

“Uhm, Bobbie…” agad siyang lumapit sa kaibigan. She knew he’ll understand her. May pusong babae ito. Maiintindihan nito kung nagkaganoon siya.

“Nagdodoorbell ako. Hindi mo ako pinagbuksan kaya pumasok na ako,” ani Bobbie pero nakapako ang tingin kay Hunter. May sariling susi si Bobbie ng unit niya para kung sakaling may emergency, makakapunta ito kaagad.

“Hi-hindi ko narinig…” hindi niya maiwasang mahiya sa nangyari.

“I understand why.” Bobbie let out a weary sigh. “Aalis na ako. Babalik nalang ako bukas.” Tumalikod na ito pero hinawakan ni Zyline ang kamay ni Bobbie.

“No, let me explain first,” pigil niya sa binata. Tumayo naman si Hunter at lumapit sa magkaibigan.

“Hi, Mr. Macapagal,” bati ni Hunter kay Bobbie. He’s not very pleased to meet him. Kahit na nagkita na sila noon pa man.

“Hi, Mr. Dela Cruz.” Humarap si Bobbie dito at tinanguan ang binata.

“May usapan ba kayo ni Zyline? Ang alam ko kasi ay may usapan na kaming dalawa. If you don’t mind, nakakaistorbo ka kasi sa aming dalawa.” Preskong sabi ni Hunter. Hindi napigilan ni Zyline na titigan ng masama ang binata.

“Shut up, Hunter,” she snapped at him. “Come with me.” Hinila niya papunta si Bobbie sa kusina. Nilingon naman niya si Hunter at hindi niya napigilang mapamura nang makita niyang pulutin ni Hunter ang bra niya at paikot-ikutin ito sa daliri nito.

“Sorry about that…” mabilis na sabi ni Zyline kay Bobbie nang makapasok sila sa kusina.

Hindi nagsalita si Bobbie.

“Hey…” hinawakan niya ang kamay nito. “Naiintindihan mo naman ako, diba? Ikaw nga mismo, nagsabing hunk si Hunter, diba? Naattract ako…”

Bobbie looked at her. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. “Are you sure about that, Zy?”

Kumunot ang noo niya. “About what?” Bigla’y naguluhan siya sa sinasabi ng kaibigan.

“You said you like him. Are you certain about that?” may bakas ng pag-aalala na tanong ni Bobbie sakanya.

Hindi naman napigilan ni Zyline mapangiti. “Ikaw talaga, sis. Concerned na concerned ka talaga sa akin.” Niyakap niya si Bobbie. “Yes, I like him. Pero kinokontrol ko naman, eh. Sinusubukan kong pigilan…”

“Hindi iyon ang nakita ko.” Nag-iwas ng tingin si Bobbie.

“Uh, yeah. Sorry about that.” Ngumiti siya. “Huwag ka ng magalit, please?”

“Oo na. Aalis na ako. Para matuloy niyo na ang ginagawa niyo,” sabi ni Bobbie sakanya. Napasimangot siya sa sinabi ng kaibigan. “Bobbie naman, eh.”

Matapos nitong iwan ang mga pinamili, naglakad na sila palabas. Nagtinginan naman si Bobbie at Hunter.

“I’ll go ahead.” Paalam ni Bobbie sakanila.

“Ingat.” Hunter smirked at him. Napailing nalang si Zyline. Gustuhin niya mang pigilan ito, hindi niya na magawa dahil alam niyang kapag sinabi ni Bobbie, ganoon na ang desisyon nito.

Napatingin nalang siya kay Hunter pagsarado ng pinto. “Umalis ka na nga. Nakakabwisit ka.” Inirapan niya si Hunter at tinalikuran. ‘Yung apoy na nararamdaman niya kanina, naglaho na. Napalitan na iyon ng iritasyon.

Ngayon, problema niya na kung paano kakain. Hindi na nakapagluto si Bobbie ng pochero. Hindi niya mapigilang mainis kay Hunter at sa sarili niya.

“Zyline…” tinawag siya ng binata ngunit inirapan niya lang ito.

Nagpunta siya sa kusina at naghanap ng kakainin.

“Zyline…” tawag nitong muli sakanya.

“Zyline…” hinawakan na nito ang kamay niya kaya nilingon niya ito.

“Kung makakapagluto ka ng kakainin ko, pwede kang magstay. Pero kung pepestehin mo lang ako, umalis ka na. And please akin na nga ang bra ko!” Hinila ni Zyline ang bra na hawak rin ng binata at iniwan ito sa kusina.

With Hunter, it’s a roller coaster ride. Hindi niya na din mapaliwanag ang emosyon niya.

Isa lang ang sigurado niya sa ngayon…

Hindi na virgin ang dibdib niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.