Hunter's Temptation Chapter 11

ISANG linggo na ang nakalipas mula nang nangyari sakanila ni Hunter pero parang kahapon lang ang lahat para kay Zyline. Ipinagluto siya ng binata ng hapunan. Alam naman niyang marunong magluto si Hunter at aaminin niyang mas lalo niya itong hinahangaan dahil doon.

He’s almost perfect. I-minus nga lang ka-manyakan at kayabangan nito sa katawan na alam ni Zyline na imposible. Imposibleng mangyari dahil kanina pa siya nakatingin sa binata na may kasamang babae. Ang kamay nito ay nasa bewang ng kasama nito at ngiting-ngiti ang gago.

Hindi na din mabilang ni Zyline kung ilang beses siyang napairap sa mga ito. Kaninang umaga’y tumawag ito matapos ang ilang araw na hindi pagpaparamdam at sinabing mamimili sila ngayon ng gamit para sa condo ng kapatid niya. Gusto niyang sigawan ito pero hindi naman niya nagawa.

Ipinadala din sakanya ni Hunter ang inaprubahan na design ni Mika. She changed her mind according to Hunter. Hindi na strawberry ang design ng bedroom niya gaya ng unang plano nila. May pakiramdam si Zyline na si Hunter talaga ang may ayaw sa design na ‘yon kaya pinilit nito ang kapatid na hindi iapprove ang design na iyon.

Mix ng puti at purple na ang design ng kwarto ni Mika. Ganoon din ang labas nito. Hindi na din siya masyadong nagreklamo o nagkomento. That’s not her unit, in the first place. Mas inenhance na lang niya ang lahat at nagdagdag ng ibang detalye.

“Zy, maybe we could get some stuff here, too, for Amber’s house. What do you think?” Bobbie asked her. Tumango lang siya. Kung tutuusin, makikita na wala talaga siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

Basta naiinis siya sa kalandian ni Hunter. Ni ha ni ho, walang sinabi ito sakanya sa nakalipas na araw. Matapos nitong halayin ang dibdib niya, ipagluto siya at magstay sa bahay niya ng isang gabi—walang nangyari sakanila—parang biglang hindi na naman siya kilala nito. She really can’t understand him! At kung umarte ito ngayon ay parang ni hindi man lang sila naghalikan sa condo niya.

Bakit ba may mga taong sasabihing gusto ka, pero lumalandi naman sa iba? Hindi na ba talaga uso ang stick to one ngayon? Or was it because he’s Hunter Ezekiel Dela Cruz at nature na nito ang makipaglandian sa mga babae?

Kapag siya ba nakipaglandian sa iba, okay lang? Ang ibig niyang sabihin ay kung sakali bang gagawin niya ang mga ginagawa ni Hunter, okay lang dito?

But she can’t do that. Alam niya sa sarili niya na hindi niya magagawa iyon.

She said she likes him. At hindi naman siya ang tipo ng tao na matapos magsabi sa isang tao na gusto niya ito, titingin pa sa iba at lalandiin ito.

Hindi katulad ni Hunter.

She looked at him again. Sige naman ang pagngiti nito sa kasamang babae. Hindi naman maganda. Mas maganda pa nga siya, eh. Hindi niya malaman kung ano ang nakita ni Hunter sa babaeng ‘yon. Malamang ‘yung dibdib.

Eh, di siya na malaki ang hinaharap. Hindi na naman napigilan ni Zylibe mapairap.

Nakapili na sila ng mga kailangan nila. Idedeliver nalang ito sa condo ni Mika at bukas, magsisimula na silang mag-ayos doon. Sa tantiya niya’y wala pang isang linggo, basta tuloy-tuloy ang paggawa nila'y matatapos na nila ang trabaho.

Halos naging taga-tango lang si Zyline sa buong pamimili nila ng gamit. She’s lucky enough dahil hindi siya iniwan ni Bobbie sa paglalakad. Nakaalalay lang ito sakanya. Nauuna kasing maglakad si Hunter at ang mahaderang babaeng kasama nito.

Napapaisip tuloy siya kung saan ba napulot ni Hunter ang babaeng iyon. Zyline is Zyline. She can be mean sometimes. Lalo na kapag naiirita siya sa nakikita niya.

“Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Bobbie nang mapansin na sobrang tahimik niya. Tumango lang siya ulit habang nakasimangot pa din. “Ilang araw ka ng ganyan. What really happened?” Huminto muna sila sa paglalakad at pinaharap siya nito.

“Nothing,” she said. Lumingon siya sa direksyon ni Hunter at ng harlot na kasama nito. She saw him looked at her. Saglit itong tumitig sakanya.

Ang hindi niya maintindihan ay ang biglang pag-irap nito sakanya. Ano namang ginawa niya para irapan siya nito? Kung may dapat na nagsusungit at nag-iinarte sakanilang dalawa, siya ‘yon!

Hindi naman siya ang nanghalik ng dibdib ng may dibdib. Si Hunter ‘yon.

“Seriously, what happened?” tanong na muli ni Bobbie. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Tinitigan niya ang mukha ng kaibigan.

Nakaramdam na naman siya ng panghihinayang para dito. She’s sure, ang daming nagkakagusto kay Bobbie. Kung bakit naman kasi naging binabae pa ang kaibigan. Siya talaga ang nanghihinayang sa lahi nito.

“Wala nga. Tara na.” Ikinawit nalang niya ang kamay sa braso nito. Isa pa iyon sa napapansin ni Zyline sa kaibigan, hindi siya katulad ng mga binabaeng malamya. He’s actually tough. Gym buddy pa nga niya si Bobbie, eh. At alam ni Zyline na madaming nagmemember ng gym na iyon dahil na rin kay Bobbie. Maybe because of his dad, too, kaya nagiging tough si Bobbie.

Kung alam lang nila…

“Hindi ba tayo kakain?” Hindi na napigilan magtanong ni Zyline habang patuloy na naglalakad para tumingin ng iba pang kailangan nila. Tapos na silang mamili ng furnitures. Pero may mga gamit pa silang kailangan para sa condo ni Mika. Naglunch na sila kanina pa, pero halos alas-tres na at nagugutom na siya.

Huminto sila Hunter sa paglalakad at nilingon siya. “Are you hungry?”

She rolled her eyes. Mukha ba siyang naiihi kaya nagtatanong siya kung hindi pa sila kakain? Nakakainis!

“Starving.”

Narinig niya ang pagtawa ni Bobbie sa tabi nita kaya nilingon niya ito at tinignan ng masama. Alam kasi ni Bobbie ang ugali niya kapag nagugutom. Kahit sino, inaaway niya talaga. Kaya hindi siya ginugutom nito. Ayaw na ayaw kasi nitong inaaway niya ito.

“Kakakain lang natin kanina, ah?” Nakataas ang kilay na tanong sakanya ng babaeng kasama ni Hunter na ang pangalan ay wala siyang pakialam. Seriously, she can’t remember her name.

“Eh, sa nagugutom ako, eh,” she tried to filter her voice, pero alam niyang hindi niya nagawang itago ang iritasyon sa boses niya. Ano bang pakialam nito? Eh, di huwag siyang sumama. Huwag silang sumama ni Hunter.

Wala naman siya kasing pakialam kung ano ang plano nitong mga ito. Wala siyang pakialam kung magpupunta itong dalawa sa bar mamayang gabi. Wala din siyang pakialam kung saan man humantong ang mga ito.

“Okay, let’s have some snack.” Hunter finally said. She looked at him. “Are you sure?” she asked him. Baka kasi may ibang plano ito, nakasagabal pa siya. Nakakahiya naman.

“You’re hungry, aren’t you? So yeah, let’s eat first.” Tumango lang si Hunter sakanya at tinalikuran na siya.

Inakbayan siya ni Bobbie. Buti nalang talaga at nagkaayos na sila ng kaibigan. Iniwasan lang talaga niyang magkwento dito ng tungkol sakanila ni Hunter. Dahil wala namang sila ni Hunter. Pagtapos naman ng gabing iyon, wala naman ng nangyari kasunod.

“Alam mo, kung hindi ka lang talaga bakla, iisipin ko crush mo ako,” aniya habang naglalakad sila papunta sa coffee shop na naroon. Napatigil naman sa paglalakad si Bobbie.

Hindi niya napigilan ang pagtawa. “Joke lang. Manigas daw ba?” Hinawakan niya ang kamay nito. “Tara na nga,” hinila na niya si Bobbie papasok. Nakaupo na si Hunter kaya naglakad sila palapit dito at umupo na din sa bakanteng silya sa garap nito.

Wala si harlot.

“Nasaan ang kasama mo?” Bobbie asked Hunter. Hunter shrugged. “May bibilhin daw,” sagot naman ni Hunter dito.

Huwag na siyang babalik, pwede? Naiirita kasi talaga siya sa dark red na lipstick ng babaeng ‘yon. Di naman kaputian, kung makapag-dark red akala mo, bagay.

Tumango-tango si Bobbie dito. Umorder na sila at hindi niya kinikibo si Hunter kahit na dama niya ang pagtingin-tingin nito sakanya. Wala siyang pakialam sa binata. Magkamatayan na, hindi niya kikibuin ito.

Isang linggo din niyang inisip kung bakit hindi siya nito tinatawagan o tinetext man lang kaya bahala ito sa buhay nito. Isip siya ng isip na baka busy ito sa negosyo, busy pala sa mga babae.

Kaya ayaw niya talagang i-involve ang sarili, eh. Ayaw niyang magkafeelings dito. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng feelings ang pag-asa sa bagay na walang kasiguraduhan. At iyon ang masakit sa pag-ibig.

‘Yung aasa ka kahit na wala ka namang dapat asahan.

Kaya naiinis din si Zyline sa sarili. Dahil alam niya, bawat paglipas ng araw noong nakaraang linggo, umasa siya na magpaparamdam si Hunter sakanya, pero wala.

Nag-uusap si Bobbie at Hunter nang magring ang cellphone ni Bobbie. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ni Zyline. More or less, alam na niya ang mangyayari.

“Excuse me,” tumayo si Bobbie at tumingin sakanya. Gusto niyang pigilan pero bakit niya naman gagawin iyon? Eh, di nagmukha lang siyang tanga sa harap ni Hunter. Tumango nalang siya sa kaibigan at lumayo na ito sakanilang dalawa ni Hunter.

Now, she’s alone with the beast.

Bakit ba parang gusto niya biglang dumating si harlot para hindi siya ang tinititigan ni Hunter ng ganoon? ‘Yung titig na parang hinuhubaran siya nito.

Hindi niya ito pinansin. Sa halip, kumain nalang siya at kinuha ang cellphone na nasa lamesa at nagscroll ng kung ano-ano sa internet. Mas interesting na magbasa ng Top 20 names ng kung ano-anong katangian ng tao kaysa makipag-usap kay Hunter.

Bakit ba walang Top 20 names ng manyak? Pakiramdam kasi ni Zyline, mula 1-20, Hunter ang nakalagay doon, eh.

“How are you?” he finally asked her.

Nag-angat siya ng tingin sa binata. Tumaas ang isang kilay niya sa binata. “Are you talking to me?” sarkastikong tanong niya sa binata.

“May iba pa ba tayong kasama?” sarkastiko ding tanong sakanya ni Hunter. “May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” luminga-linga pa ito. Mas lalo namang nag-init ang ulo niya sa binata. “Whatever.” Inirapan niya ito at ibinaling muli ang atensyon sa pagsscroll sa facebook niya.

San Gokou sent you a friend request.

Hindi alam ni Zyline kung matatawa o ano sa notification niya. Seriously? Mas nakakatuwa pa talagang magscroll kaysa kausapin ang lalaking kasama niya. Swear!

“Zyline…” untag nito sakanya pero hindi niya ito pinansin.

“Zyline Cerise,” he called her name again. Ang interesting kaya ng pabebe girls, wala siyang time para lingunin si Hunter.

“Fuck it, what the fuck’s your problem?” inis na sabi nito. Inagaw pa nito ang cellphone niya para lang makuha ang atensyon niya.

“Ano bang problema mo?” She asked him. She was keeping her voice low. Ayaw niya naman na magtinginan ang mga costumers sa kanila at isipin ng mga ito na may LQ sila dahil hindi sila lovers ni Hunter.

“Are you mad at me?” tanong ni Hunter sakanya.

Pwede bang ibuhos niya dito ang kape niya? Pwede naman, eh. Kaso sayang. Nabwisit naman siyang lalo sa binata.

“Dapat ba akong magalit?” Tanong niya dito. Hindi naman, eh. Wala naman kasing rason.

“Look, I was just busy with some things. I was about to call you and—“

“Who’s asking for your explanation?” tanong niya dito. Huminga naman ng malalim si Hunter bago muli siyang tinignan.

“And besides, kitang-kita ko ngang busy ka, Hunter. So, no need to explain kung bakit hindi ka nagparamdam sa akin after that night. Alam ko namang kabi-kabilang kama ang tinutulugan mo… oh, wait…” she stopped and smiled a little. “Natutulog ka nga ba sa kama ng mga babae mo? Hindi naman, diba?”

“Nagseselos ka ba?” Hunter asked her. Nawala ang ngiti sa labi ni Zyline. She was supposed to insult him. Hindi dapat nito binabalik sakanya ang topic!

“Of course not!” mabilis na tanggi niya dito. Iba ang selos sa irita. Naiirita siya sa kalandian ni Hunter. That’s it!

“No? Are you sure?” ngumiti si Hunter habang nakatitig sakanya. He’s playing with her. Hunter smiled at her. Ayan na naman ang ngiti ni Hunter na nakakaloko. ‘Yung ngiti niya kasi, parang ‘yung ngiti na nahuli ka niya na may ginagawang kung ano.

“I am sure.” Mas tinatagan ni Zyline ang loob niya dahil nakakatunaw na talaga ang titig ni Hunter sakanya. Nasaan na ba si Bobbie? Sino ba ang tumawag at hindi na nakabalik ang kaibigan niya?

“So, it’s okay with you if I fuck Ciara later?” sumandal ito at ngumising muli sakanya.

Who the hell is Ciara?

“Okay lang sa’yo na halikan ko siya gaya ng ginawa ko sa’yo noong nakaraan. Okay lang sa’yo na ituloy ko kay Ciara ang naudlot sa atin noong nakaraan…” he said sensually.

Napakuyom ni Zyline ang kamay habang nagsasalita si Hunter.

Inilagay pa nito ang kanang kamay sa baba nito bago tumingin sakanya. “Okay lang talaga sa’yo?” tanong nito habang nakangisi sakanya.

“Bakit hindi ka nalang magpornstar, Hunter? Tutal wala ka namang ibang alam gawin kundi makipagsex, diba? Para may pakinabang ‘yang sinasabi mong talent mo.” Bwisit na bwisit na sabi niya dito. “I don’t give a damn if you’ll sleep with whoever tonight. Huwag mo na nga akong kausapin. Nakakadiri ka.” Tumayo na siya at lumabas ng coffee shop. Inis na inis talaga siya kay Hunter.

Itetext nalang niya siguro si Bobbie. Uuwi na siya. Sumakit lang ang ulo niya sa naging pag-uusap nila ni Hunter. Gusto nalang niyang matulog.

Naglalakad siya palabas ng hatakin siya bigla ni Hunter.

“Bitawan mo nga ako!” asik niya dito habang pilit binabawi ang braso na hawak ni Hunter.

“Let’s talk.” Hinila siya nito palabas. Nagpupumiglas siya kaya naman nabigla siya nang bigla siya nitong binuhat at inilagay sa balikat niya.

“What the hell? Put me down!”

Nakita niyang naglalakad sila papunta sa parking lot at ibinaba siya nito sa tabi ng sasakyan nito.

“Ano pa bang kailangan mo sa akin?” Inis na tanong niya sa binata. Walang masyadong tao sa parking lot kaya naman nilakasan ni Zyline ang boses niya.

“Ba’t ba galit na galit ka sa akin?” Hunter asked her. Natigilan si Zyline. He’s seriously asking her what’s her problem? Ano ‘to, lokohan?

“Seriously, Hunter?” she asked him.

“I am serious.”

“Because you’re an ass. You’re a jerk. And I don’t want to involve myself too much. Kasi alam kong puro paglalaro lang ang alam mo. Puro sex lang ang alam mo.” Huminga ng malalim si Zyline bago nagpaalam kay Hunter. Hindi na niya ito hinintay na magsalita pa. Umalis nalang siya at nagtaxi pauwi.

That night, hindi siya sumagot sa tawag o text ninuman. Hindi din siya lumabas. Ginusto niya lang mapag-isa.

Kinabukasan, maaga siyang nagpunta sa condo ni Mika para tumulong sa pag-dedesign nito para na din matapos sila ng maaga at makalayo na siya kay Hunter. May mga paints na rin na naroon para sa gagawin niyang design sa pader ng unit nito.

Simpleng shirt at shorts lang ang suot niya para kumportable ang pakiramdam.

Napalingon naman siya nang maulingan ang boses ni Hunter na nanggagaling sa loob ng kwarto ni Mika kaya naglakad siya papunta doon.

Inabutan niya si Hunter na may katulong sa paglalagay ng ilang gamit sa loob ng kwarto. Nag-angat ito ng tingin sakanya. “Morning,” he said and smiled at her. Hindi niya ito pinansin. Sa halip, tinalikuran niya ito at bumalik sa ginagawa niya.

Hindi naman makapagconcentrate ng maayos si Zyline sa ginagawa dahil kanina pa daan nang daan si Hunter sa harap niya. Naka-jeans ito pero walang suot na pang-itaas. Kaya naman kitang kita niya ang katawan nito na pinagpapawisan.

Wala man lang unwanted fats ang binata. Mula sa balikat hanggang sa naghehello na v line, ang perpekto ng katawan. Hindi na talaga nakakapagtaka na ang daming babaeng willing makasama si Hunter.

Inabutan na sila ng tanghalian doon kaya naman nagpadeliver nalang sila ng pagkain. Malakas ang kutob ni Zyline na sinasadya na talaga ng binata na ihantad ang katawan sa harap niya kaya pilit niyang iniiwas ang tingin pero paulit-ulit naman siyang tinatawag ng binata para itanong kung saan ilalagay at kung ilalagay na ba ang mga gamit na nandoon.

“Inaakit mo ba ako?” Hindi na napigilan ni Zyline magtanong kay Hunter nang maiwanan silang dalawa ng staffs niya.

Tumingin naman sakanya si Hunter at nagpa-inosente. “No.”

“Come on, Hunter. Halatang-halatang inaakit mo ako, eh. Kanina ka pa, actually. Was it because of what happened yesterday?” tanong niya ulit dito. Basta na lamang niyang iniwan ang lalaki kahapon.

“Don’t think that high of yourself, Zyline. Inaakit kita? Hindi ko na kasalanan kung naaakit ka talaga.” Sumandal siya sa pader at humalukipkip. Mas lalo namang nainis si Zyline sa binata.

“Fuck you.” Hindi na niya napigilan ang iritasyon niya.

It’s indeed a roller coaster ride with him. One minute, you’re having fun, the next you’re scared you might fall and get hurt. At natatakot na si Zyline.

Hunter smirked at her and winked. “I want it hard, my lady. And soon, you will fuck me hard.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.