“MA’AM Zyline, pinabibigay po ni Sir. Kumain ka daw po muna.”
Napatigil si Zyline sa ginagawa nang may naglapag ng pagkain sa tabi niya. Napalingon siya sa staff niya na nagbigay sakanya noon. Alam na niya kung kanino galing iyon.
“Kukuha ako ng pagkain kung gutom ako.” Hindi gusto ni Zyline na magtaray dito pero hindi niya mapigilan. Alam niyang wala itong kasalanan sakanya, pero naiinis siya dahil siya ang boss ng mga ito pero lagi nalang kay Hunter nakadikit ang mga ito. Bakit ba kasi ang papansin ni Hunter?
Papansin ito sa paraang siya lang ang nakakapansin at mas naiinis siya dahil doon.
Sa ilang araw na nakalipas na pag-aayos nila ng condo ng kapatid nito, hindi iilang beses itong nagpapansin sakanya. Sa tuwing naroon si Hunter, lagi nalang itong nakahubad! Lagi nalang nitong inihahantad ang katawan sa harap niya at ng mga staffs niya.
At nabubwisit naman lalo si Zyline dahil ang mga babaeng staff niya na kasama nila’y hindi maitago ang kilig sa binata. Kulang nalang ay magprisinta ang mga ito na punasan ang pawis ng binata.
Mukha namang enjoy na enjoy si gago sa atensyong nakukuha niya. Hindi man lang marunong magfilter ng pagngiti.
Hanggang pagngiti, napaghahalataang may balak na masama.
Nakayukong umalis ang staff niya sa tabi niya, bitbit nito ang pagkaing dinala para sakanya. She’ll just say sorry to her later. Hindi naman siya ganoon kasama sa staffs niya. Sa totoo nga’y kaibigan ang turing niya sa mga ito. Nakikipagbiruan din siya pero laging may limitasyon. Ayaw niyang mawawala ang respeto nito sakanya.
Naiirita lang talaga siya kay Hunter kaya ganoon.
“You’re mean…”
Hindi na niya kailangan lingunin ang nagsalita. Boses at amoy pa lang, alam na niyang si Hunter iyon. Kumbaga may sariling dating si Hunter sakanya.
Seriously, ilang lalaki lang ba ang may kakayahang patayuin ang balahibo ng mga babae sa pagsasalita lang? She’s so sure, Hunter’s one of them. Malamang ay na-master na nito iyon. It’s a requirement for a beast like him. Sa dami ba naman ng babae na nagdaan sa buhay at kama ni Hunter, alam na alam na nito kung paano gagamitin ang katawan, maging ang boses para mapansin ng babae.
At kailangan niya pang tatagan ang sarili para huwag bumigay dito.
She likes him.
Pero like pa lang naman. Kaya pang pigilan. Kaya pang pahintuin. Iniisip ni Zyline na kaya pa. Pero kung lagi namang nakahubad si Hunter sa harap niya, parang napakahirap na din magpigil.
Kaya kailangan niyang magsungit dito. Kailangan niyang magpanggap na wala lang ang lahat. In that way, iniisip ni Zyline na mapoprotektahan niya ang sarili niya.
She needs to protect herself. She doesn’t want to feel that pain again. ‘Yung halos wala na siyang ibang naramdaman kundi sakit. Falling in love with a playboy will just give you a tower of problems. Ano pa kaya kung kay Hunter siya mai-in love? Baka limang pinagpatong na Statue of Liberty ang maging taas ng problema niya.
Hindi nalang niya pinansin ito. Pinilit niyang ignorahin pero nakakainis naman kasi na amoy na amoy niya ang pabango ni Hunter. Ang manly, ang sexy. Bagay na bagay sakanya.
“Zyline…” she called her. She shut her eyes hard and sighed deeply.
Kalma lang, Zyline.
“I know we do have a rough start…” he said after a minute. “You hate me, I don’t actually care if everyone will hate me. Ang dami namang babaeng gustong mapansin ko, eh.”
Ang kapal talaga.
Napailing nalang si Zyline sa isip niya. She even mentally rolled her eyes.
“But I do care about your opinion. I am blunt, rude… but that’s me. And I’m not going to change… even for you. But I don’t want you to be like that towards me.”
Humugot muna ng malalim na hininga si Zyline bago humarap kay Hunter. “I know that. You’re cold and heartless, Hunter. Kaya alam kong walang magandang idudulot sa akin kung maglalapit tayo kaya mas makakabuti pababayaan mo nalang ako.” Lumakad siya palayo pero hinawakan ni Hunter ang kamay niya.
She looked at him. Wala siyang mabasang kahit ano sa mukha ng binata.
“You said you like me…” he asked. It’s actually more like a statement.
Tumango siya sa binata. “I like you, yes. You like me, too, right?” she paused and sighed again. “Pero alam nating hanggang sex lang ang kaya mong ibigay, Hunter. Mas magandang mag-iwasan nalang tayo kung ganoon lang din naman ang mangyayari.” Hinawakan niya ang kamay ni Hunter na nakahawak sakanya at tinanggal ito bago siya lumayo na ng tuluyan.
Inabala niya nalang ang sarili sa pagcheck kung maayos na ba ang lahat ng gamit at nailagay sa tamang ayos.
She’s sure Mika will like this. Mamaya ay tatawagan nalang niya si Mika para sabihing okay na ang lahat para makapunta na din ito dito at masabi kung may babaguhin pa o wala na. Kung may gustong idagdag o wala na. Since discounted client si Mika, babawasan pa niya iyon dahil na rin katulong niya sa pag-aayos ang kuya nito.
Araw-araw narito si Hunter kaya naman alam niyang hindi ito nagpupunta sa opisina nito. Sa pagtatapos ng araw na ito, alam niyang hindi na sila magkikita pa ng madalas ng binata.
Wala naman na kasi silang pag-uusapan.
Babalik nalang sila sa dati nilang buhay. Sa dati nilang turingan. Life was easier back then. Alam nila na nag-eexist ang bawat isa pero wala silang pakialam.
Ang complicated na kasi ng sitwasyon nila ngayon. She couldn’t even look at him on the eyes now. Kasi alam niyang may nararamdaman na siya para kay Hunter.
Liking him was like opening a hole full of fear, hopes, doubts, pain… Lahat! Natatakot siya. Umaasa siya. Nagdududa siya.
At ayaw na niyang masaktan ulit. Wala pa ngang nangyayari sakanilang dalawa, nakakaramdam na siya ng sakit, ano pa kung magkaroon na?
Kapag nagmahal ka, masasaktan at masasaktan ka. Alam ni Zyline ‘yon. Pero hindi naman ata tamang lagi kang masasaktan. Lahat ng tao, deserving maging masaya. Gusto niya ring maging masaya. Ayaw niyang magsimula ng relasyon na sakit agad ang mararamdaman niya. She really wants to be happy.
Naririnig niya ang pakikipag-usap ni Hunter sa staffs niya mula sa kinauupuan. Palihim niyang nilingon ang mga ito. Nagtatawanan ang mga ito habang nagmimirienda.
Iniisip ng mga tauhan niya na palakaibigan si Hunter, but he’s not. He’s not friendly, he’s a flirt. Kaya naman ganyan ito kung ngumiti sa mga ito. Alam na alam talaga nito kung paano huhulihin ang kiliti ng mga babae.
Nagtama ang mga mata nila. Agad naman siyang nagbawi ng tingin at ibinalik ang mata sa hawak na cellphone.
Darating si Bobbie mamaya. Kanina kasi’y nagdesisyon ang mga ito na magcelebrate dahil sa natapos na trabaho. Naging habit na nila iyon sa tuwing nakakatapos sila ng project, nagcecelebrate sila. Hindi naman siya KJ para tanggihan iyon. Kadalasan pa nga ay sa Blue’s Haven sila nagcecelebrate.
“I already asked Mika if we could use this place to celebrate, she said yes.” Narinig niyang sabi ni Hunter sa mga staffs niya. Kanya-kanya namang papuri kay Hunter ang narinig niya mula sa mga ito.
“Why are we going to use her place? Hindi pa nga niya nakikita, gagamitin mo na?” Hindi niya napigilang magsalita. He just shrugged at her. Tila binalewala nito ang sinabi niya.
Hindi niya napigilang mapataas ang kilay.
Okay, fine. Eh, di bahala ka sa buhay mo.
Pinilit niya ang sarili na hindi makisabad sa mga pinag-uusapan nila. Hinintay niya nalang si Bobbie para naman may kausap siyang hindi baliw kay Hunter.
Kung noon, sinasabi ni Bobbie na total hunk si Hunter, ngayon, nagbago na. Para bang naging aloof si Bobbie kay Hunter. He’s always serious when Hunter’s around.
Iilan lang naman silang may alam na binabae si Bobbie. Hindi pa din nami-meet ni Zyline ang magulang ng binata. Natatakot din kasi siya. Ang alam niya’y dating General ang tatay nito. Natatakot siyang masabi ang lihim ni Bobbie. May ugali kasi siyang kapag naaargabyado ang kaibigan o mamomroblema, nakikialam siya. Baka mamaya, mas magkaproblema pa si Bobbie.
Dahil seryoso si Hunter sa pagbibinyag sa condo ni Mika, pinakialaman na din ng mga ito ang kusina at mga gamit doon at nagluto ng hapunan nila bago magcelebrate mamaya.
Dumating na din si Bobbie kaya kahit papaano ay may kasama na siya at may nakakausap na.
“What’s with the face, Zy?” Bobbie asked her. Katabi niya ito sa couch at nakapatong ang paa niya sa hita nito.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “I told Hunter to stay away from me.” Nilingon niya si Hunter na kasalukuyang nagluluto. Kanina pa niya gustong sigawan ang tatlong babaeng staff niya dahil masyadong obvious ang mga ito sa pagpapapansin kay Hunter.
“Oh, why are you frowning, then? You’re supposed to be happy. Hindi ka na guguluhin ng gagong ‘yan.” Kumunot ang noo ni Bobbie sakanya.
She rolled her eyes. “Ayun na nga, eh. I am supposed to be happy, pero hindi, eh. Naiinis ako!” Hininaan ni Zyline ang boses niya dahil baka mamaya’y marinig sila ni Hunter.
“Bakit ka naiinis?” tanong ulit ni Bobbie sa kanya.
“Because I said that almost five hours ago and there he is, parang hindi ako kilala. Bakit ganyan kayong mga lalaki? Ang bilis niyong makalimot. Ang bilis niyong mawalan ng pakialam. Nakakainis!”
Sumeryoso naman ang mukha ni Bobbie.
“Oh, I’m sorry…” she shouln’t have said silang mga lalaki. Never niya naman kasing inaddress na lalaki si Bobbie. Iniisip niya na baka nainis si Bobbie nang isali niya ito.
“You really like him.”
Hindi kumibo si Zyline sa sinabi ni Bobbie. Ano pa nga ba ang sasabihin niya? Totoo naman ang sinabi ng kaibigan niya. Gusto nga niya si Hunter.
Sabay-sabay silang naghapunan. Nilubos-lubos na nila ang paggamit sa bahay ni Mika. Dumating na din ang inutusan ni Hunter na bumili ng alak kaya nagkasalo-sali silang lahat sa pagkain.
Magkatabi sila ni Bobbie habang si Hunter naman ay katabi ang mga babaeng staff niya.
Iniisip na niyang sisantehin ang mga ito pero alam niyang magiging unfair siya sa mga ito. Pero naiinis talaga siya. Gusto na din niyang umuwi nalang kaysa makisaya kasama ang mga ito pero magiging KJ naman ang labas niya kapag ginawa niya iyon.
Sa buong duration ng hapunan ay hindi nagsasalita si Zyline maliban nalang kapag kinakausap siya ni Bobbie. Ito na din ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Alam niyang nakatingin si Hunter sakanila pero bago pa man siya makapagreact ay nag-iwas na ng tingin ang binata.
“Kumain ka pa nga.” Puna ni Bobbie sakanya nang mapansin nitong konti lang ang kinain niya. Nawawalan talaga siya ng gana dahil sa pakikipag-ngitian ng mga kasama niya kay Hunter. Gusto na niyang sigawan ang nga ito at sabihin na tigilan na si Hunter pero ano naman ang karapatan niyang gawin iyon?
“Busog na ako,” sagot niya kay Bobbie. Kumunot naman ang noo nito bago umiling. “No, Zyline. You need to eat more. Huwag ka ng tumanggi kundi susubuan kita.” Pagbabanta ni Bobbie sakanya.
She looked at him. Hindi niya naman napigilang matawa nang makitang seryoso ito. “You’re crazy, Bobbie.”
“I’m serious,” Bobbie said.
“Oo na, kakain na nga. Masyado kang seryoso.” Ngumiti siya dito.
“Ma’am Zy, bagay na bagay talaga kayo ni Sir Bobbie.” Nakangiting sabi ni Rica sa kanila ni Bobbie. Hindi niya naman napigilang matawa dahil sa sinabi nito. Nagkatinginan sila ni Bobbie. “Talaga ba?” Tanong niya kay Bobbie. Hindi ito kumibo. Ngumiti nalang siya ulit.
Siya at si Bobbie? Gaya nga ng laging hinala ng lahat, lagi silang napagkakamalan na magboyfriend.
Kung magpapakalalaki lang si Bobbie, sigurado talaga siya na napakaswerte ng babaeng mamahalin nito. Maalaga, maaalalahanin, very understanding. Lahat na ata ng hahanapin ng babae, na kay Bobbie na. Ayun nga lang, nahilis kasi ng landas. Sayang talaga.
“Oo nga, Zyline. Bagay kayo. Bagay na bagay. Gusto mo ng happy ending, diba?”
Nawala naman ang ngiti sa labi niya nang magsalita si Hunter. Sarkastiko ang pagkakasabi nito maging ang ngiti na nakapaskil sa gwapong mukha ng dalaga.
“Gusto ko lang loyal,” sagot niya sa binata. Hindi niya napigilang irapan ito. “Gusto ko ng lalaking ako lang ang titignan at hindi ‘yung may makasalubong lang na iba, makakalimot na agad. Gusto kong makaramdam ng love.”
Ipinatong ni Hunter ang magkabilang siko sa lamesa bago tumingin sakanya. “It doesn’t exist. Love is not about flowers and chocolates and romantic dinner dates. It’s all about getting your hopes so high and crushing yourself hard. Love is all about getting hurt, Zyline.”
“Whatever.” Inirapan nalang niya ito.
“Hunter, pabayaan mo nalang si Zyline, pwede?” Bobbie asked him. Bakas ang kaseryosohan sa mukha at tinig ni Bobbie.
“Sabi mo, eh.” Hunter shrugged at him. “Excuse me.” Tumayo na ito at nagpunta sa living room.
Hindi niya napigilang mapabuga ng hangin dahil sa inakto ni Hunter. Ang hirap talagang intindihin ng binata.
Matapos kumain ay nagprisinta siya na maglinis ng pinagkainan nila. Natural na tumanggi ang staffs niya pero nagpumilit siya. Ayaw niyang makaharap agad si Hunter. Sinamahan naman siya ni Bobbie.
“Siya lang ang maangas na Dela Cruz. I met Thunder, he’s nice. And Mika, she’s bubbly. Sigurado ka bang Dela Cruz si Hunter, Zyline?” Tanong ni Bobbie habang pinupunasan ang mga plato.
“He’s a Dela Cruz. Obvious naman sa genes nila. Ganoon talaga siya.” Ni hindi niya nga malaman kung bakit parang tila pinagtatanggol niya pa ang binata sa paraan ng pagkakasabi niya.
“Anong plano mo?” tanong ulit sakanya ni Bobbie. Nagkibit balikat naman siya. Wala naman siyang plano bukod sa paglayo dito. Iyon ang makakabuti sa lahat.
Matapos maglinis ng ginamit nila ay lumabas na sila. Nagsisimula na itong mag-inuman paglabas nila. Agad naman silang niyaya ng mga ito na sumali sakanila.
Wala namang problema kaya nakisali silang dalawa ni Bobbie. Nagpapatugtog din sila ng masayang mga kanta para naman mas masaya daw ang pagcecelebrate.
Iniisang lagok ni Zyline ang inaabot sakanyang alak dahil sa nakikita niyang nangyayari sa harap niya.
Kailan pa naging maharot ang staffs niya? Jana’s doing a sexy dance in front of Hunter! At ang gago naman, nakatingin sa katawan ng babae.
“Easy…” hinawakan ni Bobbie ang kamay niya. “I’m fine,” she whispered before drinking another shot.
Halos hindi naenjoy ni Zyline ang nangyayari. Habang lumalalim ang gabi, habang nagtatagal ang pagcecelebrate nila’y lalong tumitindi ang nararamdaman ni Zyline na inis kay Hunter at sa mga staff niya.
Si Bobbie’y nakaalalay pa din sakanya pero nababalewala si Bobbie sa paningin niya.
Ilang beses nagtama ang mata nila ni Hunter pero tila naman inaasar pa siya nito.
Nang mag-excuse si Bobbie dahil sa tawag ng ama nito, that was her cue, too. She excused herself, too. Pumasok siya sa kwarto ni Mika para lumayo muna sa staffs niyang malapit na talaga niyang sisantehin.
Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya. Iyon naman ang gusto niya. Ang layuan na siya ni Hunter. Pero bakit masakit?
Nasasaktan na agad siya.
“God, Zyline. Hindi pwede ‘yang nararamdaman mo!” Umupo siya sa kama at sapo ang ulo’y hindi niya napigilan ang pagmumura.
Napatingin naman siya sa pinto nang pumasok si Hunter sa kwarto ni Mika.
“What are you doing here?” She asked him. Tumayo din siya pero nakaramdam siya ng hilo kaya napaupo siyang muli.
Hindi pa siya ganoon kalasing pero medyo umiikot na ang paningin niya.
“You’re jealous.”
She glared at him. “Excuse me?” Tumaas ang isang kilay niya sa binata.
“You’re pushing me away when the truth is you want me…” naglakad palapit sakanya si Hunter.
“That’s not true.” Kahit siya’y nag-alangan sa sarili niya nang sabihin niya iyon.
Ngumiti naman si Hunter sakanya. “Lie better.”
“Ano ba talaga, Hunter? Gulong-gulo na ako. Okay, I told you to leave me alone. And you did. You fucking did and that’s making me insane because I am hurt that you’re ignoring me and you’re flirting with my staffs! Hindi ko na naiintinidhan ang sarili ko. And it’s all because of you!” Hindi alam ni Zyline kung dahil ba sa nainom na alak kaya siya nagkakaganito. Hindi pa siya lasing. Alam niyang hindi pa pero parang ang pag-inom pa ng alak ang nagtulak sakanyang sabihin ang mga iyon.
“I am having a hard time, too, Zyline…” Hunter whispered. He caressed her face using the back of his palm.
Nahigit ni Zyline ang hininga nang maramdaman ang balat ng binata sa pisngi niya. Bigla’y nag-init ang paligid niya.
Tinignan niya ang mata ng binata at iisa lang ang nakita niya sa nga ito. Ang kagustuhan na makuha siya.
Itinapon lahat ni Zy ang natitirang pagmamatigas at siya na ang humalik kay Hunter. Halatang nabigla ang binata sa ginawa niya ngunit saglit lang ang pagkabiglang iyon.
Tumugon si Hunter sa paghalik niya dito.
Hindi na nakapagprotesta si Zyline nang maramdaman ang malambot na kama sa likod niya. Maging nang hubarin ni Hunter ang damit niya at maramdaman ang katawan nito sa ibabaw niya.
Tuluyan na nga siyang nalasing sa pinadadama ni Hunter sakanyang init.
Alam niyang masasaktan siya kung papatol siya kay Hunter, pero narealize niyang mas mabuti nang masaktan sa huli ngunit makakaramdam din ng saya kaysa mabuhay ng puno nalang ng sakit at panghihinayang.
At noong gabi na iyon, hinayaan niyang maangkin siya ni Hunter.
Hinayaan niyang makuha siya ni Hunter.
Hinayaan niyang magkaroon ng pagkakataon si Hunter na masaktan siya.
Hinayaan niya ang sarili niyang sumaya.