Hunter's Temptation Chapter 17

“WHAT do you mean you’re buying my condo, Kuya? Are you serious?”

Napaangat ang ulo ni Hunter sa kapatid nang magsalita ito. That day was actually a rare moment for them. Simula kasi nang umalis si Mika sa bahay nila nang magising na si Kerko—ang boyfriend nito, hindi na nila nakakasama ito. Minsan nalang talaga.

Which is fine with him. Ang ingay kaya ni Mika. Lahat nalang pinoproblema. Ang arte pa. But he loves his sister nevertheless. He’s willing to wring someone’s neck in case his sister will get hurt once again.

“Miki, we’re eating, baby. Mamaya na ‘yan…” Thunder told her. Tinignan lang ni Mika ng masama si Hunter bago nagpatuloy sa pagkain. Hindi nalang din siya kumibo but he saw Thunder’s suspicious eyes. Ba’t ba ang baliw ng mga kapatid niya?

Kung minsan, naiisip nalang ni Hunter na siya lang talaga ang matino sa kanilang tatlo, eh. But of course, their side will be different if someone will ask them.

Like the usual, their mom’s out of the country again. Hinahayaan nalang nila dahil iyon naman ang kaligayahan nito simula nang mamatay ang daddy nila ilang araw matapos maaksidente sila Mika almost 2 years ago.

Another reason for him to abhor Kerko.

Nagpaalam sakanya ang mommy niya kinaumagahan nang natulog siya sa bahay ni Zyline. Inaaya siya nito na sumama sa Brazil, pero wala siyang balak umalis ngayon kaya tinanggihan niya ito.

He’s happy here. Bakit naman siya aalis?

Pagkatapos na pagkatapos nilang kumain, inungkat na naman ni Mika ang topic. She really couldn’t just stay still and be quiet. Kahit papaano tuloy ay napabilib si Hunter kay Kerko. Imagine, natatagalan niya ang ingay nito? Fuck love. Kahit mabasag ata ang ear drums ‘non, dahil sa pagmamahal sa kapatid niya, magtitiis, eh.

Ayaw pa naman ni Hunter sa babaeng maingay at clingy.

But then again, Zyline’s the only exception. Hindi din niya alam kung bakit niya natitiis ang pag-iingay ‘non.

“Hey, bakit mo nga bibilhin kasi? Ano, trip mo na din ang purple?” nakasimangot na tanong ni Mika sakanya.

He arched his brow. “Ang ingay mo.”

“Because your mind is so fucked up, you know that?” mataray na tanong ni Mika sakanya. “I really don’t know if you are normal or not. Oh, fuck!”

Provoke her and she’ll show you that she’s really a Dela Cruz. Great. Napailing nalang si Hunter.

“Stop cussing, Mikaela Michelle…” ani Thunder dito na karga-karga si Theon.

“Si Kuya Hunter kasi!” she snarled at him.

Ano bang ginawa niya dito? He just said he’s going to buy that condo and now, she’s being paranoid again.

Sumandal siya sa sofa at ipinikit ang mata. He’s tired. It has been two days since that night pero malinaw pa din sakanya ang nangyari.

Walang nangyari sa kanila.

Gusto niya lang talagang asarin si Zyline because her expressions were priceless kaya nakitulog lang talaga siya sa bahay nito.

Pero nakaka-tangina kasi. Nagsisisi tuloy siyang walang nangyari. Dalawang araw na din silang hindi nagkikita ni Zyline dahil sa bahay ng mga magulang ng dalaga ito nakatira ngayon. Blue asked her to live there for the meantime. Hindi tuloy mapigilan ni Hunter na mainis sa kaibigan ng kapatid niya.

“Kuya…” his sister called him again. Dumilat siya at nilingon niya ito. “Ano bang problema mo?” kunot-noong tanong ni Mikaela sakanya.

“Okay, deal. Papayag na ako.”

Kumunot ang noo niya.

That easy? Ni hindi pa nga nag-eexplain si Hunter ng reasons niya, papayag na agad si Mika?

“Are you serious or what? O baka naman nalusaw na talaga ang utak mo kaka-Superman mo?” tanong niya sa kapatid. Inirapan naman siya nito bago sinuntok sa braso.

“Payag na ako . Tutal naman ibebenta na din ‘yung condo ni Mikael na katabi noong condo, eh. But you need to pay 10 million plus your Hummer.” Ngumisi si Mikaela sakanya.

“What the fuck?” he asked her, forehead creased.

Thunder looked at them ferociously. Napailing nalang ito bago lumabas papunta sa pool habang karga si Theon.

“What the fuck are you talking about?” tanong niyang muli kay Mikaela.

“10 million plus your Hummer and the unit is yours. Take it or leave it?” she smiled wickedly. Fuck that Dela Cruz genes. Alam na alam ni Mika kung kailan gagamitin.

“Mikaela Michelle, wala pang 10 million nagastos mo ‘don. Pera ko pa nga ang pinangbayad sa mga gamit na nandoon. And why my Hummer?” Hindi malaman ni Hunter kung matatawa o maiinis sa sinabi ni Mika sakanya.

“Because I do have this feeling that you’ll agree. I don’t know what’s with that unit kaya mo gusto, and I really like that Hummer, Kuya.” Mika smiled at him again.

“May Porsche ka na, may Cruze ka pa. Now my Hummer? Sinong matinong tao ang gusto ng tatlong kotse, eh hindi naman marunong magdrive?” tanong niya dito.

Mikaela frowned. “Then, no. I’m not going to sell it.”

Hindi napigilan ni Hunter magmura. He doesn’t want his sister to sleep in that condo because of what happened between him and Zyline. Kahit palitan pa niya lahat ng gamit doon, what happened there, happened.

“Fine with 10 million. But not with my Hummer…”

“But Kuya—“

“I’ll try to be nice to Kerko, instead.”

“What?!” halatang nabigla si Mika sa sinabi ni Hunter. He never liked Kerko, that’s why. He’s trying to be civil but he really can’t push himself to like him.

“You heard me. I’ll try to be nice with him instead.”

Try.

“Seryoso ka talaga?” she asked him again. He nodded. Wala naman siyang sinabing magiging mabait talaga siya. He said he’ll try. No pressure, then.

“Okay, I won’t take your Hummer but I want 15 million. Thanks, Kuya! You’re the best!”

Tumayo na si Mika bago pa man siya nakapagsalita. He shook his head again. Pineperahan lang talaga siya ng kapatid niya, eh.

Maya-maya nama’y pumasok si Thunder. He said he left Theon with Mika.

“Wala ka bang sasabihin, Hunter?” Thunder asked him. Naiinip na nilingon ni Hunter ang nakatatandang kapatid.

“I have nothing to say to you, brother,” sagot naman niya dito.

Tumango-tango si Thunder bago pinagkrus ang kamay sa dibdib at ipinatong ang baba sa isang kamay. “Hindi iyon ang naririnig ko, Hunter…” he chuckled.

He looked at him.

“Let’s start with the name Zyline, Hunter.”

Hindi siya kumibo.

“Are you guys friends?” pag-uusisa ni Thunder sakanya.

“What are you, my dad?” he retorted. “I don’t need to explain myself, Thunder.”

“Don’t be so defensive, Hunter. Nagtatanong lang ako.” Thunder smirked at him.

Napailing nalang siya. “Matutulog muna ako,” paalam niya sa kapatid bago tumayo.

“Wala kayong date ni Zyline?” he asked him. Nilingon niya si Thunder.

“Ano bang pinagsasasabi mo?” naiinis na tanong niya. Bakit ba napaka-pakilamero nito?

“Kung isasali mo lang din naman si Zyline sa harem mo, huwag mo ng balakin, Hunter. She deserve someone better…”

Tangina.

“Wala akong harem. And stop talking to me as if Einah’s deserving to have you. Pareho lang tayo, Thunder.”

“Touchè,” Thunder smiled. “I’m very serious, Hunter. You should take my words seriously.” Muling sabi ng kapatid niya sakanya.

Napailing nalang siya ulit.

Umakyat na siya sa kwarto niya at mabilis na nagshower. Siniguro niya din na nakalock ang pinto ng kwarto niya para hindi makapanggulo ang kapatid niya.

What Thunder said was like a normal thing for him. Lahat naman sinasabing gago siya. Panindigan nalang niya.

At mas okay na siyang ganoon ang tingin sakanya. Wala siyang balak maging mabait para magustuhan ng iba. He’s bad and he likes it being bad. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba. He’s tired following orders. He’s actually tired pleasing everyone when he’s younger. Ngayon, sanay na siyang ikinukumpara sa kapatid.

Mas mabait si Thunder. What the fuck? Someone should tell him that was a joke.

Mas magaling humawak ng negosyo si Thunder, ayos lang sakanya. Wala naman siyang balak maging businessman. Hindi kailanman siya tinanong ng ama nila kung ano ang pangarap niya noon. It was like he’s destined to manage the business without his will.

Ipinikit nalang niya ang mata at hinayaan ang sarili na makatulog. It was like his routine for the last two days.

She was always occupied.

Hindi tuloy malaman ni Hunter kung nananadya ba si Blue o ano. Pero kung gusto naman nitong makipag-asaran, game si Hunter.

“Kuya…” he heard his sister outside. Itinakip niya ang unan sa ulo.

Naisip niya tuloy na sana sunduin na ni Kerko si Mika sa bahay nila.

“Kuya! Open up!” sigaw nito mula sa labas. He decided to ignore his sister.

“Kuya, samahan mo na ako! I have a meeting with Ate Zy!”

Natigilan si Hunter sa narinig.

“Wala akong car. Hinatid lang ako ni Mikael, diba? Come on, open up!” malakas na kinalampag ni Mika ang kwarto ng kapatid niya.

“Ang pogi mo, Kuya. Buksan mo na kasi ‘to. Samahan mo ako!”

May meeting si Mika kay Zyline?

Bumangon siya at nagpunta sa pinto at binuksan ito.

“Ugh! Namumula na ang kamay ko kakakatok!” Reklamo ni Mika pagbukas niya ng pinto. Ipinakita pa nito ang kamay sakanya.

“You have a meeting with who?” he asked her. Not minding her hand in front of him.

“Ate Zyline. Magbihis ka nga, kadiri ka. Kala mo naman ang ganda ng katawan mo.” Irap nito sakanya.

Hindi nalang nito pinansin ang sinabi ni Mika. “Magbibihis lang ako. Hintayin mo ako sa baba.”

Halata namang nagulat si Mika sa sinabi niya. Siguro dahil hindi na nito kinailangang pilitin pa siya.

“Okay…” she nodded.

Isinarado na niya ang pinto at mabilis na naligo ulit.

Pagbaba niya ng kwarto niya, nakita niya si Thunder at Mika na nag-uusap.

“Bakit hindi ka nalang kay Kerko magpahatid, Mikaela Michelle?” Thunder asked their sister.

“May trabaho pa siya, Kuya. I’m borrowing your car, ayaw mo naman,” kibit-balikat na tugon ni Mika sa nakatatanang kapatid.

Ano na namang pakikialam ang ginagawa ni Thunder?

“Michelle, let’s go?” Aya niya sa kapatid. Thunder looked at him.

“Hunter, I warned you already…” ani Thunder sakanya.

“So?” he asked him. Thunder’s jaw tightened.

“I’m very serious, fucker…”

“What’s happening? Magkaaway na naman kayo?” Mika asked them. He smiled. “Ask Thunder…” ngumisi siya kay Thunder.

“Nothing. Just don’t leave Zyline, baby…”

Napailing nalang si Hunter.

It’s not like he’s going to eat Zyline. Well, not in front of his sister, of course.

“Okay. We’ll leave na. Theon’s sleeping na din. Babalik nalang ako ulit.” Paalam ni Mika kay Thunder bago humalik sa pisngi. “Bye, Kuya!”

“Check your account.” Thunder told her.

“Tara na, Michelle…” aya ni Hunter sa kapatid. Nauna na siyang lumabas habang si Mika naman, nagtatanong pa tungkol sa allowance niya na binigay ni Thunder.

“Saan kayo magkikita ni Zyline?” tanong niya kay Mika nang makasakay na ito sa sasakyan niya.

“Sa condo ko—mo, I mean, magbayad ka na para sa’yo na ‘yon,” sagot naman nito sakanya.

“Naghihirap ka na ba?” tanong ni Hunter sa kapatid. “Ginugutom ka ba ni Kerko?”

She just smiled at him.

NAGTEXT si Zyline kay Mika na sa mall nalang sila magkita. Medyo naiilang din kasi si Zyline na sa condo ng dalaga sila pupunta. Maaalala niya lang ang ginawa nila ni Hunter.

At dalawang araw na siyang nakakulong sa bahay ng mga magulang niya.

She hates Blue to the bones now. Pinagbantay siya kay Lean at Enzo at hindi siya pinayagang umalis.

Nakatunog siya na baka naghihinala na ang kuya niya kaya naman sinunod niya na muna ito. But then again, it has been two days already!

Dalawang araw na niyang hindi nakakausap ang boyfriend niya!

So she asked Mika to meet her. Maybe she could send him a message through Mika. Alam naman kasi niyang hindi maghihinala si Mika sakanila, hindi katulad ni Blue at Thunder.

“Ate Zy!” napalingon siya nang may tumawag sakanya. She smiled when she saw Mika.

“Hi, Mika!” she greeted her.

“Sorry, late. Ang hirap ng parking, eh!” she said, contritely.

“No, it’s okay. Nagdrive ka?” tanong niya sa babae.

She shook her head. “I’m with my brother. May binili lang siya pero susunod na daw siya.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Sino sa kuya nito ang kasama nito? She was silently praying that it’s Hunter.

“Oh, there he is…” turo ni Mika sa likod niya. “Kuya Hunter!”

Napalingon naman si Zyline sa likod niya. Nandoon nga si Hunter at may dala pa itong take-out order ng kape.

“Aww, strawberry frappe!” Mika smiled at him.

“Hi…” he smiled. “My lady…” he whispered.

Napatingin siya kay Mika. Paano kung narinig nito ang sinabi ng kapatid niya?

Pero abala si Mika sa pagtetext ng kung sino sa phone niya. Inabot niya ang ibinigay ni Hunter at ngumiti. “Thank you…”

“Ate Zy, uh… Kuya Hunter said he’ll buy my unit na. So maybe, the things you put in there, pwedeng ‘dun nalang ‘yon? I mean, I can put those things sa bahay at—“

“Hey, brat. Kasama ‘yong mga ‘yon sa babayaran ko sa’yo…” putol ni Hunter sa sinasabi ng kapatid. She rolled her eyes.

Tumingin siya kay Hunter. Nakatingin lang din ito sakanya.

God, she missed him so much!

Bakit ba naman kasi ganito? Hindi naman dapat complicated ang love. Pero nagiging kumplikado dahil sa mga tao sa paligid nila.

Siya at si Hunter, okay naman sila, eh.

Pero ‘yung mga kapatid nila, okay din ba? Hindi. Blue doesn’t want her to end up with Hunter. Kung kay Cupid nga noon, tumutol ito, kay Hunter pa kaya ngayon?

“You guys want to watch movie?” Mika asked them.

Nasa loob na sila ng restaurant at katabi niya si Hunter. Si Mika na din ang nagsabi, may darating daw kasi na hinihintay niya.

“Kasama si Kerko?” Hunter asked her.

“No…” Mika frowned. “Alam ko namang ayaw mong kasama si Mikael, eh.”

“I actually couldn’t understand why you abhor him so much, Kuya. Hindi naman niya kayo inaano. He’s so gentleman kaya,” dagdag pa ni Mika.

Hindi naman napigilan ni Zyline mapangiti. She’s sharing the same sentiments with Mika now.

“I just don’t like him,” Hunter said.

“Well, sana kapag na-in love ka, may kuya ‘din ‘yung girl tapos ayaw sa’yo para alam mo ang feeling…” she scoffed.

Hindi na napigilan ni Zyline matawa.

Napatingin sakanya si Mika. “Did I said something funny?” nagtatakang tanong ni Mika sakanya.

Umiling siya. “No, Mika. May naalala lang akong nakakatawa…” she looked at Hunter. Nakasimangot ito.

“Wait lang, I need to call Mikael…” tumayo ito at lumabas saglit.

Narinig niyang nagmura si Hunter kaya tinignan niya ito.

“Dapat naiintindihan mo ang kapatid mo, Hunter…” anang niya kay Hunter.

She heard him ‘tsked’.

“I’m serious. Feeling ko nag-uusap si Blue at Thunder tungkol sa atin…” she sighed. “Sabihin na kaya natin sakanila?” she asked him.

“Maging magkaibigan nga, ayaw nila. Maging tayo pa kaya?” tanong din sakanya ni Hunter.

May point naman ang binata pero kasi ayaw niyang ilihim nila, eh. Lalo na ngayong nakikita niya ang mga babaeng nakatingin sa binatang kasama.

“Ate Zy, Kuya, I need to go. Mikael’s near na. Magdidinner kami somewhere else. Okay lang ba?” tanong ni Mika sakanila nang bumalik ito.

“Sige, alis na…” tumango si Hunter sa kapatid.

“Excited?” Mika asked sarcastically.

“Anyway, Ate Zy, I’ll just see you around…” bumeso pa ito sakanya bago umalis. “Kuya, take care of her, alright? Bye!” iyon lamang at umalis na si Mika at iniwan silang dalawa.

“You want to go somewhere else?” Hunter asked her.

“I’m fine here…” sagot naman ni Zyline sakanya.

“I’m not. Let’s go…” Tumayo na si Hunter at inaya si Zyline palabas ng mall.

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Zyline nang dumiretso sila sa sasakyan ng binata.

“Condo.”

“Tingin mo ba, soon enough, papayag na sila sa relasyon natin?” tanong niya kay Hunter habang nasa loob sila ng sasakyan nito.

Hindi kumibo ang binata. Wala naman kasing nakakaalam sa nangyari sakanya noon kaya hindi niya alam kung maiintindihan ba siya ni Zyline kaya siya nagkakaganito.

Hindi naman kasi si Zyline ang niloko. Ang pinaglaruan. Ang ginawang option lang.

Giving yourself to someone means letting them hurt you. And he let her destroy him. Ibinigay niya lahat sa isang tao pero wala naman siyang napala.

He became one of her toys.

One of her fucking toys.

“Hunter, are you okay?” hinawakan ni Zyline ang braso niya. Tsaka lang niya napansin na bumilis pala ang pagpapatakbo niya.

“Yeah…”

“Namiss kita,” Zyline said. He looked at her and just smiled.

Napatingin si Zyline sa phone niya nang magring ito. She saw her brother’s name. Hindi niya napigilang mapa-ungol sa inis.

“What?” she asked Blue.

“Where are you?” Blue asked her. Nilingon naman siya ni Hunter.

“May meeting pa ako, Kuya…” naiinis na siya, sa totoo lang. Bakit ba kasi kailangan pa silang pigilan ng mga ito? They are old enough. Hindi ba alam ng mga ito iyon?

“You’re with who?” Blue asked her again.

She rolled her eyes.

“Lowbatt na ako. Bye…” she turned off her phone.

Naiinis talaga siya. Obviously, he’s fishing some information. Pero hindi siya magbibigay ng kahit ano. Baka kausapin pa ng kuya niya si Thunder, mas lalong magkakaproblema sila ni Hunter.

Narinig niya ang pagtawa ni Hunter.

“Why?” she asked him.

Pinakita ni Hunter ang phone nito.

Thunder calling...

“Why is he—“

Sinenyasan siya ni Hunter na huwag magsalita.

Sinagot nito ang tawag at nilagay sa speaker mode.

“What’s your problem, Thunder?” Hunter asked his brother.

“Where are you?” Thunder asked him.

She rolled her eyes again. Ganyang-ganyan ang tanong ni Blue sakanya kanina.

“What are you, my baby-sitter?” Hunter asked him sarcastically.

“I’m serious, Hunter Ezekiel. Where the fuck are you?” seryosong tanong ni Thunder kay Hunter. May halong pagbabanta din sa tinig nito.

“Mind your own business, brother. I’ll be back after a week. See you next week.”

Ibinaba na nito ang tawag at pinatay din ang telepono.

Nakatingin lang siya sa binata.

“Are you up for a trip?” he asked her.

Kumunot ang noo ni Zyline sa sinabi ng binata. “What are you talking about?”

“Let’s runaway…” he smiled at her. Inapakan nito ang gas at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

Palayo sa lahat.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.