Hunter's Temptation Chapter 18

ZYLINE doesn’t have any idea where they’re going. Hindi niya din binuksan ulit ang cellphone niya para hindi siya matawagan ni Blue. Kahit si Hunter ay pinatay din ang phone nito. Alam niyang protective lang naman si Blue sakanya. Nakita nito kung paano siyang nasaktan noon at alam niyang ayaw ni Blue na maulit ‘yon.

Mas lalong ayaw ni Blue na kay Hunter siya mapunta. For them, wala naman kasing gagawing matino si Hunter. Wala bang karapatan si Hunter magbago?

“I need to use different car…” Hunter said. Nilingon ito ni Zyline. “Bakit?” May mali ba sa sasakyan nila? Ang alam niya’y maayos naman ang Hummer nito.

“You wouldn’t like it when our brother’s are planning on something,” ngumisi ito sakanya. Oh, the brother’s code.

Ilang beses na bang napatunayan ng mga kapatid nila ang pagkakaibigan ng mga ito? Hindi na niya mabilang. Mula pa kasi pagkabata’y magkakaibigan na sila Blue, Thunder, PJ at Cupid. Walang makakasira sa friendship

Saglit na binuksan ni Hunter ang cellphone at may tinawagan. Wala naman siyang balak makinig sa usapan ng mga ito but it was impossible. Katabi niya ito.

“Is your Audi free? O kahit anong sasakyan…”

So, he’s serious about changing the car they’re using. Iniisip ni Zyline kung sino kaya ang tinawagan nito.

“Okay, that’s good. Can I borrow it?”

Nakatingin si Zyline sa daliri ni Hunter na tinatapik-tapik ang manibela.

Those long fingers…

“Thanks, man. Don’t tell Thunder, alright?” he smiled and turned his phone off.

“Saan na tayo pupunta ngayon?” tanong ni Zyline kay Hunter.

“Daniel’s house. But I’ll leave my car in Mika’s condo first, we’ll take a cab after that.”

Seryoso ba talaga si Hunter sa gagawin nila? He’s putting so much effort.

Matapos ngang iwan ni Hunter ang sasakyan, nag-cab sila papunta sa bahay ni Daniel.

Daniel’s Hunter’s cousin. Wala namang masyadong alam si Zyline tungkol dito maliban sa NBI agent ito at tumulong ito sa mga kaibigan ng kapatid niya noon.

Nagpunta din siya sa birthday nito noong nakaraan para dalhin ang regalo ni Blue para dito pero umalis din siya agad. Wala naman kasi siyang kilala sa party na ‘yon, isa pa, hindi naman kasi sila close ni Daniel. Inutusan lang siya ni Blue.

“Wala si Daniel ngayon, he’s on vacation.” Hunter told her. Mukha ngang alam na alam ni Hunter ang pasikot-sikot ng bahay ni Daniel.

“I used to stay here before…” he said. Bakit ba parang nababasa nito ang iniisip niya?

Sumunod lang siya kay Hunter habang naglalakad ito. Nakatingin siya sa likod nito.

Napakasimple ng suot pero ang gwapo. Pati sa paglalakad nito, parang naghuhumiyaw pa din ang kagwapuhan. It was like, whenever he’s walking, everyone should look at him because he’s Hunter Dela Cruz. May ganoong aura talaga ang binata. Or was it because of his Dela Cruz genes? Parang ang sarap tuloy maging isang Dela Cruz…

May nakita si Zyline na tatlong kotse na naroon nang makarating sila sa garahe ng bahay ni Daniel. She’s so sure, the one’s Hummer, too. It was like Hunter’s car. Ang isa’y Mercedes Benz, and the other one’s the Audi.

Hunter clicked the car key. Umilaw naman agad ang Audi at lumapit ito rito.

“Sakay…” he said. Hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto.

Oh, well. Ano bang ieexpect ni Zyline? Hindi naman talaga gentleman si Hunter.

Matapos magsuot ng seatbelt ay pinaandar na ni Hunter ang sasakyan. Hindi na muna siya nagsalita ulit. Hinayaan lang niya si Hunter na magmaneho.

Pero nakakainip kasi. Wala man lang kumikibo. Ni walang nagsasalita.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Zyline kay Hunter. He looked at her for a fleeting moment. “Hunter…”

“Somewhere in Tarlac, maybe?” he said, unsure.

“Tarlac?” kumunot ang noo ni Zyline. “What are we going to do there?” dagdag pa niya. Ano bang gagawin nila sa Tarlac? May bahay ito sa Tarlac? Sinong pupuntahan nila sa Tarlac?

“Yes, my lady. You heard it right. We’re going to Tarlac because I’m so tired hearing bullcraps from my brother and I’m so pissed at Blue at the moment…” he grinned sarcastically.

Gusto ni Hunter na mas mabwisit si Thunder. Nakikialam ito sa ginagawa niya na para bang nakikialam siya sa ginagawa nito. Malaki na siya, hindi kailangan umarte ni Thunder na para bang kailangan niya ng guardian. Hindi siya katulad ni Mika mag-isip.

He get it. They don’t want him for Zyline. So? Wala naman siyang pakialam sa opinyon ng iba. Gagawin niya ang gusto niya at hindi siya makikinig sa idinidikta ng iba.

Alam niyang sa mga oras na ‘to ay nag-uusap si Blue at Thunder. May alam sila sa nangyayari. Hinuhuli siya ni Thunder base sa pagtatanong nito sakanya kanina, pero asa naman itong may mapapala ito sakanya.

He’s bad and he likes himself this way.

Wala siyang balak maging mabait para magustuhan ng ibang tao.

Kapag mabait ka, aabusuhin ka. Paglalaruan ka.

Tangina. Hindi na siya papayag na maulit ‘yon. Isang beses lang siyang napaglaruan, hindi siya tanga para paulit-ulit mangyari sakanya iyon.

“Hun, are you okay?” Zyline asked his boyfriend. Napansin niya kasing bumilis ang pagpapatakbo nito. Wala namang problema dahil malawak ang kalsada pero masyadong mabilis ang takbo nila.

Hunter nodded. Wala naman siyang problema. He’s okay. He’s more than okay.

May nadaanan silang mall ni Hunter kaya naman huminto muna sila para mamili ng gamit base na din sa sinabi ni Hunter sa dalaga.

“Hurry up, alright?” he said. She rolled her eyes. Kailan pa naging mabilis mamili ng gamit ang babae? Sinabihan pa siya ni Hunter na huwag na magpalipat-lipat ng stores.

Wala man lang siyang choice. Paano kung may mas maganda sa ibang stores?

“Makuntento ka nga. Mahirap ba ‘yon?” Hunter asked her when she told him her thoughts.

Hindi malaman ni Zyline kung maiinis o ano. Ito ba nakukuntento? Hindi din naman. Kung nakukuntento ito, hindi sana ito nagpapalit-palit ng babaeng ikinakama.

Pero alam niyang hindi iyon ang tamang sabihin. There was something between his lines. Mas lalong dumadami ang tanong sa isip ni Zyline.

Ano ba talagang pinagdaanan ni Hunter noon?

Inabot si Zyline nang halos kalahating oras. Iyon na ata ang pinakamabilis na pamimili ni Zyline sa buong buhay niya. Halos si Hunter kasi ang kumuha ng damit niya. Buti nalang talaga’y hindi ito ang namili ng underwear niya dahil hindi niya na talaga alam kung paano itatago ang mukha sa kahihiyan.

He insisted to pay all her clothes. Namili din si Hunter ng ilang damit.

Iniisip niya talaga kung ilang araw ba sila sa Tarlac. Matapos silang mamili ng damit, magkasama naman silang bumili ng groceries.

God, hindi niya alam kung matatawa o maiinis dahil basta nalang din nagkukukuha si Hunter ng supplies.

Ganito ba talaga maggrocery ang mga lalaki? Blue’s different. Kahit papaano’y may arte sa pagbili si Blue ng pagkain.

Si Hunter, sige lang ang pagdampot.

Matapos magbayad, dumiretso na sila sa sasakyan at matapos nitong ilagay lahat ng pinamili sa compartment at backseat, sumakay na sila. Nagtake-out nalang sila ng pagkain kaya habang nagda-drive si Hunter ay kumakain sila.

“Sino bang pupuntahan natin sa Tarlac?” tanong niya sa binata habang nagdadrive pa din ito. Wala nang ibang makita si Zyline kundi puno kaya alam niyang malayo na sila sa Manila.

“It was one of my Dad’s properties,” sagot nito sakanya.

Mas kumunot ang noo ni Zyline. She thought he hates his dad? Bakit naman sila pupunta sa pag-aari ng daddy nito?

Gusto ni Zyline magtanong pa kay Hunter. Pero naisip niyang hindi si Hunter ang tipo ng tao na magsasabi ng magsasabi tungkol sa personal na buhay nito.

Base sa pagkakakilala niya dito, wala sa pagkatao ni Hunter ang ipinapaliwanag ang sarili nito. Kung anong iniisip ng mga tao dito, wala itong pakialam. At hindi din si Hunter ang tipo ng taong ipapakilala ang sarili sa kahit na sino. She’d bet even Mika and Thunder knew nothing about him. Kung may alam man ang mga ito, iyon na ay ang mga obvious na bagay tungkol kay Hunter.

Bakit ba pakiramdam ni Zyline, ang laking misteryo ng pagkatao ni Hunter? Napaka-publiko naman ng buhay nito pero napaka-pribado din. How ironic.

Matapos ang kulang limang oras na biyahe nila’y nakarating na sila sa isang ancestral house sa Tarlac. Good thing was, hindi naman ito mukhang haunted house. Napapalibutan ito ng matataas na puno at nakakatuwang sariwa ang hangin.

She was never in a province before. Wala naman kasing ganitong pag-aari ang mga De Guzman. Sa city na sila lumaki ni Blue at nagpunta siya ng States bago pa man siya magdebut.

“May tao ba dito? Baka may maistorbo naman tayo…” tanong ni Zyline kay Hunter. He looked at her. Ipinatong nito ang isang braso sa sasakyan.

“Wala. Kaya wala kang maiistorbo sa gabi,” tila nang-aasar na ngumiti ito sakanya.

Pinamulahan naman siya ng pisngi. Hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin.

“May naglilinis lang ng bahay every other week. Sila Tatay Isko ang nagbabantay nito, in exchange, 1/4 ng kita sa farm ay sa kanila napupunta,” he shrugged. “Matagal na din sila sa amin. Hindi pa pinapanganak si Thunder, nagtatrabaho na sila. Kung si Mika ay may Yaya Lourdes para gabayan siya, I have Tatay Isko with me. Dito ako madalas pinapadala ni Daddy noon… kapag suspended ako sa school at noong na-expelled ako noong college…”

Bakit ba hindi na siya nagtaka na nasususpend si Hunter sa school? Pero nagtaka siya nang ma-expelled ito. Paanong naexpelled si Hunter?

“Iilan lang kaming may alam ng tungkol sa expulsion, me, my Dad, my Mom, Thunder and the dean…” he smiled. “You see, kung may pera ka, halos lahat, posible…”

Hindi siya kumibo. Alam niyang totoo iyon, eh. Pangit man pakinggan, halos lahat naman talaga, nakokontrol ng pera.

Pinauna na siyang papasukin ni Hunter sa loob ng bahay. Halatang mamahalin ang gamit bagama’t luma na ang mga ito, alam ni Zyline na ang isang vase na naroon ay napakamahal na. Her mom owned some antiques, too, kaya may ideya siya sa mga ito.

Nakatingin siya sa napakalaking portrait na naroon. It was a painting of a family. Sigurado siyang sila Hunter iyon.

Naka-upo ang isang babae katabi ang isa pang batang babae na nakasuot ng bestida habang may lalaki sa likod ng mga ito na naka-suit at may katabing dalawang bata na pormal na pormal din ang suot.

Hindi niya mapigilang mapangiti nang matitigan ang mukha ng batang lalaki na nasa kaliwa ng matandang lalaki.

Alam niyang si Hunter iyon.

Bata pa lang, mukha na kasing hindi gagawa ng mabuti.

Kidding aside, she’s sure that’s Hunter based on the eyes. May kakaiba kasi sa mata nito. Parang ang daming emosyon lagi. At isa pa, alam naman niya talaga ang itsura ni Thunder mula pagkabata nila.

“Mika lost her tooth before they took that picture,” Hunter said, smiling.

“Kaya pala hindi siya ngiting-ngiti diyan…” napangiti nalang din siya.

“She was having a tantrums, actually. Kahit ako, ayokong magpakuha niyan. Ano bang sense niyan? Kalokohan lang, eh,” he shoved his hands to his pockets. “But my mom said, we should keep our memories together…”

“Hunter…”

“My Dad and I, were not that close…”

She looked at him. Hindi siya tanga para hindi mapansin na may dumaang sakit sa mata nito. Nakatingin lang ito sa malaking portrait. Huminga ito ng malalim bago bumaling sakanya. “What do you want to do? Eat or sleep?” tanong nito para iiwas ang topic.

Gusto niyang sabihing gusto niyang kausapin ito. Gusto niyang alamin kung ano ang nasa loob ng binata. Pero para namang may pader na nakaharang agad sakanya. Na para bang sinasabi ng binata na hindi pwede at kung ano lang ang sasabihin nito, iyon lang ang pwede niyang malaman.

“Sleep. Gusto ko munang magpahinga…” she told him. He nodded. “Samahan kita sa kwarto mo,” nauna na itong maglakad dala ang gamit na pinamili nila kanina.

Sinundan niya lang ito. Maging ang hagdan, ang elegante pa rin sa kabila ng kalumaan nito.

Matapos kumaliwa, may nilagpasan silang limang pinto bago binuksan ni Hunter ang pinto. Hindi na nabigla si Zyline sa kalakihan ng kwarto. Ano bang ineexpect niya sa bahay ng isang Dela Cruz?

“I’ll be back later. Take a rest, Zy…” he said. Magsasalita pa sana si Zyline pero isinarado na ni Hunter ang pinto.

As days passed by, pakiramdam niya, mas nakikilala niya si Hunter pero parang bawat araw din, mas naguguluhan siya kay Hunter.

She was so tempted to open her phone. Pero alam niyang may posibilidad na ipa-track ni Blue ang phone niya. Alam ni Zyline na ayaw ni Hunter na mangyari iyon kaya pinatay din nito ang sariling cellphone at nagpalit pa ng sasakyan.

Inihiga ni Zyline ang katawan sa kama na naroon. Hunter said this was her room. Saan matutulog ang binata? Saan ang kwarto nito dito?

Sa dami ng kwarto dito, alangan namang isa-isahin niya ang mga ito.

She closed her eyes and calm herself.

One week with Hunter…

Would that be enough to know him more?

Alam niyang pagkatapos nito, mas malaking gulo ang mangyayari sakanilang dalawa at sa mga kapatid nila. Pero walang pakialam si Zyline kay Blue at Thunder sa ngayon.

She’s following what her heart wants… At si Hunter iyon.

She loves him even if he’s cold and heartless.

Loving someone won’t take that long. Hindi pala mahalaga kung gaano mo na kahaba o kaikli kakilala ang isang tao. Hindi iyon ang nagiging basehan. Minamahal mo ang isang tao dahil iyon ang nararamdaman mo. No matter how bad that person is, kapag mahal mo siya, matatanggap mo siya. At tanggap niya si Hunter.

Mahigit dalawang oras ding nakatulog si Zyline. Mabilis lang siyang naglinis ng katawan at bumaba na. Wala siyang naabutan na kahit na sino nang makababa siya.

Hunter said no one’s here. Pero nasaan na din si Hunter?

Kumakalam na din ang sikmura ni Zyline. It was almost 8 in the evening. Akala ba niya’y babalik ito? Nasaan na ito ngayon?

“Hunter?” she called him. Wala namang sumasagot.

Thankful talaga si Zyline na hindi creepy ang bahay na ito kung hindi’y baka kanina pa siya tumitili. At buti nalang ay walang portraits ng mga ninuno nila Hunter ang bahay na ito. Aside from the family portraits, may dalawa pang naroon. Portrait ni Mr. and Mrs. Dela Cruz at ang isa nama’y sila Thunder, Hunter at Mika.

“Hunter, where are you?”

Crap. Wala naman siyang balak makipaglaro ng hide and seek sa binata. She’s hungry!

“Ah, bahala ka…”

Hinanap niya nalang ang daan papunta sa kusina at magkukusa nalang siyang magluto. Sa dami ng pinamili nila ni Hunter kanina, kahit ata dalawang linggo, tatagal ang supplies nila.

“Where are you going?”

Halos mapatalon si Zyline nang magsalita si Hunter mula sa likod niya. Agad niya itong nilingon. He’s wearing a black shorts. Naka-topless ang binata kaya naman kitang-kita niya ang katawan nito.

Bakit ba parang nabaling sa ibang gutom ang kaninang gutom na nararamdaman ng dalaga?

“Nagluto na ako kanina, kaso inantok din ako, eh…” he yawned.

Shit. Pati ba naman paghikab, ang sexy tignan kay Hunter?

Ano bang middle name ni Hunter? Sexy?

“Are you hungry?” he asked her. Hindi siya nakasagot. Nakasunod lang siya ng tingin sa binata.

“De Guzman…” he called her again.

“Ha?” she blinked her eyes. Pasimple din niyang pinagalitan ang sarili. Kasi naman, hindi talaga dapat binabalandra ni Hunter ang katawan sa harap niya! Nakakasira ng konsentrasyon!

He chuckled.

“Are you hungry or you want me?” he asked again.

Pakiramdam ni Zyline ay umakyat lahat ng dugo niya sa mukha niya.

“I’m hungry, come on, let’s eat first. We’ll have our dessert later,” he even winked at her.

Gusto tuloy ni Zyline na biglang kainin nalang siya ng lupa!

Sa sinabi ni Hunter, nagmukha kasi na siya ang may gustong may mangyari sakanila.

She’s not denying the fact that she wants him. Pero may delikadesa pa din naman siya.

Bakit ba ang galing talagang magbaliktad ng sitwasyon ng lalaki? Tipong babae dapat ang galit, tapos mas magagalit sila kaya ang ending, babae na ang manunuyo… O si Hunter lang ang ganoon?

Hindi nalang niya pinansin ang pang-asar na tingin ni Hunter, maging ang pag-ngiti nito habang kumakain sila. Kumain nalang siya ng kumain, bahala si Hunter sa buhay nito.

Nagkusa na siyang maglinis ng pinagkainan nilang dalawa. Nakatulong din talaga na naging independent siya noon. Alam niya kung paano magluto at maging ang paghuhugas ng pinggan. Huwag lang talaga ang paglalaba. She just can’t.

Tinulungan siya ni Hunter sa paglilinis nang kinainan nila nang may kumatok sa pinto ng kusina. Sabay pa silang napalingon ni Hunter dito.

May nakita si Zyline na isang matandang lalaki na nakangiti sakanila.

“Tatay Isko…” bakas ang sigla sa boses ng binatang katabi niya. Lumapit pa si Hunter sa matandang lalaki at niyakap ito.

Okay, that was new…

“Ikaw na bata ka, hindi ka nagpasabing darating ka…” Tatay Isko told him. He smiled again. “Biglaan po, eh,” sagot ni Hunter sa matanda.

So, siya si Tatay Isko? Based on what Zyline observed, si Tatay Isko ang mas naging tatay ni Hunter kaysa sa totoong tatay nito.

“Alam ba ni Thunder na nandito ka?” tanong ulit ni Tatay Isko kay Hunter. He shook his head. “Huwag niyo ng sabihin kapag tumawag siya.”

“Nag-away na naman ba kayo ng kuya mo?” Napailing ang matanda. “Kayo talagang dalawa, hindi na natapos ang away niyo, samantalang nung maliliit kayo’y malapit kayo sa isa’t isa…”

Hunter just smiled. “Things changed…” kibitz-balikat na sabi nito.

Napalingon naman ang matandang lalaki kay Zyline.

“Aba’y may kasama ka nga gaya ng sabi ni Lorena…”

Hunter looked at her. “Yeah, she’s Zyline De Guzman…”

“Magandang gabi, Zyline…” he greeted her.

Napangiti siya.

“Kailangan niyo ba ng tulong dito? Hanggang kailan ba kayo dito nang papupuntahin ko si Sely dito nang may kasama kayo…” tanong ni Tatay Isko sakanilang dalawa.

“No need, ‘Tay Isko. We’re fine here,” Hunter told him. “Kaya na namin dito.One week lang naman kami dito.”

Nakaupo lang si Zyline habang kaharap ang dalawang lalaki na nag-uusap.

“Ano bang nangyari at nandito ka na naman? Mula nang lumipat kayo sa Maynila’y ikaw nalang ang bumibisita dito. At lagi ka pang problemado kapag nagagawi ka rito,” kumunot ang noo ng matanda kay Hunter.

He smiled again. “Thunder’s busy. Alam mo naman iyon, diba? And Mika, that brat’s crazy, hindi aalis ng Manila ‘yon kung hindi kasama si Kerko,” napailing ito. “At wala akong problema kaya narito ako,” he shrugged.

Alam ni Zyline na nagsisinungaling ang binata. They’re there because of Thunder and Blue. Kapag pinagsama ang dalawang iyon, problema ang ibig sabihin.

“Kapag tumawag si Thunder at nagtanong kung nandito ako, sabihin niyo nalang na wala ako dito,” pakiusap ng binata kay Tatay Isko.

“Gagawin mo pa akong sinungaling,” hindi malaman ni Tatay Isko kung tatawa o ano.

Ngumiti lang ulit si Hunter sa matanda. Zyline looked at him. He’s at ease there.

Makalipas ang halos isang oras na pag-uusap ng binata at ni Tatay Isko ay nagpaalam na ito sakanila. He invited them to have lunch tomorrow. Pinaunlakan naman ito ni Hunter.

Siguro, maganda na din ang pagpunta nila dito. Sa tingin kasi ni Zyline ay mas makikilala niya pa ang binata dito.

“Good night,” paalam nito sakanya. Nagulat naman si Zyline. Matutulog na agad ito?

“Matutulog ka na?” she asked him. Pero ang aga pa kasi at hindi pa siya inaantok.

“Hindi, kakain ulit ako,” sagot ni Hunter. Tinitigan niya ito ng masama.

“I’m sleepy.” he shrugged. “You should sleep, too. Ipapasyal kita bukas…”

Pero hindi pa nga kasi siya inaantok!

“Hunter…” she called him again.

“Hmmm?” he looked at her.

Paano ba niya sasabihin dito na hindi pa siya inaantok?

“Wala. Sige, matulog ka na nga…” nag-iwas na siya ng tingin.

Hindi naman siguro siya namamahay dahil nakatulog na siya kanina.

Hindi pa lang talaga siya inaantok. Manunuod nalang siya siguro sa kwarto niya.

“My room’s beside yours, Zyline, you can knock anytime…” ani Hunter bago tuluyan siyang iniwan.

Napasimangot siya.

Siya, kakatok sa kwarto nito? Asa naman.

Pumasok nalang din siya sa kwarto niya. Huminto siya nang matapat siya sa kwarto ni Hunter kanina. Iniisip niya kung gising pa ito.

Pero wala siyang balak kumatok!

Bored na bored si Zyline sa panunuod ng TV nang biglang namatay ito at maging ang mga ilaw sa paligid niya kasabay ng malakas na pagkulog at may kasama pang kidlat.

Kanina pa din umuulan paggising niya pero wala namang kulog at kidlat kanina.

Nagpaparamdam agad si Thunder sakanila?

Agad na lumabas si Zyline at nagkakakatok sa kabilang kwarto.

Pinagbuksan ni Hunter ng pinto ang dalaga.

“What happened?” she asked him. “Brown out ba?” she added.

“Pinatay ko lang lahat,” he said sarcastically.

She groaned. “Ayoko sa kwarto ko. Wala akong makita. Dito nalang ako.”

Hindi na niya hinintay na magsalita si Hunter. Pumasok nalang siya sa kwarto nito.

Madilim din dito pero mas kumportable siya dahil kasama niya si Hunter.

Dahil sa pagkidlat, nagkakaroon ng liwanag sa kwarto ni Hunter. Napalingon siya sa binata nang kumidlat bigla.

Nanlaki ang mata niya dito.

“You’re sleeping naked?” tinignan niya ang katawan ni Hunter mula mukha pababa sa… doon sa…

“Titigan mo pa. Kapag nagalit ‘yan, bahala ka…” Hunter said.

Dapat ay inalis na ni Zy ang pagkakatingin doon pero ayaw makisama ng mga mata niya.

Muling kumidlat kaya nakita niya ulit iyon.

Shit.

“I already warned you…”

Lumapit sakanya si Hunter at bigla siyang hinalikan.

“My pet and I were different. Make him mad and you’ll love it. Make me mad, you’ll regret it, good thing was, you made him mad…” he said and then claimed her lips once again.

She let him took her again.

At walang kaso sakanya kung ulit-ulitin man ng binata iyon.

She’s already his.

Pero hindi niya masabi kung kanya na ba ang binata.

Hindi niya alam.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.