Hunter's Temptation Chapter 21

HINDI natuloy ang plano ni Blue na umalis sila ng gabing iyon dahil na rin sa malakas na ulan. Ang sabi ni Tatay Isko sakanila ay may paparating na bagyo at magtatagal iyon ng dalawa o tatlong araw kaya naman hindi sila pwedeng bumiyahe dahil magiging delikado para sakanila. Wala namang problema sa mga tanim ng mga Dela Cruz dahil naani na ang mga ito noong nakaraang araw pa.

Sa bahay din nila Hunter tumuloy si Blue. Kumpara kay Zyline, mas pamilyar na si Blue sa malaking bahay at kilala ito ni Tatay Isko.

“Nagpunta ka na ba dito dati?” tanong ni Zyline kay Blue. Sinamahan niya ang kapatid sa tutuluyang kwarto nito.

“Yeah,” sagot ni Blue sakanya.

Nararamdaman ni Zyline ang pagiging cold sakanya ni Blue. Kaninang pag-uwi nila’y sasakyan ni Thunder ang ginamit nila. Si Blue ang nagmaneho habang magkasama naman ang magkapatid sa sasakyan ni Hunter. Iniisip tuloy ni Zyline kung anong pinag-usapan ng mga ito.

“Kuya, are you mad?” tanong ni Zyline bago umupo sa gilid ng kama.

Tumingin si Blue sa kapatid. “You want me to be happy?” tanong ni Blue habang nakataas ang isang kilay.

“Kuya, wala naman kaming ginagawang masama, eh,” pagdedepensa ni Zyline. Alam naman niyang hindi siya maiintindihan ni Blue. Para dito, masamang ehemplo si Hunter para sakanya.

Hindi kumibo si Blue kaya nagpatuloy si Zyline sa pagsasalita.

“Hindi ka ba pwedeng maging masaya para sa akin?” tanong ni Zyline sa kapatid. Noon naman, wala namang narinig si Blue mula sakanya. Kahit pa noong kolehiyo ito na baliw na baliw ito kay Stephanie na naging asawa ng kaibigan nitong si PJ. At maging sa pagkakamabutihan ni Blue at ng best friend niyang si Cyan noon. Hindi siya tumutol sa alinman sa relasyon nito.

Alam naman kasi ni Zyline na hindi si Blue ang tipo ng tao na papasok sa relasyon ng hindi ito seryoso. Oo, pwedeng at some point, pareho ito at si Hunter na ilang babae din ang ikinama, pero magkaibang-magkaiba ang dalawang binata.

Habang lumalaki si Zyline, naisip niya noon na kung mag-aasawa siya, gusto niya, katulad ng Kuya niya. Para kasi sakanya, napaka-ideal ni Blue. Lalo na kapag nagmahal. Kaya alam niyang maswerte si Cyan sa kapatid niya.

Pero ngayon, ayaw niya ng ideal man. Kasi kahit sino pa, pwedeng maging ideal man mo kung mahal mo siya.

Just like the sexy beast. Just like Hunter.

“Don’t be absurd, Zyline Cerise,” ani Blue sakanya na nakakunot ang noo. “Kapatid mo ako. Natural na gusto kong sumaya ka,” dagdag pa nito.

Blue cares for her. Kapatid niya si Zyline kaya wala siyang gusto kundi mapasaya din ito. Kaya ayaw niyang masaktan ito.

The moment he saw Hunter looking at his sister, he already had an idea what’s going to happen next.

Pero akala naman kasi ni Blue ay hindi papatol si Zyline sa binata. Dapat ay inexpect na niya ang kayang gawin ng isang Dela Cruz. Thunder’s his best friend, kapatid nito si Hunter, pareho ng likaw ng bituka.

“Kuya, I am happy with Hunter,” she said. There was no point on hiding their relationship. Nakita sila ni Blue at Thunder na nandito, silang dalawa lang.

Hindi naman sila close noon ni Hunter, ano bang magiging magandang rason kung bakit sila magkasama ngayon at silang dalawa lang maliban sa may relasyon silang dalawa ni Hunter?

“Zy, hangga’t maaga pa, itigil mo na ang kalokohan mo,” aning muli ni Blue sa kapatid. Wala namang masama kung makikipagrelasyon ang kapatid niya. She’s old enough to have a boyfriend, pero kung si Hunter lang din naman, no thanks. Mas okay na maging single na muna ito at maghintay ng ibang lalaki.

“I don’t get you!” Inis na sabi ni Zyline sa kapatid. “Ano bang problema mo kay Hunter? Ano bang ginawa niya sa’yo?” tanong ni Zyline.

“He’s not good for you. Alin doon ang hindi mo naiintindihan? He’s not like Cupid na kakilala ko kaya alam ko ang kayang gawin at hindi. Hindi ko siya mapagkakatiwalaan sa’yo,” sagot ni Blue sakanya.

“He’s not like Cupid na kakilala mo? Yeah, he’s not like Cupid kaya hindi mo siya dapat hinuhusgahan kasi hindi mo siya kilala. Hindi niyo siya kilala gaya ng pagkakakilala ko sakanya,” tumayo si Zyline at naglakad papunta sa pinto. “Sana kasi hindi ka nalang nagpunta dito.”

Binuksan na niya ang pinto at lumabas. Inis na inis siya sa kapatid. Alam niya na nag-aalala lang ito para sakanya pero hindi niya talaga maiwasang mainis.

Naabutan niya si Hunter na nakasandal sa pader sa labas ng kwartong inookupa ni Blue.

Natigilan si Zyline sa paglalakad at napatingin kay Hunter. Walang mabasang kahit na ano sa ekspresyon ng mukha nito.

Narinig kaya nito ang usapan nila?

Nakakahiya silang dalawa ni Blue. Doon pa sila nag-away sa hindi nila bahay.

“Hunter…” naglakad siya palapit sa binata. Tumingin ito sakanya at ipinilig ang ulo.

He smirked at her and shoved his hands to his pockets.

“Ang epal ng kuya mo, no? Parang ‘yung kapatid ko,” sabi nito sakanya. Nagkibit balikat ito bago naglakad palapit sakanya.

“I am sure they would not allow you to sleep in my room,” sabi pa nito ng makalapit sakanya.

“Hunter,” hinawakan niya ang kamay nito. Huminto naman ito at tumingin sakanya.

“Don’t,” mababa ang boses niyang sabi.

Hindi napigilan ni Zyline ang masaktan at madismaya.

“Don’t tempt me. Baka makalimutan kong nandito ang kapatid mo at palayasin ko siya para masolo kita,” ani Hunter bago naglakad palayo at iniwan siyang mag-isa doon.

Hindi sumalo sakanila si Hunter nang maghapunan sila. Ang sabi ni Tatay Isko ay umalis ito at may pinuntahan. Nagtataka naman si Zyline kung saan pupunta si Hunter sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Tatlo lang tuloy silang naroon ay naghahapunan na naiwan at gusto na ding umalis ni Zyline sa hapag dahil sa paraan ng pagtingin ni Thunder at Blue sakanya.

“Thunder, sana’y isinama mo na din si Mika dito para naman nakumpleto kayong magkakapatid,” ani Nanay Lorena nang maglagay ito ng isa pang putahe ng ulam sa lamesa.

“She’s busy with her studies and her…” he cleared his throat. “She’s busy with her boyfriend,” sagot ni Thunder sa matanda.

“Nabanggit nga ni Hunter na may kasintahan na si Mika. Pihado’y gwapo ang napili ng batang iyon,” nakangiting sabi ni Nanay Lorena.

“Hindi din. Walang-wala sa amin, eh,” sagot ni Thunder dito at nagkibit balikat pa ito.

She mentally rolled her eyes. Ang yabang talaga. Magkapatid nga ito at si Hunter.

“Nako, mabuti nga’t may kasintahan na si Mika. Para naman kapag nakasal na si Hunter, makasunod ang batang iyon,” sabi pa ni Nanay Lorena. Hindi naman napigilan ni Zyline na mapaubo sa binanggit nito tungkol kay Hunter.

“Si Hunter, magpapakasal?” Thunder asked Nanay Lorena. He looked at her after. Tinitigan naman niya ng masama si Thunder.

“Aba’y oo. Mukha namang masaya si Hunter, eh,” tumingin sakanya si Nanay Lorena at ngumiti.

Tipid lang din siyang ngumiti sa matanda.

“I don’t think so. Lalo na sa nangyari ngayong gabi,” ani Thunder dito.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ni Thunder at lumingon siya sa lalaki. Ano bang nangyari? May nangyari ba?

“Wow,” Blue commented after the old lady left. Nag-angat ito ng tingin sakanya. “Wow,” ulit pa nito.

She rolled her eyes.

Mabilis lang niyang tinapos ang pagkain at nagpaalam na sa dalawang binata na aakyat na ng kwarto niya para magpahinga pero pinigilan siya ng mga ito. Sabi ni Blue ay pag-uusapan nila ang tungkol sa pag-uwi nila. Napagdesisyunan ni Blue at Thunder na sa makalawa, aalis na sila at babalik na ng Maynila.

Hindi man lang nagtanong ang dalawa. Basta nalang nagdesisyon ng hindi inaalam ang gusto niya.

“I came here with Hunter, babalik ako ng Manila kasama si Hunter,” sabi ni Zyline sa dalawang binata.

Thunder smiled at her. May hawak din itong isang baso ng alak. “You don’t have a choice, Zy,” sabi nito sakanya.

“Sasabay din ng pag-uwi si Hunter. May negosyo siyang inaasikaso,” dagdag pa ni Thunder.

“Stop being childish, Zyline,” sita ni Blue sakanya nang umakma siyang sasagot sa binata.

“Seriously, ano bang problema niyong dalawa?” tanong ni Zyline bago pinagkrus ang kamay sa dibdib at maging ang binti.

Thunder shrugged. “I don’t have much problems, Zyline,” he smiled. “My brother’s involved, I don’t want him to mess up anything with you. You’re like a family to us,” dagdag pa nito.

Napailing nalang siya. “Seryoso, ano bang problema niyo? Tutol na tutol kayo sa relasyon namin ni Hunter, inano ba namin kayo?” nagpupuyos ang loob na sabi niya sa mga ito.

“Because I know, he’s not capable of loving anyone. Pwedeng nagkagusto si Hunter kay Rain noon, pero believe me, Zyline. Hindi pa kayang magseryoso ni Hunter hanggang ngayon,” sabi ni Thunder sakanya.

“Ayokong masaktan ka kaya kung pwede lang umiwas ka na sakanya,” sabi naman ni Blue sakanya.

Mas lalo lang nangngitngit ang nararamdaman ng dalaga. Wala ba siyang sariling utak para hindi malaman ang nangyayari? Ang sitwasyon niya? Nila ni Hunter?

Of course, alam niyang walang sineseryoso si Hunter. Pero gusto niyang subukan! Gusto niyang subukan na magtagal sila para marealize ng binata na ang relasyon, hindi pinapasok para lang tapusin. Para lang kalimutan. Ang relasyon, sinisimulan dahil gusto mong may patutunguhan.

Alam ni Hunter kung ano ang gusto niya. She wanted a relationship. He gave it to her. Now it was her job to make him believe that whatever they were having, it would last.

Pero kung ganito namang may humahadlang sakanilang dalawa, mahihirapan si Zyline.

“We’re both old enough to do whatever we want, okay?” inis na sabi niya sa dalawang lalaki sa harap niya. “Masaya naman kayong dalawa sa buhay niyo. Ayaw niyo bang pati ang nasa paligid niyo, maging masaya?” tanong ni Zyline.

Hindi nagsalita ang dalawang lalaki. Nakatingin lang ang dalawa sakanya.

“Ayaw naming ipaalam ang relasyon namin dahil sa pagkontra niyo. Give Hunter a chance. Give us a chance. Mahirap ba ‘yon?” tanong muli ni Zyline.

Kung mahal naman talaga siya ni Blue, maiintindihan siya nito gaya ng pag-intindi niya dito sa nangyayari dito. Wala namang nagmahal na ginustong masaktan agad. There’s a very fine line between love and pain. Walang nagmahal na hindi nasaktan.

Tumango si Thunder sakanya. “I warned you already,” tumayo ito at kinuha ang baso ng alak niya. “I need to call my wife,” paalam nito sakanila. “Blue, bukas ko ibibigay ang papeles, I’ll review it later,” sabi nito sa kapatid niya bago tumalikod sakanilang dalawa.

“Do you love him?” tanong ni Blue kay Zyline.

Nabigla siya sa tanong ng kapatid. He’s not nosy. Bakit naman bigla-bigla itong magtatanong ng ganyang bagay?

“Kuya…”

“Do you love him, Zyline Cerise?” ulit na tanong ni Blue sakanya. Seryoso ang mukha ni Blue habang nakatingin sakanya.

“Yes, mahal ko siya. Kahit pa sinasabi niyong wala siyang idudulot na maganda sa akin, mahal ko siya,” sagot niya sa kapatid.

Huminga ng malalim si Blue at mahinang napamura.

“Alright,” he said. “I’m going to trust you with this one…” Tumingin sakanya muli si Blue. “Pero kapag nakita kong umiyak ka dahil kay Hunter, pasensyahan tayong dalawa,” tumayo na ito. “Tatawagan ko pa si Cyan. Matulog ka na din,” sabi nito bago siya iniwan na mag-isa.

Nakakailang buntong-hininga na si Zyline nang maisipan niyang tawagan si Hunter. Sasabihin niya ang napag-usapan nila ng kapatid niya at kapatid nito.

“Wala akong signal?” kumunot ang noo niya nang tignan ang phone niya. Alam niyang may bagyo, pero walang signal?

Umakyat nalang siya sa kwarto niya kahit pa nag-aalala siya kay Hunter. Paano kasi kung saan na napunta ‘yon para lang makaiwas sa dalawang bwisit na dumating? Masasapak niya talaga sila Thunder at Blue kapag napahamak ang boyfriend niya. Malakas ang hampas ng hangin na may kasamang ulan at kahit na nasa loob ng kwarto si Zyline ay dinig na dinig niya ang mga ito.

She was still waiting for Hunter.

Alas-dos na ng madaling araw at alam niyang wala pa ang binata hanggang ngayon. She’s worried. Saan ba magpupunta si Hunter? Sa tree house? Hindi siya makakarating doon ngayon dahil alam niyang hindi siya papayagan ng Kuya niya.

Halos mag-uumaga na nang matulog si Zyline. Nagising lang siya nang may marinig siyang kung anong nabasag sa labas ng kwarto niya. Tinignan niya ang bintana sa kwarto niya at makulimlim pa din ang paligid at malakas pa din ang ulan.

Napalingon siya nang may marinig ulit na nabasag sa labas ng kwarto niya kaya minadali niyang bumangon at lumabas ng kwarto.

Anong nangyayari? Nagkatinginan sila ni Blue na lumabas din ng kwarto nito. He fixed his eyeglasses and looked at her.

“What’s happening?” tanong niya sa kapatid.

“Just go inside, I’ll check it,” ani Blue tapos ay naglakad na at bumaba na. Hindi naman niya sinunod ang utos ng kapatid at naglakad din pababa at malaman ang nangyayari.

“What the fuck’s your problem?” naabutan niyang tanong ni Hunter sa kapatid nito. Napasinghap siya nang makita ang dugo sa gilid ng labi nito.

Thunder was in front of him and he was clenching his fist.

“You’re seriously asking me what the fuck is my problem? Tangina kang gago ka," galit na sabi ni Thunder sa kapatid niya.

“Zy, don’t,” hinawakan ni Blue ang braso niya nang akmang maglalakad siya papunta kay Hunter para daluhan ito. May mga basag na piraso ng antique vase sa gilid nito.

Tumayo si Hunter at tumingin sa kapatid. “Ano bang problema mo, Thunder?” tanong nito.

“Salvador called me last night. Umalis si Tanya sa bahay nila at ikaw ang nakita ng mga tao ‘don na sumundo kay Tanya. Now you’re asking me what the fuck is my problem?” nag-iigtingan ang ugat sa kamay ni Thunder habang nagsasalita. “What were you thinking, fucker? May asawa na si Tanya!” sigaw ni Thunder sa kapatid.

Natigilan si Zyline.

Kasama ni Hunter si Tanya kagabi?

Magdamag?

Anong ginawa nila?

Anong pwedeng gawin nila?

Saan naman sila pupunta?

Humigpit ang hawak ni Blue sa braso niya. “Come on, bumalik ka na doon,” hinihila siya ni Blue pero hindi siya natitinag sa pagkakatayo at pagtingin sa magkapatid na nag-aaway sa harap niya.

Alam niyang hindi pa sila nakikita ni Thunder o Hunter kaya hindi alam ng mga ito na naririnig niya at ni Blue ang pinagtatalunan ng mga ito.

“Zyline…” Blue called her again. Pero hindi niya ito pinansin.

“Anong plano mo? May girlfriend ka na, diba? Sinabihan kitang layuan mo si Zyline, tinuloy mo pa din. Now what? After seeing Tanya, babalik ka sakanya? Hunter, she’s married, hindi mo ba naiitindihan ‘yon? She’s fucking married!” malakas na sabi ni Thunder kay Hunter.

“Huwag mo ‘kong pakialaman…” ani Hunter na naglakad paalis sa harap ng kapatid ngunit hinawakan ng mahigpit ni Thunder ang braso nito. “I’m dead serious, Hunter,” he said in a gritted teeth.

“Bitawan mo ‘ko,” ani Hunter sa kapatid sa mababang boses.

“Don’t mess things up. Tanya’s with Salvador already and Zyline… she deserves someone better…”

“Bitawan mo ‘ko…” Hunter looked at Thunder with anger.

“I won’t. You have to—“

Nanlaki ang mata ni Zyline nang biglang dumapo ang kamao ni Hunter sa mukha ni Thunder.

“Thunder, Hunter!” humahangos na nagpunta si Nanay Lorena sa dalawang lalaki. “Ano ba naman kayong mga bata kayo, ke aga-aga, nag-aaway na naman kayo…” nag-aalalang sabi nito habang pilit pumagitna sa magkapagit nang ambahan muli ni Thunder si Hunter.

Wala namang ibang nagawa si Blue kundi lumapit kay Thunder at awatin ang kaibigan.

“Thunder,” hinawakan ni Blue ang balikat ni Thunder at inilalayo kay Hunter.

“I am helping you to fix your life, but you’re already a hopeless case, Hunter. You don’t care about other people. You only care about yourself! Tangina, alam mong may masasaktan ka pero tinutuloy mo pa rin. Napaka-gago mo!” patuloy na sabi ni Thunder sa kapatid.

“I didn’t asked you to help me. I don’t fucking need your help. You can all go to hell!” bulyaw naman ni Hunter sa kapatid.

Napako lang si Zyline sa kinatatayuan niya habang nakatingin kay Hunter na hawak naman ni Tatay Isko at Nanay Lorena.

“What, now, Hunter? Nakita mo lang si Tanya, nagkaganyan ka na naman?” tanong ni Thunder sa kapatid. “Talagang gago ka!”

“Wag mo akong pakialaman. Babawiin ko si Tanya kahit na anong mangyari. She was mine and I’ll do everything to make her mine again!”

Pumatak ang kanina pang pinipigilang luha ni Zyline dahil sa sinabi ni Hunter.

Awtomatikong napalingon si Blue sa kapatid na nakatayo pa rin sa isang sulok.

Sinundan ng tingin ni Hunter ang tingin ni Blue. He was surprised when he saw her standing there.

Ilang beses ikinurap ni Zyline ang mata.

She heard him.

Loud and clear.

Hindi alam ni Zyline na halos pigilan na niya ang paghinga para hindi mapahagulgol.

“Zyline…” tila nahimasmasan si Hunter nang makita siya.

Binitawan naman ni Blue si Thunder at lumapit sa kapatid nito.

“Zyline…” hinawakan nito ang braso ng dalaga.

“Zyline…” humakbang papalapit si Hunter sakanya. Ipiniksi ni Hunter ang braso at kamay na hawak ng dalawang matanda.

Nakatingin lang si Zyline sa binata habang patuloy na tumutulo ang luha niya.

He wants her back.

He wants Tanya back.

Ano pala siya para sa binata?

Wala lang?

Pinaibig lang tapos walang balak?

O dahil lang sa nakita niya si Tanya kaya nagkaganito na?

“Zyline…” Hunter called her again.

“Aakyat na ako,” basag ang boses na sabi ni Zyline.

Tumalikod na siya at mabilis na tinungo ang hagdan paakyat sa kwarto niya. Naririnig niya ang pagtawag ni Hunter at Blue sa pangalan niya pero minabuti niyang huwag lumingon at pumasok sa kwarto niya. Walang tigil ang pagtulo ng luha niya. Kasabay ng malakas na pag-ulan, walang ibang ginawa si Zyline kundi ang humagulgol habang yakap ang isang unan.

“Zyline, open this fucking door,” malakas na sabi ni Hunter habang kumakatok.

Hindi kumilos si Zyline.

She was hurting.

Parang sa isang iglap, nawala lahat sakanya.

Nawala si Hunter sakanya.

Gusto na niyang umuwi.

Ayaw na muna niyang kausapin si Hunter.

Ayaw niyang mag-usap sila ng ganitong mataas ang emosyon niya.

Magkakasakitan sila.

At kahit napakagago ni Hunter, hindi niya kayang saktan ito.

Hindi niya kayang saktan ito, dahil hindi nawawala ang pagmamahal niya sa kabila ng mga nasabi nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.