Hunter's Temptation Chapter 22

HUNTER was sitting on the couch. He was holding a glass filled with liquor and he was looking at nothing in particular. Basta nakaupo lang siya doon. Iiling-iling niyang ininom ang laman ng basong hawak bago muling nagsalin ng alak.

Zyline left.

Kasama nito si Blue na umalis kaninang umaga. They used his brother’s car. Bago umalis ang mga ito, nagkausap sila ni Blue. No, scratch that, he hit him. Kitang-kita ang sugat ni Hunter sa bandang labi dahil sa pagkakasuntok ni Blue sakanya.

He wanted to fight back. Gusto niya ding suntukin si Blue.

But that would make him the biggest asshole in town. Alright, he’s holding the record, pero kailangan bang dagdagan pa ang medalya niya?

Thunder didn’t do anything though. He was expecting his fist to hit his face, too. Pero wala. He was not talking to him. Na para bang big deal naman kay Hunter kung hindi siya kakausapin ni Thunder.

He can live alone. Wag nga silang gago na para bang hindi niya kakayanin kung wala sila. He’s Hunter. Hindi naman siya kasing dependent ni Mikaela kay Thunder. Unlike their sister, kaya niyang tumayo sa sarili niya. Hindi niya kasi pinapairal ang emosyon. Hindi katulad ni Mika… hindi katulad ng ibang tao.

Kung laging puso ang susundin mo, wala kang mapapala. Masasaktan ka lang. Para saan ba ang utak, kung hindi gagamitin? Ginawa na niya dati iyon, wala siyang napala.

“Wala kang balak gawin ngayon?” lumapit si Thunder kay Hunter at naupo sa isang upuan na naroon.

Nagkibit balikat ang binata bago muling nilagok ang alak sa baso. “What should I do? Alam mo lahat, diba? Payuhan mo naman ako, Mighty Thunder…” pasarkastikong tanong ni Hunter sa kapatid.

“Tangina mo,” sumandal si Thunder bago uminom sa basong hawak nito na sinalinan nito ng alak.

Hindi siya nagsalita. Alam naman ni Hunter ang ikinagagalit ng mga ito sakanya.

He hurt Zyline.

Was it his choice? No.

Hindi naman niya ginustong saktan si Zyline. Thunder kinda pushed him to his limit yesterday morning. He shouldn’t have said those words, pero nangyari na. Hindi na niya mababawi pa.

He wasn’t denying the fact that he was with Tanya the whole night. Pero wala namang nangyari sakanila ni Tanya.

Umaga na siya nakauwi dahil sa lakas ng ulan. Delikado ang bumiyahe ng gabi at maulan sa kanila.

Huminga ng malalim si Hunter.

Tanya…

Tanya was everything to him before.

Si Tanya ang kauna-unahang babaeng minahal niya, eh. She was their cook’s daughter. Kung tutuusin ay sabay na silang lumaki nito.

Bata pa lang sila, espesyal na si Tanya kay Hunter. She was older than him by almost 3 years. Pero hindi alintana kay Hunter ‘yon. He likes her. Ano lang ba ang tatlong taong pagitan nilang dalawa?

Kumuyom ang palad niya sa pagbalik ng alaala ni Tanya.

Akala niya, okay na, eh.

Bitter? Yeah, maybe a bit. He was bitter because she fucking left him. Pinagpalit siya ni Tanya sa lalaking mas matanda sakanya, mas mapera. Tangina. Mayaman din naman siya kahit noon pa man. Hindi pa nga lang kasing yaman ni Salvador, pero Dela Cruz siya. Alam niyang pagdating ng panahon, mahihigitan pa niya si Salvador.

He tried to win her back before. Sinubukan niya namang bawiin si Tanya, pero hindi niya nagawa. Mas pinili ni Tanya si Salvador. Mas kaya kasing ibigay ni Salvador ang buhay na gusto nito na hindi pa niya kayang ibigay.

Pero ang masakit kasi sa lahat, ‘yung pinaglaruan pa siya ni Tanya bago siya tinapon.

Pinaasa na babalik ito sakanya.

Then he found out Salvador was just out of the country. Kaya may oras si Tanya sakanya. Kaya pumapayag itong magniig sila. Iyon lang naman kasi ang bagay na nakahihigit si Hunter sa Salvador na iyon.

Mas magaling siya pagdating sa kama.

She fucking treated him like an option. Kapag kailangan, tsaka lang maaalala. Kapag wala lang si Salvador, tsaka siya papasok sa isip nito.

Ginago siya ni Tanya.

Pinaglaruan.

But despite those things, minahal niya si Tanya. He accepted that treatment. Para sakanya noon, makasama lang niya si Tanya, okay na sakanya. She was his everything.

He already planned their life together. Naplano na din niya ang itsura ng bahay nila noon. Kung paano silang magiging isang masayang pamilya.

Pero naging isang malaking drawing lang ang lahat. Walang pinatunguhan ang relasyon niya at ni Tanya.

“You still love her?” tanong ni Thunder sa kapatid. He looked at him. Napansin din ni Hunter ang pasa sa mukha ni Thunder.

“No,” sagot niya dito. Tinignan niya ang alak sa baso habang iniisip kung ano ba ang gagawin niya ngayon.

“It was so obvious, Hunter. You just saw her and you’re back being an ass again,” sabi ni Thunder sakanya.

Hindi siya umimik. Kahit naman anong sabihin niya, hindi naman siya paniniwalaan ng mga ito. Magsasayang lamang siya ng oras at lakas na magpaliwanag.

“Tanya’s married already. Hanggang ngayon ba, ayaw mo pa rin siyang tigilan?” tanong ni Thunder. Kilala ni Thunder si Tanya dahil na rin sa pagbabakasyon noon ng lalaki doon.

“Ano bang alam mo? Wala naman, diba?” tanong ni Hunter sa kapatid. Wala naman kasing kahit sino ang may alam ng nangyari sakanilang dalawa ni Tanya. Siya lang at ang babae.

Hindi sumagot si Thunder. That was quite true. Simula ng lumayo ang loob ni Hunter sakanya, wala na siyang halos alam sa kapatid maliban sa reklamo ng ama nila na sakit sa ulo si Hunter. Alam ni Thunder na hindi. He was a good student. Hindi sila magkaklase nito pero alam niyang hindi nawawala sa top sa klase si Hunter. Pero nagiging tila balewala iyon sa Daddy nila.

“Hunter, pwede naman nating pag-usapan ang problema mo, eh,” ani Thunder sa kapatid bago uminom sa basong hawak.

Natawa naman ng pagak si Hunter. Napailing siya bago muling uminom. “Hindi ko kailangan ng tulong mo,” tumayo na siya at iniwan ang baso doon bago nagtungo sa kwarto at ibinagsak ang katawan sa kama.

Hindi niya sinubukan na tawagan ang dalaga. Ano bang paliwanag ang sasabihin niya? Hindi din naman siya pakikinggan nito.

Napalingon si Hunter sa cellphone niya nang magring ito.

Tanya calling…

Napapailing na inilapag ni Hunter ang cellphone.

Si Tanya ang tumawag sakanya noong nakaraan. Kinuha nito ang number niya kay Salvador.

She asked him to meet her. Hindi pumayag si Hunter.

Pero masyado siyang kilala ni Tanya. Alam ni Tanya na hindi niya ito matitiis kaya namilit siya.

She told him she missed him. Of course, he didn’t believe her. Matapos ng halos sampung taon, namimiss siya nito? Kalokohan.

Pero sa kabila ng galit niya kay Tanya, hindi niya maitatatwa ang ang katotohanang may puwang pa rin ito sakanya. He’s mad at her for choosing that old man. For leaving him, for not waiting for him.

Pero nangyari na, eh. Ano pa nga ba ang magagawa niya?

That night, he received a message from Tanya again.

Tanya:

Hunter, I want to talk to you. It’s really important, please…

He chose to ignore the message. Pinatay nalang din niya ang cellphone at pinilit ang sarili na matulog. Bukas ay babalik na siya ng Maynila. Alam niyang hindi naman siya papakinggan ni Zyline. But he owe it to her.

Si Thunder ang nagmaneho ng sasakyan nila pabalik kinabukasan. Walang sinabi sila Nanay Lorena sakanila. Alam naman ng mga ito na ganoon talaga silang magkapatid. Walang bago.

After reclining his chair, hindi na pinansin ni Hunter ang kapatid.

“Ba't ‘di mo ibato palabas ‘yang telepono mo kung ‘di mo sasagutin?” tanong ni Thunder kay Hunter dahil kanina pa ring ng ring ang cellphone niya.

Kanina pa siya tinatawagan ni Tanya.

Tinignan ni Hunter ng masama si Thunder. Sumagi sa isip niyang ibato ang cellphone pero hindi niya ginawa. Pinatay nalang niya ito at ipinikit ang mga mata habang bumibiyahe. Wala silang kibuan ni Thunder hanggang sa makauwi sila sa bahay nila. Rain was there with Theon according to Thunder. Wala pa din ang ina nila at maging ang kapatid nilang Mika’y wala doon dahil hindi naman iyon umuuwi sakanila.

“Hi, Hunter,” bati ni Rain sakanya pagbaba ng sasakyan. Nakaabang ito sakanila sa labas ng pinto. Lumapit naman ito agad kay Thunder at kinawit nito ang kamay sa bewang ng asawa at hinalikan ito. “You’re okay, sweetheart?” tanong ni Rain sa asawa.

“Yeah, where’s Theon?” tanong ni Thunder kay Rain.

“Swimming. Sweetheart, I think he’ll be a swimmer…” natatawang sabi ni Rain sa asawa.

“Kung anong gusto niya, wala namang kaso sa atin, eh,” nakangiting sabi ni Thunder sa asawa.

Napailing nalang si Hunter bago pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa swimming pool kung saan naroon si Theon at naglalaro.

“Hey, little buddy,” bati niya sa pamangkin. Halata namang natuwa si Theon na nakita siya. It was a good idea Theon was there. Kahit papaano ay distracted siya at may iba siyang pinagkakaabalahan. Nakipaglaro lang si Hunter kay Theon buong maghapon. He was still thinking of a way to talk to Zyline. Pero wala pa siyang maisip. Malakas kasi ang kutob niyang nasa bahay ni Blue ang dalaga ngayon. Mas lalong hindi siya makakalapit dito.

“Bakit ‘di nalang kayo tumira dito? Lagi naman kayong nandito,” ani Yaya Lourdes kay Thunder nang maghapunan sila.

“Nay Lourdes, alam mo namang sa alaga mo iniwan ‘tong bahay na ‘to. Dumadalaw lang kami dito kapag may mga dapat ayusin,” he looked at him.

Napailing nalang si Hunter.

“Sweetheart, next month, may event daw ata sila Steph sa SD, punta tayo, ha?” sabi ni Rain sa asawa nito.

Wala namang balak sumali sa usapan si Hunter.

“Hunter, sama ka, ha? Para mas malaki ang kikitain ng shop,” Rain smiled at him. “Sabi kasi nila Steph, kayong mga boys ang magbebenta ng cakes and cupcakes. Tutulong sila PJ, Cupid and Blue…” dagdag pa nito.

She just gave him a reason to say no.

“And of course, the girls will bake the cakes. Me, Steph, Cristine, Cyan and Zyline…”

And a reason to say yes, too.

“Hunter’s busy, sweetheart. Kailangan pa niyang ayusin ang mga problema sa Summer’s at—“

“I’ll go,” putol niya sa sinasabi ng kapatid. Thunder looked at him. “No, Hunter. Aayusin mo ang problema sa Summer’s at—“

“Everything will be fixed before that day. I’ll go…” sagot niya dito. Kung isang buwan pa bago ang event na iyon, sigurado siyang wala pang isang linggo’y maaayos na niya ang problema ng Summer’s.

“Okay, I’ll call Stephanie later…” nakangiting sabi ni Rain sakanya. “It’s a big help, just so you know,” sabi pa nito. “Too bad, your sister won’t be able to help us. Masyadong busy sa school si Mika, eh. Pero sabi naman niya’y pupunta sila ni Kerko.”

“Zyline will be there?” Thunder asked his wife. His wife nodded. “Yeah, tumawag kanina si Cristine and she confirmed it. Tutulong daw si Zyline. Why?” kumunot ang noo ni Rain kay Thunder.

Tumingin si Thunder kay Hunter bago sumagot. “Nothing…”

“Okay, so it’s settled then. We’ll help Sweet Desire!” Rain smiled.

Nagpatuloy sila sa pagkain habang si Hunter ay pilit iniisip ang sasabihin kay Zyline.

He couldn’t think of anything.

Tangina kasi. Anong paliwanag ba ang tatanggapin ni Zyline?

“You should have said no, Hunter,” ani Thunder nang maiwan na silang dalawa sa lamesa nang umalis si Rain para tignan si Theon.

“Inaano ko ba kayo?” tanong niya sa kapatid. “Stop dictating me. Who are you, Hitler?” sarkastikong tanong niya.

“Blue will be there. Naghahanap ka ba talaga ng gulo?” tanong ni Thunder dito.

“Huwag mo nga akong pakialaman,” asik niya dito.

“Listen, Hunter. Put yourself on Blue’s position. If you were mad because he hits you, isipin mo na kung kay Mikaela gawin ‘yan, mas malala pa ang gagawin mo.”

Hindi siya kumibo.

“Try to fix your life first, asshole. Kung maayos mo na ang buhay mo pati ang involvement ni Tanya sa buhay mo, you won’t hear anything from me, then,” ani Thunder sakanya.

Napapailing na tumayo nalang si Hunter at iniwan ang kapatid doon. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat, dinidiktahan siya. Nagawa na ng ama nila 'yan, noon. Hindi kailangan ni Hunter na maulit ‘yon.

Hanggang sa kinabukasan ay hindi sila nagkikibuan ni Thunder. Pumunta siya ng Summer’s para asikasuhin ang mga naiwang problema. He was busy the whole day.

Nakailang tawag si Tanya sakanya pero hindi niya sinagot alinman sa mga ito.

“Chin, I want you to send flowers to Zyline,” sabi ni Hunter sa sekretarya niya.

“Kay Ms. De Guzman po?” tanong ni Chin sakanya. Tumango si Hunter. “Put a note, there, please…” sabi pa niya.

Matapos magbilin sa sekretarya’y bumalik na sa trabaho si Hunter. He actually thought everything will be okay in no time. Pero hindi naman niya lubos akalain na ang dami pa lang dapat ayusin. Halos buong araw siyang may binasang mga proposals pero hindi pa din natapos ang lahat.

Ilang araw ang mabilis na lumipas at halos hindi na din nagtatagal si Hunter sa bahay nila dahil sa dami ng problema sa Summer’s at maging sa kompanya nila mismo. Wala namang problema talaga, pero nahihirapan sila sa demands ng mga clients nila kaya kailangan pang laging naroon si Hunter.

Ilang beses na rin siyang nagpapadala ng bulaklak kay Zyline pero laging ibinabalik lang ito sakanya tulad ng nauna.

Hunter’s not like the type of a person who’ll woo someone just to make things right.

May palagay siyang si Blue ang humaharang ng mga padala niya sa kapatid nito. Ilang beses na silang nagkasalubong sa opisina pero wala man lang itong sinasabi sakanya maliban sa matalim na tingin nito sakanya.

Wala namang pakialam si Hunter. Alam niyang galit si Blue sakanya pero sa totoo lang, wala namang bago para kay Hunter. It’s either they’re mad at him, or they just don’t like him. Sanay naman na siya.

“Are you sure you’re going tomorrow?” Thunder asked him. Lumingon siya dito. Kakauwi lang niya galing sa isang late night meeting kasama ang investors nila.

“Yeah,” sagot niya habang niluluwagan ang tie na suot. Isang buwan na ang mabilis na lumipas. Hindi pa rin sila nakakapag-usap ni Zyline.

Wala ni isa sa mga bulaklak na pinadala niya ang nakarating sa dalaga. Wala din ni isang message ang natanggap niya na nagmula dito.

Sumandal siya sa sofa bago huminga ng malalim. Tumingin siya sa phone niya. Ilang beses na din siyang nagtangkang itext o tawagan si Zyline pero laging pinipili niyang ‘wag gawin.

“Tanya was here earlier…” umupo si Thunder sa pang-isahang upuan bago tumingin sakanya.

Nag-angat siya ng tingin. Tanya was here?

“Hunter, ilang beses ko bang sasabihin na may asawa na si Tanya at—“

“Isang buwan ko ng hindi kinakausap si Tanya,” putol niya sa sinasabi ni Thunder. “Hindi ko na problema kung naniniwala ka o hindi,” dagdag niya.

“Do you still love her? Kaya mo siya gustong bawiin?”

Hindi siya umimik.

Mahal pa ba niya?

Ayaw sagutin ni Hunter maging sa sarili niya ang tanong na ‘yan.

“Aakyat na ako,” paalam niya dito bago tumayo at dumiretso sa kama matapos hubarin ang damit.

He closed his eyes and tried to stay calm.

He fucking missed Zyline.

Pero kasalanan naman niya ang nangyari. Kasalanan niyang nagkaganoon sila.

Pinilit niyang matulog ng gabing iyon na ang iniisip ay bukas, magkikita silang dalawa.

“HUNTER, hurry up,” kanina pa niya naririnig ang boses ni Rain habang naglalakad siya palabas ng bahay. He’ll use his car, they’re going to use theirs.

“Ba’t ba nagmamadali ka, Einah?” tanong ni Hunter bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya.

“I’ll help them to bake, kayo mag-aayos ng mga upuan ‘don,” sagot nito. “Tsaka andun na sila Steph, eh.”

Iiling-iling na sumunod nalang si Hunter sakanila nang umalis na ito.

Maaga naman siyang nagising kanina. Was he excited? Maybe.

Isa lang ang alam niya. Makikita niya si Zyline ngayon.

Pagkapark pa lang ng sasakyan nila’y luminga-linga na si Hunter sa mga sasakyan na naroon. Wala ang pamilyar na sasakyan ni Zyline. O baka naman nakisakay ito sa sasakyan ni Blue?

“Hi, Rain!” bati ni Steph nang pumasok sila sa loob ng shop. Lumapit pa ito sakanila at humalik sa pisngi. “Naligaw ka, Hunter?” tudyo nito. He just smiled a little.

“Wow, may reunion tayo?” biglang lumabas si Cristine sa kusina at may bitbit itong mga cupcakes. “I’m pretty sure, mauubos ang cakes ngayon,” nakangiting sabi ni Cristine sakanila. “Oy, show your abs later, ha? Pagkakakitaan natin ‘yan,” ngumisi pa ito bago inilapag ang tray na dala.

“Hunter, since single ka, ikaw ang manguna sa pagpapakita ng abs, ha?” Cristine smiled at him. Napailing nalang siya. Hindi sila close ni Cristine pero alam naman niya ang ugali nito kaya tumango nalang din siya kahit na wala naman siyang planong gawin iyon.

“Sis, aayusin pa nila ang labas, eh,” sabi naman ni Steph. “Babalik lang ako sa kitchen to decorate the cakes, walang katulong sila Cyan doon, eh…”

Napalingon si Hunter sa pinto ng kitchen. Nandoon kaya si Zyline?

“Fucker, let’s go,” tinapik ni Thunder ang kapatid at inaya na papunta sa labas para ayusin ang mga upuan at lamesa doon.

“Take your shirt off, guys, don’t be shy…” sabi ni Cristine habang may hawak na camera at kinukunan sila ng video. “Dali na!” angil ni Cristine nang walang sumunod sakanilang mga lalaki. “You want me to call them para maghubad kayo?” tanong ni Cristine.

“Hubad daw, sabi ni Sisiw,” sabi naman ni Cupid.

“Huy, ‘di ka kasali. Wala kang abs!” sabi ni Cristine dito.

Napailing nalang si Hunter. He’s not one of them. He’s not part of the group kaya naman hindi niya makuhang matawa o asarin si Cupid.

Naghubad nalang siya ng damit at tumulong mag-ayos habang palinga-linga pa rin kung nasa paligid si Zyline.

“Focus on what you are doing, Hunter. Hindi ‘yong lingon ka ng lingon kung saan-saan,” sabi ni Blue nang mabunggo niya ito.

“Blue,” tinapik ni Thunder ang balikat ng kaibigan. Iiling-iling na binuhat nalang ni Blue ang upuan at naglakad palayo.

“Stop acting like my guardian. I don’t need one,” sabi ni Hunter bago pumasok sa loob at nagpunas ng katawan.

“May problema ba kayo ni Blue?” lumapit si Cristine kay Hunter na hawak pa din ang camera.

“Wala,” sagot niya.

“Sige, kunwari naniniwala ako,” ngumisi ito sakanya. “Pero alam mo, Hunter, I know you’re not that bad,” sabi pa nito.

“You don’t know me,” sagot naman niya dito.

“I don’t. Pero based on her stories, I kinda know you na,” she winked at him. “Sige na, mamaya, may mga costumers na,” tumalikod na si Cristine at iniwan siya doon.

Gaya nga ng sinabi ni Cristine, maya-maya lang ay nagkaroon na ng mga costumers na at karamihan sakanila’y babae.

“Yung cakes lang po ang binebenta. Lahat ng lalaki, taken na…” sabi ni Cristine sa mga babaeng nakatingin sa mga lalaki. May mga ilang nagpapapicture pa sa kanila. Wala namang nagawa si Hunter kundi magpapicture dahil pinanlalakihan siya ng mata ni Cristine.

“Free kiss? Sampal, pwede pa,” sabi ni Cyan nang may magtanong kung pwedeng may kasamang halik kapag bumili ng cake.

Halos buong araw na abala silang lahat dahil sa mga costumers at sa pag-aasikaso sa mga ito. Naubos ang lahat ng cakes na binebenta nila at lahat naman ay mukhang masaya sa kinalabasan ng event nila.

Hanggang sa matapos ang pagbebenta nila, walang Zyline na nagpakita kay Hunter. Wala siyang Zyline na nakita.

“Successful tayo!” masayang sabi ni Stephanie. “Dalasan kaya natin ‘to?” sabi pa niya.

Sumang-ayon naman ang lahat. Nagpadeliver nalang sila ng pagkain at naisipan na doon nalang kumain.

Gusto ng umalis ni Hunter.

It was not his group of friends.

“Wait, pala. Bakit kulang tayo?” tanong ni Rain maya-maya. “Asan na si Zy?”

Napalingon si Hunter sa babae.

“Ay, oo nga. Baka nasa kitchen,” tumayo si Cristine at nagpunta doon para tignan ang dalaga.

Nagkatinginan naman sila ni Thunder.

“Ayan, kompleto na tayo!” malakas ang boses na sabi ni Cristine nang lumabas habang hila-hila si Zyline. “Grabe, Zyline, ha? Hindi ka talaga lumabas ng kitchen!”

Napatingin siya sa dalaga habang pilit umaatras.

“Group pic muna tayo!” sabi ni Cristine. “Sayang wala sila Mika, no?” dagdag pa nito.

“Busy si Mika, eh,” sagot ni Rain dito.

“Oh, dali na. Dikit-dikit sa mga asawa, ha?” nakangiting sabi ni Cristine bago tumabi kay Cupid. “PJ and Steph, Rain and Thunder, Cyan and Blue. Oh, Zyline, kay Hunter ka na muna tumabi. Isipin mo nalang siya si Mr. Right,” humahagikgik na sabi nito.

“Zy, you can sit here…” ani Blue sa kapatid.

“Huwag ka nga, Blue. Masisira ang balance ng picture!” singhal ni Cristine dito. “Go there, Zy,” tinulak ni Cristine si Zyline papunta sakanya.

Nagkatinginan naman silang dalawa ni Zyline.

Matapos ang isang buwan, nagkita ulit sila.

Agad na umiwas ng tingin si Zyline sakanya.

“Game na, ha?” sabi ni Cristine sakanila. “Ngiting katatapos lang dapat, ha?” sabi ni Cristine na biglang napahawak sa buhok niya ng sabunutan ni Stephanie.

“Pa-virgin ka, sis? Nakadalawa ka na kaya!” sabi ni Cristine. “Tsaka isa lang virgin dito, huwag nga kayong ano. Mahiya kayo kay Zyline!” sabi ni Cristine.

Nagtawanan naman ang lahat at napatingin kay Zyline. Pinamulahan naman ng pisngi si Zyline sa sinabi ni Cristine.

“Oh, game na kasi. Ngiting katatapos lang!” sabi ulit ni Cristine.

“Favorite smile mo ‘yan,” pang-aasar naman ni Stephanie sa kaibigan. Ngumiti lang si Cristine.

Nakatingin lang si Hunter kay Zyline habang abala ang lahat sa pagngiti sa camera.

“Zy…” he whispered.

Nag-iwas ng tingin si Zyline sakanya.

“Zy…” tawag niyang muli dito.

Hindi siya pinansin ni Zyline.

“My lady…”

Zy looked at Hunter.

Of course, she missed him.

Pero kasi, isang buwan itong hindi nagparamdam sakanya.

Noong mga nakaraang linggo, she was waiting for his call or text o kahit na ano.

She wasn’t feeling well. Mas lalo tuloy sumama ang loob niya.

Ilang araw na siyang nahihilo pero parang walang pakialam si Hunter sakanya.

Napahawak nalang siya sa upuan na naroon. That’s one of the reason kung bakit hindi siya lumabas kanina.

Nahihilo siya.

She closed her eyes. Huminga din siya ng malalim.

“Wait. I think I’m gonna throw up…” nagmamadali siyang naglakad papuntang banyo.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.

Basta bigla nalang siyang nasusuka. At nahihilo talaga siya…

Pinanlamigan siya nang mapatingin sa sarili sa salamin.

Hindi maaari…

Kinabahan si Zyline sa naisip na posibilidad ng nangyayari sakanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.