Hunter's Temptation Chapter 29

DAHIL sa nangyari sa bahay ng mga Dela Cruz, minabuti na ni Zyline na sa bahay nila umuwi. Isinama siya ng mga magulang pauwi sa bahay nila kaya naman hindi na natuloy ang quickie nila ni Hunter. They were also the one who’s planning the wedding. Lalo na ang Mommy niya at ang Mommy ni Hunter.

Lagi naman siyang dinadalaw ni Hunter sa bahay nila dahil hindi na siya masyadong naglalalabas. Doon nalang din siya pinupuntahan ng trainer niya para naman makapag-stretching at exercise pa din siya kahit buntis siya. Doon nalang din si Zyline gumagawa ng sketches ng mga design para sa bahay na gusto niya kapag wala siyang magawa.

“What are you doing?” tanong ni Hunter sakanya nang minsang bumisita si Hunter sakanya. Ipinakita naman ni Zyline ang sketch niya sa binata. “Nabobored na kasi ako,” sabi niya dito. “So, ayan… design ng bahay,” nagkibit balikat siya. “That’s the master’s bedroom. Hindi pa detailed ‘yan kasi hindi ko naman alam ang mga gusto mong ilagay diyan,” turo niya sa papel. Inilipat niya ito sa kasunod. “Ito naman ‘yung sa nursery, tapos—“

“Wait,” sabi ni Hunter sakanya. He looked at her sketchpad. “Nursery ‘to?” tanong ng binata sakanya na nakakunot ang noo. Tumango naman siya. Kinuha nito ang lapis mula sakanya at umayos ng upo.

“What are you doing?” tanong ni Zyline na kumunot din ang noo. Pinagmasdan niya si Hunter na seryosong-seryoso sa pagguhit ng kung ano. Ano bang binabago nitong lalaking ito sa drawing niya?

“Lalaki ang anak natin, Zyline. Ang daming kaartehan ng nursery mo,” sabi nito habang nakatingin sa papel. “Too many designs. May balak ka bang gawing human Ken ang anak natin?” tanong ni Hunter sakanya.

Napasimangot naman si Zyline. Gusto kasi niya ng babaeng anak talaga. Gusto niya ‘yung may binibihisan. Inaayusan ng buhok. Kaya nga tuwang-tuwa siya kay Caryl at Lean dahil nagiging human doll niya ang mga bata. Sinimplehan na nga lang niya ang designs, eh. ‘Yung naunang ginawa niya noon na nursery ng magiging anak niya, napakarami talagang designs. Iniisip pa nga ni Zyline na magkakaroon ng murals ang kwarto ng anak niya tapos it’s either unicorn or butterflies.

“Ang edgy naman niyan,” sabi ni Zyline. “Puro kanto, masyado pang manly…” komento ni Zyline nang ipakita ni Hunter ang ginawa nito sakanya “Mamaya magmana pa sa’yo ang kambal niyan. Eh, di tatlo na kayong sakit sa ulo,” sabi pa ni Zyline. Tama na ang isang cold and heartless beast. Kung tatlo sila, God! Ewan nalang ni Zyline kung magiging normal pa takbo ng isip niya.

“Kesa naman sa mukhang may nagsuka ng rainbow na gawa mo?” hindi nagpapatalong sagot ni Hunter. “At walang masama kung magmamana sa akin si Keij at Kol. Laking tuwa pa nila kapag nagkataon. Iilan lang binibiyayaan ng magandang lahi,” mayabang na sabi nito. Napailing nalang si Zyline. Iba talaga ang hangin ng mga Dela Cruz. Damang-dama niya kay Hunter, eh.

Hindi maikakaila ni Zyline na may talent din talaga si Hunter sa pagguhit. Maybe that was his Architect side, showing. Kung bakit kasi hindi nito ituloy ang gusto. Bagay naman dito, eh. Architect Hunter Dela Cruz. Ang gwapo pa ng dating.

“Hun, bukas daw ‘yung pagsusukat para sa mga damit, sabi ni Cyan,” untag ni Zyline kay Hunter na abala sa pagguhit ng kung ano.

“Okay,” sabi nito sakanya. She rolled her eyes. Kanina pa ito nakasandal at may kung anong ginagawa sa sketchpad niya. Hinayaan nalang niya kesa naman inisin lang siya nito dahil sa pink na trip niya sa buhay.

Si Cyan ang napili niyang gagawa ng gown niya at ng mga susuotin pa ng iba. Wala silang magiging problema ni Cyan dahil alam naman nito kung ano ang gusto niya at ang ayaw niya. Mika would be her maid of honor. Wala naman siyang ibang makukuha kasi at bilang kapatid ito ng groom, ito na ang kinuha niya. Kaibigan din naman niya si Mika. Ang best man naman ni Hunter ay ang pinsan nito na si Daniel. Hindi naman na nabigla si Zyline doon. Wala naman kasi siyang alam na ibang malapit kay Hunter maliban kay Daniel.

Wala naman siyang naririnig na kahit ano kay Blue tungkol sa nangyayari sa buhay niya. Nagkikita pa din sila ni Blue. Dinadalhan siya nito ng pagkain at kung ano-anong vitamins kapag dumadalaw ito at ang pamilya niyo sakanya, pero iwas pa din ito sa topic tungkol sa kasal niya at ni Hunter. He’s still mad, maybe. Kaya nga umaasa si Zyline na kapag lumabas na si Keij at Kol, aayos na ang utak ni Blue at babalik na sa dating pakikitungo sakanya.

“Ano ba ‘yang ginagawa mo?” tanong ng dalaga sa binata nang hindi na siya tuluyang pansinin ni Hunter.

“Wala,” sabi nito pero hindi pa din binibitiwan ang sketchpad niya.

“Ma’am Zyline, may bisita po kayo,” lumapit ang isang kasambahay nila Zyline sa dalaga. Kumunot naman ang noo niya dahil wala naman siyang alam na bibisita sakanya.

Biglang pumasok sa loob ng bahay si Bobbie. He was smiling at her.

“Bobbie?!” Zyline was really surprised to see her friend. Agad siyang tumayo at lumapit sa binata. Nawala naman ang ngiti ni Bobbie nang makita ang kalagayan ni Zyline.

Ganoon na ba siya katagal na nawala? He was gone for almost 4 months. Inayos niya ang negosyo nila at nag-ipon ng lakas ng loob para magtapat kay Zyline. Hindi naman niya lubos akalain na pagbalik niya, buntis na ang dalaga.

“Namiss kita,” sabi ni Zyline bago siya niyakap ng mahigpit. Pilit na ngumiti si Bobbie sakanya. “Ako din…” sagot naman niya.

“What happened?” tanong ni Bobbie kay Zyline.

Nagkibit-balikat si Zyline. “I’m getting married!” sabi nito sakanya na tuwang-tuwa. Tinignan niya ang kamay ng dalaga. Walang singsing na nakalagay dito.

“Wala pang ring but, I’m getting married na talaga,” sabi ni Zyline nang mapansin kung saan nakatingin si Bobbie. “Come on,” hinawakan ni Zyline ang kamay niya at hinila papunta sa may sofa.

“Hun,” untag ni Zyline kay Hunter na halos magpantay na ang kilay habang nagdo-drawing pa din. “Hunter!” tawag niyang muli sa binata.

“Oh?” nag-angat ito ng tingin.

“You met Bobbie na, diba?” sabi ni Zyline dito. “Bobbie, si Hunter, my groom-to-be…” nakangiting sabi ni Zyline. Hindi naman nagreact si Hunter. Tumango-tango lang si Bobbie.

“Anyway, namiss talaga kita!” sabi ni Zyline bago niyakap ulit si Bobbie. “Madaya ka. Bigla ka nalang kasing umaalis, eh…” nakasimangot na ani ng dalaga bago umupo sa tabi ni Hunter para paupuin si Bobbie sa tabi niya.

“Hun, ‘dun ka nga sa kabila para maunat ko ‘yung paa ko,” sabi ni Zyline sa binata. Tumaas naman ang isang kilay ni Hunter. Bakit siya ang aalis? Pwede namang ‘yung isa nalang.

“Dali na, Hunter!” itinulak pa siya ni Zyline paalis sa may sofa kaya naman napilitan si Hunter na lumipat sa pang-isahang upuan. Nakasimangot siya habang nakatingin sa dalawa.

Hindi niya alam kung nahawaan na ba ng kapatid niya si Zyline sa pagiging tanga o ano, eh. It was so fucking obvious. Hindi bakla si Bobbie. Bakit ba hindi nakikita ni Zyline ‘yon?

Naghatid na ng meryenda ang kasambahay nila Zyline sakanila at patuloy pa din sa pagkukwento si Zyline kay Bobbie habang si Bobbie naman, all ears sa pakikinig kay Zyline.

“You know what, when I found that I was pregnant, grabe! Ang saya-saya pala. ‘Yung kapag alam mong may buhay sa loob mo…” hinawakan pa nito ang kamay ni Bobbie. “Sana talaga andun ka para mas masaya…” sabi pa ni Zyline.

Mas nangunot naman ang noo ni Hunter. He was there. Wasn’t he enough? Kailangan pa talagang andon ang kaibigan ni Zyline na halatang-halata namang nagpapanggap na binabae para makalapit sa dalaga?

“You look more beautiful now, Zy…” sabi ni Bobbie kay Zyline. Pansin na pansin ng binata ang kakaibang sigla sa mukha ng dalaga. She was smiling from ear to ear. She’s glowing, she’s more beautiful.

“Aww, ‘yan ang namiss ko sa’yo, eh. ‘Yung mga ganyang compliments mo,” natatawang sabi ni Zyline. “Pero since my best friend’s back, pwede ba akong magrequest?” hinawakan ulit ni Zyline ang kamay ni Bobbie. Muli, sumama ang tingin ni Hunter sa kamay ni Zyline.

Napangiti naman si Bobbie. “What is it?” tanong niya sa dalaga.

“Ipagluto mo ‘ko ng pochero,” sabi ni Zyline. “Namiss ko ‘yung luto mo, eh…” malambing na sabi pa nito sa kaibigan.

“Tss…” napailing nalang si Hunter. He can cook better.

Nilingon naman siya ni Zyline. “Problema mo diyan?” tanong nito sakanya.

“Wala. Inaano ka ba?” ganting tanong ni Hunter kay Zyline. Isinarado nalang nito ang sketchpad at kinuha ang cellphone para alamin kung may emails ba siya o wala.

Napasimangot naman si Zyline sa ginawa ni Hunter. Maybe he’s texting someone. Napaka talaga nitong lalaking ‘to. Bumaling nalang siya ulit kay Bobbie kaysa mainis sa binata. “Tara na, Bobbie. I’m sure lahat ng kailangan mo, nasa kusina na,” tumayo siya at inalalayan naman siya ni Bobbie. Inirapan niya si Hunter na tinignan lang siya at nagpatuloy na sila sa kusina.

“Are you sure about this, Zy?” tanong ni Bobbie kay Zyline habang inaayos nito ang mga sangkap ng lulutuin nito.

“Why? Tama naman ang gagawin ko, eh. Napabilis lang ang pagpapakasal kasi dumating sila Mommy…” sabi naman ni Zyline. “And besides, tama naman sila. Ayokong lumabas ang anak ko na De Guzman pa ako. Mas okay pa din na kasal na ako,” kibit-balikat niyang dagdag.

“Pero Zy…”

“I’m fine. I’ll be fine,” ngumiti siya sa kaibigan. “At ikaw… magiging katulong kita sa pag-aalaga ng kambal ko, ha?” dagdag pa niya. Alam naman ni Zyline na mahilig din si Bobbie sa mga bata. Sayang lang talaga at hindi ito nagpapakalalaki. Sigurado kasi si Zyline na madaming gustong maanakan nitong si Bobbie. Gwapo naman, eh. ‘Yun nga lang, pusong babae.

“You know I’m always here for you,” sabi ni Bobbie sakanya. Ngumiti naman si Zyline. Alam naman niya iyon. Bobbie’s one of the best. Kaya masaya siyang parte ito ng buhay niya. They were talking about the twins when Hunter came in. Umupo naman ito sa tabi ng dalaga.

“Mukhang ang saya dito, ah?” tanong ni Hunter. He even smirked at Zyline.

“We were just talking about the twins,” sagot ni Bobbie kay Hunter.

“Anong meron sa mga anak ko?" seryosong tanong ng binata. Natigilan naman si Bobbie.

“Hunter, we were just thinking of other names,” sabi ni Zyline sakanya. Hindi naman napigilan ni Hunter na tumaas ang isang kilay. “Other names? May balak kang palitan ‘yung pangalan ng kambal?” nilukob bigla ng inis si Hunter.

“No, we were just—“

“You were just thinking another name for my kids,” he sarcastically said.

“Pare, nag-iisip lang ng pangalan si Zyline kung sakaling babae ang kambal at—“

“Huwag mo ‘kong ma-pare-pare. Hindi kita kaibigan,” sabi naman ni Hunter kay Bobbie. Natigilan naman ito.

“Hunter, ano bang problema mo?” tanong ni Zyline. “We were just talking, alright? Nag-iisip lang ako ng pangalan if babae ang anak natin! Walang papalitan sa pangalang gusto mo,” nakasimangot na sabi ni Zyline sa binata.

“Oo nalang,” tumayo si Hunter at iniwan ang dalawa doon sa may kusina. Napailing nalang si Zyline sa inasta ng binata. Kung minsan talaga—kadalasan pala, hindi niya maintindihan si Hunter. Bumalik nalang si Hunter sa may sofa at ipinagpatuloy ang ginagawa kanina sa sketch pad ni Zyline. Naiinis siya, eh. Naiinis siya sa paraan ng paghawak ni Bobbie kay Zyline. He obviously likes her. Tangina ‘non. Hindi na makita ng malaking mata niya na buntis si Zyline?

Nagring naman ang phone niya habang abala siya sa pagguhit. It was Chin, his secretary.

“Hello?” he answered her call.

“Sir, dumating na po ‘yung binili niyo dito,” pag-iinform sakanya ng sekretarya. Napangiti siya. “Okay, I’ll be there later. Itabi mo na muna,” sabi pa niya.

“Sino ‘yon?” napaangat ang tingin ni Hunter nang biglang magsalita si Zyline. “Sino ‘yung tumawag?” tanong ulit nito sakanya.

“Chin, my secretary…” he replied and shrugged.

“Bakit tinatawagan ka ng secretary mo?” tanong ni Zyline na nakasimangot na ngayon. Umupo pa ito sa tabi ng binata. “May gusto sa’yo ‘yon, no?” masama ang tingin nito sakanya.

“What the fuck are you talking about?” tanong niya sa dalaga. Hindi naman siya ang harap-harapang nakikipaghawakan ng kamay sa ibang tao.

“’Yung secretary mo, may gusto sa’yo,” sabi ni Zyline.

Napailing nalang si Hunter. “Mukha ba akong tumitingin pa sa iba?” sumandal ito at ibinigay ang cellphone kay Zyline. “Go, check it. Tignan mo kung may babae,” sabi pa nito sakanya.

He changed his number already. Ang laman na nga lang ng phone niya ay puro business transactions, text ni Thunder na hindi niya nirereplyan, text ni Mika, text ng Mommy niya at text ni Zyline.

Napanguso naman si Zyline. Obvious naman kasing may gusto ‘yong babaeng ‘yon kay Hunter, eh. Hindi niya kinuha ang phone ni Hunter.

“Sorry,” she said. “Nakakainis lang kasi, eh. May mga babaeng lantad na lantad ka pang nilalandi. Ikakasal ka na nga,” sabi niya dito.

Kumunot naman ang noo ni Hunter sa sinabi ni Zyline. “Ano bang sinasabi mo? Sino bang lumalandi?” tanong ni Hunter. “Look Zyline, I’m not flirting with anyone else. I have you, why would I look for the second best? Masyado kang nag-iisip ng kung ano-ano. I am always with you, sa tingin mo ba may panahon pa ako para mambabae?” seryosong tanong ni Hunter.

“Sorry na nga,” sabi ni Zyline sa binata. “Nagseselos lang naman ako, eh…” dagdag nito.

“Hindi mo kailangan magselos. Ikaw ‘yung papakasalan ko, diba? Hindi naman sila,” sabi ni Hunter sakanya. Huminga ito ng malalim bago hinawakan ang kamay niya. “I’m trying to be the best guy, pero alam nating parehong hindi mangyayari ‘yon dahil gago ako at hindi na magbabago ‘yon. So I’m trying to be the good Hunter you deserve to have, Zyline.”

“Hunter…”

Tinignan ni Hunter si Zyline sa mga mata. “Kapag sinabi kong ikaw lang, ikaw lang talaga,” aniya. Tumango naman si Zyline at niyakap si Hunter. “Naniniwala ako…” sabi niya sa binata.

Maya-maya, bumalik na si Bobbie mula sa kusina para sabihin na luto na ang niluluto nito kanina. Inaya naman ni Zyline si Hunter para matikman ang luto ng best friend nito.

Labag man sa kalooban ni Hunter, sumunod na siya sa kusina. Zyline was obviously excited to taste the food Bobbie cooked. Hindi naman ito ganyan kapag siya ang nagluluto.

“This food is to die for, Bobbie! Ang sarap mong magluto. Namiss ko talaga…” sabi ni Zyline habang kumakain silang tatlo. Para namang nawalan ng gana si Hunter kumain. Hindi naman ganoon kasarap, eh. Mas masarap pa siyang magluto.

“Hun, tikman mo kasi, masarap…” sabi ni Zyline kay Hunter. “Si Bobbie ang madalas na nagluluto ng pagkain ko noong nasa condo pa ako. Pareho kasi sila ni Kuya, eh,” may pagmamalaki pang sabi ni Zyline sakanya. Tumango lang si Hunter. Mas lalo siyang nawalan ng gana.

“Zy, I’m not that good,” sabi naman ni Bobbie.

“Hindi kaya. You’re really good and—“

“I have to go,” putol ni Hunter sa sinasabi ng dalaga.

Napatingin naman si Zyline sakanya. Hindi pa nga nito nagagalaw ang pagkain nito. “Saan ka pupunta?” pag-uusisa niya dito.

“May meeting pa ako,” sabi ni Hunter bago tumayo. “I’ll just call you,” walang ekspresyon ang mukhang sabi nito. Dire-diretso siyang lumabas mula kusina papunta sa living room para kunin ang cellphone niyang inilapag niya doon.

“Hunter,” tawag ni Zyline sakanya pero di niya nilingon.

“Hunter!” she called him again.

“Hunter Ezekiel!” she used his full name.

“What?” tanong ni Hunter sakanya.

“Ba’t ka ba nagagalit?” kunot ang noong sabi ni Zyline sakanya. He shook his head. “Wala. Bumalik ka na doon. Tatawag nalang ako mamaya.”

“Hunter naman, eh…”

“May meeting ako,” sabi nito. “I have to go,” tumalikod na ito at lumabas ng bahay nila. Napasimangot nalang si Zyline. Bakit ba kasi ang abnormal ni Hunter?

Babalik na sana siya sa dining room nang mahagip ng mata niya ang sketch pad niya. Hunter was drawing something earlier. Kinuha niya ito at tinignan ang bawat pahina para malaman kung may idinagdag ba si Hunter o wala. Umabot siya sa dulong dahon ng pad niya at hindi niya napigilan ang pagngiti sa nakita niya.

Iginuhit siya ni Hunter. Habang nakaupo siya kanina sa tabi nito. May nakasulat pa sa ibaba ng papel nito na mas lalong nakapagpangiti kay Zyline…

My lady. Mine only. – HDC

Kahit talaga topakin 'yung gagong ‘yon, wala. Mahal talaga ni Zyline si Hunter. At mas lalo pa niyang minamahal ito dahil sa mga kagaguhan nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.