Hunter's Temptation Chapter 30

“BAKIT ba parang gusto kong maikasal ng buntis din?” sabi ni Cyan habang nakatingin sa repleksyon nilang dalawa ni Zyline sa salamin. “Geez. You’re so pretty, Zyline!” sabi pa nito. “Bagay na bagay ang gown sa’yo and goodness! Hiyang na hiyang ka sa pagbubuntis. Sundan niyo agad, ha?” sabi pa nito sakanya. Hindi napigilan ni Cyan ang pagtawa.

“Baliw ka na naman, Cy…” sagot naman ni Zyline na nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. She was nervous as fuck.

Today’s her big day. It’s her wedding day.

Days passed by like a blur. Mabilis lumipas ang isang buwan at ngayon nga, ikakasal na siya. Ikakasal na silang dalawa ni Hunter.

Napadako ang tingin niya sa kamay kung saan nakasuot ang engagement ring na binigay ni Hunter sakanya last month.

It wasn’t the sweetest proposal but for her, it was the best. Pero ano bang ieexpect niyang sweetness kay Hunter? Na kagaya ito ng iba na mag-eeffort ng pa-fireworks, o kaya naman super romantic candlelit dinner na may kakanta at nasa pagkain ang singsing? O kaya may pa-flash mob? No. Hindi si Hunter ang tipo ng taong gagawa 'non.

He cooked for her that night. She wasn’t expecting anything that night. Inaya lang siya ni Hunter na kumain at magluluto daw ito.

After eating dinner, nagtaka pa si Zyline nang may ibigay si Hunter sakanya na box. She thought Hunter packed all her things tapos pinapaalis na siya sa bahay nito.

But she was wrong.

In that box, he saw a flower. May nakadikit na letter dito.

“I want to be the only person that will give you flowers. Don’t fucking accept flowers from anyone.”

After the flower, she saw a picture of a house. Ginagawa pa lang iyon base sa picture. Kagaya sa bulaklak, may letter na kasama iyon.

“Building your dream house. Fuck. Ang hirap ng design na gusto mo. But I managed to do it. I’m that fucking awesome.”

She couldn’t suppress herself from smiling.

After the house picture, she saw Mika’s condo. Picture ng pinto nito. May letter din itong kasama.

“Remember this place? Binenta ko na. It was special, yes. But I don’t want my twins to live in a condo unit. And there’s no fucking way I’m going to give that to them. That’s the place where I had you, finally…”

Pinamulahan naman si Zyline ng pisngi. Lahat nalang ng sulat ni Hunter may 'fucking'. Bakit ba ang sexy magmura ‘non? Nakakaloko na.

After Mika’s condo na ngayon, hindi na alam ni Zyline kung sino ang may-ari, she saw a picture of her ultrasound.

Keij and Kol. She smiled. Nakita niya din ang sulat na kalakip ng larawan.

“I hope they’re not giving you a hard time. I want you to know that I am fucking happy to have them and you as their mother. Thank you for coming into my life. Fuck, this one’s so fucked up. Don’t mind this.”

She laughed. Pinangingilidan na ng luha ang mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari. Wala namang special na okasyon ngayon, eh. It wasn’t her birthday. Hindi din naman birthday ni Hunter. It was just an ordinary day.

Lastly, she saw a small box. May kasama iyong sulat katulad ng mga nauna.

“Today’s the day that I’m gonna ask something from you. Hell, Zy. Marry me. Just fucking marry me. Alright? You can’t say no because I won’t take a no from you.”

She opened the small box and saw a ring inside.

Nag-angat siya ng tingin nang makita niya si Hunter na nakatayo doon. “Yes or no?” he asked her.

I thought you won’t take no?” she smiled at him. “Of course, Hun. I’ll marry you…” tumayo siya at lumapit sa binata.

Agad namang hinawakan ni Hunter ang magkabilang pisngi ng dalaga. He crashed his lips against her and kissed her with passion. It was the right thing to do. And that’s what he wants to do.

He kissed her forehead after. “You’ll be the sexiest pregnant bride. Don’t mind them…” he gave her a crooked smile.

Tumango naman si Zyline bago humalik muli sa labi ni Hunter.

That wasn’t really the sweetest. Pero walang mapaglagyan ang saya ni Zyline dahil doon. Hanggang ngayong ikakasal na sila. Nakakaramdam pa din siya ng tuwa.

But of course, she was scared, too.

Paano naman kung hindi sumipot si Hunter sa kasal nila? Baka hindi kayanin ni Zy kung sakali.

“Hey, why are you frowning?” tanong ni Cyan sakanya. Napalingon naman si Zyline. That brought her back to the present.

She filled her lungs with air. “Nothing. Kinakabahan lang ako…” sabi niya sa kaibigan. “Don’t be, alright?” Cyan smiled. “I’m happy for you, sis…” pinagdikit nito ang pisngi nilang dalawa. “You deserve to be happy. At kung kay Hunter ka sasaya, walang pipigil sa’yo. Akong bahala ‘don sa Kuya mo,” she smiled at her.

Napangiti na din si Zyline dahil sa sinabi ng kaibigan. Tapos nang ayusan si Zyline kaya naman libre na siyang makipag-usap ng pribado sa mga kapamilya niya. They were still talking when Blue came in.

“Kuya…” she called him.

“Hon, can you give us some time alone?” tanong nito kay Cyan. Inayos nito ang suot na salamin bago muling bumaling kay Zyline.

“Of course,” Cyan smiled. “Ang gwapo mo sa suit mo, Honey…” sabi pa nito bago mabilis na hinalikan sa labi si Blue.

Blue sighed when Cy left them. Umupo ito sa kama at tumingin sa kapatid na nasa harap niya ngayon. Wearing a wedding dress.

“Are you really sure about this?” tanong ni Blue sakanya. Pilit na ngumiti si Zyline bago tumango. She’s sure. Sigurado siya sa desisyon niya at hindi na magbabago iyon.

“Kuya, I know you still hate him. But he’ll be part of our family. Pinanagutan niya ako. Papakasalan,” sabi pa niya sa kapatid na nakakunot pa din ang noo. Napailing nalang si Blue. “I don’t have a choice, then, Zy…” he sighed heavily. “You know I’m just worried, right? Damn worried about you…”

Napangiti naman si Zyline bago tumango. “Alam ko…” sabi niya.

“Wag ko lang malaman na pinaiyak ka ulit ni Hunter, kakalimutan kong kapatid siya ni Thunder. Naiintindihan mo?” sabi nito sakanya bago tumayo at niyakap si Zyline. “I love you, Zyline. Always remember that, okay?” he whispered.

Zyline hugged her brother tighter. “I love you, too, Kuya. And thank you for trusting me. I’ll do everything to make this work…” she said. Kahit siya mismo’y pinapalakas ang loob niya. Kailangan niyang magpakatatag. Para sakanila ng mga anak niya, at para kay Hunter na magiging asawa na niya.

Magiging asawa na niya ito kaya may karapatan na siya dito at hindi siya papayag na magkasira sila.

Maya-maya’y umakyat na ang wedding coordinator nila at sinabihan si Zyline na magready na. Nagpaalam naman na si Blue sakanya at iniwan na siyang mag-isa. Tapos na silang magphoto shoot para sa kasal nila, may kumukuha ng video sakanya para icover ang kasal niya. Matapos siyang i-retouched ng make up artist niya, lumabas na sila ng kwarto. Katulong niya din ito sa pagkipkip ng gown niya.

Hindi din siya nagsuot ng heels at pinili nalang niyang magsuot ng flats. Para sakanya din naman iyon. Her mom was smiling at her. Ganoon din naman ang daddy niya. Ngumiti siya sa mga ito.

Cyan and Blue were there, too. Waiting for her. Kasama nito ang mga pamangkin niya.

“You ready?” her daddy asked her. She nodded. Inalalayan siya ni Blue hanggang sa makasakay na siya sa sasakyang gagamitin nila.

Kasama niya sa sasakyan ang Mommy at Daddy niya at ang kumukuha ng video. Sa harap naman ng sasakyan nila’y ang sasakyan ni Blue kung saan lulan si Cyan, ang kambal at ang kasambahay ng mga ito. Hinawakan ni Mommy ang kamay niya.

“I still can’t believe it, Zy. You’re getting married now,” nakangiting sabi nito sakanya ngunit mababakas pa din ang pamamasa ng mga mata nito.

“Mommy…”

“You’ll be a great mom and wife, that’s for sure…” she smiled at her.

“Wag lang papairalin ang pagiging nagger mo gaya ng mommy mo,” sabi naman ng Daddy niya na ikinatawa nilang dalawa.

“I’m not nagging. I’m explaining with emotion,” pagtatanggol ng Mommy niya sa sarili nito. Kahit papaano’y nabawasan naman ang kabang nararamdaman ni Zyline. She kept on asking her mind if Hunter was there already. Sana pala’y pinatawagan niya si Thunder sa kapatid niya para malaman kung ano na ang nangyayari doon.

After almost 1 hour, nakarating na sila sa simbahan. Maraming sasakyan ang naroon at marami na ding tao.

“Stay here for a while, darling,” sabi ng Mommy niya bago bumaba ito at ang Daddy niya at iniwan siya sa loob ng sasakyan.

This is it.

Magiging Dela Cruz na siya.

Zyline Cerise De Guzman-Dela Cruz.

Masaya ba siya?

Sobra.

Sobra-sobra.

Nilalaro-laro niya ang bulaklak na hawak nang may kumatok sa pinto ng sasakyan.

It was Bobbie.

Napangiti si Zyline at binuksan ang pinto. Pumasok naman si Bobbie at umupo sa tabi niya.

“Hey,” he greeted her.

“Hey…” she smiled.

“You look wonderful, Zy…” komento nito nang mapagmasdan siya. Mas napangiti naman si Zyline.

“Ikaw din, sis. Hindi halatang girl at heart ka. Ang gwapo-gwapo mo, eh…” napahagikgik si Zyline.

Sumeryoso naman ang mukha ni Bobbie.

“Sigurado ka na ba dito?” tanong nito sakanya. “Tell me you don’t want this and I’ll drive the fucking car away…”

“Bobbie…” hindi niya maintindihan ang kaibigan. Sinabi na niya kay Bobbie noon. She loves Hunter and to be married to Hunter’s one of her dreams. Bakit ngayon ay ganoon ang reaction nito sa desisyon niya?

“Just say it, Zy…” he whispered.

“I’m sure about this,” sabi niya sa kaibigan. “This would make me happy so please, please just support me, okay?” she smiled.

Alam naman niyang worried lang sila, eh. Pero dito siya sasaya. Ito ang gusto niya. Huminga ng malalim si Bobbie bago tumango. “Best wishes, then. I hope maging masaya ka…” he smiled at her. Ngiting hindi umabot sa mga mata nito.

Lumabas na si Bobbie at muli, naiwan siyang mag-isa sa sasakyan. She was looking outside. Nakikita niyang inaayos na ng coordinator nila ang lahat.

Pero wala man lang siyang makitang kahit sinong Dela Cruz!

Wala ang Tita Laura niya, si Thunder, Rain, Theon at Mika. Ni isa sa mga ito, wala siyang makita.

Nandito na ba sila? Sisiputin ba siya ni Hunter?

Damn. Baka naman ma-Cupid siya. ‘Yung hindi sinipot sa kasal. Ayaw niyang mangyari sakanya ang bagay na iyon.

Many things were running inside her head when someone knocked again.

“Ready ka na?” tanong sakanya ng babae. Tumango siya. “Nandyan na si Hunter?” hindi niya napigilan itanong. What if he wasn’t there yet?

“Kanina pa po sila nandyan,” sagot ng babae habang nakangiti.

Thank you, Lord.

Pinaayos na nila ang lahat bago pinababa si Zyline sa sasakyan.

She couldn’t see him. Masyado pang maraming tao sa harap niya. Hindi niya masyadong makita si Hunter but she was pretty sure, he’s handsome as hell right now.

Marahang tinapik ni Daniel ang balikat ni Hunter habang nakatayo silang dalawa sa may malapit sa altar.

Sigurado ka na dito?” tanong nito sakanya.

He looked at his cousin. “Why?” he asked him. Of course, they were judging his decision. Kahit naman si Daniel, alam ang mga kalokohan niya sa buhay.

He shrugged. “Because I’m gonna shoot your head if you’re not. Laki ng gastos dito para lang magtrip ka, Hunter,” sabi nito. “And marriage isn’t something you should make fun with. Wag mong gagawing laro,” seryosong dagdag nito.

Napangiti nalang si Hunter. Marriage would always be a sensitive topic for his cousin. After losing his wife and their child, wala naman na itong naging karelasyon. He made himself busy with work

Huminga siya ng malalim nang magsimula na ang mga kasali sa kasal nila ni Zyline sa paglalakad. Of course, everyone’s invited.

PJ and Stephanie with Cloud and Caryl.

Cupid and Cristine with Kiro.

Amber and Indigo, with Amber's baby bump.

Zyline’s brother, Blue and Cyan with Lean and Enzo.

His brother Thunder and Rain with Theon.

And the brat Mika with the doctor their Mom was pairing to her.

It took almost 8 minutes para matapos ang paglalakad ng lahat. Now, all eyes were on Zyline. She was escorted by her parents.

Napatitig nalang si Hunter sa dalaga.

When he asked her to marry him, it wasn’t the most romantic way. No, it wasn’t actually romantic. Ano ba kasing alam niya sa mga ganon? Wala naman. So he did those things for her. Hindi niya alam kung nagustuhan ba ng dalaga iyon o ano. Bahala ito. Basta nag-effort siya.

Natatakpan ng belo ang mukha ni Zyline but he’s sure she’s beautiful. Matagal naman na niyang nakikitang maganda si Zyline. Kahit noong bumalik siya ng Pilipinas, napansin na niya iyon. He was stopping himself that time. Who would’ve thought, ikakasal din pala silang dalawa? He gave her a half smile when she raised her head and looked at him.

Bakit ba ang bagal maglakad nito?

Matapos ang sandaling paghihintay pa, finally, nasa harap na niya si Zyline.

“Hunter,” untag sakanya ng ama ng dalaga. “Like any father would say, take care of my princess,” he told him.

“I’ll make her my queen, Sir…” sagot niya naman dito.

“It’s Dad now, Hunter…” ngumiti ito bago ibigay ang kamay ng anak sakanya. Niyakap naman ng ina ni Zyline ang huli bago niyakap siya.

“Hi,” he said and smiled.

Ngumiti naman si Zyline. “Hi…”

Inalalayan niya itong makaupo para makapagsimula na ang seremonya ng kasal. Gaya ng nakagawian, the priest asked the crowd if someone was against in their wedding.

Daniel loudly cleared his throat. They all looked at him.

“I’m not against, Father. Nagpaparamdam lang sa may gustong tumutol,” ngumisi ito.

“Siraulo ka talaga,” sabi naman ni Thunder dito habang karga si Theon na nakasuot din ng tuxedo.

“Gwapo naman ako,” he shrugged. “Magkalahi nga kayo. Ang yayabang niyo,” sabi naman ni PJ sa mga ito na bitbit din si Cloud.

“Ang ingay niyo naman,” saway ni Cupid sa mga ito.

“Cupid ang ingay mo, tutol ka ba?” tanong ni Blue sa kaibigan.

“Masaya na ako sa Misis kong namamato ng plato,” sagot nito bago sinulyapan si Cristine.

Napailing nalang si Zyline at Hunter.

“Continue na, Father…” sabi ni Zyline dito.

The ceremony went on…

Everyone was clapping their hands when the priest finally announced them as husband and wife. Iniangat ni Hunter ang suot na belo ng asawa niya. Ikinulong sa magkabilang palad ang pisngi nito at ginawaran ng halik.

Lahat nang nakikita niya doon sa loob ng simbahan ay nakangiti. Maliban lang siguro sa kaibigan ni Zyline na si Bobbie.

“Papicture na, dali!” sabi ni Cristine na pinaalis muna lahat ng lalaki sa paligid nila para puro babae lang sila. Nagtabi-tabi naman ang mga ito at nagpakuha ng maraming litrato. He was with Daniel. He was looking at his wife’s face. She was smiling and that made his heart leap.

It was a relief, too, that Mika and Zyline were now okay. Hindi na nagmamaldita si Mika ngayon. It was just her initial reaction. At naiintindihan naman niya ang kapatid niya.

“Oh, ‘yung mga lalaki naman!” sabi ni Cristine. Nawala ang ngiti sa mukha ni Hunter. Was she expecting him to go there and be with his brother’s group of friends?

There’s no way.

“Hunter, tawag ka…” sabi ni Daniel sakanya.

“Para kang gago,” sabi niya na iniwas ang balikat nang akmang tatapikin ulit ito. “They’re not my friends,” sabi pa niya.

“Then make them your friends,” sabi ni Daniel. Pinuwersa siya nitong magpunta sa may altar para magpakuha ng litrato kasama ang apat. It was awkward. It’s his wedding, siya ang bida sa kasal pero sa nangyayari, parang nakisali siya sa picture ng mga ito. Matapos ang walang kamatayang batian, nagpunta na silang lahat sa reception. Daniel made sure they will go there. Hawak-hawak ni Zyline ang kamay niya habang nasa sasakyan sila.

“This is one of the happiest day of my life, Hun…” she said. Ihinilig pa nito ang ulo sa may balikat niya. “Thank you…” dagdag pa nito.

Hindi siya nagsalita. He just squeezed her hand and kissed it.

Nakarating naman agad sila sa reception sa may Autumn’s. Inalalayan niya si Zyline na makababa ng sasakyan. Kung si Hunter ang tatanungin, gusto na niyang umuwi. Wala naman kasi siyang kilala halos sa mga naririto. Business partners, Zy’s friends. Thunder’s friends. Mika’s friends. Oh, eh di siya na walang kaibigan.

Umupo sila sa upuang nakalaan para sakanilang dalawa. His mom really did an effort para dito. Napailing nalang si Hunter. Nakaupo lang siya doon habang pinagmamasdan ang paligid. They were all happy.

‘Yung mga kaibigan ni Thunder at ang mga asawa nila, they were all smiling amd obviously, happy.

Sila kaya ni Zyline? Kung nagkataon kayang hindi niya pinagdaanan ang pinagdaanan niya noon, ano kayang mayroon ngayon?

“Kuya,” untag ni Mika sakanya. Hindi pa naman nagsisimula ang programang sinasabi nila para sa reception kaya nakalapit pa si Mika sakanya.

“What?” tumayo siya at lumapit dito.

“Congratulations,” ngumiti ito sakanya. Nabigla siya nang yakapin siya ni Mika.

“I know I’m such a brat and I’m stubborn and hard-headed and… basta. I know I’m not the best sister you could have. Alam ko din na kung papipiliin ka, mas gusto mong hindi mo nalang ako naging kapatid, but I want you to know that if ever I get the chance to live again, I’d still choose you and Kuya Thunder to be my brothers…”

“Ba’t ang drama mo?” tanong niya sa kapatid.

She shook her head. “I know you think you’re worthless. Na walang nagmamahal sa’yo kaya ka ganyan. But you’re wrong, Kuya. I love you. We love you, alright? Nasasaktan ako kapag iniisip mo na walang nagmamahal sa’yo kasi nandito ako. Mula pa bata tayo, kahit lagi mo akong inaaway… hanggang ngayon naman, actually. Pero kahit na iniisip mo na ang sama mo, na wala kang kwenta, na hindi ka belong sa pamilya natin… kuya, para sa akin, napakahalaga mo. And I hope Ate Zy’s love for you would be enough, too. I hope she could tame the beast inside you… para hindi mo na maiisip na mag-isa ka lang,” ngumiti ito sakanya.

“Congrats again,” pinunasan nito ang pisngi na nabasa ng luha nito. “And I’m super excited to see the twins now,” muli niyakap siya ni Mika. Niyakap niya din ng mahigpit ang kapatid.

“Thanks, brat,” mahinang sabi niya dito. Sinuntok naman siya nito ng mahina bago ito nagpaalam na babalik na sa lamesa nito kasama ang mga kaibigan at ang doctor na ipinakilala ng ina nila dito.

“What’s that?” tanong ni Zyline kay Hunter nang bumalik siya sa upuan niya. He shrugged and smiled a little. “Nagda-drama lang si Mika,” sagot niya sa asawa ng nakangiti.

Halos hindi naman na namalayan ng lahat ang oras dahil puno ng tawanan ang nangyayari sa reception.

Nagpaalam lang muna si Hunter na magpupunta sa rest room matapos silang kumain. They’re going to slice the cake later. Natigilan si Hunter sa paglalakad nang may humarang sakanyang isang babae. She was wearing a black veil and huge sunglasses.

Pero kilalang-kilala niya ito.

“Hi, Hunter,” she greeted him.

Kumunot ang noo niya dito. “What are you doing here, Tanya?” tanong niya sa babae. Nagkibit-balikat ito bago lumapit sakanya at hinila siya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.