I Remember the Boy, Carrot Man Chapter 9

“Thanks sa info,” sabi niya at dali-daling naglakad palayo.

“Oy! Sandali lang!” anitong tangka siyang habulin pero may tumawag ditong babae. Nagpasalamat na lang siya na hindi na makakontra si Rjan. Pihado siya na di nito nanaisin na lumapit siya kay Jeyrick. Tinangay na ito ng babae palayo.

Hinagilap agad ng mata niya si Jeyrick sa library. Gaya dati ay nasa gilid ito na mesa. Hindi ito natutulog sa pagkakataong ito. Naktutok lang ito sa sinusulat sa yellow pad. Gaya dati ay nakatambak na naman ang libro sa harap nito.

“Hi, Jeyrick!” nakangiti niyang bati dito.

Walang ekspresyon sa mukha nito nang tingnan siya. “Gagamitin mo ba itong libro?” tanong agad nito at inabot ang libro ng Philippine Ethnography sa kanya.

Umupo siya sa tapat nito. “Hindi. Gusto kitang makausap.”

Luminga ito sa paligid na may halong pag-aalala sa mga mata. “Baka hindi matuwa ang mga kaibigan mo na makitang magkausap tayo. Baka magalit na naman ang mga iyon o kaya baka sila na pala ang nakabili nitong library at bawal ako dito.”

“Gusto kong mag-sorry dahil sa mga sinabi ni Jimarah. Hindi ka nila dapat nilait-lait dahil lang working student ka o dahil may putik ang sapatos mo,” aniya sa malumanay na boses.

“Totoo naman ang sinabi niya. Magkaiba tayong dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit nga nagso-sorry ka sa akin.”

“Dahil di porke’t kaibigan ko sila may karapatan na silang mang-insulto ng ibang tao. Pwede naman tayong maging magkaibigan,” sabi niya at hinawakan ang kamay nito.

“Bakit?” naguguluhang tanong nito. “At pati ikaw iinsultuhin ng mga kaibigan mo? Hindi mo naman kailangang maging mabait sa akin. Sino ba ako para kaibiganin mo?”

“Jeyrick, pantay-pantay lang tayo dito.”

“Pero hindi para sa mga taong malalapit sa iyo. Naiintindihan ko kung mas gusto mo na lumayo sa akin. Di masama ang loob ko sa iyo. Nirerespeto ko iyon.”

“Jeyrick…”

Kumawala ito sa pagkakahawak niya. “Sige. Kailangan ko nang umuwi.”

Naiwan siyang nakatigagal sa kamay niyang binitiwan ni Jeyrick. She wanted to stop him from leaving but she couldn’t. Dapat siguro ay hayaan na niya si Jeyrick. Para protektahan ito.

“THIS is unacceptable! Ipinagpalit niya ako sa babaeng ito. Hindi naman kagandahan. Baduy pa. Like who walks around the campus wearing snakebone headdress and beads. Wala siya sa bundok,” panggagalaiti ni Jimarah habang gustong burahin ang screen ng cellphone nito at tigmak ng luha ang mata.

Nagkita sila sa library para I-finalize ang report nila sa English. Pero dumating nang umiiyak ang kaibigan. Gigil ito nang makita sa Facebook na in a relationship na ang status ng crush nitong si Jericho.

Hindi alam ni Paloma kung paano aayuin ang kaibigan. Nasa pampubliko silang lugar at kanina pa patingin-tingin sa kanila ang library assistant. Mabuti na lang at nasa gilid sila ng library.

Hinawakan nito ang kamay niya. “Friend, ipinagpalit niya ako sa Jeinfer na iyon na tagabundok.”

“Girl, tagabundok ka rin. In case di mo alam, nasa Cordilleran Mountain Range ang Baguio,” paalala niya sa kaibigan.

“This is the city. She’s from a far-flung community. Kailangan mo yatang sumakay ng ulap para marating ang lugar nila. K-Kadaclan something. Never heard it before. I mean look at her. Walang festival dito. Masyado siyang papansin. Saka sigurado ako na ginayuma lang siya ng babaeng iyon. Kita mo naman hindi man lang magsuot ng designer clothes kahit ukay-ukay. Really? Woven skirt na sinauna pa. Even old people don’t wear those anymore.”

Hindi iyon ang nakikita niya. The girl has her own style. Hindi ito nahihiya kung ano ang pinagmulan nitong lahi at ang kultura nito. Wala rin itong pakialam sa sasabihin ng iba. She was free. She was proud of her heritage. Wala nga itong make up sa picture pero naggo-glow ito habang kaakbay ang lalaking mahal nito. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang maging kahihiyan kung di man ito sunod sa uso.

She somehow reminded her of Jeyrick. Naalala niya ang kislap sa mga mata ng lalaki nang ikwento sa kanya ang tungkol sa pinagmulan nito. She wished she could know more about him. Pero iniiwasan siya ng lalaki.

“Hindi ba di naman sila bagay? Mas bagay kami,” hikbi ni Jimarah. “I thought he likes me.”

Pinunasan niya ang luha ng kaibigan. “Di ka dapat nag-assume. Kita mo nasaktan ka tuloy.”

Humikbi ito. “Noong nanood kami ng sine sabi niya walang siyang girlfriend. Dinate-date niya ako sabay may iba na pala siyang gusto. Two-timer.”

“Group date iyon at ikaw ang sumama, di ba? Saka di ka naman niya nililigawan.”

“Sweet siya sa akin basta. Inalok pa niya ako ng popcorn,” pakli nito.

“Pero sinabi ba niya na gusto ka niyang maging girlfriend?”

Natigil ang kaibigan sa pagnguyngoy at matalim siyang tiningnan. “Kaibigan ba talaga kita? Ang lakas mong mambara. Di ba pwedeng damayan mo ako?”

“Gusto ko lang namang ma-realize mo ang realidad. Mas mabilis kang makaka-move on. Tahan na.”

“Di ako tatahan. I wanna cry,” palahaw nito. “I am hurting!”

“Shhhh!” saway dito ng head librarian na isang matandang babae. “Mga miss, hindi yata ito ang lugar para sa pag-iiyakan ninyo. Nakakaabala kayo sa mga tao dito.”

“Sorry po, Ma’am,” hingi ng paumanhin ni Paloma at hinamig ang gamit.

“Ayokong umalis. I can rent this library if I want. Baka malaki pa ang allowance ko sa sweldo niya,” mataray na sabi ng kaibigan.

“Shhh!” saway niya sa kaibigan. “Baliw ka ba? Gusto mo bang mapaaway tayo dito? Librarian ‘yung aangasan mo.”

“I am a student here. Ako ang nagpapasweldo sa kanya.”

“Hindi mo siya kailangang matahin o maliitin.” Lalo lang humaba ang nguso ng kaibigan. “Come on. Mag-restroom ka at mag-retouch. Hindi ka pwedeng pumasok sa klase nang ganyan ang itsura mo. You look like a mess.” Nagkalat na ang make up nito sa mukha. Parang wala na rin pakialam sa itsura ang dating banidosang kaibigan.

“Parang ayoko nang pumasok sa Humanities natin. Uwi na lang tayo.”

Umiling siya. “Di pwede. Gusto kong pumasok. May quiz tayo. O gusto mong umiyak kapag nakita mo ang singko sa classcard mo?”

Humanities na nga lang ang isa sa mga subject na nagpapasaya sa kanya. Magaling kasi ang professor nila doon at marami siyang natututunang bago. Average lang siyang estudyante. Hindi siya ang tipo na nag-e-excell sa mga subjects pero di niya ugaling magpabaya sa pag-aaral. Kahit na gusto niyang damayan ang kaibigan, sayang naman ang pinag-aralan niya nang nakaraang gabi. Di rin naman biro ang tuition nila sa university. Iginapang iyon ng tiyahin niya.

Mabuti na lang at sumunod din si Jimarah sa kanya kahit na pwedeng sabitan ng hanger ang nguso nito sa haba. Kalmado na ang kaibigan at tinutulungan niyang mag-ayos ng make up na inanod ng luha nito kanina nang marinig nila ang tawanan ng dalawang babae.

“I can’t believe it. Kayo na talaga ni Jericho? As in ‘yung captain ng basketball team. Nakakainggit ka. Sarap mong sabunutan.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.