If Only Love (Filipino) Chapter 21

Kinabig nito ang likod ng ulo niya at inangkin ang labi niya. Pakiramdam niya ay tumigil ang buong mundo niya nang magtagpo ang labi niya. This was the kiss she had been dreaming of. Ito ang halik na pinagpapantasyahan niya noong bata pa siya at in love kay Rushmore. She had been kissed before but not like this. Rushmore was kissing her as if he was trying to consume her very soul. And Rushmore loved her. He loved her. Someone loved her!

Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sarili na magpatianod sa masarap na pakiramdam na iyon. Gusto niyang burahin ng halik na iyon ang lahat ng sakit na naranasan niya.

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Mahal kita. I will do anything to keep you alive. Stay alive for me. Tutulungan kita.”

“N-Naguguluhan ako.” Hindi ba’t ayaw nito sa kanya noon? Paanong mahal siya nito?

“Magpahinga ka na. Dito lang ako para tiyakin na hindi ka makakaalis. Pipigilan kitang gawin ang kahit anong banta mo.”

Nawalan na siya ng lakas na umalis. Gusto na lang niyang manatili sa bisig nito. Hindi niya alam kung tama ito o makakabuti sa kanya. Pero nang marinig niyang mahal siya nito ay parang nagkaroon pa siya ng rason na mabuhay ng isa pang araw.

HINDI agad bumangon si Toni nang gumising siya. Nakatitig lang siya sa kisame at pinakiramdaman ang sarili. Hindi masakit ang ulo niya gaya ng madalas niyang nararamdaman kapag gumigising siya. Parang wala rin siyang alalahanin. Normal na normal ang pakiramdam niya. Mula nang magkasakit siya ay noon lang siya gumising na ng parang may bagong pag-asa. Malaking bagay sa kanya na sinabi ni Rushmore na mahal siya nito. Na parang may tumagos na liwanag sa madilim niyang mundo.

Pababa na siya ng kama nang bumukas ang pinto at nakangiting pumasok si Rushmore na may dalang tsaa. “Good morning!” bati nito at inilapag ang tasa ng tsaa sa bedside table.

“Hi!” Masarap palang gumising sa umaga na ito ang makikita niya. Hindi ba’t noong bata pa siya ay pangarap nila iyon ng mga kasamahan niyang talent na may gusto dito?

Kinintalan siya ng halik sa noo. “Masarap ba ang tulog mo? Hindi ba masakit ang ulo mo? Your hearing is good?” sunud-sunod nitong tanong na puno ng pag-aalala.

Tumango siya. “Parang normal lang ang pakiramdam ko. And I feel good. Tuloy-tuloy ang tulog ko kagabi.”

Parang noon lang siya nagkaroon ng normal na tulog. Noon lang din gumanda ang pakiramdam niya. Ilang taon nang nagigising na lang siyang bigla sa gitna ng pagtulog kahit wala siyang sakit dahil sa dami ng alalahanin niya – ang trabaho niya at ang mga susunod pa niyang plano at kung anu-ano pang may kinalaman sa pagsikat niya. Lumala iyon nang magkaroon siya ng problema sa pamilya at matuklasan niya ang sakit niya.

Pero kagabi ay parang nagbago ang lahat. Nakisama ang katawan niya. Hindi rin siya pagod. At parang gusto niyang sumilip sa may balkonahe ng kuwarto at sumigaw ng good morning sa lahat. Sinong hindi mapapa-good morning kung si Rushmore ang kasama sa umaga?

“That’s good. You look better now. Nakabuti sa iyo ang mahabang tulog. Uminom ka muna ng tea at maya maya lang ready na ang breakfast. Saan mo gustong mag-breakfast? Dito sa kuwarto mo o sa labas?”

“Sa labas,” sagot agad niya. “I want to see the nice view.”

Puno ng pagsususpetsa siya nitong tiningnan. “You are not planning to do anything stupid, are you?”

“Wala ako sa mood mag-suicide o magdrama ngayon. Ang totoo nagugutom ako. Wala ako halos kinain kagabi. Maghihilamos lang ako tapos magkita tayo sa garden.”

Saka lang napawi ang pag-aalala nito nang mukhang nasiyahan ito sa sagot niya. Gusto niyang kumain kaya ibig sabihin ay gusto niyang mabuhay.

Pagkahilamos niya ay nagtalo pa ang isipan niya kung dapat siyang mag-make up o hindi para maging maganda sa paningin ni Rushmore. Sa huli ay sinermunan niya ang sarili. Hindi pa rin naman malinaw sa kanya kung totoong mahal siya nito o hindi. Isa pa iyon sa mga bagay na dapat niyang linawin dito. At kung mahal siya nito, magugustuhan siya nito kahit na wala siyang make up. Kahit ano pang itsura niya ay maa-appreciate siya nito.

Paglabas ng kuwarto niya ay nagulat siya dahil naghihintay pa rin ito sa kanya. “O! Akala ko nasa garden ka na.”

“Hinihintay kita. Baka kasi kung anong nangyari sa iyo. Baka bigla ka na lang matumba. Sabi kasi sa nabasa ko tungkol sa acoustic neuroma na nagkaka-vertigo o magkaka-problema sa balance ang taong may ganyang sakit. Gusto kong matiyak na okay ka lang,” anito at inalalayan ang siko niya.

“Kaya ko namang mag-isa.”

“Pabayaan mo na ako. Gusto ko lang naman masiguro na okay ka. Masanay ka na kasi hindi kita pababayaan na mag-isa mula ngayon.”

“O baka naman naghihinala ka na tatakas ako o tatalon na lang kung saan.”

“Isa pa ‘yan. But I trust you won’t do something that stupid.”

“Sir, nakahanda na po ang pagkain ninyo,” sabi ni Aling Magda.

“Thank you po. Sumabay na po kayo sa amin,” yaya niya.

“Nauna na po akong kumain. Saka alam ko naman ang mga magkasintahan mas gusto ko na nagsosolo lang. Kaya hindi po i-enjoy lang ninyo ang agahan.”

Namangha siya nang makita ang pagkaing nakahain sa mesa. “Wow! Sobrang dami naman ng ipinaluto mo. Dalawa lang naman tayong kakain.”

“Gusto ko na kumain ka ng marami. Sobrang payat mo na. Kailangan mo ring magpalakas. Don’t worry. Inalam ko kung anong pagkain ang pwede sa iyo at hindi.”

Nahiya naman siya sa pag-aasikasong ginagawa nito para kanya lalo na kapag naaalala niya ang mga nangyari nang nakaraan. “Sorry pala sa mga ginawa ko kahapon.”

“Alin sa mga ginawa mo?” inosente nitong tanong.

“Nabastos ko sila Nana Puring. Hindi ko naman iyon sinasadya. Gustong-gusto ko lang kumanta kaso… umatake na naman ang sakit ko. Ipinahiya kita sa mga taong halos pamilya mo na samantalang tinanggap naman nila ako ng maayos.”

“Maiintindihan ka rin nila. Sasabihin ko na lang na hindi ka talaga kumakanta. Napasubo ka lang talaga dahil pinilit kita. Maiintindihan nila iyon. Sasabihin ko na lang na may lover’s quarrel tayo. Ganoon,” kaswal nitong sabi na parang hindi big deal ang ginawa niya.

“At tatanggapin na lang nila iyon?”

“Basta ako ang bahala. Huwag mong intindihin iyon,” anito at nilagyan ng carrot juice ang baso niya.

“Bakit mo pa ako kinumbinsing mabuhay?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.