Palaisipan pa rin kay Toni kung para saan ang special training na sinasabi ni Rushmore. Di naglaon ay tumigil ang sasakyan nila sa harap ng Shining Hope Foundation.
“Hindi ba ito ‘yung foundation na tinulungan mo noon?” tanong niya kay Rushmore.
Ngumiti ito. “Yes. We have a meeting with the director.”
Tahimik ang compound nang pumasok sila. Isang babaeng di kalayuan ang edad sa kanila na nakasuot ng uniform ng teacher ang sumalubong sa kanila. “Rushmore, wala si Lorna ngayon. Hindi siya pumasok. Masama daw ang pakiramdam.”
“Actually, nandito kami para sa meeting sa director,” sabi ni Rushmore. “This is Teacher Nadeen. Isa siya sa Braille teachers dito para sa mga bulag.”
Nanlaki ang mata ni Nadeen nang makilala sa kabila ng wide brim hat niya at shades. “Oh, gosh! To…”
Kinamayan niya ito. “Nice meeting you. Pero sana Antoinette na lang itawag mo sa akin.”
“Huwag mo sanang sabihin sa iba ang tungkol sa pagbisita niya,” bilin ni Rushmore kay Nadeen. “Ang alam ng marami nagbabakasyon siya sa ibang bansa. Importante na maproteksiyunan ang location niya. And as far as you’re concerned, hindi siya artista.”
Tumango si Nadeen. “Sure. Walang problema. Hinihintay na kayo ni Ma’am Mina sa loob.” At ihinatid sila nito sa opisina ng director.
Isang babae na sa palagay niya ay
“Rushmore, mabuti naman at nabisita mo ulit kami.”
“Toni, this is Mrs. Armina Toledo, she’s the director of Shining Light Foundation and Shining Light School for the Disabled. Ma’am, si Miss Antoinette Fabregas po, kaibigan ko,” pagpapakilala ni Rushmore.
Kinamayan niya ang director. “Good afternoon, Ma’am.”
Lalo itong natuwa nang makilala siya. “Hindi ko ine-expect ang pagdalaw ninyo sa amin. We can’t thank you enough for your generous donation. Sana nagpasabi kayo na dadalaw kayo sa amin para nakapaghanda kami ng program bilang pasasalamat sa tulong ninyo.”
“Hindi na po kailangan.” Ang totoo ay na-guilty siya sa perang iyon. Di naman talaga bukal sa loob niya ang pagbibigay ng pera. It was out of spite to Rushmore.
“Hindi po siya nagpunta dito para lang dumalaw. Nandito po siya para mag-enroll sa sign language class ninyo,” wika ni Rushmore. Kung ganoon ay para doon pala ang special training niya. She felt positive about it. Magagawa na niyang makipag-usap sa ibang tao kahit na wala siyang marinig.
Nagtaka si Ma’am Mina. “Bakit hindi sa Manila? Mas marami silang tutor doon.”
“I am staying longer in Davao,” sagot niya.
Ipinaliwanag ni Rushmore dito ang tungkol sa kondisyon niya.
Ngumiti si Ma’am Mina. “Malaki ang maitutulong namin sa iyo. Kung gusto ninyo magpapadala ako ng private tutor para sa iyo. Mas makakapag-concentrate ka doon.”
Umiling siya. “Gusto ko pong makasama ang mga estudyante ninyo.” Mas gusto niyang makasama ang mga taong katulad niya na may kapansanan sa pandinig. Mas mahahasa niya ang mapag-aaralan niya. Mas mararamdaman niyang di siya iba sa ibang tao.
“Sigurado ka ba, hija?” tanong ni Ma’am Mina.
Tumango siya. “Ma’am, huwag po ninyong isipin na celebrity ako. I don’t need a star treatment. Isipin po ninyo na ordinaryong tao lang ako. Katulad nila na may kapansanan. Sa palagay ko po mas makakatulong po sa akin iyon.
“We would be glad to be of help. Kahit po sa sinong nangangailangan. Makakaasa po kayo na walang makakaalam ng tungkol dito. We will be discreet.” Iyon ang assurance na kailangan niya. Na mapoprotektahan ang privacy niya.
“Thank you very much, Ma’am. Mahirap po ba ang sign language?” tanong niya.
“Mahirap siguro sa una dahil nasanay tayo sa vocal language kaysa sa motor language. Pero masasanay ka rin basta pagtuunan mo lang ng atensiyon ang lessons mo. Once you decide that you're going to learn ASL, you'll need to make a commitment to practice.
Most people find they get so caught up in the energy and fun of the language that practicing is a pleasure. Kailangan din siyempre ng suporta ng mga taong nakapaligid sa iyo. Here. Mag-fill up ka ng form. Pwede naman ninyong isunod na lang ang iba pang requirement.” At inilapag ni Ma’am Mina sa harap niya ang application form.
"Ma'am, hihingi po sana ako ng isa pang application form,” sabi ni Rushmore. "Mag-e-enroll din po ako sa sign language class.”
Gulat niyang nilingon si Rushmore. "Pero marami kang trabaho. Hindi mo na kakayaning isingit pa ito sa schedule mo. Kaya ko namang mag-isa.”
"Nakausap ko na ang mga tauhan ko. Kahit sila nag-agree na kailangan ko ng tulong. Saka di naman babagsak ang farm kung mawawala ako. Magagaling ang mga tauhan ko.”
Di na niya napigilan ang sarili at niyakap si Rushmore sa harap ni Ma’am Mina. "Ay! Ang sweet mo talaga."
"Ayokong maramdaman mo na mag-isa ka. Na hindi kita naiintindihan. Sabi ko naman sa iyo sasamahan kita."
"Thank you. Pagbubutihan ko para sa iyo."
“WHAT do you want to eat?” tanong ni Rushmore kasabay ang paggamit ng sign language. Katabi niya ito sa sasakyan at pabalik na sila ng farm. Katatapos lang ng pangalawang araw nila sa sign language class at habang nasa biyahe ay pina-practice nila ang lahat ng natutunan nila sa araw na iyon.
“Hindi naman what ‘yang ginawa mo. When ‘yan. Ganito ang what.” Nagkibit-balikat siya habang nakalahad ang mga palad. “O kaya ganito.” Inilahad niya ang kanang palad at iginuhit pababa ang kaliwang hintuturo.
“Sorry. Nalilito ako. Parang pumasok ako sa isang language class na foreign sa akin at wala akong alam na kahit anong salita,” nanlulumo nitong sabi. “I will do better next time. Magre-review ako.”
“Pareho lang tayo ng sentimyento. Hindi ‘to madali. Nakita mo ba ‘yung ibang kaklase natin? Parang mga anak na natin. Parang pumasok ulit ako sa Kindergarten,” natatawa niyang sabi.
“Siguro naman hindi tayo mapag-iiwanan sa lesson.”
Hindi niya alam kung advantage sa kanila na nakakarinig sila o mas mahirap. Mas madali para sa mga deaf students na i-adapt ang lengguwahe dahil ang tanging paraan ng pakikipag-communicate ng mga ito ay sa hand signal. Habang sila naman ay mas sanay sa spoken language. Hindi madali na matuto ng bagong lengguwahe.
“Nang makita ko ‘yung ibang estudyante doon, pakiramdam ko may sarili silang mundo. Naramdaman ko ang frustration na nararamdaman nila kapag hindi nila nagawang makipag communicate sa mga tao na nakakarinig. Pakiramdam ko outsider ako.”
“In no time, you can also communicate like them.”
“Kaso di naman lahat ng normal na tao marunong mag-sign language. Hindi ko pa rin alam kung paano maiintindihan ang ibang tao.”
“Nabanggit sa akin ni Teacher Maan na magkakaroon sila ng lip reading or speech reading class next month. Parating pa lang kasi ‘yung instructor nila para doon. Pero kung gusto mo daw, may self-help videos siyang pwedeng i-refer sa atin.”
Nasapo niya ang ulo dahil umiikot sa utak niya ang dami ng dapat niyang pag-aralan. “Di pa nga ako nakakausad sa sign language, may speech reading pa.”
“Pero mas effective daw iyan para maka-adapt ka sa mga normal na tao. See? Kaya mo pa ring mabuhay katulad ng dati. Kailangan lang maging positive ka.”
“Kaya ko ‘to.” Nagsisimula pa lang siya. Mapalad siya dahil may mga institution na nakapag-develop ng paraan para magawa pa ring makipag-communicate ng mga taong may kapansanan sa pandinig tulad niya. Kung wala siguro ang sistemang iyon, baka lalo siyang mahuhulog sa depression. Mahirap mamuhay sa mundo nang walang nakakaintindi.
“Sana makaya ko rin. Parang mahina ang pick up ko,” sabi ni Rushmore.
“Nagi-guilty tuloy ako nang tumapak ako sa center noong isang araw. Hindi ba tumanggi akong kumanta sa fund-raising concert nila. Nahihiya ako sa sarili ko dahil malaking suporta pala talaga ang kinailangan nila. Pinairal ko pa ang pride ko para asarin ka at idinamay ko sila.”
Masyado kasing mataas ang lipad niya noon. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. At parang mas masarap ang pakiramdam niya kapag minamaliit niya ang iba.
“Nalaman mo naman na ang pagkakamali mo,” sabi nito.
“Oo nga. Kailangan ko pang mawalan ng pandinig at matulad sa kanila para ma-realize ang mga pagkakamali ko at ang mga values na binalewala ko. Tapos sa panahon na bagsak na bagsak ako, sila rin pala ang makakatulong sa akin.”
“Huwag ka nang ma-guilty. Alam ko naman na hindi ka ganoon kasama. Ang mahalaga alam mo ba kung ano ang mahalaga at kung ano ang tama. It’s not just the money that you can provide for them. Mas mahalaga ang suporta, pagmamahal at kalinga.”
Pinisil niya ang pisngi nito. “Mabuti na lang may guwapo at mabait na taong katulad mo. You are like an angel.”
“Masyado mong pinapataba ang puso ko. Kita mong palpak nga ako kanina.”
“Practice lang ang kailangan diyan.”
Nagulat siya nang makitang nakaabang na si Mildred sa entrance door ng farmhouse nang dumating sila. Mas mukha na itong sopistikada ngayon di tulad dati na mas simple itong manamit. Hindi tulad ng ibang nanay sa showbiz ay tahimik lang ito at hindi nakikialam sa career ni Rushmore noon. Nakaramdam siya ng tensiyon lalo na nang humalukipkip ito at nakita niya ang matiim nitong anyo. Kumapit siya sa braso ni Rushmore.
“Mama, bumalik po kayo agad? Sana sinabi ninyo para nasundo ko kayo,” sabi ni Rushmore at hinalikan ito sa pisngi.
“Good afternoon po, Tita Mildred,” magalang niyang bati dito subalit di siya nagtangkang humalik man lang sa pisngi nito. Pakiramdam niya ay ayaw nito sa kanya.
“Totoo pala ang sinabi ni Lorna na may bisita ka,” nakaismid na sabi nito.
“Opo. Dito po muna nagbakasyon si Toni,” anang si Rushmore.
“Maganda po pala ang farm ninyo, Tita,” aniya at may tensiyon sa mga labi nang ngumiti. “You must be proud of Rushmore.”
Hindi man lang ito ngumiti sa kanya kahit pakunwari. “Siyempre naman. PInaghirapan iyan ng anak ko. Saan nga pala kayo nanggaling?”
“May inasikaso lang po kami sa Davao City, Ma,” sagot ni Rushmore at inalalayan siyang pumasok sa loob ng bahay.
Nakasunod sa kanila si Mildred. “Inasikaso na mas mahalaga pa kaysa sa sagingan? Sino ang nagbabantay sa mga trabahador habang wala kayo? May meeting ka pa daw sa isang Korean client natin mamayang alas tres. Handa ka na bang ipasyal sila sa farm?”
Hinarap ito ni Rushmore. “Ma, I came here on time. Alas dose pa lang po. Magpapahanda po muna ako ng pagkain para makapagtanghalian na tayo at makapagpahinga.”
Tensiyonado ang pagkain nila. Halata naman niya na hindi siya gusto ni Mildred. Ayaw nito ng taong galing sa showbiz. Iniiwas nito si Rushmore sa mga tao sa industriya tulad niya.
“Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ninyo pero sana naman huwag mong pabayaan ang farm dahil lang may bisita ka,” sermon ni Mildred.
“Magagaling ang mga tauhan natin at mapagkakatiwalaan, Ma. Kayo na mismo ang nagsabi na mag-hire ako ng mga tauhan at i-delegate sa kanila ang ibang mga trabaho para mabigyan ko naman ng trabaho ang iba. Iyon mismo ang ginagawa ko. Kayo mismo ang nagsabi na oras na para asikasuhin ko ang ilang mas importanteng bagay sa buhay ko,” anito at ginagap ang kamay niya.
Lalong tumiim ang anyo ni Mildred. “Rushmore, alam mo kung gaano kadelikado ang ma-involve sa katulad ni Toni. Mahalaga sa atin ang privacy natin.”
“At mahalaga din sa kanya ang privacy ngayon. May mabigat siyang pinagdadaanan.”
“At di mo siya kailangang saluhin. Let her manager handle it,” kaswal na wika ni Mildred.
Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam. Naiipit siya sa away ng mag-ina. Parang gusto na lang niyang umalis para walang problema si Rushmore.
“Ma, ako lang ang pwedeng masandalan niya ngayon. Ako lang ang pwedeng magprotekta sa kanya,” argumento ni Rushmore at ginagap ng mahigpit ang kamay niya.
Tumigas ang anyo ni “Hindi mo kailangang ma-involve sa problema ng pamilya niya.”
“It is more than that. Ma, may sakit po si Toni. She has brain tumor.”