Pat can't hide the fact that she's excited to see Alex tonight.
Pero naisip niya na paano niya ma-seseduce ang katakam-takam na binata if sa bahay sila di ba? Ang kuya Allan pa naman niya parang kabute na basta na lang sumusulpot. Istorbo numero uno. So she decided to text him ng bandang lunch time na.
Hi Alex! I was just wondering if it's possible na we dine out na lang later? But if it's not okay then I'll just wait for you at home?
Halos kaka-send pa lang niya ng text when she heard her ring-tone. Tumatawag si Alex. Nangiti si Pat. Hindi naman halata na excited ang binata to tlk to her and see her.
"Hello." She made sure na kahit hello pa lang sexy na ang dating.
"Patricia.."
Naman,naman! Sarap talagang pakinggan ng pangalan niya pag kay Alex galing.
Sabi ng malditang side niya, " O kalma lang! Hindi ka din naman masyadong atat kay Alex no?"
Pat bit her lower lip. "Hmm...?" malambing na sagot niya.
Wow te! Ang lakas ng loob iseduce si Alex, palibhasa sa phone lang. Tignan natin mamaya. Ewan ko kung sino ang unang bibigay sa inyong dalawa! a part of her said.
Alex cleared his throat. He's having a boner .Nakakahiya mang aminin, mula ng makita nito na naka-bra at panty lang si Pat palagi itong may wet dreams. Gusto nitong mapamura dahil para itong highschool student. Sabagay ilang buwan na din itong walang na-sex. Nag-focus ang binata sa work sa US . Pero alam naman nito na hindi lang yun ang habol nito kay Pat. Natanong tuloy nito ang sarili if virgin pa kaya ang dalaga? Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak nito which made him grit his teeth. Maybe he needs to see a shrink!
"Ah..Patricia, I guess mas okay ang suggestion mo. Susunduin na lang kita after ng work mo." he said after clearing his head.
It will be better kasi mas pwede nitong ma-manyak este makausap ng maayos si Pat. Hindi nito pwedeng ma-tsansingan este mapaliwanagan ng maayos ang dalaga sa gusto nitong gawing panliligaw kung sa sala sila ng mga Sandoval. Anytime pwedeng may pumasok.
"Okay.I will just be here waiting for you.." Pat said.
He cursed under his breath matapos imute ang cp nito. He is imagining Pat saying that while she is waiting for him in his bed. Napatayo si Alex. He needs to flush out his dirty thoughts. Unfair kay Pat that he is molesting her in his dreams and imagination. Besides mas masarap gawin yun with her consent.
He cleared his throat." Okay Patricia.See you later."
***
Lalo nang hindi nakapag-concentrate si Pat sa trabaho after her phone conversation with Alex so she decided to go to the spa nearby to have a body scrub. Kailangang mabango ang buong katawan niya mamaya. She also went to the hair salon para mapa-shampoo and blow dry niya ang buhok niya. Sa make-up ,siya na ang bahala.
She looks more like Glaiza de Castro today than Angel Locsin. She smiled. At least hindi boring ang mukha niya. Paiba-iba depende sa ayos.
Nagbaon siya ng damit sa opisina. She changed into a white mini-skirt and a black slinky half-sleeve top. Naka wedge siya na kulay light brown. Nag-spray siya ng pabangong galing kay Alex. Seduction 101 ang balak niya tonight.
Oo na! Aminan na nga! Miss na niyang mahalikan ni Ale! .Kasi naman first kiss niya ito di ba? Ilang araw na pinipigilan niya ang sarili na isipin at alalahanin kung gaano kasarap ang unang halik niya and kay Alex pa .Sinabi niya sa sarili niya that she will enjoy tonight .Basta pag hinalikan siya ni Alex or niyakap, hindi siya papalag .She's after all 24 years old. And if like niyang lumandi ng konti, kay Alex niya gustong gawin yun at maranasan. Kahit yummy din si Matt at Jude ,parang mas type niya talagang mahalay este malambing ni Alex. Parang naiisip pa lang niya ang pwedeng maging ending ng gabi nila ni Alex, nag-iinit ang mukha niya and some other parts of her body.
At exactly 6 PM Pat, heard her phone ringing. Napapikit siya and nakagat ang labi. This is it pansit! She knows it's Alex.
"Patricia," tawag ng lalaking-lalaking boses nito. "I'm here. Gusto mo ba akong pumasok or hihintayin na lang kita dito sa labas?"
Ang lakas ng pintig ng puso ni Pat. She touched her throat with her hand. Naman,naman! She needs to calm her nerves.
"A-Ako na lang ang lalabas." she finally said. And nag-yes lang si Alex. She checked her appearance sa salamin inside her office’s toilet. So she turned off the lights of her office then got her purse bago lumabas. She is confident that she looks good.
Nadaanan niya si Arianne na nagliligpit na din ng gamit. Napatingin ito sa kanya. Pat saw her secretary's mouth gaped open.
"Wow mam! Ang ganda at sexy niyo!" she said.
Ngumiti siya," Thank you. Tara? Sabay ka na sa paglabas ko?" she asked.
"Naku mam ok lang po. Padating na din po ang bf ko. Antayin ko na lang po dito." Sagot nito and Pat just nodded.
"Mam sino po ba ka-date niyo si sir Matt o si Architect Ocampo?" curious na tanong nito.
Natawa siya ng bahagya. “ Wala sa kanila Arianne. I am going out with Alex Llamarez."
Nanlaki ang mata ng sekretarya. "Mam, yung kamukha ni Daniel Matsunaga na sobrang ganda ng katawan?" Pat just nodded.
Arianne made a gesture of raising both her hands in air, "YES! Have fun mam! Bagay na bagay kayo ni sir Alex." Sabi pa nito sabay ngiti ng malapad.
Nailing na lang si Pat,"Salamat.Sige goodnight."
***
Alex is leaning on his car. Fortuner na itim ang dala nitong sasakyan ngayon .Hindi ito mapakali. Parang ito pa lang ang unang beses nitong makikipag-date sa babae. Pinaghandaan talaga nito ang gabi na ito. Boss Orange Man by Hugo Boss ang pabango nito. Since gusto daw ni Pat casual lang and not fine-dining, he chose to wear a gray v-neck shirt which emphasizes his body. Kitang-kita ang ganda ng biceps at lapad ng dibdib nito and his flat tummy with six-pack. Naka-maong ito na dark and top-sider na brown.
Since uwian na, nag-park ito sa mismong tapat ng entrance door ng opisina nila Pat. It's a one-level building so kita lahat ng mga pauwing empleyado ang saksakan ng sarap na lalakeng nakasandal sa itim na sasakyan. The women can't help but stare and drool .Nakakasakit ng ulo ang ka macho-han and kaguwapuhan ng binata .Pero he's not aware of them. Ang lalim ng iniisip nito. He has to control himself later. Mahirap na baka magalit na naman sa kanya si Pat.
***
Paliko si Pat papunta sa entrance door ng building when she stopped walking. Narinig niya ang dalawang boses ng babae sa di kalayuan.
"Hay naku girl!! Ang yummy niya talaga! Ang wafu!!" kinikilig na sabi ng isa.
"Sobra!! Parang ayaw ko ng ialis ang mata ko girl! Kita mo ang katawan? SARAP!!" segunda ng isa.
"Sino kaya ang hinihintay? Sana hindi na dumating para diyan na lang siya. Palagay mo girl, magugustuhan kaya niya ako?" tanong nung unang nagsalita kanina. Mas malandi ang boses nito kesa dun sa pangalawang nagsalita.
Napasimangot si Pat. Parang gusto niyang sabunutan ang nagsalita. She knows they are talking about Alex.
"Girl! Pag hindi ka pa naman nagustuhan sa suot mong yan ewan ko na lang. Nag-iibang anyo ka pag uwian na eh." napabuntung-hiningang sabi nung isa.
"Bawal kasi pag office hours ang ganito di ba? Eh since pauwi na tayo, di magpalit naman ng sexy ng konti. Kagaya niyan, may masarap na papa sa labas oh! Tara lapitan na natin?" parang pusang lumalanding sabi nito.
Dun na nagdecide si Pat na lumiko na para dumiretso ng lumabas and para makita niya kung sino ang malalanding ito na may masamang balak kay Alex.
She cleared her throat bago siya nagpakita sa dalawang babae na nakatayo a few feet away from the entrance door. Sabay na napalingon ang mga ito sa kanya, s urprised in their eyes.
Tinapunan niya ng matamis na ngiti ang mga ito. 'Good evening. Pauwi na ba kayo? " tanong niya while looking at the two of them.
"G-Good evening po mam." sabi nung mas matangkad.
Pat sensed na yung mas maliit ang malanding nagsasalita kanina.Maputi ito at maganda din naman ang katawan.Pero syempre mas sexy siya.(Magbuhat din ng sariling banko pag may time..lalo pag nag-jejelling.. hehe)
Hindi nagsalita ang naka-sexy na damit.
Pat said, trying very hard not to show her irritation," Melba, hindi ka dapat nagsusuot ng ganyan. Madaming manyak sa labas baka mapag-tripan ka. Sige mauna na ako. Ingat kayo ha?" she said.
Napasimangot lalo siya ng makitang nakasandal si Alex sa kotse nito. Nag-init ang ulo niya kasi feeling niya nag-papacute talaga ito sa mga female employees nila .Kung hindi ba naman eh bakit dito pa sa malapit sa labasan ito tumambay? Pwede namang sa parking lot.
Nakakunot ang noo ng binata habang medyo nakayuko. He has his arms crossed on his chest. Labas ang biceps .Mukhang ang lalim ng iniisip nito.
Inis na inis si Pat. Bwiset na lalakeng ito na mahilig sa babae! Sarap ipapapak sa malalaking langgam. She thought angrily.
When Alex looked up, mabilis na binura ni Pat ang lukot sa mukha niya. Pinilit niya na ngumiti ng matamis. Mamaya na niya babawian ang pa-cute na lalaking to!
Napanganga si Alex ng makita si Pat.
"SHIT!" he uttered. Sobrang sexy at ang ganda kasi lalo ni Pat. As if in agony, he closed his eyes and uncrossed his arms to clench his fists on his sides. He is 100% sure na hindi niya mapipigilan ang sarili not to touch or kiss her tonight.
Wish nito hindi tuluyang magalit ang dalaga if he can’t help himself. Kahit kailangan nitong pigilan ang init ng katawan na nararamdaman, sa hitsura ng dalaga ngayon, sobrang labo na wala itong gagawin. Naninikip na nga ang pantaloon nito. He hopes na hindi halata ang nakabukol sa harapan nito. Hindi naman nito pwedeng takpan with his hand. Mas mahahalata ito ng dalaga. He needs a lot of self-control .
Napamura na naman siya ng mahina.