I'm His Destiny Chapter 10

"Angel, sunduin kita ? Kain tayo?" lambing ni Matt.

"Hmmm..saan naman tayo kakain?" may ngiti sa labi na tinanong niya. The time is 5 PM.

"You can choose. I miss you Angel." He said huskily.

"Talaga lang ha? Bakit kasi hindi mo ako tinatawagan?"

Nagtataka nga siya kasi nasanay siya na halos gabi-gabi nag-uusap sila ni Matt sa phone bago matulog but not anymore.

Biglang tumahimik sa kabilang linya. "I will tell you something later ,angel." He said and he sounds serious.

Kakababa lang niya ng phone when it rang again. Biglang lumakas ang tibok ng dibdib niya. A part of her wants to ignore the call but just seeing Alex’s flashing on the screen makes her feel warm inside. She told herself na curious lang siya kung bakit tumatawag ito. Sinagot niya pero hindi siya nagsalita.

There was silent for a few seconds. Walang nagsasalita.

"Patricia..." Alex uttered her name hoarsely pero hindi pa din siya sumasagot. She has her eyes close.

It's so unfair na pinipilit niyang magalit kay Alex pero bakit parang mas siya ang nahihirapan?

"Pwede tayong magkita ngayon?"tanong nito.

"What for?" she asked. Pilit niyang pinatigas ang boses.

She heard him sighed. "May sasabihin ako sayo."

"Hindi ako pwede ngayon Alex. Kung may sasabihin ka, tell me now." Malamig na sabi niya.

"No! I don't want to talk about it over the phone. I will see you tomorrow. Pupunta ako sa bahay niyo. See you." He ended the call.

***

Matt and Pat chose to eat Thai barbecue. Naninibago si Pat kay Matt. He is so quiet. Nakakunot ng bahagya ang noo nito while slicing his chicken.His handsome face is serious.

"You don't have to cut your meat perfectly. The taste won't change .Masyado kang seryoso." biro niya sa binata.

Tinignan siya nito then put down his fork and knife. May sumilay na tipid na ngiti sa labi nito.

"Ano yung sasabihin mo?"

Sumandal ang binata sa upuan. He fixed his eyes on her pretty face.

"Angel, I have been thinking about this for a few weeks now. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin at sasabihin ko sayo."

Naramdaman ni Pat na talagang seryoso ito .Ngayon lang niya nakitang ganito si Matt. He has always been carefree.

"Okay, I am all ears. Tell me what's bothering you." she said gently.

He placed his hands on the table and leaned a little forward to hold her hands. Hinayaan lang ni Pat na hawakan ni Matt ang mga kamay niya.

"Angel,will you be my girlfriend?"

Hindi siya naka-react agad sa sinabi nito.

"Y-You're joking right?" she forced a laugh.

Ni hindi man lang nanligaw sa kanya si Matt. It's true na they are very close and they really enjoy each other's company. Last time nilang magkita, he tried to kiss her. But hindi niya naisip na he will ask her to be his girlfriend right now .What happened to the "ligawan stage"? Kahit naman malapit na siyang mag 24, hindi pa siya nakikipag-bf so dapat ang first bf niya ligawan siya. Kahit malaki ang utang na loob niya kay Matt, hindi yata niya keri ang ganito kabilis.

Bumuntung-hininga ito ."Mali kasi ang approach ko. Wait,I will rephrase that. Will you pretend to be my girlfriend?" tanong nito.

Medyo nakahinga ng konti si Pat. "Whew!" sabi niya sa sarili. Binawi niya ang mga kamay niya and put them on her lap.

"Why?" naguguluhang tanong niya sa binata.

"Nakikipagbalikan si Ella. Ilang beses na siyang nagpupunta sa bahay .Sumisipsip siya sa mama ko."

So ang mapanlait na ex pala nito ang dahilan. Pat thought.

"And you think if magpapanggap tayo na magnobyo titigil na siya?" she asked.

Matt nodded. Pat started to tap her chin with her index finger. She is carefully thinking about the situation. "Bakit ako?" tanong niya kay Matt.

"Dahil hindi maniniwala si Ella kung iba. She knows na we constantly see each other. At dati ka pa niyang pinagselosan di ba?" natawang sabi nito.

" Ako ba ang reason kung bakit kayo nag-break?" she wants to know. Matt looked out the window.

"Matt?"

Without looking at her he said, "Partly. Pero may iba pa kaming problema. It's her attitude."

"Do I have to make a decision now?" alanganing tanong niya. Umiling si Matt.

"No,angel. Think about it muna. Don't ever think that I am forcing you. It's just that if I want to do this with someone ,I want that someone to be you." his voice became almost like a whisper.

Kinagat ni Pat ang lower lip niya. "Paano ang set up if ever?"

"Basta we'll go out like the usual. But kailangan sa family ko sabihin natin na tayo. We have to convince my mom na we're a couple. Sa family mo we don't have to pretend if you don't want to." he explained.

"Until when do we have to pretend?"

"Hanggang tumigil na si Ella." He said then picked up his fork and knife.

***

Hindi makatulog si Pat. Iniisip niya ang sinabi ni Matt. Actually, in the long run pwede din naman na maging advantage sa kanya yun if papayag siyang magpanggap na gf nito. Di ba nga sabi niya sa ate Lena niya, mag-bbf siya pag hindi tumigil si Alex? So heto na yun! Besides mas madali nga yung ganung set-up. Hindi niya kailangang manggamit ng tao para lang tigilan siya ni Alex. Pero isang bahagi ng isip niya ang gustong akitin muna ito. Tapos pag hulog na hulog na ito sa kanya, she will tell him to get lost dahil bf na niya si Matt.In that way, makakaganti naman siya kahit papano. She wants him to feel how she felt when he used her to be close to Shelly. She needs to remember what her friend Jenna told and taught her .Ngayon niya mapapatunayan if bagay sa kanya ang maging seductive. Kay Matt and Jude never niyang gusto i-try. Si Alex ang naisip niyang gawing guinea pig . Maybe she wants to prove to herself na this time ,sa kanya na talaga mahahaling si Alex. Nagulat siya ng marinig niya ang ring tone niya. With furrowed brows, she checked the caller.

Speaking of the devil… With a naughty smile, she answered the call. "Hello." she greeted him huskily.

Alex closed his eyes when he heard Pat's sexy voice. He almost cursed. Kanina pa nito iniimagine si Pat. Hindi talaga maalis sa isip nito ang magandang katawan ng dalaga which is clad only in her white undies. Medyo malayo pa ito ng makita niya pero tumatak talaga sa isip niya. What more sa malapitan? Hindi niya yata mapipigilan ang libido niya pag nagkataon.

"Patricia." muntik ng pumiyok ang boses nito. He cleared his throat. "Kumain ka na?" he asked.

"Oo kanina pa. Ikaw?" malambing na tanong ng dalaga.

Napangiti si Alex. Mukhang maganda ang ihip ng hangin. Hindi galit ang boses ni Pat."Mamaya siguro. Wala pa akong gana." sagot nito.

"Alex.."……"Patricia.." Sabay silang nagsalita.

"Sorry, you go ahead. Ano yun?" tanong ni Alex.

"A….kasi Alex, I want to say sorry sa nangyari kahapon." It took all her willpower to tell that lie.

Natigilan ang binata. Then he sat down more comfortably on the couch cause he feels that things will go well this time. Kaninang bago nito tawagan si Pat, dinadaga ang dibdib nito. Medyo naging bastos ito kahapon dahil sa selos na naramdaman. He just left Pat without properly saying goodbye .Nilakasan niya lang talaga ang loob niya na tawagan ito ngayon to apologize .If he will start wooing her, dapat maayos lahat.

"I also want to apologize kahapon. I was out of line." He admitted.

"That's okay," Pat's sexy voice said. "May kasalanan din naman ako."

"Don't you want to know why I acted that way?" tanong ng binata.

Pat put her index finger in her mouth and started biting the tip. Should I dare ask? tanong ng dalaga sa sarili.

"Patricia? "

"I'm here." She sighed before asking, "Why were you angry last night?"

Hindi agad nagsalita ang binata.

"I was jealous." He finally said after a few moments.

Napaawang ang bibig niya. Naman,naman! Hindi niya mapigilang mapapikit and kagatin ang labi habang sinapo ng kamay niya ang kanyang dibdib.

OMG! ! Si Alex nagselos? OMG talaga!

"Patricia? Are you still there?" Pat could sense na napasimangot si Alex dahil akala nito binaba na niya ang phone.

She silently hit the pillow near her. Kinilig talaga siya. But kailangang hindi siya magpahalata.

Pigil ang kilig sa boses she asked ,"B-Bakit ka naman nagselos?" She is almost holding her breath as she waits for his answer.

Narinig niya na huminga ng malalim si Alex." Patricia..I like you very much. I know wala tayong relasyon pero hindi ko kasi gusto na may ibang lalake na lumalapit sayo. Sorry. I just want to be honest. Hindi ko ma-explain pero gustong-gusto kong magwala kahapon because of jealousy. So pasensiya ka na talaga kung naging bastos ako. I can’t promise na hindi na mangyayari yun once atakihin na naman ako ng selos."

"Alex, hindi ko alam ang sasabihin ko." Pat said. Iba pala ang pakiramdam pag narinig na niya ang mga salitang yun from Alex himself. It leaves her speechless.

Kinakapa niya ang nararamdaman niya. Mixed ang emotions niya. Ang hirap mag-isip right at this moment. Isa lang ang alam niya. May saya siyang na-feel sa sinabi ni Alex. Mamaya na niya poproblemahin ang mga bagay bagay. Pagbigyan muna niya ang kilig na nararamdaman niya. Ang sarap naman talagang isipin na ang super yummy na man of her dreams (before yun ha?) told her how he really feels! And he sounded sincere!

Napangiti siya ng malapad. Muntik na siyang mangisay sa kilig sa sunod na sinabi nito.

"Isa lang ang pakiusap ko Patricia. Please give me a chance na patunayan ko sayo na I badly want to be a part of your life. I want you not just as a friend…I want you to be mine….”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.