Pat's in her office that afternoon when Arianne knocked once then opened the door. Sumilip ito sa pintuan and said, "Mam,si Miss Shelly po andito."
Medyo napakunot ang noo ni Pat. What is Shelly doing in her office? Tumango na lang siya. "Sige papasukin mo siya."
She stood up and inayos niya ang suot niyang damit. Naka gray pencil cut siya na palda and white short sleeves blouse minus the jacket. She has black pumps on.
"Hi!" masiglang bati ni Shelly.
As usual she looks very lovely, Pat thought. Light pink na one piece ang suot nito which is lampas tuhod. Sleeveless kaya litaw ang mapuputi at makikinis nitong braso. She has silver strappy sandals on.
"Bestie," she greeted. Lumapit siya kay Shelly and kissed her on the cheek.
Inilayo siya ng konti ni Shelly and said, "Wow Pat! you look very smart and pretty!" puri nito as she looks at her from head to foot.
"Not as pretty as you bestie." tipid ang ngiting sabi niya. "Come,upo tayo. "aya niya as she walked to the brown couch na nasa right side ng opisina niya.
"Do you want anything? Coffee,tea or juice?" Pat asked ng nakaupo na sila.
"No,thank you. Okay lang ako."sabi ni Shelly. "Pat,masyado mo namang minamaliit ang sarili mo. Ang ganda at sexy mo ngayon. Don't you still realize that? Frankly ramdam ko nga ang lamang ko lang sayo maputi na lang ako ng konti. But look," nilapit nito ang braso sa braso ni Pat. "Napakaliit na lang ang difference .Have you looked at yourself lately? You are gorgeous!" medyo nanlalaki pang matang sabi ni Shelly habang nakatingin sa kanya.
She then felt guilty na kinukumpara niya ang sarili sa kaibigan ang minsan pinagseselosan pa niya dahil kay Alex. Shelly sounded sincere when she complimented her.
She smiled wider ."Sige na .Pareho tayong diyosa! Bakit ka nga pala napasyal? Buti pumayag si papa Jake? Sinong nag-aalaga kay baby Ethan?" sunod-sunod na tanong ni Pat.
"Naku, andiyan si mang Eddie sa labas. Hinihintay ako. Sabi ko kay Jake I want to see your office. Alam ko nag-redecorate ka weeks ago. Besides namumutla na ako sa loob ng bahay."she sighed. "Yung yaya ni Ethan and si manang Celia ang nagbabantay. Mas panatag ako pag andun si manang." Sabi nito at tumango na lang siya.
Umayos ng upo si Shelly. "Kumusta na? Mula nung binyag hindi pa tayo nagkaausap. Ano ba pinagkakaabalahan mo ha? Ni hindi mo ako tinatawagan." may himig tampong sabi nito sa kanya.
Pat looked at her fingernails na naka French tip. "Wala naman bestie. Same,same pa din." nag angat siya ng tingin kay Shelly and added, "Huwag ka ng magtampo. Alam ko kasi busy ka sa inaanak ko kaya ayaw na kitang masyadong istorbohin. Yung time mo for baby Ethan and papa Jake kulang na kulang pa nga."
Shelly frowned, "Ano ka ba Pat? You should know na never kang magiging istorbo sa akin. Anytime, you can call me or you can drop by."
Nakagat ni Pat ang ibabang labi. Lalo siyang nakonsensiya. Dahil sa Alex na yun napagseselosan niya ang bff niya.
"Anyway kumusta naman ang mga admirers mo?" tanong ni Shelly.
Sasagot sana si Pat ng marinig niya ang ring tone ng cp niya, "Bestie wait ha? Sagutin ko lang. "tumayo siya to get her phone on the table.
"Jude?" sagot niya sa tumatawag.
"Hello Patrice." bati ni binata.
"Napatawag ka?" she asked. Napalingon siya kay Shelly. Nakita niya na parang nakakunot ang noo ng kaibigan.
"Baka kasi makalimutan mo na susunduin kita mamaya." he reminded her.
"Jude sa bahay na lang tayo magkita. Nagdala kasi ako ng kotse dahil may kailangan akong bilhin mamaya paguwi eh."
"O sige. Next time na lang kita susunduin .Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Mamaya siguro .Hindi pa naman ako gutom." She answered. Nag-make face sa kanya si Shelly as if saying na i-end na niya ang tawag. Pat stuck out her tongue at her.
"Ok. Basta wag kang magpapagutom ha? I'll see you later.Anong gusto mong dalhin ko?" he asked.
Nangiti is Pat. Jude is not only very good-looking napaka gentleman and thoughtful pa nito.
"Wala. Sige mamaya na lang." she said and ended the call.
"Uy Pat, sino na naman yung Jude na yun?" naisip tuloy ni Shelly yung sinabi ni Alex na dinala ni Pat sa bahay nila dati. Yung gusto na ding upakan ni Alex.
Pagkaupo ni Pat, she said, "Bagong manliligaw. Naalala mo nung nagpunta ako sa bahay niyo before ng binyag? Di ba sumaglit ako sa office kasi nagkaproblema? Siya yung nakausap ko nun. Arkitekto siya." Tumango si Shelly pero she doesn't look happy. Hindi ba masaya ang kaibigan niya na madaming nagkakagusto sa kanya?
"And bestie, si Matt nga pala..nagsabi kagabi na he wants us to be more than friends." she revealed.
"Ha?!" gulat na sambit ni Shelly. Lalong nalukot ang magandang mukha nito.
Pat frowned. "Bestie, hindi ka ba masaya para sa akin?"
"Ah,eh..hindi naman sa ganun Pat. Kaya lang akala ko kasi pumoporma din sayo si Alex. Paano na siya?"
Lalong napasimangot si Pat. Bakit mukhang sobrang intresado si Shelly about Alex and her? Tumayo siya and stood near the window.
"Walang maaasahan sa akin si Alex bestie." she said. Walang kaemo-emosyon ang boses niya.
***
"Ang dami naman nito Jude! " gulat na sabi ng mama ni Pat.
May dalang isang kaing ng mangga ang binata.
"Matamis ho yang mga yan. Hindi po sabay-sabay mahihinog. Yung nasa taas lang po ang mga dilaw na."
"Sige sabihin ko kay Inday ihiwalay ang mga hinog na. Salamat ulit ha? O hayan na pala si Pat." Sabay tingin sa anak na pababa ng hagdanan.
Tumayo si Jude ng makita ang dalaga. Pat is wearing faded tight-fitting jeans and naka dark blue na fitting top na sleeveless .Naka espadrille siya na black. As usual, she looks so sexy.
"O iwanan ko na kayo ha?" Pat’s mom said. She just nodded.
"Hi." bati naman niya kay Jude habang nakangiti.
Lalo itong gumwapo. Naka light pink na polo ito ,itim na jeans and Cole Haan na sapatos. Bumati din ito sa kanya with a smile.
"Upo tayo Jude." she suggested.
Hinintay muna ng binata na makaupo siya bago naman ito umupo iniabot muna nito sa kanya ang dala nitong mga bulaklak.
"Alam ko ayaw mo ng chocolates. So bulaklak na lang." he said and she smiled. Pat likes that Jude remembered what she told him. Pag ang lalaki seryoso sa babae, ultimo maliliit na bagay na nabanggit ng babae, natatandaan nito. Plus pogi points kay Jude yun.
Maraming nalaman si Pat about him. Tatlo pala silang magkapatid. Nasa Tarlac ang ate who is a vet with their parents. May farm pala ang mga ito dun kaya pala ang daming dalang mangga ng binata. Galing daw ito sa farm kanina. Meron ding palaisdaan ang mga ito. Ang mga magulang ng binata ang nagma-manage ng lahat, Bale ang kasama ni Jude sa apartment nito dito yung bunso nila na nasa third year college. Nursing daw ang kinukuha nito. Retired engineer ang ama nito at dating teacher ang ina.
"Minsan kung okay sayo Patrice, isasama kita sa farm with your family." Jude said. Gustong-gusto nirong tinitignan ang dalaga. She looks so pretty. Napakasimple nito pero ang lakas ng dating.
"Hmmm..sige. Hindi pa ako nakakapunta sa bandang norte .Tanungin ko sila mama." Pat agreed and he nodded.
"Patrice, I just want you to know na ang saya ko kasi nakita kita ngayon." Amin ng binata.
She showed her white teeth as she gave him a wide smile. Sigurado si Pat na madami ding nagkakagusto sa binata. Stable ang trabaho nito at magandang lalake pa. Good boyfriend then eventually husband material.
"Hindi nga ako makapaniwala ng sabihin mong wala ka pang nobyo. You are too lovely para mawalan ng manliligaw." titig na titig ang binata sa kanya.
Natawa ng mahina si Pat. "Jude,hindi naman ako maganda. You are just flattering me."
Umiling si Jude ."Unang kita ko pa lang sayo parang lumakas ang tibok ng puso ko."
"Hindi naman kaya nasobrahan ka lang ng kape, pare?" boses ng kuya Allan niya.
Napatingin si Jude at Pat sa bagong dating.
"KUYA!" tinignan ni Pat ng masama ang kapatid.
"Joke lang!" sabi nito sabay peace sign sa kanila.
She looked at Jude. "Pasensiya ka na Jude sa kapatid ko. Frustrated comedian yan eh."
"That's okay Patrice. Good evening Allan."bati nito sa kuya niya.
Tumango ang kuya niya. "Nga pala andiyan si bayaw. Halos magkasunod lang kami.Nagpark lang." sabi nito.
Nanlaki ang mata ni Pat. OMG! What the heck is Alex doing here?