Nang marinig ni Jude na nasa labas si Alex, medyo kumunot ang noo nito. Oo nga naman kasi siya ang naka-schedule ngayon eh.
Nainis lalo si Pat kay Alex. Naisip niya na hindi man lang magtext o tumawag na pupupunta ito. Ibang klase talaga ang mayabang na manyakis na lalaking yun! Feeling masyado! Porke ito ang naka-una sa paghalik sa kanya ( of course hindi alam ni Alex na ito ang first kiss niya) kala mo naman bf na niya kung umasta. Tumahimik silang bigla ni Jude. Parang kanya-kanyang sila ng iniisip sa kung ano ang pwedeng mangyari. Sabagay may halos kalahating oras na ang binata. At least nakapag-solo na sila.
Bad-trip na bad-trip si Alex. Naipit kasi ito sa traffic .Naunahan tuloy ito. Tumawag kanina si Shelly at sinabi na dadalaw daw nga ngayon kay Pat ang Jude na yun. Nakapagmura nga ang binata pero sabi ni Shelly umayos ito. Kung hindi lang nagka-problema sa coffee shop di sana hindi ito na-traffic. Malas! Kailangan pa niyang tanungin si Shelly if ano ang dapat dalhin for Pat .Malay ba nito? Highschool pa ng una at huli itong manligaw. Palagi lang nitong nililibre sa fastfood restaurants ang niligawan nito dati. After ilang araw sinagot na ito ng babae.
Napanganga ng bahagya si Pat ng makita si Alex but she quickly closed her mouth bago mapansin ni Jude. Pero kainis! Mukhang nakita ni Alex ang reaction niya! May sumilay na pilyong ngiti sa labi nito kaya lumabas ang dimples. Naka light blue na Polo Sports shirt ito na as usual hapit sa katawan .He is wearing khaki pants at naka topsider. Guwapo din si Jude pero ewan ni Pat mukhang nagayuma talaga siya ng Alex na ito kasi feeling niya mas katakam-takam talaga eh. Biceps at dimples pa lang solve ka na!
"Good evening Patricia." he greeted her.
Mukhang nakabili ng manners kanina kasi tumango naman ito kay Jude though hindi nga lang nakangiti.
"Bayaw!" hirit ng kuya niya na kakapasok galing sa kusina. "Halika muna sa kusina, may itatanong daw si mama sayo tutal second batch ka na. Latecomer eh." natawang sabi ng kuya niya.
Tumango si Alex. Sabay abot kay Pat ng mga white roses na dala nito. Tinignan nito ang mga pulang rosas na dala naman ni Jude.
"Patricia, para sayo. Alam ko ayaw mo ng matamis so sa mama mo itong dala kong cake. Sige ibibigay ko muna sa kanya." paalam nito.
"Salamat" mahinang sagot ni Pat after kinuha mula kay Alex ang mga bulaklak. Tahimik lang si Jude.
"Tara na BAYAW." sabi ni Alex sa kuya niya na talagang may diin sa bayaw na parang pinaparinggan si Jude.
Nakagat ni Pat ang ibabang labi. OMG! Nakakahiya kay Jude! Parang pinamumukha ni Alex na mas lamang ito sa arkitekto since mas malapit ito sa mama at kapatid niya. Pero in fairness, mukhang tumatak din kay Alex na ayaw niya ng sweets. Sabagay sangkatutak na tsokolate nga naman ang nireject niya kaya hindi makakalimutan ni Alex yun. Actually kumakain din naman siya ng sweet foods pero in moderation nga lang. Sinabi niya lang na hindi dahil ayaw niyang tanggapin ang mga pasalubong nito sa kanya.
"Okay ka lang Patrice?" Jude asked pagalis ni Alex.
"Oo naman. Ikaw nga ang inaalala ko. Okay ka lang?" alinlangan na tanong niya.
Medyo nangiti ito ng tipid, "Sakto lang."
Inilapit ni Pat ang sansrival na nasa platito kay Jude. "Tikman mo yan. Hindi masyadong matamis."she offered.
They are sitting opposite each other. Si Pat nasa malaking sofa while Jude sa one-seater.
"Patrice? Pwede bang tabi na lang tayo? Masyado ka namang malayo." medyo lumapad ang ngiti na sabi nito.
Natawa din ng bahagya si Pat. Umusog siya ng konti."Sige." sagot niya kaya agad na tumayo si Jude and sat down next to her.
Kinuha nito ang platito and sabi, "Pwedeng yung unang subo sayo?" Then tuminidor ito ng konti para subuan siya..
"Baka mahulog!" nakatawang sabi ng dalaga then hinawakan ang kamay ni Jude para alalayan sa pagsubo sa kanya.
Papasok sana si Alex sa sala to check on Pat. But palabas pa lang siya ng sliding door na divider ng dining room at living room ng makita niya ang nangyayari sa sala. Magkatabi na ang dalawa sa sofa at sinusubuan ni Jude si Pat habang hawak ni Pat ang kamay nito.
"FUCK IT!" mahinang mura nito. He felt heat came up his face. Akmang susugod na ito ng saktong nagsalita si Allan na nasa likod na pala niya. "Ang bilis ni architect! " sabay palatak so Alex just clenched his fist.
Tinapik ni Allan ang balikat niya ,"Bayaw akong bahala. Sige dun ka muna kay mama para di ka masyadong maapektuhan. Bibigyan kita ng go signal pag pwede mo ng masolo si taba."
Tumango lang si Alex bago bumalik sa kusina. Buti na lang dumating si Allan kung hindi malamang naupakan na niya ang Jude na yun. Nakakahiya kay tita Cora. Tama si Shelly. He needs to have more control of his jealousy. Pero may point din si Jake. Mahirap pigilan ang galit pag nakita mo na may ibang lalaking kasama ang babaing gustong-gusto mo. He hopes na kaya pa niyang panindigan ang panliligaw na ganito. He has been used to the American way. Walang ligaw-ligaw! Ang masama pa ang dami niyang karibal! Balita niya pati yung Matt na yun official ng manliligaw kay Pat. He cursed.
***
"Taba!" tawag ni Allan sa kapatid.
Ang sama ng mukha ni Pat ng marinig ang tawag ng kuya niya at makita na palapit ito sa kanila ni Jude.
Kumunot ang noo ni Jude."Taba?"
"Oo yan ang tawag sa akin dati pa ng kuya ko. Kahit pumayat na ako taba pa din ang tawag sa akin. Kakatuwa si kuya di ba?" maasim ang ngiting pinakawalan ni Pat.
Nangiti na din lang si Jude. Lumapit si Allan at umupo sa binakanteng one seater ng binata.
"Okay lang ba na kilatisin ko itong manliligaw mo?" tanong nito kay Pat pero kay Jude nakatingin.
Malaki din ang katawan ng kuya niya. Medyo intimidating ang dating parang si Alex lang. Sigurado naman si Pat na hindi takot si Jude sa kuya Allan niya. May muscles din naman si Jude. Pero siyempre dahil sa kuya niya si Allan, for sure sasakyan na lang ni Jude ang trip nito.
Susme! Ano na naman kaya ang balak ng kuya niya? "Anong ibig mong sabihin kuya?" alalang tanong niya.
"Architect, okay lang ba sayo na magbonding tayo sandali?" tanong ni Allan sa manliligaw ng kapatid.
"Jude na lang Allan. Sige okay lang." sangayon ng binata habang nakangiti ng bahagya.
Tumango si Allan. "Taba! Hiramin ko ng mga kalahating oras si Jude ha? Diyan lang kami sa kanto. Kape-kape lang."
Pat frowned. "Kuya naman! Pwede namang dito na lang kayo magkape. Pagtitimpla ko kayo. Mas masarap pa."
"Basta! Mas maganda yung kaming dalawa lang. Tsaka nakita ko yung 4x4 na pick-up truck mo sa labas, mukhang masarap i-drive." tinignan nito si Jude.
Nangiti ang binata. "Sige. Yun ang dala ko pag umuuwi ako sa farm." tinignan nito si Pat na para bang nagpapaalam.
"Yun nama pala eh! Sige tara! Magpapaalam lang ako kay mama." parang batang tuwang-tuwang sabi ng kapatid niya.
Pagalis ni Allan, nahihiyang tumingin si Pat kay Jude. "Jude pasensiya ka na sa kuya ko."
"Wala yun. Okay din naman na mag-bonding kami. Sa sunod ang mama mo naman at ate mo."
Pagpasok ulit ni Allan galing sa kusina ,"O tara na Jude!"
Tumayo si Jude at iniabot ang susi ng sasakyan nito kay Allan bago lumingon kay Pat. "Patrice alis muna kami." Paalam nito.
She nodded. Tinignan niya ang kuya niya, "Kuya ingatan mo ang kotse ni Jude." medyo masama ang tingin na sabi niya sa kapatid. Stressed na naman siya sa mga naiisip gawin nito.
"Taba naman! Alam mo namang maingat ako sa kotse! Tara na pare!" aya nito kay Jude.
Hinatid niya hanggang labas ng gate ang dalawa. Ng makaalis na ang sasakyan ni Jude, she decided to go back inside. Laking gulat niya ng pagpihit niya nasa likod pala niya si Alex.
"ALEX!" she shrieked.
Bumangga siya sa dibdib nito .Kung magtatabi sila, ang top ng ulo ni Pat abot lang hanggang baba ni Alex.
He is looking at her habang nakasalubong ang kilay. Pat felt uncomfortable. She moved to her left para makadaan siya. Hinarang ni Alex ang katawan nito. She looked up at him. "Alex ano ba?" inis na tanong niya.
"Kanina pa ba ang Jude na yun? Bakit kayo magkatabi sa upuan at hinayaan mo pang subuan ka niya?" galit na tanong nito.
Kahit may halong kaba, she bravely said," I don't have to answer you! For the nth time Alex, hindi kita nobyo."
Hindi nagsalita ito pero alam ni Pat na bad trip ito.
"Let's get inside Patricia." he said coldly then grabbed her arm papasok ng bahay.
Iniupo siya ni Alex before he sat down beside her. Pat made an attempt na umusod to her right para mas malayo siya kay Alex but he took hold of her wrist. Masama ang tingin nito sa kanya but Pat hold his stare .Wala namang pwedeng gawin si Alex sa kanya lalo't andito sila sa sala and anytime pwedeng pumasok ang mama niya.
"Diyan ka lang! If you move ,I will kiss you torridly kahit makita pa tayo ng mama mo! Then kung magalit man siya sasabihin kong sinagot mo na ako!" banta nito.
With wide eyes,Pat just glared at him. Then kinuha nito ang chocolate cake na nasa platito. He must have put it on the table kaninang hinatid niya sa labas sila Jude.
He forked some of it then inilapit ito sa bibig niya. "Eat!" utos nito.
She looked the other way. Hinawakan ni Alex ang baba niya and let her face him. His eyes are spitting fire. "You didn't protest when that asshole feed you. Tapos pag ako ang gagawa ayaw mo?"
Inilapit nito ulit ang cake sa bibig niya. Magmamatigas pa din sana si Pat but bigla niyang naisip na she shouldn't make Alex angry. Kahit inis siya, she has to play with him. Besides masarap ang feeling pag alam niyang takam na takam sa kanya ang binata. Parang batang tatakawin sa kendi tapos babawiin din. So it's seduction 101 muna.
While looking at Alex, she pouted her lips a little then binasa niya ang labi with the tip of her tongue. She saw Alex's eyes became narrower.
"Dammit Patricia don't do that.." he whispered. His tone is a little hoarse.
"Sorry." she said huskily then opened her mouth a little habang mapangakit niyang tinitignan si Alex.
Hinawakan niya ang kamay ni Alex na may hawak ng tinidor then inilapit sa bibig niya ang cake. "I will take a bite but gusto ko kakain ka din." she whispered.
Alex just nodded,his eyes which are now molten with desire and are never leaving hers.
She took a bite but didn't swallow. Half of the cake is inside her mouth, half is not. She leaned forward to cover the distance between them. She raised her face a little para magpantay ang bibig nila ni Alex. She jutted her chin to offer half of the cake to him. With a groan, nilapit nito ang bibig and ate the cake outside her mouth .Their lips touched but as soon as he got the cake inilayo ni Pat ang mukha.Tatakawin nga lang di ba?
She sexily moved her mouth as she chew then swallow the cake slowly She exaggerated every movement to seduce him.Nang malunok niya ang cake, she opened her mouth a little. Inilapit niya ng bahagya ang mukha niya kay Alex. He thought she will kiss him but she just touched the corner of his mouth with her right thumb para punasan ang chocolate sa gilid ng bibig nito. She then licked her thumb while she looks at his lips.
Pat heard Alex cursed then hinawakan nito ang likod ng ulo niya at sinibasib siya ng halik sa labi.