I'm His Destiny Chapter 22

"CHAMPP!!" tuwang bati ni Mike nang makita si Alex.

Kasing-tangkad ito ni Alex. Ganun pa din ang katawan nito, medium-built. Except for a few laugh lines sa mata, Mike still looks the same.

"O ane Mike?Di ba sabi ko sayo artistahin na lalo si champ?" hirit ni Anton.

"Oo nga anak ng dota! Ilang babae na ang napaiyak mo champ?" biro ni Mike na ikinailing na lang ng ulo ni Alex.

Umupo silang tatlo. May mga beer at pulutan na sa lamesa. Sa isang bar naman sa Buendia nagkita ang tatlo.

"Order pa tayo pare!" Anton said as he motioned to the waiter.

"Namputsa pare! Kung hindi pa nakita ng tita ni Anton ang mama mo, wala kaming balita sayo. Sakto uuwi talaga ako ngayon. Ang saya nito mga tol!" ang lapad ng ngiti ni Mike.

"Sensiya na kayo mga pare! Busy sa mga maliliit na negosyo dito .Sa America din kayod ang inatupag ko." hinging paumanhin ni Alex.

Tinapik ni Anton ang likod ni Alex, "Pare,ang sabihin mo busy sa panliligaw!" kantiyaw nito.

"Anak ng dota! Ano naman ang ligaw-ligaw na yan? Hindi bagay sa gandang lalake mo pare! Kaya nga champ ang tawag namin sayo dahil champion ka sa babae!" umiiling na sabi ni Mike.

"Yan nga din ang sabi ko eh! Na-curious tuloy ako kung ano ang hitsura ng nililigawan mo pare! Namputsa malamang panalong panalo yan! Kelan mo kami papakilala?" nakangising tanong ni Anton.

Lumagok ng beer si Alex," Very soon pare! Pero magtino kayo pag nakilala niyo si Patricia. Baka makalimutan kong tropa tayo pag nagkataon." nakakunot noong sabi nito.

"Namputsa! Possessive!!" sabay tawa ni Anton." Iba na yan champ! Matindi na to! Sumpa man pare magpapakabait kami ni Mike pag nakita namin ang Patricia mo! Takot ko lang madurog mo ang buto ko pare!" sabay kunway takot na tumingin sa biceps ni Alex.

"Siraulo!" birong sabi ni Alex.

Nakatawa lang si Mike pero bigla itong nagseryoso bago nagsalita ulit. "Pareng Alex, nabanggit na pala sayo ni Anton yung tungkol kay Kate..pare sorry. Alam mo na dala ng kabataan ..."

Tinaas ni Alex ang kamay, "Okay lang pare. Wala na yun. Tsaka hindi naman nangyari yun nung kami pa. Walang kaso pare." medyo tumayo si Alex para abutin ang kamay ni Mike for a handshake.

"Mga tol! Nga pala, nagoorganize ang mga kaklase natin dati sa 4th year ng get-together. Game kayo?" tanong ni Anton.

"Okay sa akin yan!" sagot ni Mike. "Bilisan lang nila kasi dalawang linggo lang ako dito."

Alex gave a thumbs-up. "Sa akin walang problema."

"Ayos! Sige sasabihan ko si Nolan pare. Malamang sa isang linggo pwede na!" tuwang sabi ni Anton.

***

Nasa tapat ng bahay nila Pat ang sasakyan ni Matt.

"Angel," Matt tried to hold Pat's hand. Hindi naman binawi ng dalaga ang kamay niya. Tumingin siya sa binata. Matt is gazing lovingly at her. Though she feels uncomfortable, hindi siya nagbaba ng tingin.

Malcon: Malamang kung si Alex yan, nag-init na ang pakiramdam mo. Matt and Jude don't affect you sexually like Alex does. Admit it girl!

Kumurap si Pat to shake off that thought.

"Thanks for tonight and I'm sorry for the way Ella acted." Matt said.

Pat let out a smile. "It's not your fault Matt. Now I understand you more .Hindi na ako magtatanong ulit why you broke up with her."

Inilapit ni Matt ang kamay niya sa labi nito ang kissed it. His eyes are very serious. "Angel,can I ask one more favor?" mahinang tanong nito.

She bit her lower lip. She wished na kaya niya ang hihilingin ni Matt .She is very fond of him. Parang hindi niya kering saktan ito. He has been her friend and confidant for almost a year now .She owes him a lot.

"A-Ano yun?" she asked almost like a whisper.

"Alam ko may iba pang nanliligaw sayo. I will do anything and everything para ako ang sagutin mo. Isa lang ang hiling ko angel..please give me a chance to show you kung gaano ka kahalaga sa akin. Kahit gaano katagal maghihintay ako..wag mo lang akong babastedin."

***

Pat can't forget what Matt said. He sounded very sincere and hopeful. She tried to remember kung ano ang naramdaman niya ng hawakan nito ang kamay niya then halikan ito...she felt nothing.

Deep inside her hinahanap niya yung nararamdaman niya pag si Alex ang kasama niya. Hindi na kailangang mag-react ni Malcon. Inaamin na niya na iba ang epekto ni Alex on her. Her body craves for more pag hinahalikan siya nito .She hates herself for feeling that way. Pero naman,naman! Anong magagawa niya? Naiinis nga siya kasi mula kahapon hindi pa ito nagpaparamdam! Paano kung totoo ngang may iba na ito? Keri ba niya? Alex can have any woman he wants. Parang naiiisip pa nga lang niya na may gusto na itong iba ,naiiyak na siya.

"Bwisit kang Alex ka! Binalewala at sinaktan mo na nga ako dati pero hanggang ngayon gusto pa din kita! I HATE YOU!" sinubsob niya ang mukha sa unan para umiyak.

***

Lasing na lasing si Alex kagabi dahil talagang nagkatuwaan silang magkakaibigan. He just took a taxi dahil hindi na niya kayang mag-drive pauwi. Tinanghali nga siya ng gising. Kung hindi pa siya tinawagan ng mama niya para sunduin sa NAIA si Cindy, hindi pa siya magigising. He called Ron sinabi na bukas na siya sasaglit sa coffee shop. Buti hindi niya kailangang pumunta ngayon sa iba pang coffee shop niya. Mamayang gabi, he will definitely go to the gym.Miss na miss na niya si Pat.

"Alex,I'm hungry. Aren't you gonna feed me?" tanong ng pinsan.

Alex is 31 and he is 9 years older than Cindy . Pero kahit 22 na ito she's still bratty. American ang ama na asawa ng younger sister ng mama ng binata. She is the typical half-American. half Filipino beauty. She can understand tagalog but can only speak a little with an accent that many Pinoys find cute. Natural na light brown ang medium length hair nito dahil blonde ang ama. Her eyes are hazel brown. She has a tan cause she has been to Florida for a few weeks. Matangkad ito.Alex is 6'1 and maybe his cousin is 5'7. Typical American ang body frame nito which most Asians consider sexy. In short, napakaganda ng pinsan nito. Kapintasan lang nito is burara,bratty at tamad. Marami ang napagkakamalan silang mag-nobyo. They are both very good-looking .Minsan pag naka-trip si Cindy, she will pretend to be Alex's girlfriend para inisin ang mga babaeng nagkakadarapa dito .And pag meron namang nangungulit sa sa dalaga, papakilala nito si Alex as boyfriend para panakot. Alex's hunky body intimidates a lot of men and makes a lot of women drool.

"Didn't you eat in the plane?" he asked in an irritated tone. He will go to the gym after dropping Cindy at his condo.

"I didn't like the food." maktol nito.

"Look, we'll order to go cause I need to be at the gym. I'll leave you at my place. Want some pizza or burger?"tanong ng binata.

"WHAT?! It's my first night here and you're gonna leave me alone in your condo? Really, Alex! I will call aunt Connie right now and tell her everything!" galit na sabi nito.

Napamura si Alex. "No need to call my mom! Ano ba ang gusto mo?"

Cindy pretended to think deeply .She's lightly tapping her right temple with her forefinger. "Okay let's find a drive-through.I want burger and fries. I'll eat here then I will go to the gym with you." she said while smiling which mae Alex sighed.

***

Nagwawarm-up na si Pat sa exerbike. Hindi mag-gigym si Matt dahil nagpadrive ang mama nito. Nasa treadmill naman si Jenna. Medyo madami-dami ang tao ngayon dahil Sabado kaya Jenna is happy. Madaming mga cute na lalaking members ang gym nila.

"Hay naku girl! Kanina ko pa napapansin na tumitingin dito yung cute na naka blue sando sa left side mo. Wish ko lang ako ang tinitignan at hindi ikaw." nakangiting sabi ni Jenna.

Pat didn't even bother to look. Wala siya sa mood. She misses Alex. She promised na magpakita lang ito ngayon sa gym,s he'll be extra nice to him. Dahil alam niyang mas madami ang tao pag ganitong weekend, she chose to put on red sando over her pink sports bra. Naka leggings siya na puti and red rubber shoes.

"Grabe naman kasi ang kasexy-han mo girl! Confirmed na ikaw ang kanina pa tinititigan ng papalicious sa kaliwa." palatak ni Jenna.

Tinignan ni Pat ang sinasabi nito. May hitsura nga ito .May magandang tatoo ito sa kaliwang braso which made him more attractive. He smiled at her. Yung makalaglag panty na ngiti. Pat looked away. Kahit yummy pa ito, she's not interested. Isa lang ang gusto niyang Makita at ngumiti sa kanya ngayon. Lalaking chinito na may dimples. Yung saksakan ng sarap ang katawan.

Naiiling na nagbuntung-hininga na lang siya. Hindi niya talaga mapaglabanan ang pagkamiss niya kay Alex.

Nang matapos sa exerbike, sa katabing treadmill naman siya nagpunta. She was about to start the machine ng kalabitin siya ni Jenna.

"Bakit?"She asked as she looks at her friend.

"Dumating ang masarap mong papa." bulong nito bago tumingin sa kanan.

Kumabog ang dibdib ni Pat.

Andito si Alex!

Nakagat niya ang lower lip as she stepped down of the treadmill para salubungin ang binata na hindi maalis sa isip niya. Inihanda niya ang pinaka-sexy niyang ngiti when she saw him.

OMG! Katakam-takam talaga ito!

Naka puting sando si Alex with dark blue sweatpants. When he saw her natigilan din ito. He looks hungrily at her.

Lalapit sana si Pat dito pero natigilan siya. A very pretty woman came behind Alex and hinawakan nito ang braso ng binata. And Alex looked at the woman.

"Hey! What's the hurry?" she asked in a husky voice while she pouts her beautiful lips.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.