I'm His Destiny Chapter 21

Pat just came out of the shower. She is wrapped in a beige towel. Umupo siya sa gilid ng kama para magpahatid ng body lotion na isa sa bigay ni Alex, Country Apple by Bath and Body Works. Bigla siyang may naalala. Mukhang hindi siya ginambala nito maghapon.

She'll admit na nasanay kasi siya na halos araw-araw mula ng dumating ito from the US, kung hindi siya nito tinatawagan sa phone, pinupuntahan siya sa bahay or sa gym. Nagpapamiss ba ito?

She stood up to get her undies ang night wear. Habang nagbibihis siya,sumingit na naman ang malditang boses sa utak niya.

"Malay mo nauntog na si Alex. Naghanap na lang ng babae na hindi pakipot kagaya mo. Sa biceps pa lang ni Alex dami ng babae ang laglag ang panty at bra. Natural lalake yun! Hindi makakatagal ng walang sex. Ano naman ang mapapala niya sayo? Halik at himas?"

"SHUT UP!" sagot niya sa sarili niya.

Nasapo ni Pat ang noo niya. Susme! Pati sarili niya pinapatulan na talaga niya .Sobrang affected yata siya sa naisip ng kontrabida niyang side. But she believes she is not affected. Ang inaalala lang niya hindi siya makakaganti kay Alex pag nawalan na ito ng interes sa kanya. Sayang naman ang mga plano niya .Naisip niya tuloy na bawiin ang sinumpa niya sa self niya na hindi na siya matitikman nito ulit. May point si Malcon eh, (yun ang itatawag niya sa madita slash malandi slash kontrabidang side ng utak niya) sanay si Alex sa America na moderno ang mga babae. Sex all you can kumbaga. Ito na nga mismo ang nagsabi na hindi siya sanay sa ligawan. So since hindi naman niya kaya pang mag all the way ..(say ni Malcon: Weeh?? Di ba nga gusto na niya kaso tumigil si Alex?)

O sige irerephrase daw ni Pat. Kung hindi man all the way, siguro pagbibigyan na niya si Alex sa kiss and touch na yan. Ibigay ang gusto to hold his interest. (Malcon again: Si Alex lang talaga ang may gusto?)

"Arggghh!" gigil na sabi ni Pat. "Makatulog na nga!" she told herself.

***

Nagpigil si Alex na tawagan si Pat. He would rather talk to her face to face. The day after tomorrow na lang siguro since may lakad sila ng mga kaibigan bukas ng gabi. Namimiss na nito ang dalaga but he doesn't want to just call her to ask about that asshole. Madali itong mabababaan ng telepono ng dalaga if she gets angry. Unlike pag sa personal, pwede pa nitong mahalikan and mayakap si Pat. He can't seem to keep his hands off her. Ganito pala ang pakiramdam of being into somebody .Hindi madali lalo pag hindi mo pa nobya and to make matters worse, sala sa init sala sa lamig pa. But pag kasama mo naman parang ang hirap ipaliwanag ng pakiramdam. Masaya,masarap and masakit sa puson. His thoughts were interrupted when his phone started ringing. It’s his mother.

"Ma? Isn't it too early there for you to be calling?”

"I know son. It's barely 7 AM. But your cousin will be arriving there the day after tomorrow."

Natapik ni Alex ang noo niya. He almost forgot about Cindy. "MA! Ang bilis naman! Akala ko next week?" he complained.

"Your tita Ruth made a mistake. Pareho pa din naman yun Alex. It's just two days earlier ." his mom said in a slightly annoyed voice so he just sighed heavily.

***

Pat made sure na she looks good. Kahit kilala na siya ng mama ng kaibigan, iba ngayon. Now,she will come as Matt's girlfriend. Naka basic, curve-skimming black dress siya na 4 inches above the knee and silver fancy heels. She applied light make-up too. Nung makita nga siya ni Matt pagsundo sa kanya sa opisina, he couldn't hide his pleasure.

"Pat," Matt's mother opened her arms for her.

Nahihiyang lumapit si Pat. Niyakap siya nito. Then inilayo ng konti to say, "Ang ganda mo naman lalo hija." nakangiting sabi nito.

"Salamat po tita." she said shyly.

"Let's go to the dining room. Dinner is ready. Nagpaluto ako ng mga special food kay Choleng." sabi nito while she led the way to the dining room.

They sat on the 6 seater dining table .Nasa dulo ang mama ni Matt at magkaharap naman sila ng binata sa magkabilang dulo katabi ni Mrs. Esguerra. Matt is an only child. Engineer sa Saudi Arabia ang ama. Ang mama naman nito ang nagmamanage ng pawnshop ng pamilya.

"Buti naman hindi na lang kayo simpleng mag-kaibigan ngayon." Matt's mother commented.

"Kasi ma, kumuha muna talaga ako ng tiyempo baka kasi ma-basted ako ni angel eh." sabi ni Matt habang malagkit na nakatingin kay Pat.

She felt conscious. Ang galing namang umarte ni Matt. Mukhang pati siya nakukumbinse ng acting nito. Dapat pala nag audition ito sa Star Circle. Iniabot nito ang kanin sa mama nito, tapos siya naman ang tinanong kung ano ang gusto niya. She made a hand signal na she's okay with the veggies.

"Will I hear wedding bells in the near future?You are not getting any younger Matteo." seryosong sabi ng ginang.

Muntik ng mabulunan si Pat. She drank some water para mawala ang nakabara yatang green beans sa lalamunan niya.

"Ma, kakasagot pa lang naman sa akin ni angel. Hayaan mo muna kaming mag-enjoy as boyfriend and girlfriend."

"Hay naku Matteo! You are already 29.Gusto ko madaming apo since mag-isa ka lang." naiiling na sabi ni Mrs.Esguerra.

Bigla may narinig silang nag-doorbel. Lumabas ang kasambahay nila Matt to check who is on the door.

"I have a feeling na si Ella yan. Does she know na kayo na ni Pat?" tanong ng ina ni Matt sa anak.

Tumango ang binata and looked at Pat. He saw her bit her lower lip. He just hopes na Ella will not be too rude. The last time Ella saw Pat, mataba pa ang huli. And he remembers that his ex said a lot of nasty words to Pat.

A woman in skinny jeans and red tube blouse came in. May dala itong mga paper bags. Ella is taller than Pat .If type niyo yung matapang ang pagkamestisa, then you'll consider Ella pretty. Okay din ang katawan nito but medyo flat chested. She has straight shoulder-length hair. Ang pagkakaalam ni Pat supervisor ito sa isang call center.

"Hello tita!" maarteng bati nito but her smile faded ng makita na may ibang tao sa dining room.

"Ella, come join us for dinner." imbita ng mama ni Matt.

Matt is just quiet as he continued eating. Parang walang dumating. He didn't even aknowledge his ex's arrival. Medyo nakataas ang kilay na bumeso si Ella kay Mrs.Esguerra pero kay Pat nakatingin. "I didn't know you have company." she said.

Sinalubong lang ni Pat ang tingin ni Ella.

"Oh don't you recognize Pat? I thought you know her. I guess Matteo told you about them already."

Umasim ang mukha ni Ella as she sat beside Matt who is totally ignoring her. Inilagay nito sa lamesa ang mga dala.

"Ikaw na pala yan Pat the fatso?" she sneered.

"Stop that Ella! Don't you dare say such words to my girlfriend." matigas na sabi ni Matt.

Ngumiti ng matamis si Pat .So hanggang ngayon pala masama pa rin talaga ang ugali ng ex ni Matt. No wonder hindi na ito napagtiyagaan ng binata.

Biglang nag-ring ang landline sa sala. Tumayo si Mrs.Esguerra. "That must be your father Matteo. Excuse me. Please be civil to one another okay? Nasa harapan kayo ng grasya." pakiusap nito as she tapped Matt's shoulder lightly and nodded to Pat then at Ella.

Sumandal sa upuan si Ella. Masama ang tingin ni Matt sa kanya samantalang cool lang si Pat. Pumalatak muna ito before saying, "Akalain mo nga naman.Pwede palang maging tao ang baboy?" pang-iinsulto nito na ikinadilim ng mukha ni Matt.

"Babe, let me handle this." Pat said.

Wala siyang maisip na endearment. Gayahin muna niya ang kina Jake and Shelly. Tutal palabas lang naman lahat ito. Napatingin si Matt sa kanya .May sumilay na ngiti sa labi ng binata. He likes her endearment for him. Ella looked at her with eyes like daggers.

"You call me a pig but bakit selos na selos ka sa akin kahit dati pa? Siguro lalo na ngayon di ba? Tsaka hindi ka naman dapat magtaka Ella. Wala namang imposible talaga. Look at you, pwede palang magmukhang tao ang buwitre .In English, turkey vultures, which are associated with a lot of bad qualities, including greed, ruthlessness and treachery." Pat said sacrastically.

Lalong umasim ang mukha ni Ella. "HOW DARE YOU?!"

"No! How dare you!" sabi niya but her tone is still controlled. "I let you insult me before, pero never again .Pumayat man ako now but if worst comes to worst, kayang-kaya pa rin kita. So stop being a bitch Ella. Nakakasawa na." She suddenly stood up, "Babe,can you take me home? Magpapaalam na ako sa mama mo. I don't want to catch any bad vibes. Not good for my health." malumanay na sabi nito.

Tumayo din si Matt and put his arm around her shoulders as they head towards the living room where Mrs.Esguerra is.

Hindi maipinta ang mukha ni Ella.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.