Pat called Shelly pagdating niya sa opisina. Pupunta siya sa bahay nila after lunch. While looking at some papers naalala niya ang reaction ni Alex when she took off her cardigan. Nangiti siya but nawala din agad ng maalala niya na siguradong hindi nito palalampasin ang ginawa niya .Sinuot din naman niya ulit bago siya bumaba ng kotse. Ayaw din naman niya na pagtinginan siya ng mga male employees nila. Sa loob ng opisina na lang niya ulit ito hinubad.
Nakarinig siya ng isang katok then Matt came in.
"ANGEL!"
Frowning, Pat stood up .Bakit andito si Matt?Ang aga-aga pa.
"Why are you here?" she asked.
Lumapit ito sa kanya to take hold of her hand. "Kagabi pa ako nagtetext at tumatawag sayo. Galit ka ba sa akin?" alalang tanong nito.
"Bakit naman ako magagalit?"
"Kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko. I was so damned worried. Akala ko galit ka dahil sa sinabi ko nung huli tayong magkita." His handsome face is slightly frowning.
"N-Nakalimutan ko kasi ang phone ko sa locker in the gym. Sorry. Wala ka bang pasok?" tanong niya. She knows na maaga ito sa banko and never itong umaabsent.
"Mamamya na lang ako papasok. Pinuntahan kita talaga ngayon. Akala ko talaga galit ka sa akin." Matt said.
Binawi ni Pat ang kamay niya. "Halika upo tayo. You want coffee?" tanong niya as she sat on the couch.
"Angel? Why are you wearing such a sexy top? Ang dami kong nakasalubong na male employees niyo. Did they see you in that?" kunot noong tanong nito.
Pat almost rolled her eyes. Mukhang may possessiveness epidemic sa paligid.
"Naka-cardigan ako kanina." she said shortly.
Umupo si Matt opposite her. "Ayaw ko lang na may babastos sayo lalo pag hindi mo ako kasama." seryosong sabi nito.
Lihim na natuwa si Pat. Matt really cares for her. Ano pa ba ang ayaw niya sa binata? Guwapo, maganda din ang katawan, stable ang trabaho at alagang-alaga siya pag magkasama sila. Kahit mukhang possessive din hindi naman kagaya ni Alex na masyadong brutal.
Malcon: 'Te..kung maiisisingit si baby Alex talagang isisingit?
She blinked twice. Shake the thought of Alex off!
"Don't worry Matt. Wala namang mambabastos sa akin."she gave him her sexy smile.
Matt just sighed. He leaned forward on his seat to look at her intently. "Ayaw mo bang lumabas? Kahit mag-kape lang tayo?" anyaya nito.
"May hinihintay kasi akong delivery. Kailangan kong kausapin yung tao nila. Dito na lang tayo."
Tumango na lang ito. "Gym tayo mamaya?"
Nakagat ni Pat ang lower lip niya. "Sige." sagot niya .Bahala na if andun si Alex.Tutal sabi naman niito two weeks di ba? Hindi pa naman due date ng pambabasted niya kay Matt at Jude. Oo nga pala! Kahit due date hindi naman niya kailangan gawin yun eh. She is single and free! She'can and she will do what she likes.
"Tapos convoy na lang pauwi sa inyo. Formal na akong aakyat ng ligaw sayo angel." nakangiting sabi pa ni Matt.
***
"Dito ka na maghapunan. Hanggang mamaya tayo magkwentuhan." sabi ni Shelly as Pat carries Ethan. Nasa sala sila.
"Hindi ako pwede bestie. May usapan kami ni Matt na magkikita sa gym mamaya." She said as she kissed Ethan's hand.
"Pat?Alam ba ni Alex yan? " kunot noong tanong ni Shelly.
"Ang alin?Ang magkikita kami ni Matt?"
Shelly nodded while Pat sighed. "Bestie alam mo naman yung sa amin ni Matt di ba?"
"Di ba ayaw na niya ng friends lang kayo?"
"Oo nga. Mag-uumpisa na ngang manligaw mamayang gabi."
Hindi nakita ni Pat na nalukot ang mukha ni Shelly dahil hinalik-halikan na naman niya si Ethan.
"Ang bango-bango naman ng guwapong baby na to." She said while she plays with the baby's hands.
"Pat? Hindi ka ba takot na magalit ni Alex?"
"Anong ibig mong sabihin bestie?"
Dun naman dumating si manang Celia para kunin si Ethan. Nap time na daw nito. Bago ibingay ni Pat pinupog muna niya ng halik ang cute na inaanak.
"Pat, ibang magalit si Alex ,I should know .Hindi man kasing bayolente ni Jake pero mas matindi ang mga tactics niya." seryosong sabi ni Shelly.
"Hindi pa pala bayolente yung sinuntok niya yung isang lalake sa gym kahapon?" Pat frowned.
Natutop ni Shelly ang bibig. "Talaga?" gulat na tanong nito.
"The guy was just helping me do some crunches, sinugod na niya." nakasimangot pa ding sabi ni Pat.
Umiling-iling si Shelly. "The more na hindi mo siya dapat galitin."Naisip nito na umeepekto na yata ang pang-gagatong ng asawa kay Alex. "Pat tapatin mo nga ako. Ano ba talaga si Alex sayo? You know you can trust me. Dati ikaw ang palaging nakikinig at nag-aadvise sa akin, it's my turn naman. You can tell me everything."
Pat sat on the nearest sofa .She directed her eyes on Shelly who is sitting opposite her. The center table between them.
"Bestie,I have a feeling na alam mo naman kung ano ang feelings ko towards Alex. Parang si ate Lena lang. I know that you can read me like a book."
Shelly nodded.
Pat let out a heavy sigh. " I hate to admit this bestie but gusto kong gumaan ang pakiramdam ko, Would you believe na nainsecure ako at nagselos sayo?" Pat forced out a laugh.
Shelly's eyes widened.
"I know..sorry." she said before Shelly can say anything. "Ang ganda-ganda mo! Sexy, mabait, maputi..everything that I was not." she said bitterly.
Shelly stood up and tinabihan siya to hug her. Hindi napigilan ni Pat ang maiyak dahil all the pain came rushing back. Mas lalong hinigpitan ng bff ang yakap sa kanya.
"Oh Pat!" Shelly felt like crying too.
Inilayo ng konti ni Shelly si Pat to look at her pretty face na basang-basa ng luha.
" I had no idea that you felt that way..." Shelly's voice is full of emotions.
Pat wiped her tears with the back of her hand and tried to smile. "No bestie, it was my fault." tinignan niya ang kaibigan. "Naging bad ako no? Just because of my feelings for Alex, pati ikaw pinagselosan ko."
Umiling si Shelly. "Pat,Alex never loved me. He was attracted siguro pero napakababaw lang nun .I felt that he really just wanted revenge para sa ate niya."
Pat looked at her own hands. "Ang sakit ng naramdaman ko ng umalis na lang siya bigla. But he explained his side already. I know sa puso ko na nagsasabi siya ng totoo. But mahirap kalimutan yung sakit bestie. Andito pa din." she pointed to her chest where her heart is. "Bumabalik minsan."she sadly said.
Hinawakan ni Shelly ang mga kamay niya. "Eventually makakalimutan mo din ang lahat Pat. Give Alex a chance na maipakita sayo na mahal ka niya. He is the antidote you need para tuluyan mo ng hindi maalala at maramdaman ang sakit."
"I want to, bestie pero naguguluhan ako eh .He can be very controlling and possessive. Takot akong masakal. Ikaw bestie, hindi ka ba nasa-suffocate kay papa Jake?"
Shelly frowned a little. "Dati siguro. Pero konti lang .Kasi kilala mo naman ako. Hindi ako mahilig sa gimik.Tapos I have few friends so hindi rin naman ako masyadong nag-adjust.Tapos ngayon, I just got used to it. Besides, mahal ko si Jake. Di ba nga if we love someone, we should love everything about them? Lalo yung mga shortcomings. Being possessive is one of Jake's ways of expressing his love for me. Mula nung mas naintindihan ko siya ,mas gumaan sa akin ang lahat so hindi ako nasasakal. Kaya ganyan ang pakiramdam mo kasi ilang araw pa lang kayong nagkakasama ulit ni Alex. Tapos ibang-iba sa dati niyong samahan kaya naninibago ka. Siguro naman mas gusto mo yung ngayon di ba? Hindi ka lang niya gustong kaibigan. Tapos angd dami pang nanlilligaw na iba sayo. Nagdadalaga ka pa nga lang sabi mo di ba? So takot kang matali agad -agad kay Alex." nakangiting sabi ni Shelly.
Tumango si Pat. "Bestie, I will show you something." sabi niya sa medyo nag-aalangang boses.
Kumunot ang noo ni Shelly."What is it?"
Ibinaba ni Pat ang collar ng turtle neck top niya.
"Oh my!!" tutop ni Shelly ang bibig as she stares at Pat's hickeys. Itinaas na ulit ni Pat ang collar.
"PAT! Did you do it with Alex already?" tanong ni Shelly.
Pat shook her head from side to side. Shelly released a sigh of relief."Pero gusto mo?" she asked and Pat's face flushed.
"Huwag mo ng sagutin. Look Pat,it's your body. If you want to do it with Alex, you can .But since hindi pa naman kayo ,mag-isip ka muna. And according to you, ngayon ngang nanliligaw pa lang siya sayo grabe na ang pagiging possessive niya. Kapag binigay mo na ang sarili mo sa kanya, you should be really ready .I am sure na wala ka na talagang kawala sa kanya pag may nangyari na sa inyo."
Napasandal si Pat sa upuan. "Tama ka nga bestie. Actually dalawang beses na muntik ng may mangyari sa amin ni Alex." amin niya.
"Hay naku Pat..." iling ni Shelly.
Tumuwid ulit ng upo si Pat. "Bestie,masama na ba akong babae if hahayaan kong halikan din ako ni Matt or Jude?"
Hindi agad sumagot ang kaibigan. She seems to be thinking hard. Nag-buntunghininga muna ito bago nagsalita.
"Sa palagay ko since wala ka namang bf, okay lang siguro. Basta halik lang." She said habang titig na titig kay Pat. "Bakit may balak ka?" habol tanong nito.
Nag-isip muna si Pat bago sumagot," Ewan ko. Wala namang balak. Just in case lang di ba? Hindi din naman natin masabi. Magandang naitanong ko na sayo. At least hindi ako maguguilty pag halimbawang halikan nila ako. Thanks sa sinabi mo bestie. Buti na lang andiyan ka." nakangiting sabi pa niya.
"Lagot ka naman kay pareng Alex!" dinig nilang sabi ng boses na galing sa may pintuan.
Sabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses.
"Babe!"
"Papa Jake!"
Nanlaki ang mata ni Shelly while Pat covered her mouth in surprise. Matalim na nakatingin sa kanila ito na nakakunot ang noo.
"Tsk..tsk...tsk.. Ang ganda ng usapan niyo. Saktong-sakto ang dating ko." Nailing na sabi ni Jake habang nakatingin sa kanila.
"Sinong lagot sa akin?" Lukot din ang noong tanong ni Alex na sumulpot sa likod ni Jake.
Nahawakan ni Pat ang dibdib while Shelly covered her mouth with her hand while they both look at Alex.