I'm His Destiny Chapter 28

Pat is awake pero hindi pa din siya bumabangon. Hindi nga siya masyadong nakatulog. Kung hindi lang siguro siya pagod kagabi baka hindi siya natulog. Sa tantiya niya she had 3 hours of sleep in total. Okay na din yun kasi plano niyang mag-half day. She wants to talk to Shelly. Tatawagan niya mamaya ang kaibigan to ask if okay lang na pasyalan niya ito after lunch.

Alex brought her home really late. Wala silang kibuan sa kotse. She has no choice kung hindi pumayag na ipakilala siyang gf nito sa mga kaklase at barkada from highschool. Tutal isang gabi lang naman yun.Ayaw na niyang lalong madagdagan ang galit nito sa kanya. She checked the wallclock, 6:20 AM. She needs to get ready for work. She has to erase Alex from her mind muna. Pag naumpisahan na niyang maalala ito, malamang wala na namang mangyari sa araw niya. Para siyang lovesick na teenager. Buti na lang yung iisipin niya love din naman siya.

Malcon: Awat na 'te! Kala ko ba wala munang Alex-Alex ngayon? Maligo ka na kaya?O baka ayaw mong maligo para nakadikit pa din sayo ang nakaka-EL na laway ni baby Alex mo?

Padabog na tumayo si Pat. Aga-aga nag-uumpisa na naman si Malcon! She took off her clothes then stepped into the shower. Bawat parte ng katawan na dinaanan ng dila at labi ni Alex, she gently rubbed with her bath sponge. Nakakahiya mang sabihin, she feels a tingling sensation pag naaalala niya kung paano siya nito hinalikan. She closed her eyes.Ramdam pa din niya ang mga labi ni Alex sa katawan niya.

Malcon: Ayos ka din 'te. Kunwari ayaw mong isipin si baby Alex kasi pala mas type mong pagpantasyahan. Hirap nga niyan na 24 ka na, NBSB ka pa! Ang tanong girl, makakasabay ka kaya kay baby Alex pag totoong dyug-dyugan na? Baka mawalan pa ng gana yun pag nalamang hindi ka marunong at kailangan ka pa niyang turuan. Sanay pa naman yun sa mga babaeng kumakain ng....

"STOP IT!" galit na saway ni Pat sa sarili.

Inis na pinatay niya ang shower then stepped out of the cubicle and reached for her towel. She wiped her body hastily. Kailangan niya pang mag-blow dry ng buhok. Tinignan niya ang mukha sa malaking salamin.

OMG! Meron siyang mga lovebites!

She went closer to the mirror. May dalawa sa left side ng leeg niya. Bigla niyang naalala yung kagabi. Kaya pala parang nasaktan siya sa paghalik sa kanya ni Alex. Malay ba niya na ganun pala ang ginagawa para magka hickeys? Di ba nga si Alex ang unang halik at first na naka-petting niya? And hindi naman niya naisip na lalagyan siya ng mga ganito ng bwisit na yun.

"Walanghiya kang lalake ka! Makikita mo!" nanggagalaiting bulong niya as she wraps her body in her towel.

Since wala siyang kotse ngayon, ng sabi ni Alex, maaga daw siya nitong susunduin para ihatid sa gym so she can get her car. Nakasimangot na nag-blow dry siya ng buhok.

Nagulat pa siya paglabas ng banyo ng makita niyang nakaupo ang ate Lena niya sa gilid ng kama.

"Ate!" gulat na tawag niya.

"Kanina pa ako kumakatok hindi mo naririnig eh." sabi nito bago tumayo at unti-unting lumapit kay Pat. "Hoy! Ano yan ha?!” nanlalaki ang matang tanong ng ate niya habang nakaturo sa leeg niya.

Patay! Pat thought. Mabilis na tinakpan niya ng kamay ang leeg. "A-Ate.."

Tinignan siya ng masama ng ate niya. "Anong ginawa niyo ni Alex? Nobyo mo na ba siya?" nakakunot ang noong tanong nito.

Umiling siya. "Ate hindi! Hindi ko bf si Alex."

Lalong kumunot ang noo ng ate niya. "Ano?! Hindi mo pa nobyo pero may ganyan ka dahil sa kanya?" Natutop nito ang noo. "Patricia naman!!"

Yumuko si Pat ."Ate wala namang nangyari sa amin .Halikan lang. Hanggang dun lang."

Lena sighed ."Ilang araw pa lang naman siyang nanliligaw sayo pero nagpe-petting na kayo?"

Nakagat niya ang ang labi .Kung alam lang ng ate niya na ilang beses ng muntik ng may mangyari sa kanila.

"Alam kong wala ka pang naging nobyo kahit ang daming may gusto sayo .Hindi ka man magsabi alam ko na kaya ka nagpapayat dahil kay Alex."

Nag-angat ng ulo si Pat to look at Lena. Naman, naman! Pati ang ate niya nahalata din pala? Sino pa kaya ang may alam about that? Ganun ba siya ka-transparent talaga pagdating kay Alex?

"I know na nasa idad ka na Pat pero ate mo pa din ako. Ilang araw ka pa lang niyang nililigawan bakit ganyan na? Hindi ba masyado naman siyang maswerte? Minahal mo na siya dati pa kahit alam mong si Shelly ang gusto niya at hindi ka niya papansinin. Pati ba naman ngayon na may chance ka na sanang mag-move on hinayaan mo na namang mag-surface ang nararamdaman mo for him? Pahirapan mo naman siya Pat!" naiiling na sabi ng ate niya.

"Ate tina-try ko naman siyang pahirapan. Galit nga siya kasi ayaw ko pa siyang sagutin .Nag-heart to heart talk kami kagabi. Pati yung tungkol kay Shelly napag-usapan namin.I felt na totoo naman lahat ang sinabi niya." she said.

"Ang sa akin lang naman, hayaan mo muna siyang maghirap. Kung mahal ka niya talaga maghintay siya. Honestly speaking, nung unang beses na nagpunta siya dito naramdaman ko na seryoso siya sayo. But it won't hurt na paghintayin mo muna siya. Besides sobrang swerte niya sayo. Wala ka pang nagiging bf. And sure ako siya ang unang halik mo. Hindi porke sakasakan siya ng guwapo hindi na niya pwedeng maranasan ang magtiyagang manligaw muna. Andito siya sa Pilipinas wala na siya sa Amerika."

Nagbaba na naman ng tingin si Pat.

"Sa gwapo ni Alex sigurado ako na madami siyang naging nobya sa Amerika. At ang mga naging relasyon niya hindi lang simpleng kiss at hug while eating popcorn in a cinema. Tapos ikaw no bf since birth. Walang karanasan! Alam ko naman na malaki ang chance na magiging kayo talaga sa huli. Determinado si Alex na makuha ka eh. Tapos ikaw naman mahal mo pa din siya .Hindi kita bina-bad influence ha? Ang point ko is give yourself a chance to be with other men. Being with other males doesn't mean na makikipaghalikan ka sa kanila or whatever. Labas ka lang with them! Get to know them para may comparison ka. Tapos makakatulong pa yun para ma-test mo if si Alex ba talaga ang gusto mo hanggang ngayon. Hindi ka maka-move on ng todo kasi ayaw mong papasukin ang ibang lalake sa buhay mo. Oo lumalabas ka with Matt but do you really look at the possibility na pwedeng maging kayo? Same with Jude. Baka kasi kahit sila ang kasama mo si Alex pa din ang iniisip mo." Sabi ng kapatid niya.

"Ate, may pagka-possessive si Alex. Natatakot ako sa pwede niyang gawin pag lumabas ako kasama ng iba. Pinagsabihan nga niya ako kagabi eh." Pagtatapat niya.

"O eh di ang haba ng hair mo! Hindi mo pa bf talagang ganun na? Pareho yata kayo ng kapalaran ng bff mo! " biro ni Lena.

"Ate naman eh!"

"Kidding aside Pat, hayaan mo siya. Besides, hindi naman niya kailangang malaman." kindat nito.

"Anong ibig mong sabihin ate?"

"Hindi ka naman niya mababantayan ng 24/7. Importante diyan ninja moves! Sinasabi ko sayo lahat ito Pat dahil nakita ko kung gaano ka nasaktan dahil kay Alex dati. Masama nga ang gumaganti pero hindi naman ganti yung gagawin mo eh. Lahat naman halos ng manliligaw dapat maghirap muna ng todo. Lalo't kasing-yummy mo ang liligawan." sabi ni Lena habang may pilyang ngiti sa labi.

Hindi makapaniwala si Pat na hindi pala manang ang ate niya. Wala naman kasi itong naichichika dati kahit sa mga naging bf nito. She doesn't even know if may nobyo nga ito ngayon eh. Masyado kasing malihim ang ate niya. Akala niya kanina magagalit ito ng todo ng makita ang lovebites sa leeg niya. Cool din pala ito pagdating sa mga ganitong usapan. Mas lalo niya tuloy na-aapreciate na may ate siya.

"Alam mo ba na nagpunta si Jude dito kagabi? Tawag kami ng tawag sa cp mo hindi mo naman sinasagot. Yun pala kasama mo si Alex."

Pat frowned. "Kasi ate naiwan ko sa locker ko ang cp ko .Pati nga ang kotse ko nasa gym pa kaya susunduin ako ni Alex ngayon."

"Nasabi nga ni mama ngayon na tumawag daw si Alex kagabi. Andito na si Jude nun."

Hinawakan ng ate niya ang kamay niya. "Pat,ang laki ng hirap mo to become what you are now. Mag-enjoy ka muna ha? Sa tingin ko kay Alex itatali ka na talaga niya pag sinagot mo na siya. Kita mo nga ngayon,s abi mo possessive na siya .Let yourself experience on how it is to be single and free. You can still save yourself for him kung yun talaga ang gusto mo. Pero don't deprive yourself from having fun by being with different people. Matitinong lalaki naman si Matt and Jude, so go lang! I-feel mo muna yang pagiging dalaga mo! Sayang ang ganda at sexy mo! "

After her ate left, napagtanto ni Pat na may point ito. Aminado siya na takot siya kay Alex pero basta magaling lang naman siyang magpalusot malamang ligtas naman siya. Hindi naman siya makikipag-sex sa iba.Mag-eenjoy lang siya sa paglabas-labas with Matt or Jude. Besides hindi naman pagtataksil kay Alex yun. Hindi naman sila mag-nobyo. Tama ang ate niya! Namnamin niya ang pagiging unattached niya.

Pagbaba niya, nakita niya na kausap ng mama niya si Alex. When he saw her, tumayo ito. Sumilay na naman ang pamatay nitong ngiti kakambal ng dimples syempre. Kahit saksakan pa ito ng guwapo ngayong umaga, walang paki si Pat. Bad-trip na bad-trip siya sa ginawa nito sa leeg niya.

Lumingon ang mama niya. "Pat? Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?" kunot noong tanong nito.

Kahit gaano kakapal na concealer na ang nilagay ni Pat, halata pa din kasi ang mga marka sa leeg niya so she decided to wear a sleeveless light pink turtle neck top.Nag- black cardigan muna siya kasi masyadong hapit sa katawan ang top niya. And since half-day lang siya , she chose to wear jeans and naka-wedge siya na itim.

"Mukha kasing magkaka-sore throat ako ma." dahilan niya habang pasimpleng tinignan ng masama si Alex. Bigla itong nag-poker face. Plastik! Pat thought. She knows na sinadya talaga siya nitong lagyan ng lovebites.

Pagsakay nila ng kotse hindi na nakatiis na hindi magsalita si Pat. "Bakit mo ako nilagyan ng hickeys??!"

Alex just shrugged his shoulders as he drove. Sinulyapan lang siya nito. He has a naughty smile on his face.

"I didn't know na magkaka-marka pala. Sorry. I was just carried away." malumanay na sabi nito.

"LIAR!" sumbat ni Pat.

"Okay nga yan para malaman ng iba na hindi ka na available." he grinned.

"Available pa ako dahil hindi naman kita bf!" inis na sabi niya.

He just chuckled. Pat thought na super conceited talaga ang ito. Mukhang ang sarap ngang mag-ninja moves para makatakas siya to be with either Jude or Matt. She also let out a naughty smile as she looks out the window.

Ipinarada ni Alex ang kotse sa tapat ng entrance ng gym. Nakasandal ito sa kotse ni Pat as he waits for her. Kinuha ng dalaga ang gamit sa locker. He got her keys and her stuff from her paglabas niya ng gym. He told her to wait for him para kunin nito ang kotse niya. He parked her car beside his. Umibis siya from her car without turning off the engine. He then opened her door para makasakay siya .He sniffed her hair ng dumaan siya sa harapan nito.

SHIT! She smells wonderful as usual! Alex thought. Kung hindi ito magpipigil , mahahalikan niya si Pat.

Hindi masyadong tinted ang kotse ng dalaga. So kitang -kita niya ito sa loob. He placed his right arm on the roof of her car as he leaned forward on her closed window to look at her. .Nakasimangot na tinignan siya nito before locking her door. Malagkit na malagkit ang tingin ni Alex sa dalaga. Biglang nawala ang ngiti nito ng hubarin ni Pat ang cardigan niya. Her top is clinging to her big boobs and her flat stomach like a second skin. Papasok ito ng opisina na ganito ang suot!

Kinalabog ni Alex ang bintana ng kotse, "PATRICIA!!" galit na tawag nito but Pat blew him a kiss while she smiles at him sexily bago pinaandar ang kotse niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.