Pat felt that someone is watching her. She looked on her left dahil katabi niya si Alex .Hindi naman ito nakatingin sa kanya though holding hands sila sa ilalim ng lamesa. Hawak nito ang kamay niya while nakapatong on his right knee. Iginala niya ang mata. Natigilan siya ng magtama ang mata nila ni Mike. He is seated across Alex. He has his elbows on the table. Nilalaro nito ang bote ng beer na nasa harapan nito. Medyo nakayuko ito pero his eyes are on her. She quickly looked away. OMG! She's having goose bumps. There's something about the way he looks at her that makes her feels a little uncomfortable. As if needing protection, mas isiniksik niya ang katawan kay Alex. Tinignan siya nito with furrowed brows, " Baby, is something wrong?" he asked but she just shook her head.
Kate is explaining the mehanics of the game. Bale paikot sila .Hiwalay ang mga babae sa lalake.Mag-papalit-palit si Anton and Brenda sa pag-ikot ng bote. Pag natapat sa mga babae ang bote, kailangan nilang magpakilala muna bago ang truth or dare. May tatlong bote ng tequila sa tapat ni Kate , lime wedges and a saucer with salt .Ito ang taga-salin sa dalawang shot glass which will be used for the game .Isa para sa mga babae, the other one for the men. Parang gustong mangiwi ni Pat.S he can't imagine drinking from the same shot glass na iinuman din ni Kate. But of course she can't be fussy. Ayaw niyang matawag na maarte.
"Okay let's go to our assigned seats." Kate said.
Nagtayuan na ang lahat.Alex seems hesitant to release her. "Baby.." bulong ni Pat as she looks at him .Mahigpit pa din ang hawak nito sa kamay niya and parang walang balak tumayo.
"Champ!" sigaw ni Anton. "Dito ka! Tabi tayo !"
"Patricia," tawag naman ni Brenda. "Come, sit beside me."
Pat will be seated between Brenda and another woman. Buti naman hindi niya katabi si Kate. Nilingon niya uit si Alex. "Baby?" she called him. She heard him cursed quietly but finally stood up. Hinatid siya nito sa upuan niya. She saw Kate gave him a flirtatious smile ng dumaan sila malapit dito.
Malandi! Sigaw ng utak ni Pat.
Alex kissed her temple before releasing her hand na ikinaasim ng ex nito.
"Champ! Tama na yan! Lika na!" kantyaw ni Anton.
"Upo ka na."Alex told Pat gently. Nang makaupo na si Pat, he slowly walked to his own seat.
When everybody was seated Anton said, "Mag-uumpisa na tayo ha? Walang kj! Madalang lang naman ito. Laro lang! Walang personalan! Let the fun begin!!" hiyaw nito.
Naghiyawan din ang iba while the others whistled. Tahimik lang si Alex.Nakakunot ang noo nito.
"Hi again." plastik na bati ni Brenda .Sinuklian din naman ng plastik na ngiti ni Pat.
"Hello.I am Rose." pakilala ng katabi niyang isa.
"Pat." she genuinely smiled. Asawa yata ito nung nakasalamin na kaklase dati ni Alex. She seems nice.
"Kakakilig naman ang bf mo Pat. He's not taking his eyes off you." she joked.
Napatingin si Pat kay Alex .Nakatitig nga ito sa kanya habang tumutungga ng beer. She felt her cheeks flushed.
Malcon: Uyy! Kinikilig ka 'te! Aminin! Long bangs ka talaga!
"Pero ingat ka kay Kate. Parang kakainin ng buo ang nobyo mo. "bulong nito sa kanya.
Pasimple niyang nilingon si Kate. Katabi ito ni Brenda. Pagkatapos nitong magsalin ng tequila, malandi itong ngumiti sa direksyon ni Alex. Kumulo na naman ang dugo niya .Sa inis niya sabi niya kay Rose, "Madami talagang desperada sa mundo." Tumango naman ang babae.
"O game na ha?!" sabi ni Anton.Inikot nito ang bote. Tahimik ang lahat. Tumapat ito sa asawa ni Rose. Sigawan ang mga katabi nito.Natawa naman si Rose.
"Peter, inom!" sigaw ni Anton matapos ipasa ng mga katabi ang shot glass. Hiyawan ang mga lalake. Pagkainom,tumayo ito.
"Truth or dare?" tanong ni Anton.
"Truth!" sagot nito.
"O sino ang gustong magtanong kay Peter?" tanong ni Anton.
"AKO!" nagtaas ng kamay ang isang payat na lalake. "Peter, totoo ba na nahuli ka na nagmamasturbate sa male's cr ?" nakatawang tanong nito.
Hiyawan ang mga lalake. Natawa naman ang mga babae.
Natawa din si Pat. Napatingin siya kay Alex and ngumiti ito ng matamis sa kanya. Kitang-kita ang dimples. Nagkamot ng ulo si Peter. Naiiling ang asawa nito na katabi ni Pat. Tumango ito at lalong lumakas ang sigawan. Everybody is having a lot of fun. Nag-eenjoy na din si Pat and Alex seems to be more relaxed.
May isang pinahubad ang sapatos para dun ilagay ang iinuming tequila. Merong pinaamin kung naging nobya nito ang PE teacher nila. Si Rose naman tinanong kung ilan ang naging bf bago si Peter. Mukhang na-bad trip nga si Peter kasi sabi daw nito dalawa lang. Sabi ni Rose anim . Kantiyawan to the max after nun. Si Anton naman pinakain ng sili.
'O iikot na ulit!" sabi ni Brenda after nilang magtawanan dahil naiyak si Anton sa dami ng nakaing sili. Tahimik na ulit habang naghihintay kung kanino tatapat ang bibig ng bote. Biglang tumapat ito kay Alex. Nagpalakpakan ang mga lalake. Alex is just poker- faced. He has his arms across his chest habang nakasandal sa upuan. Nakagat ni Pat ang ibabang labi niya.
Sumigaw si Anton, "Champ! Inom!" sabay pinasa ang shot glass so Alex gulped the tequila.
"Dare!" he said as he puts down the glass on the table.
The men hooted. Tinaas ni Kate ang kamay, "Ako ang mag-uutos."she said.
Naningkit ang mata ni Pat habang nakatitig siya sa hadhad.
"Alex, take off your shirt. Then hand it to me." nakangiting sabi nito sa malanding boses.
Nagtayuan ang mga lalake at naghiyawan. "ALEX!"ALEX!"ALEX!"
Pat had the sudden desire to grab Kate by the hair para mailampaso ito sa sahig. Alex's eyes narrowed habang nakatingin kay Kate.
"CHAMP! Hubad na!" sigaw ni Anton habang nagsisipulan ang mga lalake.
"Come on Alex! Be a sport! Pang-itaas lang naman." maarteng sabi ni Kate.
Nakatingin lang si Pat sa lamesa habang akipaglabanan ng titig si Alex kay Kate. Then after a few seconds, tumayo ito at hinubad ang polo shirt. Lalong lumakas ang sigawan. Nagtaas ng tingin si Pat and looked at him. Lantad ang maganda nitong katawan. Tumingin ito sa kanya as if silently saying that he has to do the dare. Pat just nodded at hm slightly. Tumingin siya ng masama kay Kate pero busy ito sa paglalaway sa katawan ni Alex. Pati si Brenda halos lumuwa ang mata.
"Wow Pat! Ang macho ng boyfriend mo!" puri ni Rose.
"Hand me your shirt,Alex." malanding sabi ni Kate which made Pat grit her teeth.
Lumakad si Alex palapit dito then ibinigay ang pang-itaas nito.
"Kate!" tawag ni Anton. "Gaano katagal nakahubad si Alex?"
"Until I give his shirt back." Kate said in her flirtatious tone. There was roaring from the guys bago umupo ulit si Alex. Nang tumahimik na ang lahat, pinaikot ulit ni Brenda ang bote. Tumapat ito kay Pat. Kinabahan siya.Kumunot ang noo ni Alex.
"Introduce yourself then pili ka if truth or dare." sabi ni Brenda.
Tumayo siya. Tahimik ang lahat as they all look at her. "I'm Patricia. I'm Alex's... girlfriend." she said while she has her eyes on him. He is also staring at her. His eyes turned a little molten as she said those words. He likes hearing her say publicly that she is his. His dimples showed as he flashed her his killer smile. Parang tumalon ang puso ni Pat. Ipinasa sa kanya ang shot glass and ininom niya ang laman. May sumipol and yung iba nagpalakpakan.
"Quiet!" sigaw ni Kate .She has a fake smile on her face.
"Truth or dare?" Nakangising tanong nito kay Pat.
Before Pat can answer, Alex thunderous voice said, "TRUTH!" Wala na ang ngiti sa mukha nito.
Napatingin ang lahat dito. Alex doesn't like the idea na may ipapagawa si Kate or kahit sino kay Pat. He has a gut feeling na si Kate ang mag-uutos. Baka kung ano pang ang ipagawa nito. Truth is the lesser of the two evils.
"Champ! Si Pat dapat ang pumili."Kantiyaw ni Anton.
"Oo nga!" segunda ng iba.
Kate has a bitchy smile. Tumayo si Alex. The muscles on his broad chest twitched. Medyo matigas ang expression ng mukha nito. Tumahimik ang lahat.
"Then let me ask her!" he rasped.
Nakatitig si Pat dito. Actually takot naman siyang mag dare .Mukhang may maitim na balak si Kate. Baka paghubarin pa siya nito.
"Baby? Truth or dare?" tanong ni Alex sa kanya with furrowed brows. Nagpapalit-palit ng tingin ang mga naka-upo sa kanila. Mike is not looking but busy gulping down his beer. Nakakarami na nga ito. May tatlong lalaki sa pagitan nila ni Alex. Titig na titig naman si Kate kay Alex.
"Truth." Pat finally said.
Tumango sa kanya si Alex bago umupo ulit.
"I will ask the question!" sabi ni Kate kaya tumiim-bagang si Alex. Napasimangot naman ng konti si Pat. Nag-angat ng ulo si Mike para tignan si Kate. Si Anton tahimik lang.
"Sige Kate! Ask the question!" the man in white shirt said.
Humarap sa kanya si Kate and ngumiti ng ngiting hindi umaabot sa mata.
"Bukod kay Alex ,who do you find attractive among these men here?" she asked.
Hiyawan ang mga lalake. Pat's eyes widened. Alex's expression turned dark.
Kate raised her hand para tumahimik lahat. "There are only three men without girlfriends here. As in literal na single. Walang sabit. One of them is Arthur ,please stand" turo nito sa payat na lalake with receding hairline. Tumayo ito. "Kiko," she pointed to a man with bigger beer belly than Anton ,he also stood up. "Then finally, Mike."she said grinning. Tumayo si Mike while he flashed everyone a smile. Mapungay ang mga mata nito sa dami ng nainom na beer. Kumaway pa ito kunwari sa mga dating kaklase.
Kalampagan ang mga bote sa lamesa habang nagsisigawan ang mga lalake. Nagbubulungan naman ang mga babae.
"WHAT KIND OF A FUCKING QUESTION IS THAT??" galit na tumayo si Alex na ikinatahimik ng lahat.
Bruha talaga ang higad na ito, Pat thought habang nakatingin ng masama kay Kate.
"Pare, laro lang. Chill." sabi ni Mike na nakangisi.
Dali-daling lumapit si Anton kay Alex, "Champ! Relax lang. Lahat naman game eh .Cool lang pare." tapik nito sa balikat ni Alex.
Pat is biting the inside of her lower lip.
"Alex,truth na nga lang eh .Unfair naman sa iba.Mas grabe nga ang pinagawa sa kanila eh." maarteng sabi ni Kate.
Pat knows Alex is furious, "Baby, it's okay. It's just a game." sabi niya. Her eyes are pleading to him na she has to answer the question kaya huwag na itong magalit. Nakakahiya pag nagkagulo .
Tahimik ang lahat. Binulungan ni Anton si Alex. After a few seconds,umupo na ito. Parang nakahinga ng maluwag ang lahat.
"So itutuloy na natin ha?" sigaw ni Kate.
"So sino sa tatlo ang pinaka-type mo if ever hindi kayo ni Alex? Dapat makatotohanan ang sagot."pahabol pa nito.
Nagsigawan ang mga lalake."Si Mike na yan! Si Mike na yan! Si Mike na yan!" na lalong ikinapula na ang leeg ni Alex.
"Sandali!" sigaw ni Pat. Medyo nanahimik ang mga lalake." Bakit iba na ang tanong? You asked who I find attractive aside sa boyfriend ko. Bakit ngayon kung sino ang type ko na?" Pat complained.
"Ganun din yun .Pag pogi para sayo, ibig sabihin type mo din." Kate said.
Hiyawan na naman.
Napapikit na lang ng ilang Segundo si Pat. Ayaw niyang tignan si Alex. Kung pwede lang tatadyakan na niya sa mukha si Kate sa gigil niya. O kaya naman tutusukin niya ng tinidor ang mga pekeng boobs nito.
Ibang klase kasi talaga ang malanding ex ni Alex. Hindi lang kati sa mundo ang sinagap lahat nito..pati kasamaan ng ugali at pagka-tuso. She will make sure na makakapuntos din siya dito sa tamang panahon. Halata naman na gusto nitong magaway sila ni Alex.
She clenched her teeth ng magsalita na naman siya ng babaeng mukhang pokpok.
“Who? Baka naman mapagsaraduhan na tayo bago ka sumagot? “ nakangiti pang tanong nito.
Her eyes are on Kate. She is scared to look at Alex.
She needs to answer para matapos na. Wala naman siyang choice.
Sino pa ba ang sasabihin niya? Hindi naman kapani-paniwala kung si Arthur or si Kiko.
Bahala na, she said to herself.
Sa mahinang boses while her eyes are closed, "Si Mike." She wished walang nakarinig but she bit her bottom lip ng malakas na nagsigawan ang mga lalake.
Napangisi si Mike. Nakanganga naman si Anton.
Ang tamis ng ngiti ni Kate.
"SON OF A BITCH! "dinig niyang mura ni Alex kaya napaungol siya ng mahina. She knows na magkakagulo…