I'm His Destiny Chapter 43

Pagalit na tumayo si Alex na ikinatumba ng upuan nito. Nataranta ang mga lalake. Mukhang susugod ito kay Mike. Hinawakan ito ni Anton sa kanang braso. May dalawa pang pumigil din dito. Sa laki ng katawan ni Alex at sa galit nito, kayang-kaya nitong balyahin kahit apat na katao ang umaawat. Humarang na din ang dalawa pang lalake sa dadaanan nito.

"Namputsa champ! Walang ganyanan! Laro lang pare!" sigaw ni Anton.

Napaupo si Pat without looking at him. Tila nanghihina siya sa takot. While cool na cool lang si Mike.

"Pare,hindi naman ako lalaban sayo. Laro lang naman. Relax lang." nakataas pa ang dalawang kamay nito habang nakangiti.

As expected mukhang tuwang-tuwa si Kate.

"Alex," sabi nung nakaputi," awat na. Nagkakatuwaan lang naman tayo."

It took a little while bago napakalma si Alex . "SHIT!" mahinang mura nito bago ito umupo. Pat and him will talk later.

Kinabahan naman ang mga babae. Akala ng mga ito magkakagulo na talaga.

"Pat, nakakatakot palang magalit ang boyfriend mo." Bulong ni Rose.

Hindi sumagot si Pat. She is staring at her hands na nasa ibabaw ng lamesa. Alam niya lagot siya kay Alex mamaya. Sana maintindihan nito na like him, wala din siyang choice.. Sumasakit na ang ulo niya sa mga nangyayari. Nagsalita si Anton ng kumalma na lahat.

"Para lang fair, tapusin na lang natin yung dalawa pang hindi nakakalaro. Si Mike at si Kate."

Palakpakan ang mga lalake. Sinulyapan ni Pat si Alex. Masamang-masama ang tingin nito sa kanya. Nagbaba siya ulit ng tingin.

"Ladies first. Ako na ang mauuna."sabi ni Kate.

Nag-cheer ang mga lalaki .Alam ng mga ito game na game ito kahit anong ipagawa.

"Masaya to!"sigaw ng isang katabi ni Alex. Sumipol naman ng malakas ang asawa ni Rose.

"Oppss! tahimik muna."sigaw ni Anton. “Tutal last two na naman ito.Itodo na natin ha? Walang killjoy! Enjoyin lang natin!"dagdag pa nito. Nagsisigawan ang lahat pwera kay Pat at Alex.

"Game na ako!" Kate announced.

Nagsalin ito ng tequila sa dalawang shot glass then ininom pareho. The men cheered. They feel na Kate will do something daring.

"DARE!" malanding sigaw nito habang nakatingin kay Alex who is expressionless. Halos hindi naman huminga si Pat.

"Ako ang mag-uutos!" nagtaas ng kamay si Brenda.

Nalukot ang mukha ni Pat. At nagsanib pwersa pa talaga? She thought.

"Pumili ka ng isa sa mga lalaking andito." utos ni Brenda. Kunwari umikot ang mata nito sa mga lalaki. Tumahimik ang lahat. Pat is gritting her teeth. Alam naman niya na si Alex ang pipiliin nito. She threw a glance at Alex. Nakatingin lang ito kay Kate. Blanko ang expression nito. Maybe he also knows that Kate is just playing for time. She would definitely choose him. Then umarte itong kunway si Mike ang ituturo tapos biglang pumihit a little to her left then pointed her fingers to Alex.

"I want Alex." malanding sabi nito.

Hiyawan ang mga lalake. Nakisigaw na din ang mga babae maliban kay Pat at Rose. The bitch meant every word she said. She wants Alex. Nag-iinit na ang mukha ni Pat sa galit.

Rose tapped her hand gently as if saying, cool it. Pat looked at her then ngumiti siya ng tipid.

"Alex!"tawag ni Brenda. "Please come here." Then kinuha nito ang upuan at nilagay sa maliit na stage na nasa gitna ng bar.

Alex remained seated habang nakakunot ang noo. Nagsigawan na naman."ALEX!ALEX!ALEX!" Tinignan nito si Kate who is almost raping him with her stare.

"Champ! Move it! Move it!" hiyaw ni Anton.

Nilipat nito ang tingin kay Pat. Her eyes are narrowed. Then without tearing his gaze from her ,tumayo na ito.

Tuloy pa din ang hiyawan. Pinaupo ito ni Brenda sa upuan. Pinag-krus nito ang dalawang braso sa dibdib which made him look more intimidating sa mga lalake pero saksakan ng yummy para sa mga babae. Lukot na lukot ang magandang mukha ni Pat.

"What's my dare?" maarteng tanong ni Kate.

Everyone is quiet. Alam ng lahat na mag-eenjoy sila kung ano man ang dare na gagawin ni Kate, lalo na si Alex ang involve.

Sinenyasan ni Brenda ang isa sa waiter. Tumango ito. Then tumayo ito tabi ni Alex. "Kate,mag-lap dance ka and Alex will be your customer." nakangiting sabi nito.

As expected, dumagundong ang ingay dahil sa sigawan. Napamura ng mahina si Alex. Tinignan nito si Pat who doesn't have any reaction.

Pat repeatedly said her mantra in her head. Hindi niya pwedeng ipakita kay Kate na apektado siya .She has to show this bitch that she's okay with the whole thing. Basta isang araw babawian niya ang malanding higad na to Super bonggang bawi!

Tumugtog ang Careless Whisper and Kate slowly went to where Alex is , habang malanding sumasayaw.

Palakpakan ang mga lalake habang sumisigaw ng "KATE! ALEX! KATE! ALEX! KATE! ALEX!"

Umikot-ikot ito kay Alex habang pinapagapang ang mga daliri nito sa six-pack ng binata, sa dibdib, sa leeg at sa pisngi. Iniiwas ni Alex ang mukha so ang dibdib at biceps nito ang pinagsamantalahang hawak-hawakan ni Kate habang gumigiling. Tuloy ang hiyawan. Halos hindi na nga marinig ang tugtog.

Feeling ni Pat, manhid na manhid na ang mukha niya kasi pinipigilan niyang igalaw ang facial muscles niya. Malulutong na mura para kay Kate ang paulit-ulit na sinisigaw naman ng utak niya.

Alex looks very uncomfortable. Maya't maya sumusulyap ito kay Pat who still looks expressionless. He knows that she is fuming inside. Tinignan ni Alex ng masama si Kate ng umupo ito sa kandungan nito while she wrapped her arms around his nape. She is smiling seductively at him.

Pat has to look away. Parang hindi na niya kayang tignan ang ginagawa ni Kate .Kung hindi lang mahahalata na super affected siya, she will walk out. She took a deep breath then ibinalik niya ang mga mata sa kung nasaan si Alex. She saw that his face looks grim. Alam niya he doesn't like what's happening too.

"Miss na miss na kita." malanding sabi ni Kate kay Alex. Halos magkadikit na ang mukha nila. Alex is trying to avoid looking at her. Ipinilig nito ang ulo sa kaliwa but Kate took hold of his chin and hinarap ang guwapo nitong mukha sa kanya.

While gritting his teeth, Alex said ,"Stop it Kate!"

Lalo pa itong ngumiti. "But I do miss you. You look and feel yummier now." she said huskily then dinilaan nito ang labi ni Alex before kissing him on the mouth. Lalong lumakas ang sigawan.

Pat put her hand on her mouth. OMG! The bitch is kissing Alex.

Napamura si Anton while Mike sneered.

Alex was caught off guard kaya hindi na naman siya agad naka-kilos. Kate coaxed his mouth to open. He took hold of her shoulders and pushed her away from him ng makabawi ito sa gulat.

"TAMA NA!" he shouted as he stood up. He wiped his mouth with the back of his hand. His eyes are spitting fire.

May pilyang ngiti pa din si Kate. "As I expected, you also taste even better."

Matalim lang itng tinignan ni Alex before he looked at where Pat is. She looks pale.

"SHIT!" mura nito before heading where Kate's seat is to get his shirt. Nakapatong ito sa ibabaw ng bag ng babae.

Medyo tumahimik pero nagbubulungan lahat ng naka-saksi.

Alex put on his shirt habang naglalakad papunta kay Pat. Napamura na naman ito ng mahina ng makalapit sa dalaga. Mukhang shocked pa din ito sa nangyari. She is as white as a sheet. He took hold of her handpara itayo. .Her hands are very cold and they are trembling .Ikinulong nito ang mukha ng dalaga sa mga kamay then raised her face so their eyes will meet.

"Baby,are you okay?" alalang tanong nito. Bigla itong lumingon sa kaliwa, "Give me a glass of water!" he shouted bago ibinalik ulit ang mata kay Pat.

Pat knows that she has to compose herself .Sila na ang center of attraction .She doesn't want to give Kate the satisfaction that she succeeded in upsetting and pissing her. She recited her mantra inside her head again, Cool it! Don’t lose it or you’ll regret it!

"Pare,tubig!" Anton said from behind Alex. Kinuha ni Alex ang baso at pinainom si Pat. She took one sip then she touched Alex's hands na nakahawak sa mukha niya.

"Baby, do you want to go home?" tanong ng binata. He looks really worried.

Pat said, "No .Okay lang ako .I think the tequila kicked me," sabay tumawa siya ng mahina.

Kumunot ang noo ni Alex. "Are you sure na okay ka lang?" paninigurado nito.

"I am sure." she said.

Ikinulong siya ni Alex sa bisig nito. He wants to kiss her but alam nito she wouldn’t want to cause Kate kissed him.

Inilayo nito ng konti si Pat from him then said, "We'll talk later okay? "bulong nito as he looks into her eyes again. She nodded.

"Ano pare? Okay naman ang kumander mo. Tuloy na natin? Last na naman eh." Anton said.

"Oo tuloy na natin." Pat said smiling sweetly.

Kahit masama pa din ang loob niya, kailangan tapusin nila ang get-together. Madami pa naman ang pagkakataon kung saan pwede niyang gantihan si Kate. Ang galit niya dito palaki ng palaki. Baka bago matapos ang gabi, sumabog na lang siya. Kapag nangyari yun, sorry na lang ito. Kahit na mas matangkad ito sa kanya, she will be able to hurt the other woman physically. She can face anyone at kahit hindi siya sanay sa cat fights..magsasanay na siya. Tama si Malcon. There are oceans of women who are ready to spread their legs for Alex. Hindi niya hahayaan yun. If Alex will hit any man who wants her, she can also injure any woman who will take him from her. Lalabas ang tapang niya. Lahat naman ng maliit nakakapuwing..parang siya.

Walang nakapansin na nagtinginan si Kate at Mike. They are sending each other a silent message. They both know na ito na yung moment na pinakakahintay ng mga ito.

Mike smirked when Kate nodded.

Nangiti din si Kate ."The best is yet to come...." bulong nito na sumulyap kay Alex bag okay Pat tumingin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.