I'm His Destiny Chapter 44

Alex frowned," Sigurado ka na gusto mong tapusin? We can go whenever we want."

Sinulyapan ni Pat si Anton, parang nakikiusap ang mga mata nito na tapusin na nila. Binalik niya ang tingin kay Alex.

"It's okay baby. Sandali na lang naman .Don't worry about me .Nakakahiya sa mga kaibigan mo." she said gently.

Tumuwid ng tayo si Alex and sighed. "Okay if that's what you want." He took her hand then led her to their seats.

"Tuloy na natin ang laro!" hiyaw ni Anton. Nagpalakpakan lahat.

Lahat ng daanan nila tinapik sa balikat si Alex na parang nagpapasalamat sila na tatapusin ang party. Tumango lang si Alex.

Nang umupo na ang lahat, pumunta si Anton sa stage.

"Guys, presenting..ang huling maglalaro ngayong gabi..ang manyakis ng batch natin..." nakatawang sabi ni Anton kaya nagsigawan ang mga lalake. "..mali pala..ang lover boy ng bayan..si MIKE!!"

Lalong lumakas ang ingay. Tumayo si Mike and nag -bow pa sa mga tao tapos kumaway. Hawig nito si Sid Lucero.

"Sorry ka na lang champ, taken ka na .Kaya kay Mike na ang trono." biro ni Anton as he looks at Alex. Nagtawanan at naghiyawan ang mga lalake . Nakatingin lang si Alex. He is poker-faced.

Sinulyapan ito ni Pat at tumingin din ito sa kanya. She felt she can't hold the stare so ibinalik niya ang mga mata sa stage .Naramdaman niya na hinigpitan ni Alex ang hawak sa kamay niya.

"Since ikaw ang huli,espesyal dapat." kinuha ni Anton ang tequila bottle na may halos 1/4 pang laman. "Kailangang tunggain mo lahat to!" utos ni Anton.

Sigawan na naman. " Bottoms up! Bottoms up! Bottoms up!"

Kunwari nagkakamot ng ulo si Mike. Kinuha nito ang bote kay Anton then raised the bottle to everyone to make a toast. "Kanpai!" sigaw nito then gulped down the booze. Everyone cheered nang masaid nito ang laman. He wiped his mouth with the back of his hand.

"Okay game na! Truth or dare?" tanong ni Anton.

"Dare!" sigaw ni Mike.

"Ako ang magsasabi ng dare mo!" sigaw ni Arthur.

"Aprub!" nag thumbs up sign si Mike.

"Ihilera ang lahat ng babae." sabi nito tapos iginala ang mata sa lahat, "mga 'tol walang pikunan ha? Lahat ng asawa at girlfriend kasali. I hope ayos lang. All for the spirit of fun!" sigaw nito.

Sumang-ayon naman ang lahat but Alex doesn't look pleased.

"Pare katuwaan lang. Kahit asawa ko sasali." sabi ng katabi nito na naka-puti. Sabay tapik sa balikat nito.

"The women will fall in line in front. Pipili si Mike kung sino ang pinaka-type niya."sigaw ni Arthur. Lalong dumilim ang mukha ni Alex and lalo pang humigpit ang hawak sa kamay niya. Pat looked at him. He looks scary.

"He will give the woman of his choosing a rose then he will dance with her ."

"GO MIKE GO! GO MIKE GO!" sigaw ng mga lalake while the women giggle .Pat is just quiet. She knows hindi sang-ayon si Alex but wala itong choice. Anyway huli na naman ito.

"Okay ladies ,please form a line! Let's do this ! Bawal ang pikon sa mga lalake ha? "Anton shouted sabay tanaw kay Alex and nag peace sign. The men laughed. Nag-umpisa ng magtayuan ang mga babae.

"Baby?" mahinang tawag ni Pat, she tried to get her hand back from Alex's grip. For a few seconds, Alex didn't move. He is just staring at the women falling in line. Si Pat na lang ang wala.

Then he transferred his gaze at her, "Subukan lang ni Mike na piliin k a,I will punch him till he bleeds." gigil na sabi nito.

Nakagat ni Pat ang lower lip niya. She muttered a silent prayer that Mike won't pick her.

"Champ! Pahiram muna sa kumander mo!" sigaw ni Anton.

Alex glared at Mike na nakatayo sa left side ng linya ng mga babae .Nakatingin din ito sa kanila pero walang expression ang mukha. Makalipas ang ilang segundo, Alex finally released her hand .Tumayo si Pat then walked to where the women are. Nasa sampu silang lahat .She slightly frowned ng ipwesto siya ni Brenda between Kate and a tall and pretty woman. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na kulay blonde. Kate didn't say anything. She just looked daggers at her but Pat just ignored her. She has more class than the bitch. Hindi niya ito papatulan ngayon but someday….

"Hello. Pat right? I'm Andrea .Fiancee ni Oliver." Itinuro nito ang isang matangkad at may hitsurang lalake.

"Yes it's Pat. Nice to meet you Andrea." nginitian niya ito.

Bigla itong yumuko ng konti ang bumulong kay Pat "Ang pogi ni Mike. I wouldn't mind if he selects me." she giggles.

Gumanti na lang din siya ng ngiti. Ayaw niyang tumingin kay Alex. She has a gut feeling that he is staring at her.

"Okay! Magsisimula na tayo .Isa-isa munang magpapakilala ang mga babae.T apos sabihin niyo ang gusto niyong kanta .If Mike will choose you, you will dance together sa music na napili niyo." announced Anton.

"May suggestion ako!" sigaw ni Kiko. "Para mas okay.I-blindfold ang mga babae!"

Sumangayon naman ang mga lalake.

"Okay! Nice idea yun! Para mas exciting!" Anton agreed."Yung mga asawa or boyfriend ng magagandang mga dilag dito, please paki-blindfold using your handkerchiefs."

The men came on the stage to blindfold the women. Since walang date si Kate at Brenda, si Mike ang nag-blindfold sa pinsan and si Anton kay Kate. Pat saw Alex reluctantly stood up then head towards the stage while he gets his hankie from his pocket. He is gazing at her. Kunot ang noo nito. After he blindfolded her, he lightly touched her back and whispered in her ear, "I really hope he will not choose you, if he will..steel yourself baby.."

Lalong kinabahan si Pat sa sinabi nito. He is dead serious. She really wished that Mike will not do anything to break their friendship.

"Ready na I will tap your shoulders lightly para alam niyo na if it's your turn. Please introduce yourself then say the song you like." they heard Anton said.

Isa-isa silang nagpakilala. Pat felt Anton's hand on her shoulder so she said, "I am Patricia. Love Me Like You Do by Ellie Goulding."

After her may apat pang nag-salita.

(Alex)

Titig na titig siya kay Pat bago inilipat ang tingin kay Mike. Tahimik lang ito sa isang tabi. Naka-krus ang mga braso nito sa dibdib. Hindi makita ni Alex ang mukha nito dahil nakatagilid sa kanya. They are of the same height. Mike has muscles too but not as hunky as him. .The latter knows na kayang-kaya niya itong itumba.

Highschool pa lang sila nabanggit na dati ni Anton sa kanya na naiinggit daw si Mike sa kanya. Kahit kasi suplado at mahiyain siya, mas madami ang nagkakagusto sa kanya. May hitsura si Mike pero nayayabangan ang mga babae dito. Hindi sineryoso ni Alex ang sinabi ni Anton. Masaya naman kasing kasama si Mike and palaging game sa gimikan kaya naging barkada nila ni Anton. He was a little surprised nung sinabi ni Anton na pinatos nito si Kate nung hiwalay na sila .But ngayong nakita na niya ulit ang babae, hindi na siya magtataka . She has changed a lot. He can't see any trace of the old Kate he liked. Like lang cause he was never serious back then. Napaka-bata pa nila. It was teen's hormones kaya may nangyari sa kanila. Wala naman sa kanya kung nagka-relasyon man ang dalawa dati. They may still be fucking each other until now but he doesn't care .Pero ibang usapan na pag tungkol kay Pat. Magkakagulo talaga sila. Kahit pa masira ang pagkakaibigan nila wala siyang pakialam.

"Umpisahan na natin!" sigaw ng isa sa mga lalake.

"Mike, iabot mo ang rose na to sa gusto mo." instructed Anton.

Alex is watching Mike as he walks slowly. Isa-isa nitong nilapitan ang mga babae. He is taking his time looking at them one by one. Nung tumapat ito kay Pat, Alex held his breath and clenched his fists. Medyo nakahinga lang siya ng konti nung lumipat ito sa katabi ni Pat na nobya ni Oliver. Kung siya naman ang masusunod kasi, ayaw nyang magkagulo ngayon. Madalang na lang ang ganitong reunion nila. But once na may gawin ito regarding his Patricia, wala na siyang pakialam if their get-together will be ruined. He leaned on his seat to relax pero bigla siyang napamura at napatayo ng bigla na lang binalikan si Pat ni Mike then hinalikan sa labi.

Nagulat si Pat. Naramdaman niya na ikinulong ni Mike ang mukha niya sa mga kamay nito then kissed her. Since she was very surprised, she had her mouth a little open. Sinamantala naman ito ni Mike. Pat felt his tongue inside her mouth. Napaigtad siya when bigla na lang niyang narinig ang dumagundong na galit na galit na boses ni Alex.

"YOU FUCKING SON OF A BITCH! “ mura nito.

"Shit! " gulat na sabi ni Anton. Tumakbo ito para ilayo si Pat ng makita nitong sumusugod si Alex. Pulang-pula ang mukha nito at mukhang papatay papatay ng tao.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.