Pagpasok nila ng gate ni Jude," Jude thank you sa paghatid mo sa akin." Pat said while she gives him her sweet smile.
Tumango ito and ang tamis din nang ngiti nito sa dalaga. " It's my pleasure. Kahit araw-araw kung gusto mo,a ko na ang maghahatid sayo pauwi." he offered.
"No, that would be too much." she shook her head from side to side.
"Patrice, I am serious about what I said. And hinatid kita ngayon kasi gusto ko ding makilala ang family mo."
"Pat!" tawag ng ate niya.Nakatayo ito sa front door.
Lumingon siya then kumaway dito tapos tinignan ulit si Jude.
"Tara sa loob?" aya niya.
Nakangiting tumango ang binata.
Pagpasok ni Pat nagulat siya ng makita na nasa sala si Alex.
Hindi naman niya inexpect na seseryosohin nito ang sinabi niya na mauna na ito. Akala niya dahil hindi naman siya kasama, hindi na ito tutuloy sa kanila. Napansin din niya na mukhang galit ito. Hindi ito nakasandal sa sofa .Nakapatong ang mga siko sa mga tuhod nito while his palms are locked together. He is looking at her and Jude darkly. Para bang anytime tatayo ito at magwawala.
"Pat!" bati ng mama niya .Nakangiti ito sa kanila ni Jude pero parang medyo worried ang expression.
"Awkward...." komento ng kuya Allan niya habang umiiling. He looked at Alex then sa kanila ni Jude.
Nagbaba ng tingin si Alex. He is looking on the floor now. Nakatiim-bagang ito and Pat noticed that he is clenching his fists.
It was Jude who broke the ice. He came forward to shake the hand of Pat's mother.
"Good evening po Mrs.Sandoval. I am Jude Ocampo. Kumusta po kayo?" magalang na bati nito sa ina niya.
Her mom shook Jude's hand and said, " Nice to meet you Jude. I am well, thanks."
"Ah..Jude, I would like you to meet my ate Lena," sabi ni Pat sabay turo sa ate niya.
Lena came forward to shake hands with Jude She threw her a knowing smile. Alam niya paborito nito ang aktor na si Dennis Trillo.
"My kuya Allan." Turo naman sa kuya niya na kumaway sa binata and Jude did the same.
Pat looked at Alex.Hindi pa din ito kumikilos.
"And that's Alex..err... a friend." Pakilala niya.
She was expecting Alex to look up and say hi but instead, tumayo ito at sinabi ,"Tita Cora,mauuna na po ako."
"Ha? Ang usapan dito ka maghahapunan di ba?" Gulat na tanong ni Mrs. Sandoval bago ito lumapit sa binata.
"Oo nga naman bayaw. Bakit ka aalis?" tanong naman ng kuya Allan niya.
Pat thought, "BAYAW??" she frowned. At bakit bayaw ang tawag ng kuya niya kay Alex ? Andito pa naman si Jude!
Naman,naman!
Jude was just silent as he listens and watches.
"May pupuntahan nga po pala ako. Hindi bale next time na lang po." sabi ni Alex.
"Alex,sayang naman ang pagod mo sa pagtulong sa pagluluto. Huwag ka ng umalis." pilit ni Mrs.Sandoval.
Hindi na ito kumibo. Tumango ito then umupo ulit pagkatapos ngumiti ng tipid sa mama ni Pat.
Biglang lumingon si Mrs.Sandoval kina Pat and out of good manners she said, "Jude dito ka na din mag-hapunan."
Tumuwid ng upo si Alex ng marinig ang sinabi ng ina ni Pat.
Ngumiti si Jude, "Mam, thank you po. Pero hinihintay po ako ng kapatid ko. Susunduin ko po sa university niya." he politely refused.
Ewan ni Pat if nahalata ni Jude that her mother looked relieved.
Nagpaalam ang binatang arkitekto sa ina at mga kapatid niya pero si Alex hindi pa din nakatingin sa kanila,
Paglabas nila sa garahe, Jude said, " You have a nice family."
"Salamat." Pat smiled at him.
"Asawa ba ng ate mo yung Alex?" he asked curiously.
Nagulat siya sa tanong nito. She bit her lower lip. Hindi." maiksing sagot niya.
"Bakit bayaw ang tawag ng kuya ko sa kanya?" naka-kunot ang noong tanong ni Jude.
"Naku, ganun lang si kuya,p alabiro. Don't mind him." Pat let out a soft laugh.
Jude stopped walking then looked at her. "So,karibal ko pala?" he asked. May tipid na ngiti sa labi ang binata.
Hindi alam ni Pat ang sasabihin.
"Hmmm..what if I accept your mother's offer na dito na lang din ako mag-hapunan?" Jude seems to be thinking carefully.
Pat eyes widened.S he didn't expect Jude to say that.
She was about to retort when he said, " Biro lang." sabay ngiti sa kanya. "I don't want you to feel uncomfortable. Sa susunod na lang. Tsaka baka sumakit ang tiyan ko. Tumulong pala ang karibal ko sa pagluluto eh." he joked.
She almost let out a sigh of relief. Natawa siya ng mahina." Thanks for understanding, Jude." She said and he just smiled.
***
Kakatapos nilang mag-hapunan and nasa sala silang apat. Nasa kusina pa ang mama niya kasama si Inday. Ang ate Lena niya nakaupo sa long sofa and katabi nito ang kuya Allan niya.
Alex is sitting across Pat. Nakaupo sila sa one-seater sa magkabilang dulo ng center table. Halos hindi matignan ni Pat si Alex. Mula pa kanina sa dining room, she felt a little nervous seeing his black stare. Magalang pa din naman ito lalo sa mama niya. Nakipagbiruan din paminsan-minsan sa kuya at ate niya. But she knows na galit sa kanya ito. She didn't intentionally accept Jude's offer to take her home to spite him. Hindi naman talaga niya naisip na andito ang binata for dinner.
Halos hindi inaalis ni Alex ang mga mata sa kanya. Conscious na conscious na siya.
"Taba!" tawag ng kuya niya.
"O?" padabog na sagot ni Pat.She is worried sa ihihirit ng kapatid.
"Sino yung kasama mo kanina? Bagong manliligaw mo?"
Pat played with her fingers. Kung hindi nga lang masamang magtakwil ng kapatid, di sana ginawa na niya. Pahamak talaga ang kuya niya.
She feels na she's in the hot seat.
"Talagang yan ang tanong mo kuya? Pwedeng next question?" inis na tanong niya habang masama ang tingin sa kapatid.
"O sige next question , boyfriend mo ba yung kanina?" tanong nito.
"KUYA!" gulat na sambit niya.
Dios mio! Lalong lumala ang tanong ng kapatid niya.
"Bakit parang hirap ka na sagutin ang tanong ng kuya mo?" Alex suddenly asked in a dangerous tone. He is staring at her.
She tried to hold his stare. Bakit nga pala siya natatakot dito? Hindi naman sila eh .Pero narinig na naman niya ang malditang boses sa utak niya, “Kasi alam mo kung paano magalit si Alex.At alam mo ang kaya niyang gawin.Isa pa kahit pilit mong itinatago,meron ka pa din nararamdaman for him."
Pat scolded her own thoughts . Oo! May nararamdaman pa din ako sa kanya. Galit at sama ng loob!
"We're waiting for your answer Patricia." Alex said.
Nag-ipon ng lakas ng loob si Pat, “Gusto niyo ba talagang malaman? " she challenged Alex. She jutted out her chin.
Tahimik ang ate at kuya niya na palipat-lipat ang tingin sa kanila.
"Hindi ko pa nobyo si Jude dahil manliligaw pa lang siya." she said with triumph in her voice. Tignan niya lang kung anong masasabi ni Alex sa revelation niya.
Nanlaki ang mata niya ng makitang lalong dumilim ang mukha nto. His breathing became shallow pero hindi ito nagsalita.
Nakakabingi ang katahimikan.
"Ahhh..ehhh..tara sa labas Allan! May papakita ako sa garden." aya ni Lena kay Allan sabay tumayo ito.
"Mamaya na 'te Lena, ang ganda ng usapan dito eh." sabi ni Allan habang nakasandal sa sofa.
Hinila ito ni Lena, " Halika na sabi eh!"
"Sige Alex, labas lang kami." sabi nito kay Alex .Pero parang walang narinig ang binata. Ang sama ng tingin kay Pat at kunot na kunot ang noo.
Medyo ngumiwi si Lena ng makita ang mukha ni Alex. Lumingon itosa kanya, "Pat, goodluck!" sabi nito bago