I'm His Destiny Chapter 9

"Nananadya ka ba talaga?" Alex questioned her. His eyes are very cold.

Pinatapang ni Pat ang expression niya though she's uneasy inside ."W-What are you saying?"

"I made it clear na susunduin kita! You said you'll text me when I asked you what time. I thought na maayos kang kausap so nung hindi ka nagtext, I went all the way from Makati to your office. Ginawa mo akong tanga dahil hindi mo sinabi na aalis ka! Alam mong may usapan tayo! Then I called you pero ni-reject mo ang tawag ko! When you finally took my call, wala kang sinagot na matino sa mga tanong ko! May sasabihin pa ako dapat pero binabaan mo naman ako ng telepono! Tapos ngayon uuwi ka may kasama ka pang lalake? Kailan mo nakilala ang lalaking yun?" he asked in a clipped tone.

She is still lucky na nandito sila sa bahay nila dahil kung hindi ewan niya kung ano ang gagawin ni Alex sa kanya. He looks menacing. Sapul lahat sa puso ang mga sinabi nito. Hindi naman niya naisip na ganito kalakas ang impact ng nangyari kanina. She knows she's at fault.

"T-Two days ago." mahinang sagot niya. She looked away. Hindi na niya matagalan tignan ang mga nag-aakusang mata ng binata.

Akala niya tatayo si Alex but he remained seated. Yumuko ito and covered his face with his hands.

He stayed like that for a few seconds then biglang ipinatong nito ang mga kamay on his nape for several seconds bago inangat bigla ang mukha to look angrily at her, "FUCK IT!" madiin na mura nito.

Nagulat si Pat.Napasandal siya sa upuan niya. Alex's face is red.

"Dalawang araw mo pa lang na kilala nagpahatid ka na? And you look so at ease with him? Pag ako ang kasama mo parang galit na galit ka na hindi ko maintindihan? Kung iwasan mo ako para akong may contagious disease? Nag-apologize na ako sayo kung may nagawa man akong kasalanan at sabi mo okay na! Pero ramdam ko hindi pa kasi ginagago mo ko!"mahina pero galit na galit na sabi nito. Tumayo ito bigla.

Pat sat there looking shocked. Hindi niya alam kung magsasalita siya o hindi. Alex is furious.

"O bat kayo lang ang andito?Asan yung dalawa?" tanong ng mama niya na kakapasok sa sala.

"Tita Cora, salamat po sa dinner. Magpapaalam na po ako." magalang na sabi ni Alex bago lumabas.

***

Pulang-pula na ang mata ni Pat sa kakaiyak. Pag-alis ni Alex kanina, bago pa siya tanungin ng mama niya, mabilis siyang nag-paalam na aakyat na siya sa kwarto. Hindi niya maintidihan ang naramdaman niya ng makita na galit na galit si Alex. Hindi na siya magtataka kung sa galit ng binata sa kanya, hindi na ito bumalik.

Pero di ba yun naman ang gusto niya? Di ba she wants Alex to leave her alone because she doesn't want him in her life? So ano ang nagyayari sa kanya?

***

Walang maisip na puntahan si Alex kung hindi si Jake at Shelly. Nakaupo sila sa garden set na malapit sa swimming pool.

Awang-awa si Shelly sa hitsura nito. Mukhang malakas talaga ang tama nito sa kaibigan niya.

"Pare, seryoso ka ba talaga kay Pat?" tanong ni Jake.

Nakayuko si Alex habang sapo ng mga kamay nito ang noo. Bigla itong nag-angat ng mukha para tignan si Jake.

Jake sighed. "Hindi mo na kailangan sumagot. Alam ko na."

"Nung unang beses pa lang naming magkita ulit, nahirapan na akong mag-sorry sa kanya. Parang hindi naman niya totoong tinanggap ang sorry ko." malungkot na sabi ni Alex.

"Pare, di ba sabi ko naman sayo habaan mo ang pasensiya mo kasi iba na ngayon eh. "paalala ni Jake.

"Alam ko pare. Pero ang sakit lang talaga eh." yumuko na naman ito habang nasa batok ang mga kamay.

"Alex, kahapon pa lang naman kayo nagkita ulit ni Pat eh. Sumusuko ka na?" tanong ni Shelly.Jake took her hand and squeezed it.

Dumiretso ng upo si Alex then kinuha ang beer na nasa lamesa. He gulped some of it. "Para kasing balewala sa kanya ang pinagsamahan namin dati." he said bitterly.

"Yan ba talaga ang ikinagagalit mo? Kasi pare sa tingin ko galit na galit ka dahil nakita mo ang mga karibal mo eh. Di ba sabi ko din sayo na madaming nagkakagusto kay Pat? " kunot noong tanong ni Jake.

Binaba ni Alex ang bote then tumingin ito sa pool.

"Bakit hindi mo subukang kausapin ng maayos si Pat? Sabihin mo ang gusto mo. Kung liligawan mo siya, then tell her." Shelly suggested.

"Sa mama at mga kapatid niya nasabi ko na kanina."

"Yun naman pala pare eh. So maganda niyan sabihin mo din kay Pat." segunda ni Jake sa sinabi ng asawa.

Tumayo si Shelly. "Kung talagang seryoso ka kay Pat Alex, pwede kitang tulungan. Kakausapin ko din siya. O sige iiwan ko na kayo para makapag-usap kayo ng maayos." sabi ni Shelly. Then she touched Jake's shoulder, "Babe,matinong advice ang ibigay mo kay Alex ha? Baka turuan mo ng mga style na gaya ng ginawa mo sa akin." Naiiling na sabi nito.

Jake chuckled then kissed her palm. "Babe. effective naman di ba? Kita mo ngayon, Mrs.Herrera ka na, kaya wala ka ng kawala." biro nito sa asawa na ikinatawa ni Alex.

"Naku babe, ewan ko sayo! Isa pa wala ka din namang alam sa panliligaw dahil hindi ka naman nanligaw remember? Basta yung makakaayos sa kanila ang i-advise mo at huwag kalokohan." she said firmly, then tinignan nito si Alex. "Alex ,huwag masyadong iinom magdi-drive ka pa. Baka lalo mo ng hindi makasama si Pat pag nag-drive ka ng lasing. Dami pa namang umaaligid sa kanya." she joked before going back to the house.

***

"Pat." tawag ni Lena.Kumatok ito ng mahina then pumasok sa kwarto ng kapatid.

Medyo madilim ang loob. Night-light lang ang ilaw na nakabukas. She is on the bed. Alam ni Lena na gising ito dahil naririnig niya ang mahina nitong hikbi.

"Pat." she called again. Ini-on nito ang lampshade na malapit sa kama. She sat on the side of the bed then tinapik ng mahina ang kapatid sa balikat. Nakatalikod ito sa kanya. She is lying on her side.

"Gusto mo ng kausap?" tanong nito . Dahan-dahang umupo si Pat.

Lena's heart melted ng makita niya na mugtong-mugto ang mata ng kapatid. Sumubsob ito sa balikat niya and she hugged her.

"Ate.." iyak nito.

Inalo niya ang kapatid habang hinimas-himas ang likod nito. "Sige Pat,iiyak mo lang para gumaan ang pakiramdam mo."

Ito ang unang pagkakataon na mag-uusap sila ng ganito. Si Shelly ang palaging sinasabihan niya ng problema dati. Pero ngayon na may asawa't anak na ito, si Pat na mismo ang umiwas na palagi itong istorbohin. Maganda din naman ang nangyari kasi mas napalapit silang mag-kapatid sa isa't-isa.

"Alam mo ba na nagpaalam si Alex kay mama at sa amin ni Allan na liligawan ka niya?" Lena informed Pat.

Nang marinig yun, umupo siya ng deretso then looked at her sister ."Kailan?"

"Kanina.Nung bago kayo dumating ni Jude. Pat, mukhang seryoso sayo si Alex."

Umiling siya. "Ewan ko ate. Kung hindi naman nagbago ang hitsura ko hindi naman ako magugustuhan ni Alex."

"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ng ate niya.

"Ate,ang guwapo ni Alex. Hindi siya magkakagusto sa dating ako. Si Shelly ang dating gustong-gusto niya. Kung hindi nabuntis si bestie ni Jake, hindi naman titigil si Alex sa panunuyo sa kanya eh." she said bitterly.

"Nagseselos ka ba kay Shelly?" Lena asked while frowning.

Natigilan si Pat. Come to think of it, she sounded jealous of her bestfriend based on what she just said.

"Ate, wala akong tampo or galit kay Shelly. Kasi hindi naman niya kasalanan na nagkagusto sa kanya si Alex eh .Kay Alex ako naiinis." she said honestly.

"Mahal mo si Alex no?" deretsahang tanong ng ate niya.

"Hindi ko alam ate. Naguguluhan ako .Basta naaalala ko yung sama ng loob ko nung umalis siya. Noon ko naramdaman na wala akong halaga sa kaniya kahit nga kaibigan lang. It was all about him and his great desire na maagaw si Shelly kay Jake. Nagagalit din ako sa sarili ko kasi nagpagamit ako sa kanya. Ilang beses kong nilagay sa kapahamakan ang kaibigan ko at ang relasyon niya kay Jake. Alex is a selfish man. Basta gusto niya gagawin niya kahit makasakit pa siya."

"Di ba siya ang nagligtas kay Shelly? So hindi siya masamang tao Pat. Nabulagan lang siya ng pagkakagusto niya dati sa kaibigan mo." paliwanag ng ate niya.

"Basta ate hindi ko pa din makalimutan kung gaano kasakit. At ayaw kong maging panakip-butas lang." mapait na amin niya.

"Kaya mo siyang tikisin? Ako sa tingin ko seryoso talaga siya sayo. So pag nanligaw siya sayo,may pag-asa ba?" Lena wants to know.

"Sa inis at sama ng loob ko sa kanya ate, wala siyang maasahan sa akin." Pat said truthfully.

"Paano kung hindi siya tumigil? He's the type of guy na ramdam ko na hindi madaling sumuko."

"Then magboboyfriend na ako para tumigil na siya." She said na ikinakunot ng noo ng kapatid.

Umiling pa ito and said, “ Minsan kasi Pat, mas maganda na kalimutan mo na lang lahat ng naramdaman mo na sakit dati. Move on. Hindi din naman siguro sinasadya ni Alex na balewalain ka. May mga nangyayari lang talaga sa buhay natin akala natin walang maidudulot na mabuti sa atin pero soon marerealize natin na isa lang yung daan para mas gumanda ang hinaharap. Aminin mo man o hindi..siya ang dahilan kaya mo inayos ang sarili mo. Baka naman this time..ito na yun talaga. Give him a chance…give yourself a chance sis. “ nakangiting sabi ni Lena.

Nakagat ni Pat ang ibabang labi. “Ewan ko ate….”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.