Naalimpungatan na lang ako dahil sa sakit ng aking katawan, parang sasabog na ang aking utak sa sobrang sakit. Mas lalo kong siniil ang aking ulo sa malambot na unan at napangiwi na lang dahil sa pagbaluktot ko ng aking katawan dahil sa sobrang lamig at sakit.
Unti-unti na sana akong makakatulog nang makaramdam ako ng kakaiba. Parang may mali. Rinig ko ang bawat yabag na nagmumula sa aking likuran. Doon ko lang din unti-unting nasilayan ang aking katawan sa loob ng makapal na kumot.
Mabilis na kumalabog ang aking puso at nawala ang aking antok. Ni hindi ako makagalaw sa nakikita ko, wala akong damit, wala akong saplot, ang tanging harang lang sa aking katawan ay ang makapal na kumot.
Sa sobrang takot at kaba na akong nararamdaman ay namasa na lang ang aking mga mata, natatakot akong lumabas sa kumot at hindi ko pa rin alam na baka nananaginip lang ako.
Unti-unti akong bumangon at nanginginig ang aking mga kamay na nakahawak sa kumot, isiniksik ko ang aking sarili sa dulo ng kama at tinitingnan nang maiigi ang kwarto, mas lalo pang luminaw ang nakikita ko nang alisin ko ang aking mga buhok na nakaharang sa aking mukha.
Kusang akong nanlumo. Unti-unti kong naikuyom ang aking mga kamay ay buong pagtatakang tiningnan ang lalaking nakatayo, titig na titig sa akin at kitang-kita ko ang pangingintab sa mga mata nito.
Sa lahat ng taong pinakatiwalaan ko, bakit siya?
"Z-Zeren—"
"H-H'wag lang lalapit, lumayo ka sa akin," nanginginig kong saad.
Magulo ang ayos nito at unti-unting lumalapit sa akin. Mabilis kong tiningnan ang aking paligid at nakita ang isang flower vase. Nandidilim ang paningin kong kinuha iyon at saka itinutok sa kaniya.
"M-Magpapaliwang ako, Ren. Hindi ko alam ang mga nangyari—"
"Sinungaling! Sinungaling ka! Lumayo ka sa 'kin, Fred! Hindi ako magdadalawang isip na ibato 'to, sa 'yo. L-Layuan mo ako," pagmamakaawa ko.
Unti-unti itong lumayo sa akin at kitang-kita ko ang pamumutla ng mga tenga niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, naghahalong sakit, galit at takot ang nangingibabaw sa akin. Paanong nagawa niya ang bagay na ito sa akin? I trust him. Tito trust him.
Itinapis ko agad ang kumot sa aking katawan, kahit na nanghihina ay pinilit kong tumayo, kahit na nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha, ay pinilit ko pa rin.
"Maniwala ka sa akin, Zeren. H-Hindi ko alam. Wala akong alam. N-Nagising na lang ako na katabi ka—”
"What are you trying to say?! I knew what happened? I drunk last night! And you! You abused me! You had a chanced to did this while I'm drunk! H-How dare you?!" mangiyak-ngiyak kong saad habang dinuduro ito.
Nagpatuloy ito sa pag-iling at nagsimula na ring tunulo ang kaniyang mga luha.
"Masyado kang nagtitiwala sa mga lalaki. Tandaan mo sanang lalaki pa rin sila, kaya nilang gawin ang mga maka-mundong bagay sa kahit na sino at kahit kailan nila gusto. Kahit sa 'yo."
Mas lalong nangibabaw sa akin ang galit nang marinig ko ang boses ni Nikasha sa aking utak. Mas lalo pa akong nakaramdam ng inis nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan, nakatingala ito habang paulit-ulit na sinasabi ang kaniyang pinaglalaban.
"M-Maniwala ka sa akin, hindi ko alam. Wala akong alam sa mga nangyari, maniwala ka sa akin. S-Sorry, hindi ko alam..."
Mariin akong napailing sa inaakto niya. Ayokong maniwala, ayoko siyang paniwalaan, alam kong kaya niyang gawin ang bagay na iyon lalo na sa walang kalaban-labang kagaya ko. He abused me.
Mga mapalinlang.
"Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin, w-wala kang sasabihin sa kahit na sino, kahit kay t-tito. Kalimutan mo na ang lahat ng 'to. U-Umalis ka na sa pag-ta-trabaho mo kay tito, layuan mo na kami," matigas kong saad.
Mas lalo itong lumuha at umiling sa aking paanan.
"Z-Zeren, maniwala ka sa akin, wala akong ginagawang masama, h'wag naman ganito, k-kakausapin ko ang t-tito m—"
"Kayang-kaya kitang ipatanggal sa lahat ng pinagtatrabahuan mo, kayang-kaya kong alisin ang lahat ng pag-aari mo. L-Lubayan mo kami, Fred, parang-awa mo na. Huwag ka nang magpakita sa amin," lakas loob kong saad saka siya tinalikuran.
Pikit-mata akong lumabas ng kwarto at pumanhik sa aking kwarto. Nag-asikaso agad ako ng aking sarili at nanatili sa banyo. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi kong tao. Sa isang iglap lang ay nawala ang lahat sa akin. Ano na lang ang sasabihin ng mga kapatid ko? Ng tito ko? Ako pa man din ang madalas na pinupuri, tapos eto, nandito ako.
This is my worst day. I wish, it was just a dream. I wish, it is not happened.
Sa kwarto lamang ako nagpalipas ng buong araw, hihintayin ko na lang ang pagpatak ng ala-syete bukas upang makaalis sa lugar na ito, makalayo rito. Wala akong tinanggap na kahit na anong tawag at text messages. Kahit si tito ay iniiwasan kong tawagan, pati na rin ang mga kapatid ko.
Pinipigilan ko ang aking sarili na maluha pero hindi ko ito ma-kontrol. Hindi pa rin ako makapaniwala, hindi ko kailangan ng paliwanag niya dahil alam kong hahanap siya ng paraan para mag-sinungaling. Nikasha's right. Kaya ba gano'n na lang ang galit niya sa mga lalaki? Siya na mismo ang nagsabi na iba-iba ang mga lalaki. Pero sa huli, lalaki pa rin sila.
Kinabukasan ay inayos ko na ang aking mga gamit. Si tito ang susundo sa akin kaya kailangan kong magmukhang maayos. Sinanay ko na ang aking pag-ngiti na madalas kong ipakita kay tito.
Tito:
Are you with Fred? He can't answer my calls and text. You didn't answer my calls, too. Something wrong?
Nanginginig ka hinawakan ko ang aking selpon at itinigil ang pag-aayos ng aking sarili. Ni hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Tito:
I guess, because of the signal. Kasama ko ang kapatid mo, nakikita ko na rin ang barko. See you.
Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ko na kailangang sagutin iyon. Hindi na ako nag-reply kay tito, at pinanindigan ang tungkol sa signal.
Nang maayos ko na ang gamit ko at marinig ang senyales, ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto, halos lahat ay nagsisilabasan na ng kwarto, maliban sa isang pinto. Ngunit imbes na pagtuunan iyon ng pansin ay tinalikuran ko ito at sumunod sa iba.
Tahimik lamang ako at hindi na nag-abalang kausapin ang iba, tanging ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanila. Nang tuluyan na akong makalabas ay hindi si tito ang nakita ko. Bumungad sa akin ang pagkaway ni Veron at tumatalon pa. Nakanguso naman si Lucas, habang pinapaikot sa daliri nito ang susi ng kotse.
Nang makalapit sa kanila ay isang mahigpit na yakap ang aking natanggap at ang halik nito. Ngumiti ako rito saka pinagmasdan ang lalaking nasa kaniyang likuran. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng takot.
"Tito," tawag ko.
Mahigpit ka yakap ang ibinigay ko rito. Pinipigilan kong maluha at mag-sumbong sa kaniya. Pinipigilan ko ang sarili kong maging malambot, na naman.
"Looks, tired. Pagdating sa bahay, magpahinga ka na. Lucas? Mauna na kami," tawag nito sa katabi naman na nginitian ni Lucas.
"Sige lang po. Hintayin ko lang yong mga VIP," pagtutukoy nito sa pamilya nito.
Natawa na lang si tito at saka kinalabit si Veron na titig na titig sa barko. Nang pumasok kami sa kotse ay naramdaman ko ang pagtitig ni tito sa akin, nahahalata na ba ako? I hope, he's not. He can read what's in my mind.
"Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa trabaho. Nagluto ako ng paborito mo, magpahinga ka na rin muna. I know, you are exhausted."
"E, tito? Hindi ba sasabay si Fred sa atin? Diba, dapat sabay kayong lumabas?" pangangalabit sa akin ni Veron.
I was about to speak to tell a lie, but tito did it.
"Nauna na siyang lumabas dahil may emergency raw sa bahay nila. Magkakaroon din kami ng meeting bukas. Bigyan na muna natin siya ng pahinga. Pagod din ang isang yon..."
Hindi na ako nakinig kay tito, at isinandal na lang ang aking ulo sa bintana.
Emergency? No tito. He finds way to hide his sin. That's a man you trusted? The liar.