Kinabukasan ay inihanda ko na ang aking sarili, maaga pa naman para mag-ayos pero inasikaso ko na ang aking susuotin at ang ang aking sarili. Sinadya kong maagang magising para abangan ang pagsikat ng araw, ma-swerte pa ako dahil naabutan ko pa iyon at tama lamang ang hampas ng hangin dito sa balcony.
I took a picture together with my hot chocolate, for sure maiingit na naman nito si Veron, but I know, she afford to buy it.
It's already seven o'clock, I waved my hand as a sign of greetings to the other people, who's in a balcony now. Halos mag-aasawa ang mga nakikita ko rito. Napalingon ako sa kaliwang bahagi kung saan may isang lalaking nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan, nakatanaw iyo sa kabilang bahagi at mukhang hindi pa ako napapansin.
"Hey! Good morning, Fred!" pagbati ko.
Napalingon ito sa akong gawi at saka kunot-noong ngumiti. Mabilis niyang isinuot ang hawak niyang damit at saka kumaway sa akin.
"Ang aga mo," sabi nito na ikinatango ko.
Itinaas ko ang aking tasa, at gano'n din ang kaniya ginawa. Sabay na lang kaming napatawa at uminom ng kape. Nagpaalam na rin ito at pumasok na sa loob. Sinulit ko na ang buong umaga rito dahil mamaya ay makikipagkita pa ako sa aking mga tita.
Tita Nieva:
Isama mo si Fred, okay? See you.
Binilisan ko na ang pag-aayos ng aking sarili saka ako lumabas ng kwarto. Bumungad sa akin ang hallway na medyo may mga tao na sa paligid, pinaghalong light brown and red and parteng ito. Kakatok na sana ako nang biglang magbukas ang pintong sadya ko.
"Tara na?" bungad nito sa akin at saka ako tumango.
Maagap niyang ipinorma ang kaniyang bisig dahilan para ilagay ko at aking kamay roon. Nagsimula na kaming lumakad at maging pamilyarado sa bawat daanan. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Fred, dahil hindi maalis ang ngiti nito. Bihira lang itong tumingin sa akin, siguro, e, hindi kami gano'n ka-close, unlike Nikasha.
"Can I ask?" Pangangalabit ko.
Tumango ito at saka nagingas mabagal ang paglalakad.
"Gusto mo ba si Nikasha?" tanong ko dahilan para tuluyan kaming napahinto sa paglalakad.
Kumunot ang kaniyang noo saka ako tinawanan. Napanguso naman ako dahil sa inakto niya. Why he acted like this?
"B-Bakit? Wala ba?" tanong ko, habang nagpapatuloy sa paglalakad.
"Saan mo naman narinig yan?" nakangiting tanong nito na titig na titig pa rin sa akin.
"Wala lang. Nahalata ko lang. You always talk to her, and... Um, close kayo. Madalas mo rin siyang asarin," sagot ko.
Tumango ito sa akin at saka ngumiti. Alam ko naman na hindi lang ako ang nakakapansin ng gano'n. Kahit pati si Veron ay nakakahalata.
"A, yon, ba? Gano'n lang talaga ako sa kapatid ninyo. At isa pa, kay Maru, yon. Hindi naman pwedeng makipagdaldalan ako sa'yo kapag oras ng trabaho," bulong nito sa dulong bahagi na ikinangiti ko nang kaunti.
"Oo nga naman. Sorry, akala ko kasi— nevermind. Si Veron kasi e," nahihiyaang saad ko.
"Wala yon. Ma-issue talaga yon. Palibhasa'y hindi pinapansin ni Bebe Zaffiro," panggagaya niya sa boses ng kapatid ko sa dulong bahagi, dahilan para sabay kaming matawa.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero hindi ko alam kung paano pigilan ang tawa ko. Not until I saw my Aunties. Nakatitig sila sa amin at iiling-iling na nakangiti.
"Ikaw kasi e. Nakita tuloy tayo," bulong ni Fred sa akin at saka ko ito sinamaan ng tingin.
Hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin dahil halos puro mesa na ang narito, hindi ko namalayan na nandito na pala kami habang nagkukwentuhan. Nginisian lamang ako ni Zafia na malalim ang pagkatitig sa akin. Narinig ko ang impit ng tawa ni Fred nang makita kong napatingin ito kay Zaffiro. Naikagat ko na lang ang aking labi dahil sa nagtatakang mukha ni Zaffiro.
Maya-maya pa ay dumating si Sevein, kusang lumayo nang kaunti si Fred sa akin at binigyang daan si Sevein. Si Fred saka ang katabi ko pero naunahan siya ni Sevein.
"Beautiful young lady," bulong ni Sevein saka kumindat sa akin.
Kusang nag-init ang aking pisngi na nahalata ni Tita Cecil, umayos ako ng upo at narinig pa ang tikhim ni Tito Matt. Nagkaroon lamang ng kaunting kwentuhan tungkol sa mga gagawin namin dito. Si Sevein lang ang madalas kong nakakausap dahil siya ang malapit sa akin at si Tita Cecil na katabi ko.
Natapos ang buong tanghali na panay lang kaming tawanan, alas-onse na at oras na para mag-asikaso ng isa pang importanteng trabaho. Nagmadali na ako dahil hindi pwedeng ganito lang ang aking suot. Gray backless dress with shimmering silver spring ang aking napili, manipis lang ito at fitted sa itaas na bahagi ng aking katawan, si Tita Cecil, ang nag-asikaso ng aking buhok at bagay sa aking suot.
Pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Fred at ang tatlong lalaking mukhang high class security guard. Nagbigay galang ang mga ito sa amin. Ang isang lalaki ay nasa unahan namin ni Fred,na siyang sinusundan namin, babaeng ang dalawa ay nasa aming likuran. Hindi ko mapigilang kabahan dahil parang may kung anong mali, o baka ako lang ang nag-iisip ng gano'n. Kalmado naman si Fred, pero iba ang pakiramdam ko.
Sa pinakatuktok kami ng barko, kung saan walang tao, tahimik lamang rito at maayos ang paligid. Natanaw ko na si Mrs. Aiva, na naka-upo at nakatapat sa mismong karagatan. Nililipad nang kaunti ang kaniyang suot na aakalain mo talagang galing siya sa mayamang pamilya. But no, she is a Filipino–British. Galing siya sa mahirap na pamilya rito sa pilipinas dahil na rin sa inabandona siya ng kaniyang ama. Hanggang sa makapag-asawa siya ng isa sa mga bilyonaryong lalaki na maagang namatay at naiwan sa kaniya ang lahat ng kayamanan. If I'm going to tell with Nikasha, my client's life, for sure, she will be saying a word ‘cliché’. As she used to say.
"What a wonderful day, have a seat Ms. Ficarro and Engr. Suarez," nakangiting pagbati nito sa amin.
Inalalayan ako ni Fred na ma-upo sa tapat ni Mrs. Aiva. Dahan-dahan nitong inalis ang kaniyang salamin at saka ngumiti sa amin. Hindi mapagkakailang maganda siya kahit na mayroon na siyang edad.
"Hmm? A couple?" tanong nito sa amin na I ilingan ko agad.
"Well, it my pleasure to work with one of the Ficarro's girl. I thought you were Nikasha. Hindi saka ako pipirma kung siya," panlalaki ng mata nito sa akin na nginitian ako nang kaunti.
"Nikasha refused my uncle's invitation. That's why, I'm here."
"Then, I'm glad that you are here, together with your Engineer," bulong nito at palihim na kumindat.
Nagkatinginan lang kami ni Fred at saka nagkangitiaan. Maya-maya pa ay nakita ko na ang mga papel na inilapag ni Fred, sa aming harapan. Iyon ang mga papeles at iba pang detalye na hindi naman kailangang pag-usapan.
"Well, let's have a short discussion, para naman maimbitahan ko pa kayo sa isang salo-salo sa ibaba. After I reviewed the property in Los Angeles, I would like to say that I'm really looking forward to it. But, I don't want to be hassle to find some Engineer, Materials, and so on, because I have a life behind its business," ngiting sabi nito saka uminom ng kape.
I got her point. I know what exactly her problem.
"In that case, Ma'am. We are gladly to produce some excellent Engineers and hundred percent equipment, if you want," ngiting sabi ko rito na ikinatigil niya. "We have a contact with a Best Engineer Company here, and we're happy to accommodate what you need."
Sinulit ko ang pagkakataong ito upang ibida ang iba pa sa aming mga rekomendasyon, alam kong hinding-hindi niya ito matatanggihan.
"Our company is illegible to produce what you need, but course Ma'am, we have a price range for that. We can lower our price depends in the contract," ngiting dugtong ni Fred na mas lalong kinatango ni Mrs. Aiva.
"What if I purchase all your suggestions? What price do you want me to sign?" panghahamon nito sa akin.
6 to 10 billion ang usapan namin ni tito. Pero masyadong mababa, lalo na kung kukuha siya ng trabahador, sa amin. Plus the approximate 2 years contract with them.
"How about 15.5? Let's say that it is different from the other needs."
Mababa na ang 15.5 billion na inaalok ko sa kaniya, kung tutuusin. Kung ang ibang negosyante ay naglalaro sa hundred ang gusto nila.
We're not a cheater like them. This is a marketing strategy.
Madalas ang iba ay mahal ang presyo ngunit hindi gano'n ang kalidad. Kadalasan, pumipitik na lang ang iba sa mahabang presyo na hinihingi namin, at wala kaming ibang mapagmalaki kundi ang ibida ang mga natapos naming proyekto noon sa iba't-ibang bansa, na siyang kinakagat nila.
If they refuse my suggestion, well, goodluck.
Kinuha nito ang isang papel na nakalagay sa pinaka-dulo ng folder. Ngumiti ito sa akin at saka pinirmahan ang isang hindi pirmadong papel ng tito ko.
What is she doing?
Nagkatinginan kami ni Fred pero ngumiti lang ito sa akin.
"100 billion," bulong nito saka binitawan ang ballpen at saka tumayo.
"Deal?" tanong nito.
Ngiting tagumpay na hinarap ko ito saka nakipagkamay sa kaniya.
She signed it before deal? That's new.
"Deal."
Hindi ko inaasahan na malaking pera ang ilalabas niya, para lang sa lupain doon.
Matapos ang maayos na negosasyon ay inimbitahan kami nito sa salo-salo na sinasabi niya, hindi ko alam kung paanong naging mas maayos na ako. Pero hindi ko maiwasang mapansin ang panay tingin ni Mrs. Aiva, kay Fred. Hindi ako nagbibigay ng kahit na anong kahulugan, pero siya ang gumagawa non.
"May problema ba? Namumutla ka, Ren," bulong ni Fred, habang dinadaanan namin ang circular field na ito.
"A-Ah, hindi wala. Mm, marunong kang sumayaw?" tanong ko na dahan-dahang niyang ikinatango.
"Medyo? Nahihiya ako, Ren," bulong nito na ikinatawa ko nang mahina.
Namula ang mukha nito nang ilibot ko ang aking kamay sa batok nito. Mas lalo akong dumikit para naman maging kumportable. Ganito ang ginagawa namin ni tito noon. Tito is really good when it comes in dancing. While my papa has a great voice.
"Let's dance. Huwag kang mahiya. Wala namang mang-aasar sa'yo, hold my waist," utos ko.
Nagdadalawang isip pa ito kung gagawin ba niya, pero sa huli ay hinawakan niya rin iyon at ramdam ko ang init ng kaniyang palad.
"Chill! Let's enjoy it! You don't have a girlfriend, so yeah, let's dance," bulong ko na ikinangiti niya.
Sinulit namin ang ilang minuto na pagsasayaw sa gitna sa isnag banayad na musika, minsan na napapatawa kami dahil bumabangga kami sa ibang mananayaw hanggang sa masagi ko ang isang lalaking kanina ko pa hinahanap.
"Can I have this dance?" Pag-aabot nito ng kamay.
Ngumiti ako kay Fred, saka ako nito pinaubaya kay Sevein, hindi naman siya nakaligtas sa mga mata ni Mrs. Aiva, at saka sila ang nagsayaw.
"Kumusta ang usapan?" Pagpuputol ni Sev sa pag-iisip ko.
Nginitian ko lang ito at sinalubong ang maganda niyang mata.
"Okay naman. She signed it. Tito will be happy if he know it."
"Well, hindi mo na pala kailangan ang bracelet na ibinigay ko. You are really, a lucky girl, you have a charm," ngiting sabi nito na ikinangiti ko lalo.
Bahagya rin akong nahiya dahil ibinigay ko ang bracelet na regalo niya kay Kelly. I think, that's okay with him.
Nakapagtataka lang din dahil nandito siya, welcome naman ang lahat pero malayo ang kinaroroonan ng Class A sa Class C. Nagkakwentuhan kami ng sandali at nagpaalam na rin, kinamusta niya lang ako na mas lalong ikinagaan ng aking kalooban.
Pumunta na ako sa gawi nila Fred, Mrs. Aiva at ang isang negosyanteng si Mr. Faustino. Naupo ako sa tabi ni Fred na namumungay ang mga mata. Nakainom ba siya?
Napatingin ako sa mga alak na nasa aming harapan na halos hindi ako pamilyarado. Maya-maya pa ay inilapag ni Mrs. Aiva ang isang baso ng alak sa tapat namin ni Fred.
"C'mon, Fred, drink it," panghahamon ni Mrs. Aiva.
Ngumiti lamang si Fred at saka iyon ininom. Gano'n din ang aking ginawa. Iba ang lasa nito at masasabi kong naapektuhan agad ako sa pangalawang pag-inom ko. Nakaramdam agad ako ng hilo pero alam ko sa sarili kong kaya ko pa.
Lumipas ang ilang minuto na nagpaalam na sa amin si Fred, hindi rin siya sanay uminom base na rin sa sinabi nila Lucas noon. Umayos ako ng upo dahil unti-unti na akong nahihilo.
"Thank you Zerenika, for being with us. Sadly, we have to go. My security will guide you in your room if you want," sabi nito at naramdaman kong tumayo na ito.
"N-No, it's okay. I'm fine. Thank you, also."
"Okay. Have a nice day, Ms. Ficarro. Good night."
Halos magulantang ako sa aking narinig. Good night? Gabi na? Parang kanila lang ay maliwanag pa. Nagmamadaling hinanap ko ang aking selpon, upang makapunta na sa aking kwarto.
Nahihilo man ay pinilit kong makapaglakad nang maayos at titigan ang aking dinaraanan. Aminado ako na naubos ko ang dalawang bote ngunit kaunti lang ang laman non, paanong nahihilo ako ng ganito?
Nang makarating ako sa hallway kung saan medyo maluwag ay agad kong kinapa ang aking selpon. Halos maiuntog ko na lang ang aking ulo sa dingding dahil wala akong mabasang kahit na ano, pakiramdam ko gumagalaw ang bawat letra. Mas lalo kong inilapit ang selpon sa aking mukha upang mabasa iyon, naaaninag ko ang numero ni Veron, pero ano naman ang magagawa niyang tulong para makarating ako sa aking kwarto? Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Pinilit kong maglakad kahit na alam kong hindi na kaya ng aking katawan. Gumamit na lang ako ng elevator at mabuti na lang ay walang masyadong tao.
"Class C. This way ma'am," anas ng isang babae na nginitian ko lang.
"Thanks."
Lumakad na ako sa hallway na mukhang malapit sa aking kwarto. Habang patagal nang patagal ay umiinit na ang aking katawan, nahihilo na rin ako at hindi na kakayanin ng aking katawan.
796C
Nakunot ko ang aking noo dahil nag-iiba na naman ang numero.
469C
Sa huling pagbabasa ko noon, ay napasandal ako sa pinto. Nawala na ang aking lakas at saka Huong pwersang pinihit ang pinto na agad ding nagbukas.
Sa pagpasok ko ay isang tao ang bumungad sa akin ngunit hindi ko maaninag kung sino ito.
"S-Sev?"
Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa dibdib nitong sobrang init. Nakakapaso, at pawis na pawis. Sa di malamang dahilan ay bigla na lang nagliyab ang aking katawan.
,