In Love With The Rain Chapter 2

"Hey, Sero, wake up. Let's go outside, feel the raindrops. While the sun is behind the clouds, and the cold breeze hugs me tight..."

Mahina kong ninanamnam ang tunog ng bawat piano, dahan-dahan na idinidikit ang daliri doon. Sinasabayan ko lamang ng banayad na kanta ang malakas na ulan na halos hindi pa rin tumitigil. Naidilat ko ang aking mata nang maiba ang bawat tono, gano'n na lang ang pag-ngiti ko dahil sa maliit na kuting na dahan-dahang naglalakad doon.

"What are you doing, Sero? I'm singsing here." Pagkuha ko sa kaniya saka inilagay sa aking hita.

Hinimas ko ang mabalahibo nitong balat saka inilagay muli sa ibabaw ng piano.

"And where do you get that little orange? You buy it?"

Napalingon ako sa aking gilid, nakatayo si tito habang nakasandal sa dingding. I suddenly smiled when I saw what I want to buy him. My Sero's food.

Ngumiti ako saka binuhat ang kuting, lumapit ako kay tito at saka siya hinalikan sa pisngi. Kauuwi lang nito galing trabaho dahil base na rin sa suot niya na mukhang hindi pa nakakapamalit.

"Here. Are you sure na walang nagmamay-ari sa pusang yan?"

"Of course! Then, if its have, why would they let my Sero, to walk outside?"

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kuting na pang-ilang beses ko ng alaga, halos nawala ang iba at namatay na dahil madalas na nakakalabas sa mansyon at nasasagasaan. I felt bad with them.

"Okay. Don't get mad at me. I'm just asking," bulong niya saka siya naglakad sa mahabang pasilyo.

Sinabayan ko na rin siya dahil alam kong may sasabihin ang tito sa akin. Usually, every last week of month, we always have a meeting about bussines trip. For sure, that's what we do, later.

Nagpaalam ito na pumunta sa kwarto niya para makapag-palit ng damit. Naghintay na lang ako sa sala habang hinahayaan ang pusang maging pamilyar sa bago niyang bahay. Kawawa naman kung iwanan ko siya sa kalsada, wala namang may-ari sa kaniya, kung meron man, hindi dapat nila hinahayaang maglakad mag-isa.

Unti-unti ng dumarami ang mga tao sa bahay, pagod na pagod sila, lalo na ang mga lalaking maghapon sa opisina. Nakaramdam ako ng lungkot dahil wala man lang dumating isa sa mga kapatid ko, mas gusto raw nila na humiwalay muna sa amin at ako na lang ang manatili rito. Sa akin na muna nila pinaubaya si tito.

I don't have a problem with that. I'm so happy because they stand in their own even tito is not there. Unlike me, parang wala pa akong dapat na ipagmalaki.

Matapos naming mag-usap ni tito, ay dumiretso na ako sa kwarto naming magkakapatid, tatlo pa rin ang kama pero ako na lang ang mag-isang humihiga roon, bihira na lang silang umuwi rito dahil sa mga trabaho nila. Muli kong sinilip ang folder kung nasaan ang ibang information at kontrata na kailangan ko pang ipapirma sa inutos ni tito.

Wala namang nakakapagod sa ginagawa ko, hindi nga lang ako kumportable.

"Z-Zeren?"

Mahinang katok ang aking narinig sa pintuan, tatlong beses niya pa tinawag ang aking pangalan kaya nagpasya akong bitawan ang mga ginagawa ko. Bumungad sa akin ang babaeng naka-uniform pa rin. Nakangiti ang maamo nitong mukha at agad akong niyakap.

"I miss you!" Humiwalay ito sa akin saka sumilip sa loob. "Naistorbo ba kita?" magiliw na tanong nito na inilingan ko.

"Of course not. May binasa lang ako. Kararating mo lang? Sinong nag-sundo sa 'yo?" tanong ko saka sinara ang pinto ng kwarto.

Nasa pasilyo na kami ngayon at dahan-dahang naglalakad.

"Sinundo ako ni daddy, cancel din lahat ng flight for one week dahil sa bagyo, delikado rin daw, sabi ni daddy," mahinhing sagot nito na ikinatango ko.

Nothing has changed. Kapag gusto ko kausapin ang mga kapatid ko pero bawal, siya ang biglang darating para punan iyon. Tho, bihira na lang din siya umuwi, atleast siya ang nakakausap ko araw-araw.

"Gusto ko sanang mamasyal tayo bukas? Ahm, siguro kapag okay na ang panahon. Kahit d'yan na lang sa malapit." Pagkakapit nito sa aking bisig.

Tiningnan ko nang maiigi ang mga mata ni Kelly, sobrang tamlay at idagdag pa ang pagiging mahinhin niya. Nakangiti lang siya kaya hindi agad napapansin ang lungkot dito.

"Kel? May problema ka ba? I-I mean, alam kong meron, pero pwede mo sa akin i-kwento," nakangiting saad ko.

Roon niya lang inalis ang kaniyang ngiti at tingin sa akin, mas bumilis ang lakad nito paakyat kaya sinundan ko ito. The only reason why she looks like that. That pilot.

Pumasok ito sa kaniyang kwarto at saka naupo sa kama. Tinitigan ko lamang siya na nakatingin sa malayo, at saka ko narinig ang gusto kong marinig.

"He broke with me, Ren," malungkot na saad nito.

Isinara ko agad ang pinto saka siya tinabihan, nangingilid ang mga luha nitong ayaw kumawala sa mga maganda niyang mata.

"He chose, Kierra, but Kierra refused him. S-Sinisisi niya ako kung bakit ayaw siyang tanggapin ni Keirra."

Kierra and Kelly are both flight attendants. Magkasama sila sa trabaho noon pa man magmula nang magkaroon kami ng kaniya-kaniyang buhay.

Humiga ako sa balikat nito saka siya niyakap.

"He don't deserve you, and you don't deserve like him. A trash. Mabuti na lang at hindi mo siya pinakilala sa parents mo, for sure they will be disappointed if they know this," pagpapakalma ko sa kaniya.

Walang nakakaalam sa relasyon nila ng pilotong iyon, noon pa man ay ayoko na sa lalaking iyon dahil mukhang hindi mapagkakatiwalaan, panay pa ang pagtitig sa kung kani-kaninong mga babae.

"Huwag ka munang tumanggap ng manliligaw kung hindi mo pa kaya. There's a lot of man there that you deserve. Don't rush anything. There's a perfect time for that, just wait."

Doon na mas tumulo ang luha nito, at mahinang humagulhol, hindi ko alam kung paano ko siya papakalmahin pero alam kong kailangan niya ako. Wala siyang ibang mapagsabihan dahil walang ibang nakakaalam tungkol dito.

"Tahan na Kelly, mahahalata yan ng parents mo, ayaw mo namang siguro magtanong sila lalo na si Tito Asher, right?" pananakot ko na tinawanan niya nang kaunti.

Banayad kong pinunasan ang mga luhang nagkalat sa kaniyang namumulang mga pisngi saka inayos ang buhok.

"Huwag mong iiyakan ang mga lalaki. Lalaki dapat ang iiyak sa 'yo," bulong ko na ikinangiti niya.

"Thank you, Ren. You always there for me. Makakabawi rin ako sa susunod sa 'yo," bulong nito saka ako tumayo.

"Nah, you are always welcome. Always. Just see you soon in the Altair together with your man," panunukso ko na tinawanan na niya.

Hindi naman siya ganoong kahirap patawanin, madali rin siyang masaktan at damdamin ang mga bagay-bagay. Pakiramdam niya ay may kulang sa kaniya kapag may mga tao na umaalis sa buhay niya.

Love yourself first. And you will see, you never afraid for losing someone in your life.

Ayan ang isa sa mga tinatatak ko sa aking isipan, mahirap kalimutan ang isang taong naging importante sa buhay natin, but there's a process. Make it one step at a time. At iyon ang problema kay Kelly, nananatili na lang siya sa lugar kung saan siya iniiwan ng mga taong umaalis sa kaniya.

Hindi ako magsasawang humiling na sana, dumating ang lalaking hindi makakakita ng dahilan para iwanan siya. Dumating sana ang lalaking hinihiling niya.

"Zeren?" tawag nito sa akin sa kalagitnaan nang pagmamasid ko sa bintana ng kwarto niya.

Katatapos niya lang magbihis at nagsusuklay na lang ng buhok.

"Hmm?"

"May lalaki ka bang nagugustuhan? Bukod sa lalaking gusto mo noong high school tayo? Sino nga ulit yon? Para kasing wala akong maalalang nagsabi ka ng pangalan," nanunuksong sabi nito saka naupo sa kama.

Nanatili akong nakatayo sa bintana at palihim na ngumiti. Wala naman talaga akong pinagsabihan noon dahil bawal sa amin, no'ng mga panahong sobrang laki ng problema namin. Bawal magkaroon ng relasyon kahit kanino kaya nagagawa ng iba na palihim na magkaroon ng relasyon, lalo na ang kapatid kong si Veron, at si Asher na kuya ni Kelly, sa ibang mga tao.

"Hindi ko na rin maalala kung sino yon," natatawa kong bulong saka muling tumingin sa kawalan.

"Matagal na rin kasi e. We're twenty six kaya nakakalimutan na ang ibang memories. Hmm, anyways, totoo bang nanliligaw sa 'yo, si Engineer Suarez?" tanong nito sa akin kaya ako napatingin sa kaniya.

Sandali akong napaisip. Umiling din agad ako nang marahan kay Kelly.

"Yong kaibigan ba ni Maru? No or I don't know. Malambing lang daw talaga yon sa lahat ng babae, lumaki kasi sa lola yon," ngiting sagot ko na tumango naman siya.

Hindi naman ako nagbibigay ng kahit na anong kahulugan dahil ginagawa rin naman sa akin yon ng mga tito at ibang lalaki rito sa mansyon.

"Talaga? I thought nililigawan ka niya. Mabait naman siya, lagi siyang kasama ng tito mo."

"Yap but, he always called my sister pangga. If I'm not mistaken, pangga is the endearment in part of Visayas right? So, I think, si Nikasha ang gusto niya, or it's just my scents, I don't know."

Lumingon ako rito at nakita ang matamis niyang ngiti, na para bang iba ang iniisip sa mga sinasabi ko. Good thing na medyo nalihis ko na ang nararamdaman niya. Medyo gumaan na rin ang kalooban ko, akala ko kasi iiyak na naman siya.

"Well, if you say so. How about Sevein? I thought, he's your ideal man, right? Is there a difference between ideal and love?" tanong niya sa akin saka inayos ang kaniyang higaan.

Nangunot ako ng aking noo, at hindi alam ang sasabihin.

In my own definition, the person who I love, is my ideal. Inshort, there's no difference between them.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.