In Love With The Rain Chapter 3

"Bye, Sero! Mommy will go to work na," malambing kong bulong sa alaga kong kanina pa palakad-lakad sa aking kama.

Nang maayos ko na ang aking sky blue polo uniform na nakaterno sa aking black high waisted pencil skirt, ay nagpasya na akong kunin ang maliit na kuting. Ipapasuyo ko na muna siya kay Jairo, dahil alam kong mahilig siya sa pusa, mas maaalam siya sa pag-aalaga ng mga hayop.

Binabaybay ko ang kahabaan ng pasilyo nang may marinig akong kung among boses sa dulong parte. Dahan-dahan lang ang aking paglalaakad para naman hindi ko sila magambala. Hinihimas ko lang ang mabalahibong balat ni Sero.

Pero hindi na ata napigilan ng aking ulo na lumingon sa kanang pasilyo, kung saan may isang pamilyar na pigura ng dalawang tao sa dulo nito. Pero bago ko lampasan ang kanang pasilyo na iyon ay kitang-kita ko ang mukha ni Kelly at nakayakap sa kung sinong lalaki.

Nang makalagpas sa kanila ay ako naman ang kumaliwa upang bumaba sa hagdanan, nagkibit-balikat na lang ako dahil mukhang kinusap na naman siya ng daddy niya.

"Aalis ka na?" mahinang tanong ni Tita Ezra, sa akin.

"Maya-maya pa naman po. Kumain na po kayo?" tanong ko.

Ngumiti ito sa akin at saka pumasok sa kusina. "Not yet. Sumabay ka na sa amin, tanghalian na rin naman," dugtong nito saka binuksan ang refrigerator at naglabas ng mga ingredients.

"Hindi na po siguro. Sasabayan ko na lang po si tito sa opisina'ng kumain," ngiting anas ko saka siya hinalikan sa pisngi.

"Well, ikaw ang nagsabi. Take car— oh! Sumabay ka na pala kay Sev, mamaya. Maayos na pala ang kotse mo, yon nga lang naroon pa rin sa building na yon. Hintayin mo na lang siya, for sure bababa na yon," mahabang komento niya na ikinangiti ko.

"Okay po. Ahm, you need help?"

"I'm okay. Tutulungan naman ako ng Tito Matt, mo magluto."

"Okay. D'yan lang po muna ako."

Ngumiti ito sa akin at saka ako tumalikod. Siya pa lang ang nakikita kong tita rito, hindi ko alam kung tapos na ba ang iba sa pagbabakasyon nila. Ang ilan sa amin ay mga negosyante at normal lang na isama ang pamilya sa ibang lugar lalo na kung may business trip.

Pagkaupo ko ay bumungad na sa akin si Jairo na mukhang bagong gising pa lang. Late na siya naka-uwi kagabi pati na rin sila Lucas. May sarili naman siyang bahay pero mas gugustuhin niyang umuwi rito para naman may makasama ang mga tita ko na madalas maiwan sa bahay.

"Good morning, Jai," bati ko sa kaniya at saka ngumiti.

"Good morning, aalis ka na? Hatid na kita," inaantok na sabi nito saka tinitigan ang hawak kong kuting.

"Kay Sevein na lang ako sasabay, just take care my Sero, I might go home tonight," malambing na sabi ko habang nakatingin sa kuting na ngayon ay nasa bisig na ni Jairo.

"Sero? Saan mo nakuha ang Sero?" natatawang tanong nito habang hinahalikan ang ulo ng kuting.

"A-Ahm, somewhere. Google? Wikapedia, I think. Ang mahalaga may pangalan siya," ngiting sabi ko saka siya natawa.

Roon ko lang napansin na wala siyang damit pang-itaas. I wondered, a lot of boys here has a good built bodies. And mostly their hand is like an...

"Jai? Why do you have a lot of vein in your hand? Are you sick?" tanong ko habang nakatitig sa kaniyang kamay.

"Oh," tanging sagot nito. "Related to my work, I think. Why?" natatawang tanong nito saka naupo sa tabi ko.

"Does it matter?"

Umalingawngaw ang isang boses mula sa aking likuran. Si Sevein, nakangiti itong nakatingin kay Jairo.

"Not really, I'm just wondered, most of you has that kind of green stuff," ngiti ko saka sinuot ang sandals sa aking tabi.

"Tara na? Isasabay na kita," pang-aalok nito saka ko kinuha ang aking bag at folder.

Kumaway na ako kay Sero, at kay Jairo na kasalukuyang nilalaro ang pusa.

"Alis na po kami Mom, I love you." Panghahalik nito sa pisngi ng mama niya.

Hindi ko na narinig ang sinabi ni tita dahil lumabas na ako ng bahay. Medyo okay naman ang panahon ngayon pero baka mamaya pa uulan nang malakas. Naghintay lamang ako sa labas ng kotse ni Sevein, nang bigla namang dumating ang ibang mga sasakyan.

They're here.

"Let's go, Caz."

Pumasok na ako sa kotse habang tinititigan ang kotseng nasa pangalawa. Bumaba ang bintana nito at nagtama ang mata namin ni Keus, na pinanlakihan ako ng mata at sumenyas na isusumbong ako.

Nang mawala na ang mga sasakyan ay kami naman ang umalis, nakakapagtaka lang, halos lahat sila biglang dumating. Nakakatampo, uuwi na lang siguro ako ng maaga para maka-usap ko sila. I really missed them.

"Anong oras ka uuwi mamaya? Para masundo kita," tanong nito sa kalagitnaan ng pagmamaheno niya.

"No need. Okay lang, sasabay ako kay tito," pagtanggi ko na nginitian niya.

"Tawagan mo lang ako kung hindi ka makakasabay kay tito. Rito rin naman ang uwi ko mamaya. Oh, oo nga pala. Okay lang ba si Kelly? Masyado siyang tulala, ang lalim lagi ng iniisip niya," mahinang tanong nito kaya ako napatingin.

I'm not in Kelly's position to tell anyone what her problem. But I'm not normalized that thing.

"A lot of people has an own problem. So yeah, she has. But I trust her, she can do that," ngiting sabi ko na kinunotan niya.

"Hmm, same. Nag-aalala ako sa kaniya. For sure, hindi siya pinapabayaan ni Kierra sa trabaho nila. Maraming mga lalaki roon, a lot of pilot that I've known is, you know. A pervert," iiling-iling na sabi niya saka iniliko ang kotse.

"That's why, I always remind her to take care herself."

Pagkababa namin sa building ay kumaway na ako rito. Sa sobrang pagkatulala ko ay muntikan ko pang masagi ang isa sa mga staff ng building na agad naman akong humingi ng pasensya.

Pagkapasok ko ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya sa tuwing may bumabati sa akin, at kung ituring ay parang may-ari ng kumpanyang ito.

They don't have to do that with me. Just simple respect me, will do. I really appreciated it.

"Kaya nga e. Ayoko talaga sa isa nilang kapatid, masyadong masungit, dinaig pa si sir."

"Si Ma'am Veronika ba?"

"Hindi a, yong isa. Nikasha ata pangalan? Oo! Si Ma'am Nikasha, bihira lang kasi yon pumunta rito kaya nalilito yong iba. Basta siya yong maldita na akala mo kung sino..."

Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang mga usapan na iyon sa hindi kalayuan sa aking pwesto, mga janitress na nakatalikod sa akin kaya siguro nila nila ako napansin.

Pinauna ko na lamang ang ilan sa mga kasunod ko na papasok sana sa elevator at nagpasyang puntahan ang tatlong nagkukwentuhan.

"Good morning, ladies. Please, tone down your voice while talking. It's better to do your job first, before talking to someone's life that you even don't know the story. You may encounter the beast here," malumanay at magalang kong saad dahilan para magsiharapan sila sa akin.

Kitang-kita ko ang pamumutla nila at ang paglunok nila ng maka-ilang beses.

"S-Sorry po Ma'am, ito kasi e," paninisi nito sa katabi niya.

Umiling lang ako saka hindi pa rin inaalis ang ngiti. "It's okay, you can continue your topic in the private area, if you want. Just don't spill it in public. Your actions may reflect in yourself. Don't criticize them because of their bad treats. Teach them on how to be a good person, but before anything else, teach yourself on how to be a good one."

Binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti saka nagpaalam.

"Have a nice day."

I don't want to tolerate that kind of people, though, we can't avoid some of them. Society has an awful reality. I felt bad to those next generation.

Pagka-akyat ko sa itaas ay nagpahinga lang ako sandali. Ako na naman ang mag-isa sa malawak na opisina kung saan maraming mga papel ang nakapalibot sa akin. My uncle wants to train me in this kind of environment. Ako na lang daw ang maaasahan niya dahil walang interes ang ibang mga kapatid ko. Wala rin naman akong interes but my tito expect me a lot for this. I don't want to disappoint him.

Matapos kong gawin ang mga kailangang gawin ay hindi pa rin dumarating si tito. Mostly, sa ganitong buwan, marami siyang kliyente, para sa paghahanda sa darating na bakasyon. Pero sa ganitong buwan din siyang madalas wala sa pinas.

Muling nasagi sa aking isipan ang sinabi ng mga kababaihan kanina. Mas matanda sila sa akin at hindi tama na pagsalitaan ko sila ng masama dahil mas matanda sila. Iniisip ko na lang na sila tita ang kausap ko.

I admitted that my sister has a lot of negative trait, but she can control herself. Hindi nga lang siya yong tipong

nagpapakita ng magandang ugali sa mga taong medyo tabingi. Unlike Veron na kayang sabayan ang mga gano'ng klaseng tao.

I always talked Nikasha, about her attitude to other people, but she kept saying that, she don't need to change her attitude just to be likeable. Somehow, I understand her.

Pero minsan, kailangan mong makibagay sa paligid mo. I grew up with the only mindset. There's no bad person in the world, their reason is. And there's no ugly person, their mindset is.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.