In Love With The Rain Chapter 20

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang basahin ang mga papeles na ibinigay sa akin ni tito. Hindi ko iyon nabasa kagabi dahil sa sobrang antok at pagod. Kagaya nang nakagawian ko ay kaunting oras ang inilaan ko sa aking sarili upang makapag-exercise, kaya siguro nananamlay ang aking katawan. Nagbabad ako sa banyo at nagbihis na lamang ng simple.

Muli kong binalikan ang papeles na iyon. Sa tuwing nababasa ko ang Agustin ay naaalala ko ang sinabi sa akin ni Maru. Sa islang iyon mismo niya raw nakita ang kahawig ni Fred. Sa di malamang dahilan ay nagkaroon ako ng interes.

Ngunit maayado itong malayo at base rito, ay kailangang kong manatili roon sa loob ng isang buwan. Liblib ang lugar na iyon base na rin kay Maru. Kaya hindi ko alam kung dapat ba akong pumayag, option lang naman ang pagpunta ko roon dahil sila dapat ang pumunta rito sa amin upang makipagnegosasyon.

Hindi na ako nakipag-debate sa aking utak. Gusto ko na lang na manahimik at huwag munang sabihin abg aking desisyon. Matapos kung kumain ng tanghalian ay natanggap ko agad ang mensahe ni Sevein. Kaya naman dali-dali akong nagpalit ng damit at saka bumaba napapuntang salas.

Ngunit pagkarating ko roon ay naroon agad si Sevein, nakaupo sa sofa't may tinitingnan sa selpon. Sobrang bagay sa kaniya ang suot niyang polo na pamilyar sa akin, ngunit imbes na pagtuunan iyon ng pansin ay sinipat ko na lamang ang ginagawa ni tito sa labas, may hawak na hose habang dinidiligan ang mga halaman sa gilid.

"Tara na? Pinaalam na kita kay tito. Ibalik daw kita rito mamayang alas-kwatro," nakangiting saad ni Sevein nang magtama ang paningin namin.

Hindi ko maiwasang mailang dahil ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mga mata ko, mabuti na lang at hindi singlala no'ng nakaraang araw. Muli akong tumango kay tito, ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko dahil binabasa na nito si Tito Ponce, na may dalang dyaryo at mukhang mauupo roon.

Parang bata.

Minabuti na naming umalis, wala akong ibang nararamdaman kundi ang kaba at saya. Siya lang ang lalaking gano'n sa akin, ang yayain ako sa labas at walang kahirap-hirap na po pinapayagan ni tito.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya.

"May i-su-surprise tayo." Pangingindat nito sa akin. "Ikaw lang kasi ang malapitan ko tungkol sa mga alahas, bukod sa marunong ka roon, alam mo kung ano ang gusto niya," masayang saad nito.

Napangiti na lang ako dahil doon. Regalo niya siguro sa kakilala namin na malapit na ang kaarawan. Mahilig siya magbigay ng kwintas, nakakapagtaka lang dahil bracelet ang ibinigay niya sa akin, which is I really appreciated. Ngunit na kay Kelly na iyon ngayon. Hindi ko na siguro iyon kukunin.

Nang makarating na kami sa phase four, nagpasya na kaming bumaba. Halos magsiksikan na ang mga tao dahil sa rami. Alas-dos pa lang naman kaya may dalawang oras pa kami ni Sev, sasamahan ko lang naman siyang mamili.

"Gusto mo ng gano'n?" tanong nito nang mahinto kami sa tapat ng resto.

Ako na ang kusang umiling dahil medyo sumama ang pakiramdam ko. Tumango lang ito sa akin at saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa Jewelry Shop, bumungad sa amin ang sangkatutak na mga alahas, malaki naman iyon kaya kailangan naming maglibot.

"Kwintas ba ang kailangan mo?" tanong ko.

Ngunit umiling ito sa akin at saka kumindat. Nakapagtataka man dahil nilagpasan namin ang kwintas na iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi naman ito ang unang beses na dinala niya ako rito. Sandali pa akong napangiti dahil sa pamilyar na bracelet na iyon, parang gusto ko ring bilhan ang mga kapatid ko. Wala na nga lang si Veron dahil nasa Spain na siya.

"You want that?" bulong nito dahilan para mapatakip ako sa aking bibig.

"A-Ah, hindi. Napansin ko lang," pagsisinungaling ko dahil balak kong bumili ng gano'n.

"I see. Here, ikaw ang pumili a," nakangiting sabi nito habang hawak ang aking kamay.

Nagtataka man ay pinilit kong panatilihin ang aking ngiti. May karapatan naman ata akong magtaka dahil nakahinto kami sa tapat mismo ng maraming mamahaling singsing. Kumikinang ang ilan sa mga ito at hindi ko maiwasang mamangha at mangarap na balang araw ay magkakaroon din ako ng ganyan.

"Singsing?" pagtataka ko.

Matunog itong ngumiti at sandaling tinitigan ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Gusto kong iwaglit sa aking utak ang mga sinasabi at mas lalong ayokong mangarap ng gising.

"Bawal ba ako bumili ng singsing?"

"Hindi naman. Para kanino ka ba? Alam mo ba ang sukat ng reregaluhan mo niyan?" tanong ko habang sinisipat ang karamihan ng alahas.

Ngunit imbes na sagot ang marinig ko ay tumawa ito nang mahina. Umiling lamang ako saka nagpatuloy sa pagmamasid, napansin ko pa ang singsing na kapareha sa suot ni Zafia.

"Mukhang hindi pa niya sinasabi sa iyo. It's not just a gift. Mahalaga sa akin ang babaeng pagbibigyan ko niyan, at isa pa, mahalaga ka sa kaniya kaya ikaw ang sinama ko rito, alam mo kasi kung ano ang magugustuhan niya," mahabang salaysay nito na nagpakabog sa aking puso.

Sa oras na iyon, ay halos maikurot ko ang daliri ko, may hinihintay akong salita na gusto niyang sabihin at umaasa ako na baka nagkakamali lang ang utak ko.

"Sinong siya?" tanong ko saka siya lumapit sa akin.

"Si Kelly. Girlfriend ko. Sorry, a. Akala ko alam mo na, sinabi niya kasi na mag-uusap daw kayo, then wala na naman sa mansyon noong araw na sinabi namin ang totoo. Naging busy rin kasi siya e, that's why, we both decided to keep it privately..."

Halos manlambot ang tuhod ko sa aking mga narinig, ang kaninang ngiti ay unti-unting nawala at halos pagbagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi niya. Automatikong naiiwas ko ang aking ngiti at saka matunog na ngumiti.

"Matagal ko na rin naman siyang gusto, and I guess, magugustuhan mo siya para sa akin, gano'n na rin sila Mom and Dad. Hindi ko nga lang siya kayang ipakilala dahil siya ang nagsabi na kakausapin niya ang parents ko."

Kusang umalingawngaw sa aking isipan ang sinabi ni Kelly sa akin noon. Kaya ba hindi ako masyadong kumportableng pag-usapan yon? Dahil si Sev ang tinutukoy niya. Si Sevein, yong lalaking kinukwento ko sa kaniya noong mga bata pa kami.

"H-Here, madalas niyang ituro ito sa akin noon, gusto niya yong ganyang design," garagal kong saad saka itinuro ang pangarap kong singsing.

Parehas kami ni Kelly, na gusto ang singsing na iyon, nakakatawa lang dahil ako pa ang humamon sa kaniya noon na kung sino ang unang magkakaroon ng nobyo, sa kaniya mapupunta ang bagay na iyon.

"Sigurado ka? Itong Crust Emerald?" paninigurado niya sa tinuro ko na agad kong tinanguan.

"O-Oo. Siya ang nagsabi sa akin noon na gusto niyang bilhin yan kapag nagkaroon na siya ng malaking pera. L-Lagi niyang tinititigan yan, kung nahalata mo ang kwintas niya noon, ayan ang pares ng singsing," nakangiti kong saad kahit na hindi ko na kayang tumayo nang matagal sa harap niya.

"Hmm, napansin ko nga. Teka lang a." Pangtatapik nito sa akin saka tinawag ang isang staff.

Bahagya akong lumayo sa kaniya. Kung hindi pa ako pumikit ay hindi ko pa mapapansin ang luhang mabilis na nagpadausdos sa aking pisngi. Agad ko itong pinunasan upang walang makapansin.

Masyadong mabagal mag-proseso ang utak ko ngayon. Hirap pa ring pumasok sa aking isipin ang mga sinabi ni Sevein.

Ganito ba talaga ako ka-abala para hindi mapansin na may relasyon na sila? Ni hindi ko man lang nahalata, ang kilos ni Sevein, ang mga sinasabi ni Kelly, na halos ang hirap pagdugtungin. O baka talaga hindi ko matanggap. Paano nangyari yon?

"Nabili ko na. Look, ang ganda diba? Mukhang bagay sa kaniya." Pagpuputol niya sa mga iniisip ko.

Humarap ako rito saka ipinakita ang aking ngiti. Mabilis na tumango at saka pinagmasdan ang singsing na dati lang ay pinagpapantasyahan ko na siya ang lalaking magbibigay sa akin.

"K-Kailan ang kasal ninyo?" wala sa sariling tanong ko na ikinatigil niya.

Napakamot ito sa batok at saka inalalayan ako sa paglabas ng shop. "Ayon lang, wala pa naman kaming balak. Gusto ko lang makapag-prupose sa kaniya, mahirap kasing magkaroon ng pamilya, hahayaan ko muna siya sa trabaho niya," ngiting sambit nito saka niya muling hinawakan ang aking kamay.

Nakakatawa lang. Masyado Kong dinamdam ang mga kilos na ipinapakita niya, nakalimutan ko na ito rin pala ang gumagawa niya sa iba.

"Sev! Zeren!"

Isang pamilyar na boses ang aking narinig sa aking likuran. Hindi ako nagkamali. Nakasuot ito ng isang damit na niregalo ko sa kaniya. Sobrang bagay sa kaniya lalo na sa maamo niyang mukha.

"K-Kelly," ngiting sambit ko saka niya ako hinalikan sa pisngi.

"Well, nandito na rin naman tayo, why done we just celebrate it? Ipapakilala ko siya ng pormal." Kindat na sabi nito sa akin na mas lalo kong nginitian.

Agad kong ipinakita ang aking relos na alas-tres na ng hapon.

"Sorry, kailangan ko pang pumunta sa mansyon, may pag-uusapan kami ni tito, e. Don't worry, he already told me about that. Congrats to both of you," ngiting sabi ko saka niyakap ang babaeng tinuring kong kapatid.

"I'm so happy for you, hindi ka nagkamali sa pinili mo."

Kitang-kita ko ang lungkot sa mata ni Kelly nang umalis ako sa harapan nila. Sa pagkakataong iyon ay roon ko lang nailabas ang totoong ako.

Mabagal lamang ang aking pagkakalakad, gusto kong bigyan ng oras ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsagot sa sarili kong katanungan.

Masyado ata akong nasakal sa mga imahinasyon ko. Nakalimutan ko ang reyalidad. Na hindi ako yong babaeng pangarap niya.

"W-When the sky is bleeding, my heart felt it too, don't know where, I-I can find someone l-like you. I-I walked to the alley, where we was so happy..."

Dinama ko lang ang mahina kong kanta na pilit sinasabayan ang malakas na buhos ng ulan. Wala akong payong na nadala, wala akong matawagan dahil pati ang selpon ko ayaw gumana.

"I like the way you are smiling. You are like a gentle breeze. Alam kong maraming gumugulo sa isip mo. But let me calm you in this simple way. Gusto kong malaman mo kung paano kita tinitingala noon pa man. Hanggang ngayon."

Napangisi na lang ako dahil sa sinabi noon ni Sevein sa akin. Kahit ako, noon pa man tinitingala ko na siya. Noon at ititigil ko na ngayon.

Falling for you, was my mistakes.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.