In Love With The Rain Chapter 21

Alas-sais na. Ni wala pa rin akong masakyan at halos matuyo na ang tubig sa aking katawan. Kanina pa ako naglalakad at halos hindi ko na alam kung nasaang lugar na ako. Idagdag pa ang dami ng tao na halos basang-basa rin. Kanina pa ako lakad nang lakad at halos madapa na sa sobrang pangangalay ng paa.

Ako na mismo ang huminto sa isang night club. Hindi naman ako bago rito dahil madalas akong isama ni Veron sa ganitong lugar. Nagpasya akong pumunta sa direksyon ng puwesto na iyon. Ni wala man lang humarang sa akin at kahit na pagsabihan ako dahil sa suot kong nabasa ng ulan. Siguro, e, hindi naman halata.

Nakakahilo ang mga kulay na nagpasalit-salit sa buong paligid, nakakabinging tugtugin at may ilan pang nasasagi ako dahil sa kalasingan. Minabuti kong dumiretso sa isang parte kung saan medyo maayos, naupo ako sa bakanteng bar nito.

"Cabernet Sauvignon," mahinang sambit ko sa isang bartender.

Ipinakita ko ang limang daliri na agad niyang nakuha kung ano ang ibig sabihin. Inilabas ko na agad ang aking credit card at isinabay sa paglapag niya ng limang bote. Ngayon na lang ako makakainom ng ganito, nasa tamang edad naman na ako kaya walang problema kung magpakalunod ako.

Gusto ko lang ng tahimik. Hangga't maaari, gusto kong umuwi sa sarili kong bahay para naman mapag-isa, sapat na sigurong dahilan yong ganito. Pakiramdam ko, bumababa ang halaga ko sa aking sarili, madali na lang para sa kanila na saktan ako dahil nga mahina ako. Sobrang dali na lang.

Umayos ako ng upo saka pinagmasdan ang paligid, sobrang saya nila. May mga nagsasayawan ngunit ang iba ay mas pinipiling maupo sa tabi at ubusin ang mga alak na nasa mesa.

Hindi ko pa man din nauubos ang isang bote ay nakaramdam agad ako ng kakaiba. Hababg tumatagal ay mas lalo akong nahihilo. May mangilan-ngilang nakikipag-usap sa akin ngunit nginingitian ko na lang sila. Kadalasan ay mga lalaking inaalok akong makipagsayawan at nakikipagkuwentuhan, ngunit agad ding umaalis sa tuwing may babaeng lumalapit sa kanila.

Hindi ko na namamalayan ang oras, alam ko ang ginagawa ko ngunit ang paningin ko ay hindi na masyadong nakakakilala. Kailangan ko pang titigan ang aking selpon upang malaman kung anong oras na ba. Sa kasamang palad, wala akong mabasa.

"Ma'am? May sundo po ba kayo?" tinig ng isang babaeng agad kong inilingan.

"I-I don't need them..."

Malakas na pag-alog ang naramdaman ko sa aking buong sistema. Sa sobrang sakit ng aking ulo ay napangiwi na lang ako, nakadikit na ang aking ilong sa mismong pinaglalagyan ng mga bote. Wala na akong ibang marinig kundi ang mga ingay sa buong kuwarto, hinigpitan ko ang aking pagkakahawak sa bakal na nasa aking harapan upang hindi mahulog.

Maya-maya pa ay may isang lumapit sa akin na hindi ko matanaw kung sino, hindi ko maaninag ang mukha ngunit ramdam na ramdam ko kung paano niya haplusin ang aking likuran.

"Dude! Kalmahan natin. Kung nagugutom yang alaga mo, kumuha ka ng ibang babae, hindi ang isang to..."

Pamilyar ang boses sa akin ng isang yon. Mabilis akong tumango bilang pagsang-ayon. Napatawa pa ako sa di malamang dahilan at saka akma na sanang hahablutin ang isang baso nang may pumitik sa aking daliri.

"Tama na yan. Uwi na tayo, yari ka sa tito mo. Gagalit na, tara na. Hoy Jai! Huwag mo nang patulan yang tigang na yan!" Malakas ma tinig na nagmumula sa isang lalaking nakahawak sa aking braso.

"Hmm, y-you want me to sex with you?" nakangiting tanong ko at hindi ko alam kung saan ako nasubsob, ngunit naririnig ko ang pagtibok ng kung ano.

"Miss? Bayad na ba yang mga ininom niya? Sige salamat po. Jai! Tang*na! Tara na, wala na sa sarili si Zeren, inaalok niya ako makipag-ano, gago, nakakatakot. Ikaw bumuhat, oh!"

Naramdaman ko na lang na umangat ako saka tuluyang nawalan ng malay.

Hindi ko magawang imulat ang aking mga mata, ang nararamdaman ko lamang ay ang malamig na bimpo na dumadampi sa aking balat. Ni hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan dahil sa bigat nito.

Kung wala pang tumapik sa akong pisngi ay baka hindi ko mamulat ang aking mata. Ngunit napapikit na lang ako ng mariin sa sobrang pagkirot nito.

"F-Fred," bulong ko kasabay ng paghinto ng pagdampi sa aking balat.

"I'm your tito. What about Fred?" tinig ng isnag malalim na boses na nagpadilat sa akin.

Walang bahid ng emosyon ang mga mukha nito, ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react. Pilitin ko mang tumayo ay hindi ko kaya dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"N-Nothing," pikit-mata kong sagot.

Nagpatuloy ito sa pagdampi sa akin, ako na ang kusang umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang pagmasdan ang mga mata ni tito. Alam kong marami siyang itatanong, at kailangan ko nang mag-isip ng sagot.

Naramdaman ko ang pagtayo nito, roon din ay pumasok sa kuwarto si Nikasha hababg hinihimas ang kaniyang tiyan.

"Aalis na ako. Ikaw na bahala sa kapatid mo."

"Okay. Take care," sagot ni Nikasha, saka nagtama ang aming paningin.

Nahinto ito sa knaiyang ginagawa saka ako nginisian. Minsan pa itong napapatawa at biglang kukunot.

"What are you problem? Say what's on your mind," inis kong saad.

Binitawan nito ang tasa at saka dahan-dahang lumapit sa akin. Titig na titig lamang na ito na para bang pinag-aaralan ang lahat ng detalye ng aking mukha.

"Mahal mo ba si Fred?" mabilis nitong tanong dahilan para mapamaaang ako.

"Sorry?"

"Mahal mo ba si Fred, kak—"

"Anong klaseng tanong yan? That's a stupid questio—"

"And that's a stupid reaction," pagpuputol niya sa mga sinasabi ko.

Ako na ang kusang tumahimik. I don't know, what is her point to ask me that?

Tumayo ito sa kama at saka kinuha ang kumot sa kabilang kama. Hindi na ito tumingin sa akin ngunit nagpatuloy sa pagsasalita.

"Umiyak ka kagabi. Binabanggit mo ang pangalan ni Fred. Hmm, ano pa ba? Oh! Sinukaan mo si Jairo, at hinalik-halikan mo ang pisngi ni tito habang binabanggit si Fred. May ibinubulong ka pa, for sure narinig naman ni tito yon," mahabang salaysay nito saka inilapag ang kumot.

Mas naging madiin ang pagkapit mo sa kotson at sa aking kumot. Mas lalong nag-init ang aking pisngi dahil sa pagkindat ni Nikasha.

"It's okay kapatid. Gano'n talaga kapag uminom ng isang likidong puwedeng sumira sa atay mo, at diyan sa utak mo."

"N-No, I can't do those things."

"But you already did. So bad. Sikreto na lang namin iyon," nakangiting saan niya saka binuksan ang pinto.

"Secret? Sinong kayo?"

"Lahat ng tao sa mansyon. Kami lang naman. Kunwari wala kaming nakita. Sinabi pa nga ni tito na umakto na lang sila na walang nangyari. Kaya secret na lang namin yon. Sige na, magpahinga ka na. Isipin mo na lang na hindi mo ginawa ang mga bagay na yon."

Malakas na pagsara ang aking narinig. Halos umalis ang buong kaluluwa ko dahil sa mga sinabi niya.

Hindi maaari. Hindi ko ginawa ang mga bagay na 'yon.

Gusto ko na lang i-untog ang sarili ko sa pader ngunit mas namomroblema ang aking sikmura. Nagugutom na ako. Kaya kahit na nahihilo ay mas pinili kong mag-asikaso at magbabad sa tubig upang mahimasmasan. Nagbihis agad ako at saka pumanhik sa ibaba.

Dire-diretso lamang ako papuntang kusina, kumuha agad ako ng maiinom at hindi pinansin ang pagtitig sa akin ni Martin.

"Good morning babe," bati niya na nginitian ko lang nang kaunti.

"H-Hey, kain ka na rito," tawag sa akin ni Tita Summer na inilingan ko lang.

"Mamaya na po. Salamat," anas ko saka kumuha ng mansanas at nilagpasan si Martin.

Pumunta na lang ako sa kabilang salas sa mismong likuran upang makaiwas sa rami ng tao. Katulad ng sinabi ni Nikasha ay magpanggap na lang ako na walang alam. Natigil ako sa pagnguya dahil sa isang mataba at maamong kulay kahel na lumakad papunta sa akin.

"S-Sero," masayang tawag ko saka tumalon sa aking dibdib na agad kong nasalo.

Sobrang bigat na niya at ang kapal ka ng kaniyang balahibo, kinuskos nito ang ulo sa aking leeg at ang kamay nitong dumadampi sa aking labi.

"I miss you, Sero." Pang-aalo ko sa kaniya. "Don't leave me okay? I love you."

Hinalikan ko ito na halos anak na ang turing ko, kahit na alam ko na minsan ay hindi ko siya naaalagaan, naiiwan naman siya kay Jairo. Sinisikap kong magkaroon ng ilang oras upang makipaglaro sa kaniya noon.

Pero kahit na anong gawing pang-aaliw ko sa aking sarili, balewala iyon sa tuwing binibigkas ko ang pangalan ng pusang ito. Nakalimutan kong galing sa isang tao ang pinangalan ko sa aking pusa. Nakita ko ang paglaki ng itim nito sa mata na para bang nagpapaawa, isiniksik ang ulo sa aking leeg na para bang nanlalambing.

"Sshhh, it's okay.

I tried to be a better person just to deserve you. But then you chose her. You chose my friend and it made me realized that I failed.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.