In Love With The Rain Chapter 22

"May isang babae, na naka-puti, umuwi ng lasing, at umiiyak. May isang babae na naka-puti, umuwi ng lasing at umiiyak, di na siya malungkot..."

Kanina ko pang gustong umalis sa kinauupuan ko dahil sa paulit-ulit na kanta nila Lucas at Martin. Alam ko naman na ako ang tinutukoy nila. Kahit na sawayin na sila nila tita, panay pa rin ang pang-aasar.

"Zeren!" bulyaw ni Lucas na halos magpatalon sa akin.

Pati ang mga tita ko ay natigil sa mga ginagawa dahil doon. Nagmadali ito sa pagtayo at naupo sa tapat ko. Iritang-irita ito na sinabunutan ang sarili.

"W-What?"

"Huwag mo nang uulitin yon. Tsk. Alam mo ba? May lalak— huwag na lang pala," pagbabago ng isip nito na kinunotan ko.

"May lalaki? Na?"

"Hindi wala yon. Work of fiction lang yon," sabi nito saka mabilis na umalis sa aking harapan.

Nakapagtataka man pero itinuon ko na lang ang aking sarili sa tulog na pusa na nasa aking hita. Hinihintay si tito na bumaba dahil may sasabihin daw ito sa akin. Alam ko naman na tungkol iyon sa trabaho. Sinigurado kong malayo ako sa iba para naman makaiwas sa mga tanong. Napansin ko rin na wala rito sila Sevein at Kelly.

"Okay na ba sa 'yo ang one week, para makapagpahinga? Or you want me to consult you to Keus?"

"I'm okay. Thank you," wala sa mood na sagot ko.

Nanatili lamang siyang nakatayo sa aking harapan. Hindi ko man makita ang kaniyang reaksyon ay alam mong hinahabaan niya lang ang kaniyang pasensya.

"Uhuh? Let me see. Umuwi ka ng lasing dito at kung ano-ano ang mga sinasabi sa akin tungkol kay Fred. Why are you felt sorry with him? May ginawa ka bang kasalanan? Ni hindi ka na lang sumabay kay Sev, o di naman kaya tumawag sa akin para masundo kita kagabi, hindi mo alam na maraming nag-aalala sa 'yo dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag namin," mahabang komento nito.

Ramdam ko ang inis ni tito at panenermon sa harap ng mga tao sa mansyon. Ganito rin naman ang nangyayari noon sa mga kapatid ko. Nothing new. Ang hindi ko lang maintindihan, hindi man lang nila tinatanong kung okay lang ba ako, kung maayos ba ang kalagayan ko.

"Magmula nang mawala si Fred, naging ganyan ka na. I'm just waiting you to tell me what's your problem. Ayusin mo ang sarili mo, Zeren," huling salita ni tito saka niya ako tinalikuran.

Kusa na lang tumulo ang aking mga luha. Wala naman akong naramdaman na kahit na ano kanina pero alam ko kung ano ang epekto non sa akin. Agad kong hinipo ang balahibo ni Sero, dahil bumagsak ang luha ko roon.

Ayoko munang makinig sa kanila. Kahit naman na gustuhin kong ayusin ang aking sarili, hindi naman gano'n kadali. Hinahayaan ko na lamang ang ganito at pinapalipas na lang kasabay ng pagbabago ng panahon. Lilipas din naman ito. Hindi nga lang ngayon.

Inayos ko ng higa ang aking alaga, tulog na tulog pa rin ito kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang pumunta ng kusina, may mangilan-ngilang kinakausap ako ngunit tanging tango at ngiti lang ang sinasagot ko.

Hinablot ko ang isang beer at agad na itinago iyon sa loob ng aking damit, ngunit bago lumabas ng kusina ay nadatnan ko agad si Jairo na nakabantay na sa bungad at titig na titig sa akong tagiliran kung nasaan ang lata.

"Inom na naman?"

"Who cares?"

"Samahan na kita," anas nito at nilagpasan ako.

"Ayoko. Gusto kong mag-is—"

"I'm not asking you kung puwede bang sumama. Baka mamaya mapa’no ka na naman. Ayaw mo naman atang mas magalit ang tito mo," mahinang saad niya kaya wala na akong nagawa.

Nauna na ako sa labas ng mansyon at nagsimulang maglakad-lakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay natanaw ko agad ang pamilyar na aninong iyon.

"Gusto mong mag-kwento? Makikinig ako," panimula nito nang pumantay ito sa akin.

"Why do I have to tell you? As if naman na matulungan mo ako."

"Baka mabawasan ko."

"No thanks."

I became rude. Habang tumatagal nangyayari na ang mga bagay na ayokong mangyari sa akin noon. Pero wala akong magagawa, may emosyon din naman ako.

"Fred is good guy. Nikasha is his standard, but he chose to focus on his work for his future," pagkukwento nito na ipinagtaka ko.

Seryosong-seryoso siya habang naglalakad at diretso lamang ang tingin niya sa daan.

Bakit niya sinasabi sa akin ang mga yan?

"Wala siyang ibang ginawa para magtrabaho para sa lola niya, he even set aside his wants. Nirerespeto ka niya, sinabi niya sa amin noon na natatakot siyang makipagtrabaho sa inyo dahil hindi niya naman daw deserve iyon. Pero dahil sa sakit ng lola niya, tinanggap niya iyo—"

"What are you saying those words? Huh? Bakit ba lahat kayo si Fred, na lang sinasabi—"

"Pero hindi lahat alam ang video na iyon."

Sa salitang iyon lang ako muling kinabahan. Kusang nanuyot ang aking lalamunan, nagtama ang paningin namin saka ko siyang nakitang ngumisi.

"Tinapon ko ang camera na yon, sinira ko iyon para makasiguradong walang makakakita. Kung sinisisi mo ang sarili mo sa lahat, nagsisisi rin ako na hindi ko sina I ang totoo noon pa lang na walang kasalanan si Fred. He's drunk, both of you are drunk. Malakas siguro ang epekto ng alak na nainom ninyo kaya hindi ninyo nakilala ang bawat isa, by that, nagawa mo ang bagay na yon dahilan para matukso si Fred. Kadalasan, hindi na mapipihilan ng isang tao ang nararamdaman, lalo na kung naapektuhan na ang utak nito," mahabang salaysay niya saka inubos ang ininom.

Paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon? All this time, kaya pala sobrang tahimik niya at umiiwas sa mga gano'ng usapan. All this time, alam na niya ang lahat.

"S-Saan mo nakita ang camera? P-Paano?"

"At your dress, no'ng nilabhan ni Kierra, tinulungan ko siya noon, si Tita Summer na dapat ang nag-aasikaso pero dahil nakita ko ang camera, kami ni Keirra ang nag-asikaso. Ako lang ang may alam, at akala ko, alam mo na rin ang lahat, kaya nanahimik lang ako dahil sa pagiging balisa mo."

"J-Jai—"

"Both of you are just a victim."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong muling humagulhol. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang nang umiyak dahil this time, nakahanap ako ng isang taong puwede akong matulungan. I may not sure of my nightmare is safe with him, but I trust him.

"Tahan na. Huwag mo nang gayahin si Mildred sa katigasan ng ulo. May panahon pa para makapagpaliwanag ka. But first, you have to fix yourself. Magpahinga ka, aliwin mo sarili mo. This time, I know, Fred blamed itself," bulong nito habang hinihimas ang aking likuran.

Gusto ko na lang iiyak lahat hanggang sa mapagod ako at makatulog. Alam kong hindi ito ang tamang lugar para mag-usap kami ng ganito, pero siguro, ito ang tamang panahon para mailabas ko lahat ng hinanakit ko.

I want to end this. I want the peace of mind.

"P-Paano? Gusto kong magpaliwanag sa kaniya, but he's not here. We don't know where we find him."

"Just accept your uncle's offer at Agustin Island. Your all questions may answer in that place. Someday, you will be okay. Just face the consequences."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.