In Love With The Rain Chapter 24

Nagpatuloy ang aking paglalakad sa dalampasigan, madilim na ngunit sinusubukan ko pa ring titigan ang kabilang isla. Nahihiwagaan ako roon at parang gusto ko nang pumunta sa lugar na iyon. Kung sabagay, bukas siguro ay naroon ako.

Nahinto ako sa paglalakad dahil sa isang bolang sumagi sa aking paanan. Bahagya ko itong tinitigan ngunit gano'n na lang ang aking pagtataka sa isang maliit na batang nakatitig sa akin, nakatagilid ang kaniyang ulo habang kagat-kagat ang kaniyang bibig.

"Is this yours?" tanong ko ngunit hindi ito sumagot.

Pinili kong ilipat ang aking tingin sa bolang kaniyang tinitingnan. Agad ko iyon kinuha at saka dahan-dahang lumapit sa batang babae.

"Here." Abot ko sa bolang iyon na dahan-dahan niyang kinuha. "Hmm, anong pangalan mo?" malambing kong tanong.

"A-Ara," sagot nito at saka siya lumayo nang kaunti sa akin.

"May kasama ka ba?"

"Hmm, mama," sagot nito na ngayon ay tinuturo na ang isang babaeng tumatakbo palapit sa amin.

Tumayo na ako nang tuwid nang makalapit na ang kaniyang ina saka ako pinagmasdan. Ngunit binalik niya rin iyon sa kaniyang anak at saka inakay palayo sa akin. Bahagya akong nagtaka at gustong awatin ang babaeng pinalo sa puwetan ang batang si Ara.

Naiyakap ko na lang ang aking sarili at nagpasyang bumalik sa tinutuluyan. Wala na rin namang masyadong tao dahil mukhang maagang nagpapahinga ang mga tao rito.

"Ewan ko ba riyan kay Fred, pumapayag na awayin ng asawa, napagbintangan pa na nambababae, palibhasa, e, walang ibang ginawa kundi ang humingi ng pera."

Wala sa sariling napahinto ako dahil sa usapan na iyon ng dalawang lalaki na parehas na naka-suot ng uniporme. Mukhang mga trabahador. Ngunit ang mas nakakuha pa ng aking atensyon ay ang mga sinasabi nila tungkol sa isang pamilyar na lalaki. Mas lalo ko pang binagalan ang aking paglalakad kasunod nila na mukhang pupunta sa dagat.

"Ang bata pa ng anak nila, sana maayos nila yang problema nilang mag-asawa..."

Hindi na ako tuluyang nakasunod dahil sa pagsakay nila sa bangka. Binuksan ng isa ang lampara kaya naman gano'n na lang ang pagtalikod mo dahil napansin kong lumingon ang lalaking nagtutulak ng bangka.

Nagmadali ako sa pagpunta sa kubo at nag-asikaso ng sarili, hindi ko pa rin maalis sa aking utak ang mga narinig ko. Ang mga sinabi noon nila Maru, na may kahawig si Fred dito at ang sinabi ng dalawang lalaki.

"He has a family now. Kaya ba umalis siya sa syudad?" bulong ko sa aking sarili at saka pinunasan ng tuwalya ang katawan.

Mukhang hindi ko siya makakausap nang maayos dahil pamilyado na siya, at sa mga problema niya lalo na sa kaniyang asawa.

Matapos kong isara ang mga bintana ay nahiga na ako. Hindi ko magawang kumain dahil doon at paulit-ulit pa rin ang mga tinig na iyon. May kung ano sa akin na kumikirot. Sa tuwing naaalala ko ang nagdaang panahon ay wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin ko ang aking sarili. Wala akong maramdamang galit sa kaniya dahil my mas galit ako sa sa aking sarili.

Hanggang kailan ko ba panghahawakan ang ganitong sitwasyon.

Kinabukasan ay matapos kong mag-asikaso, bumungad agad sa akin sila Joan, kasama niya pa rin ang isang lalaki na may edad na rin. Maaga pa naman ngunit masigla na ang mga taong nakapaligid sa akin, lalo na ang mga bata.

Sa syudad, nahihimbing pa rin ang mga tao kahit ala-syete na.

White pants and blue polo ang aking isinuot, kinakabahan man ay mas pinilit kong maging pormal dahil makakaharap ko na si Mr. Anthony. Balita ko ay binata pa iyon kaya si tito na ang nagsabing mag-ingat ako at bantayan ang kilos. Iyon din ang dahilan kung bakit pinapasunod si Jairo dito.

White yacht ang bumungad sa akin. Halatang mayaman talaga ang isang iyon at hindi na rin ako magtataka kung binili na niya ang mga isla roon. Tahimik lamang kami habang katamtaman ang bilis ng pagpapatakbo nito. Habang tumatagal ay mas nakikita ko ang buong lugar.

Umabot din ng kalahating oras bago kami makarating sa isang isla. Akala ko pa naman ay saglit lang. Nang makababa kami ay nakita ko agad si Mr. Anthony, sinalubong ako nito at bahagyang kinuha ang aking kamay. Nakakagulat man ngunit hindi na bago sa akin ang ganito. Nakakaramdam nga lang ako ng pagka-ilang.

"My glamorous visitor, enjoy your day here Ms. Zeren," nakangiting saad nito na nginitian ko rin.

"Yeah, I totally enjoyed my day at Centro," pagtutukoy ko sa isang isla.

Habang nagsasalita ito ay hindi ko maiwasang pansinin ang aking paligid. Puting buhangin ang natatapakan namin at kapansin-pansin ang mga puno ng buko na nakapalibot sa amin, tanaw na tanaw ko ang bundok na nasa dulo at mukhang nandoon ang hangganan ng isla, ngunit ang kapansin-pansin ay ang isang malaking bakante sa gitna kung saan kasalukuyang ginagawa ang casino na kanilang tinutukoy.

"Currently working, huh," bulong ko na kaniyang tinawanan.

"Siyempre naman. Para mabilis ang usad, at alam kong hindi ako magkakamali sa mga taong nilapitan ko."

Napansin ko rin na bahagyang tumitigil a pag-ta-trabaho ang ilang mga trabahador doon at napapatingin pa sa akin. Sobrang dami ng mga trabahador at posible talagang matapos ang pinapagawa ni Anthony sa loob lang ng isang taon.

"Ang bundok na iyon, hangganan na iyan diba?" tanong ko na agad niyang tinanguan.

"Tama ka, sinigurado namin na may sapat na layo ang ginagawa namin, at nakakasiguro kayo na wala kaming balak na gibain iyan," maagap na sabi nito na aking ikinatuwa.

Katulad ng sinabi ni Nikasha, sadyain ko raw na tanungin sa kanila kung gigibain ba ang bundok na iyon, dahil siya raw mismo ang magpapatigil sa transakyon kung oo. Sadyang maalaga lang si Nikasha pagdating sa kalikasan. So meaning, tuloy ang transakyon.

"Would you mind to invite you in my company? Ayoko lang na pagdudahan mo ako," natatawang anas nito na tinawanan ko lang din.

Somehow, he has a point.

Tama lamang ang laki ng kumpanya niya, sapat na para makita ang kabuoan ng lugar at mukhang gawa talaga sa matitibay na materyal. Kahit ang mga tao rito at sobrang galang at magigiliw. Hindi ako lubos na makapaniwala dahil ang mga inihahain nilang pagkain ay galing pa sa pinaka-sentro, karamihan ay kakanin at kung ano-ano pa na hindi aakalaing kakainin ng mga mayayaman.

Well, wala namang choice ang mga turista kung sakaling ipaghanda sila, at isa pa, magandang choice din iyon dahil hindi nasasayang ang mga negosyong pagkain sa sentro. Kaya siguro suportado nila na magtayo ng casino dahil doon. Give and take, isa sa mga nakakatulong na gawian lalo na sa dalawang grupo.

"Come in, young lady." Pagbubukas nito ng pinto at bumungad sa akin ang opisina nitong sobrang luwang.

Glass wall ang nasa dulo kung kaya't nakikita ang buong paligid at ang ginagawang paghuhukay. Inalalayan ako nito na maupo sa sofa at natakam agad sa iba't-ibang mga pagkain na naroon.

"Well, before we start our discussion about the contract, why don't we eat first? Hmm, mukhang magugustuhan mo ang isang pinapaluto ko. Joan? Pakibilinan si Fred, na dalhin dito," ngiting utos nito na unti-unting nagpawala sa aking ngiti.

Ngunit hangga't maaari ay nanatili ito at inilibot ang paningin sa buong paligid.

"Hmm, is that your engineer? That Fred?" wala sa sariling tanong ko na kaniyang kinunotan.

"Fred? Engineer? We don't have an Engineer named Fred, here. Bakit?" sinserong tanong nito.

Ngumiti agad ako at saka umiling. "Ah, nothing. May kapangalan niya siguro. Anyways, mukhang masarap itong isa, can I try?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Sure sure! Oh wait, ako na ang mag-aasikaso sa'yo," nakangiting saad nito at saka ko pinaubaya sa kaniya ang pagkain.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagtawag ni Joan, sa Fred na pumasok sa loob. Nagtama ang paningin nito dahilan para mawala ang aking kaba. Ngumiti ito sa akin at inilagay sa mesa ang iba pang pagkain.

He's not. Baka talaga wala siya rito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.