Halos hindi ako makatayo sa sobrang bigat ng aking tiyan dahil sa aking mga nakain. Natatawa na lang sa akin si Anthony, dahil kahit siya ay naparami rin sa pagkain. Nagpahinga lamang kami sa loob ng kaniyang opisina at kahit papaano ay napag-usapan na rin ang mangyayari sa casino.
But, we have to talk Tito Matt. Siya lang ang pinakamalapit sa akin at puwedeng pagtanungan about sa ibang components na tungkol sa mga casino.
"Mukhang pagsisisihan mo ang pagpunta rito," natatawang sabi nito sa akin. "Malakas ka palang kumain," dugtong nito.
"Mukha nga. Mukhang tatagal ako rito," ngiting sabi ko na mukhang magkakatotoo.
Napagdesisyunan namin kanina na sa next week na sisimulan ang mga kailangan gawin, balak pa niyang magdagdag ng mga trabahador mula sa pinaka-sentro, ngayong linggo na rin ililipat sa islang ito ang mga materyales. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan ako, ngunit mas maganda na na nakikita ko ang mga ginagawa.
Roon pa rin ako mananatili sa sentro dahil mas ligtas at may seguridad ako doon, ngayon ko lang din nalaman na ang kabilang isla ay room naninirahan ang ibang mga trabahador. Kaunti lamang ang naninirahan doon dahil gubat na raw ang kalahati ng islang iyon. May batas din sa kanila na bawal putulin ang mga puno roon lalo na ang mga kuweba. Gamit ang bangka ay puwede nang makarating doon sa loob lang ng sampung minuto. Malapit lang iyon kung tutuusin.
"Puwede kitang ipalibot doon, dinarayo ang islang iyon tuwing Abril, maganda ang kondisyon ng mga kuweba roon. Trabahador lang din namin ang nag-aasikaso, kaya doble ang kita nila," dagdag pa nito na ikinamangha ko.
"Really? Ilan lang ang mga nakatira doon?"
"Hmm, more or less twenty? Mga masisipag ang pinipili namin para naman hindi masayang." Tumayo ito at saka inayos ang polo.
Tumayo na rin ako dahil mukhang pupunta na kami sa ibaba. Napansin ko ang pagbigat ng aking katawan, magbabawas na lang siguro ako ng taba mamaya.
Nagpatuloy kami sa paglibot hanggang sa makarating kami sa ibaba. Tanging si Joan lang ang nasa likuran namin. Napapakaway ako sa mga taong narito sa ibaba na karamihan ay mga lalaki pa. Bihira lang ako makakita ng babae, sa sentro naman ay puro babae ang naroon. Mukhang ito na talaga ang hanap-buhay rito.
Napansin ko na malalim ang hukay at may mga pundasyon na rin. May napansin naman akong materyales pero kulang iyon. Sa kailaliman ng tirik na tirik na araw ay walang tigil sa paghuhukay at paggawa ng malaking semento, hawak ang ibang mga pala at napansin ko ang isa na pinapagalitan ng mas mataas sa kanila. Mukhang foreman nila.
Sa gitna nang pagtitig na ginagawa ko ay mabilis akong napa-atras dahil sa pagbangga ko sa kung anong matigas.
"S-Sorry, Ma'am," bulong ng isang matangkad na lalaking nakayuko habang pinupulot ang ibang mga gamit na nagkalat na pako.
"Oh! I'm sorr—"
"Anong nangyayari dito?" pagpuputol ni Anthony, sa dapat na sinasabi ko.
"Ah, no, hindi kasi ako nakatingin sa daan. I'm really sorry Sir," magalang kong saad sa isang lalaking natatakpan ng sumbrero at ang mabalbas nitong baba.
"Okay lang po, yon Ma'am," sagot nito sa akin nang makatayo siya saka ko nakita ang pamilyar na mga mata nito.
Ngunit tuluyan na niya ako tinalikuran habang bitbit ang mga gamit na kaniyang hawak. Punong-puno ng putik ang mga damit nito at halos hirap sa paglalakad. Pero pinutol ko na ang iniisip ko at muling binalikan si Anthony.
"Isa nga pala yon sa mga nakatira sa kabilang isla. Pasensya ka na roon, kagagaling lang sa sakit," sabi niya na nakatingin din sa lalaking nakabuggo ko.
"Buti kilala mo silang lahat dito?" pagtataka ko.
Sobrang dami nila rito at kahit ako ay mahihirapang kabisaduhin ang mga pangalan nila.
"Oo naman. Dito na ako lumaki, kaya kilala ko silang lahat. Siya nga pala, ito ang..."
Umabot ng ilang oras ang paglilibot namin, hindi ko inakalang mapapagod ako ng ganito dahil sa sobrang layo nang naikot namin. Bukas ay free day ko. Puwede long gawin ang lahat ng aking gusto hangga't hindi dumarating ang mga materyales. Kung sakaling mamasyal man ako papuntang kabilang isla o rito kung saan ginagawa ang casino, may bangka naman akong gagamitin. Marunong naman akong gumamit ng bangka.
Mukhang makakapagbakasyon nga ako rito. Hindi naman kailangan ay buong araw akong magtrabaho.
Napagdesisyunan kong umuwi na sa sentro, doon pa rin ako mananatili hanggang sa matapos ang pag-ta-trabaho ko rito. Kagaya nang nakagawian ay nakikinig lamang ako ng musika at gumagawa ng kung ano-anong tono. Umayos ako nang upo nang huminto ang kanta, masyado pa namang maaga para matulog. Mabuti na lang at nagdala ako ng mga libro na mababasa, ngunit dumagundong sa aking kinauupuan ang ugong ang aking selpon.
Jairo?
Agad kong sinagot iyon dahil mukhang may signal naman.
"Jai?"
[Musta na? Wala kang paramdam sa amin, baka raw nag-asawa ka na riyan,] sagot ni Jairo sa kabilang linya saka ko narinig ang malakaa na tawanan.
Mukhang nasa mansyon siya.
"Excuse me? Buong araw akong nasa site. Kauuwi ko lang din," depensa ko at matunog itong napangisi.
[Huwag ka raw uuwi rito nang walang dalang lalaki, that's an order.]
"Hmm, pag-iisipan ko. Should I pray from now on?" natatawang saad ko saka tumayo.
[Mukhang seryoso ka. Sige na, nangamusta lang ako. Wala pa ang tito mo, e. Ingat na lang diyan. Good night.]
"Take care, good night."
Ibinagsak ko na ang aking sarili sa malambot na higaan, hinayaan ko lamang na bukas ang bintana upang pumasok ang hangin, pinilit kong alalahanin muli ang mga nangyari kanina. Sulit na naman ang pagod ko dahil may nakilala akong mga tao at nakakita ng magagandang tanawin. Mukhang hindi ko pagsisisihan ang sinabi ni Jairo na alukin ko ang trabahong ito.
Dapat ko na rin sigurong ipagpaliban ang mga iniisip ko tungkol kay Fred. Alam kong wala na akong pag-asa para mahanap siya. Ginagalang ko ang kaniyang desisyon at pinagsisisihan ko ang mga nasabi ko sa kaniya.
I badly want to meet him, but soon. I just really need to fix myself. Gusto ko munang ayusin at hanapin ang sarili ko bago ko siya makausap. For now, kailangan ko munang mag-focus sa aking sarili.
Just peace of mind and no more painful.
Sobrang dami kong naiisip, at hindi ko iyon maiiwasan dahil nag-iisa na naman ako. Hindi ko rin magawang tingnan ang mga litrato nila Kelly at Sevein, sinadya kong huwag mo na silang kausapin dahil alam kung iisipin nila na abala ako sa trabaho.
I am happy for them. It's real. But I can't deny that I am in the pain. I badly want to be happy for them but it's difficult. Wala na akong pangamba kay Kelly dahil nahanap na niya ang lalaking mag-aalaga sa kaniya.
Iniisip ko lang na baka may dahilan si lord, kung bakit hindi niya binigay sa akin ang lalaking gusto ko. Somehow, my tito is right, na baka gusto ko lang siya pero hindi ko mahal.
Napabuntonghininga na lang ako at binuklat ang isang libro na galing sa pinakamamahal kong kapatid. Gusto kong suportahan si Nikasha sa pagsusulat kahit na alam kong masasakit ang mga sinusulat niya. She's not into romance. I know her. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ayaw basahin ni Veron ang mga gawa niya.
Aksidenteng nahinto ang aking daliri sa paglipat ng bawat pahina sa libro na isinulat ng aking kapatid. Sa pinakadulonh bahagi, nakasulat doon ang mga salitang hindi ko iisiping gawa lamang ng kaniyang kathang-isip.
“In this book, you are just a narrator of their love story.”
I felt that.