In Love With The Rain Chapter 27

[Pasensya na po talaga Ma'am, pero pinasuyo naman po kayo ni Sir sa akin. Tuloy pa rin naman po ma'am, nandito na rin naman po ang mga materyales,] saad nito sa kabilang linya na tinanguan ko lang.

"No worries, Joan. Thank you for informing me. Alam ko naman na hindi lang ito ang trabaho niya. Hmm, okay lang ba kung bumisita ako sa kabilang isla? Gusto ko sanang mag-ikot-ikot," pagbabakasakali ko habang tinititigan ang sarili sa salamin.

[Oo naman po Ma'am, puwede ko po kayong samahan o kaya si Kuya Lando, namamhala sa mga bangka.]

"No, it's okay. Ako na lang siguro. Salamat ulit, Joan. Have a nice day."

Naibaba ko na ang telepono at saka inayos ang aking sarili. Sobrang taas ng sikat ng araw ngayon kaya wala masyadong tao sa dalampasigan. Ngunit hindi iyon ang dahilan para hindi ako pumunta sa kabilang isla.

Nagpasya akong lumabas ng kubo na ang tanging dala ay ang aking sarili. Kahit payong ay hindi na ako nag-abalang magdala. Kumaway na ako kay Mang Lando na tinutukoy nila pagdating sa bangka, nakilala ko ka rin siya noon dahil siya ang nagkusang pahiramin ako ng isang bangka.

Dahan-dahan ko itong itinulak papunta sa katamtamang lalim ng tubig. Mabuti na lang at may tumulong sa akin na hindi ko kakilala at agad naman na nagpasalamat sa kanila. Sa dalawang linggong pagtatagal ko rito ay hindi ko na rin nakakausap si tito at ang mga kapatid ko. Muntik pa akong napauwi dahil sa mga nangyari sa mansyon.

I felt sorry for Maru. He's kind and responsible husband. Sobrang bilis nang pangyayari. Maru had an accident two days ago. April 4 at 4:44 at the afternoon. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Nikasha dahil kahit sila ay hindi rin nila nakausap ang kapatid ko nang maayos. But I trust her, I know she's strong. At alam kong hinding-hindi ko malalagpasan ang lebel ng katapangan niya.

I'm a coward. I overthink a lot. My emotion is matter before anything else. Ika nga nila, uto-uto ako. But then, I know myself, I know who I am.

Sometimes, their opinion is doesn't matter.

Nagpatuloy ako sa pagsagwan at inalis ang aking isipan sa mga negatibong aking naiisip. Unti-unting bumubuti ang lahay ng pag-iisip ko rito dahil sa mga taong nakapalibot sa akin. Nang mapagod sa pagsagwan ay binuksan ko na lang ang motor nito upang ito ang kusang tumakbo.

Habang patagal nang patagal ay malinaw Kong nakikita ang naglalakihang puno at nagtataasang mga bato, iyon ata ang mga kweba na tinutukoy nila na wala masyadong pumupunta. Nang makalapit ako ay unti-unti kong hinila ang motor upang humina. Mabuti na lang at nakasuot lamang ako ng hanggang hita ko kaya hindi nababasa ang aking suot.

Maingat ko itong inusog sa dalampasigan na siguradong hindi maabot ng alon. Doon ko lang din natitigan ang buong lugar. Halos masukal ito kumpara sa ibang mga isla.

"La Sisid," pagbabasa ko sa isang kahoy na nakadikit sa mismong katawan ng puno.

Ito siguro ang pangalan ng isla na ito. Agad akong napatakbo sa malilim na bahagi ng puno dahil sa sobrang nakakapaso na init ng araw. Hindi ko rin masisisi ang mga mangingisida kung bakit ayaw nilang pumalaot ngayon. Nagsimula na akong maglakad-lakad sa ilalim ng matatayog na puno, para akong nasa gubat, wala man lang akong makitang mga tao na naglalakad. Hindi ko maiwasan alalahanin ang mga sinabi ni Anthony na iilan lang ang mga nakatira dito.

"Hoping for some birds, teach me how to fly, lying above the clouds as I looking for anwer..."

Mahina at banayad lamang ang aking pagkakanta, hindi maalis sa aking labi ang minsang pagsabay sa akin ng mga ibon, na nakikipagtitigan pa.

Inilabas ko mula sa maliit na supot na plastik ang aking selpon, nadala na ako noon dahil sa pagbagsak ng ulan. Halos tanaw na tanaw ko na ang naglalakihang bato na mukhang kuweba ang iyon. Nagmadali ako upang tingnan iyon, yon nga lang ay dumilim na naman ang paligid. Bahagya akong naupo upang silipin ang kalangitan sa bandang kaliwa na sobrang liwanag naman. Mukhang uulan pa.

"Hello?" katamtamang sigaw ko ngunit aalingawngaw lang ng boses ko ang aking narinig.

Wala sigurong tao ngayon dahil posibleng nasa trabaho sila. Nagpalakad-lakad lamamg ako kung saan-saan hanggang sa makalabas na naman ako ng masukal ka gubat. Nakarating ako sa pampang ngunit nasa ibang parte ata ako ng isla. Hindi ko matanaw ang ibang isla kaya siguro ay nasa likuran ako ng isla. Nagdire-diretso ako sa paglalakad, may malaking bato sa gitna ng mga buhangin na puwede kong upuan. Kung hindi lang mainit ay mauupo ako roon.

Babalik na lang sana ako sa bangka nang makaagaw pansin ang parang daanan sa gitna ng mga puno. Nagtataka man ay naglakad ako papunta roon, medyo malamig ang temperatura dito dahil mas maraming puno at dikit-dikit ang mga ito.

Sa hindi kalayuan ay napansin ko ang isang kubo, medyo mataas nga lang ito kaya mayroong hagdanan. Gano'n na lang ang saya ko dahil sa wakas ay may masisilingan na ako, umaambon na rin at ayokong mabasa dahil hindi pa gumagaling ang aking sipon, mabilis din akong kapitan ng sakit kapag hindi ako masyadong magaling.

Napayakap na lang ako sa aking sarili dahil sa paglakas ng hangin. Agad akong tumakbo roon at mabuti na lang ay malaki ang sakop ng kawig nito. Kawig o anahaw ang mga pantakip sa ibabaw ng kubo o bubong ang tawag ng iba.

Mabuti na lamang ay saktong pagtuntong ko roon ay doon na bumagsak ang ulan. Habang patagal nang patagal ay mas lalong sumasakit ang pagtalsik nito sa aking paa. Roon lamang akong nagdesisyon na umakyat sa hagdan upang paki-usapan ang may-ari ng bahay na magpatila muna.

"T-Tao po?" Katok ko sa pinto.

Hindi ko malaman kung naririnig ba ako dahil sa sobrang lakas ng ulan, parang Gabi na dahil sa sobrang kulimlim. Muli akong kumatok ngunit gaya kanina ay wala pa ring sumasagot. Lumakad ako sa gilid nito, mabuti na lang at may harang sa gilid kaya hindi ako mahuhulog.

"Makikiistobo po sana ako," malakas kong saad sa bintana na nakabukas.

Malinaw kong nakikita ang itsura ng loob, may kalakihan ito at tama lamang sa tatlong tao, ang higaan nito ay nasa lapag naman at nakaayos ang kumot at mga unan. Kaunti lamang ang mga gamit at napalingon ako sa dulong bahagi kung saan may pamilyar na litrato akong natanaw.

Larawan ng isang matanda at binatang pamilyar sa akin. Sa gitna nang pangangatog ko at basang-basa na katawan ay sinikap kong titigan iyon. Habang patagal nang patagal ay kumakalabog ang aking puso. Sobrang lakas at halos ikatulala ko na lang.

"F-Fred?" bulong ko habanh tinititigan ang iba pang litrato kung saan suot niya ang polo nito at ang sumbrero.

Engr: Suarez

Iyon ang nakasulat sa ibabang bahagi ng litrato niya. Ngunit agad akong napatakip ng aking tenga dahil sa sobrang lakas nang pagdagundong ng kulog.

Pinaghalong takot, gulat, at kaba ang nararamdaman ko kaya kahit na natatakot sa puwedeng mangyari ay nagmadali akong bumaba. Muling umalingawngaw sa akin ang mga sinabi ni Jairo na nandito sa isla ang sagot. Ito ba ang tinutukoy niya?

"Mang Lando?"

Agad akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon na halos ilang beses ko nang narinig dito. Ramdam ko ang takot dahil unti-unti ko nang natatanaw ang isang lalaki na may hawak na sumbrero, at nakasuot na bota.

Gusto kong humanap ng paraan para magtago at hindi ko na magawa dahil nahihirapan na akong maglakad, may sugat ang aking paa at nasa harapan ko na siya.

Sa gitna nang malakas na pagbugso ng hangin at dilim ng paligid ay nagtama ang paningin namin nito. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumuloy lalo na't sobrang dami ng tanong sa utak ko. Muli na naman itong nagulo.

Ang lalaking ilang beses ko nang nakabunggo na nababalutan ng makapal na balbas. Unti-unting lumakad ito dahilan para mapayuko ako. Nilakasan ko ang loob kong lumakad at iwasan ang tingin sa kaniya.

Hindi pa ako handang makaharap siya, hindi sa ganitong pagkakataon.

Tuluyan ko itong nalagpasan ngunit pakiramdam ko ay nakatingin ito sa akin. Dire-diretso lamang ako at pinipilit na makahinga nang malalim. Ngunit ako na rin ang umatras nang makita ko ang pampang. Sobrang lakas ng alon at halos wala akong makita.

Paano ako makakabalik sa kabilang isla?

Gumilid ako sa punong kinatatayuan ko, mabuti na lamang at makapal ang mga dahon nito kaya hindi gano'n kalakas ang pagbagsak sa akin ng ulan. Naupo ako at niyakap ang aking sarili. Hindi ko na kaya ang lamig at halos ubohin na ako.

Ngunit hindi pa ako nakakatagal sa pag-upo ko nang maramdaman ko siya sa akong gilid. Nanginginig na napatayo ako at lumayo nang kaunti sa kaniya. Hindi tulad ng kahapon ay wala na itong sumbrero, kaya nakilala ko ito.

"Mamaya pa titila ang ulan. Hindi ka makakatawid papunta sa sentro kung maliit na bangka lang ang gamit mo. Sa kubo na lang muna, mamaya ka pa makakauwi," malamig at mahinang sabi nito na hindi man lang tumingin sa akin.

Walang emosyon ang pananalita nito, para lamang ibang tao ang kaniyang kausap at hindi ko alam kung kilala niya pa ba ako.

"Sumunod ka na lang sa akin kung ayaw mong makita ng mababangis na hayop dito," dagdag niya saka tumalikod.

Ako naman ay napa-abante dahil sa kaniyang sinabi. Gusto kong tanggapin ang suhestiyon niya ngunit natatakot ako sa mga tingin niya. Ngayon ko lang nakita ang gano'ng klaseng mga mata at boses.

Matapos kong makipagtalo sa aking sarili ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na may tuwalyang hawak-hawak. Nanginginig na ipinunas ko iyon sa basa kong katawan at ibinalot sa aking sarili. Nakuntento lamang ako sa pag-upo sa maliit na upuan na malapit sa pintuan.

Medyo guminhawa ang pakiramdam ko dahil nabawasan ng lamig. Ngunit hindi ko maatim ang sarili kong tingnan si Fred na nagpapainit ng tubig. Sa ilang minutong pagtatagal ko ay napansin kong wala ang kaniyang lola.

"N-Nasaan ang lola mo?" nangangatog na tanong ko sa kaniya.

Napansin ko ang pagtigil nito sa ginagawa, ngunit nagpatuloy rin ito at wala man lang akong narinig na kahit na anong sagot. Nakaramdam ako ng hiya at konsensya dahil pakiramdam ko ay may kinalaman pa rin ito sa nangyari sa amin noon. Sa pamimintang ko sa kaniya kahit wala siyang ginawang kasalanan.

Inilapag nito ang isang tasa na may timplang kape at saka walang paalam na lumabas ng kubo.

Isang taon ko siyang hindi nakita mula nang bumaba ako sa barko noon. Isang taon ko pinagsisihan ang mga ginawa ko noon at ang mga inisip ko tungkol sa kaniya.

Ngunit hindi ko lang maintindihan kung bakit siya naging ganito, nakatira sa liblib at halos hindi ko na makilala ang itsura. Ngunit mas nasasaktan ako sa ginagawa niya. Parang wala ako rito at ni hindi man lang ako kinakausap.

Matagal bago ito bumalik sa kubo at sabihan ako na tumila na ang ulan. Tahimik pa rin hanggang sa makasakay kami ng bangka. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa sentro. Ako ang naunang bumaba bago siya. Ni hindi pa rin niya ako tinitingnan.

"A-Ah, salamat, Fred. Pasensya na sa abala," mahinang sabi ko sa harap niya ngunit gano'n na lang ang pamamasa ng aking mata dahil nilagpasan lamang niya ako na para bang wala sa kaniyang harapan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.