Gabi na nang matapos ako sa mga dokumento, mas lalo akong natagalan dahil sa isang papeles na pinahanap ko pa sa sekretarya ni tito. Mukhang hindi ko na rin makakasabay si tito dahil pumunta na ito ng Batangas. Isang linggo siguro siya roon at wala namang ibang pinaalala sa akin.
Nagpasya na akong umalis sa opisina dala lamang ang aking bag. Tahimik na rin ang pasilyo dahil wala na ring tao. Tanging mga accountant na lang ang napapansin ko. Nginitian ko lang ang ilan sa mga staff na panay pa rin ang pagpunas sa sahig at pagwalis.
Nang makalabas ako sa building ay isang pamilyar na sasakyan ang nakita ko roon, hindi ko masyadong maaninag dahil sa ilaw nito na sobrang nakakasilaw.
"Excuse me? Could yo—"
"Kapatid! Bunso! Tara na! Agh! Ang tagal mo!"
Umalingawngaw ang isang boses ng kapatid ko habang bunubusina ng ilang beses. Dali-dali akong naglakad papunta sa kaniya na tawa nang tawa.
"Veron! What are you doing? Oh my god! You make some noise! Don't do that again," malumanay kong saad dito.
"KJ mo na naman. Si tito kasi e, umalis siya kanina diba? Kaya sinundo kita, wala kang aasahan kay Nikashatot 'no, busy yon sa mga anak niya," pang-iirap nito nang makapasok ako sa kaniyang kotse.
Anak?
"What do you mean? Wala naman siyang asawa para magkaroon ng anak."
"Yong estudyante niya. Hindi na nga umuuwi yon e. Tingin mo ba nag-asawa na siya? Tapos tinatago niya lang? Tapos ilalayo niya yong mga bata, katulad sa mga nababasa niya. Tsk, ni hindi man lang niya bigyan ng karapatan yong asawa niya na makita ang anak nila..."
Napapikit na lang ako dahil sa mga iniisip na naman niya. Overacting. Kaya naiinis sa kaniya ang isa kong kapatid.
"Hindi niya magagawa yon. Ayaw naman niyang magkaroon ng pamilya e. Umuwi na tayo ngayon, delikado na sa dadaanan natin," mahinang anas ko na nginusuan niya.
"How's your work? Masakit ba ang katawan mo? Gusto mo hilutin ko?" tanong ko sa kaniya habang tinititigan siya.
Ang ganda ng kapatid ko. Kaya maraming mga lalaki ang nanliligaw sa kaniya kaso, si Zaffiro lang ang nakikita niya. Ngumiti ito ng parang bata at saka ngumiso.
"Oo e. Sa likod sana, roon ako sa mansyon matutulog. Tabi tayo, a."
"Sure. Oh, wait, I will call Nikasha," saad ko saka kinuha ang selpon sa bag.
Bumuntong hininga ang isa at saka natawa nang malakas. "Haynaku, Ren, yayain mo na ang lahat h'wag lang yan. Tatanggi lang yan, noh," komento nito sa akin.
Hindi na ako nakasagot kay Veron, dahil sinagot ka iyon sa kabilang linya.
"Hi! Good evening. Naistorbo ba kita?" nakangiting tanong ko.
"No. Why?" seryosong sabi nito saka ako pinanlakihan ng mata ni Veron.
"Ahm, Veron will sleep in mansion, it would be glad if you come with us. Let's bonding together," pangyayaya ko.
Pinipigilan kong lumingon kay Veron dahil sa mga senyas niya sa akin.
"I have a seminar tomorrow. I will not come. May inaasikaso rin ako," mahinang sabi nito.
Nakangiting tumango ako saka ulit siya kinausap. "Oh, it's okay. Take care okay? Better to sleep early. I love you."
"Hmm. Thank you. Night."
Dismayadong ibinaba ko ang telepono saka ibinalik iyon sa aking bag. Nothing change. Wala talaga siyang balak na magbago.
"O? Ano ka ngayon? Reject ka rin? Huwag mo na kasing guluhin yon," sabi nito sa akin nang makapasok sa gate ng mansyon.
"You're so mean to her."
"Hindi kaya. Iyon ang totoo. Pinapabayaan niya nga sarili niya e. Kaya imposibleng magkaroon yan ng oras sa atin. Tsaka di natin kailangan ng oras niya noh. Hayaan mo siya."
Mas lalo akong nadismaya sa mga narinig ko kay Veron. Totoo naman, pero may dahilan naman si Nikasha, kaya walang problema sa akin. Busy talaga ang mga teacher, lalo na't isang sport teacher ang kapatid ko at kung saan-saang lugar pinapadala.
Hindi na lamang ako kumibo tungkol sa usapan na iyon at ibinaling na lang kay Sero, at sa usapang trabaho. Medyo maraming tao ngayon sa bahay pero nawalan ako ng ganang makipag-usap. Matapos kong makapag-palit ng damit ay inasikaso ko na rin si Sero.
"How's your day, baby Sero? Did you enjoy your day with Jairo?" tanong ko rito habang hinihimas niya ang kaniyang ulo sa aking kamay.
"He's nice, right? And of course, he's handsome," ngiting bulong ko saka kiniliti ang leeg nito.
Jairo is a good person. Gusto ko ang kulay niya na kayumanggi. Madalas ko rin siyang nakikitang naggigitara kaharap ang aso ni Mildred. And it's cool!
Wala akong balak gawin ang mga kailangan sa trabaho dahil masyado akong napagod. Bawat araw ay kailangan kong makapagpahinga, just a gift for myself. Hinayaan ko lang si Sero, na maglakad-lakad sa gilid at amoyin ang mga nadadaanan niya.
Sa gitna ng panonood ko ay nakarinig ako nabg mahinang katok mula sa pinto. Hindi na ako nagtanong dahil isa lang naman iyon sa mga taong nasa ibaba. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin si Fred, na may hawak na pagkain at juice.
"Fred, may kailangan ka?" tanong ko ka inilingan niya.
Mukhang bagong ligo ito base na rin sa amoy niya at buhok niyang basa.
"Hindi ka pa kumakain, diba? Kainin mo na 'to. Masarap yan. Luto yan ni lola," ngiting sabi nito.
Napangiti ako dahil mukhang masarap nga. Mabango ito at mukhang ngayon ko pa lang matitikman. Hindi ko rin mapaliwanag kung anong klaseng pagkain iyon.
"Oh, nag-abala ka pa. Thank you, Fred. Pasok ka muna rito," pang-aalok ko.
Dumiretso ako sa kama saka inilapag ang tray. Pero napansin ko na hindi nakasunod si Fred, na mukhang tinititigan ang bulng kwarto.
"Hey, come in."
"Ah, hindi na. Ayos lang, dito na lang ako. Si Sir Zenos pala, may ibiniga—"
"Hoy! Pumasok ka sa loob! Upo ka r'yan o, hindi yong nakatayo ka sa pintuan," panunulak ni Veron kay Fred papasok sa loob.
Kita ko naman ang pagka-ilang ni Fred dahil mukhang ngayon lang siya nakapasok sa kwarto namin. Mukhang wala na rin siyang nagawa kundi ang maupo sa bakanteng upuan na malapit sa pinto. Nagpasya akong doon na lang din ako kumain malapit sa kaniya.
"Ano nga pala yong sinabi mo?" pag-uulit ko.
"Ah, tungkol sa papeles. May pinapasuyo siya sa'yo na kung pwede ikaw na lang ang makipagkita kay Mrs. Aiva for the next month. Kaso nakalimutan ko yong papeles sa bahay. Baka bukas ibigay ko sa'yo," paliwanag nito sa akin.
Mrs. Aiva? Kung di ako nagkakamali, siya yong babaeng matagal nang gustong maging kliyente ni tito. If I'm not mistaken, she's from Las Vegas.
"It's okay. Bukas mo na lang ibigay. Nandito lang naman ako sa bahay. Ako lang ba ang haharap kay Mrs. Aiva?"
"Wala naman sinabing kahit na ano ang tito mo. Pero dalawa ang vip card na ibinigay ang tito mo sa envelope na yon. Baka isasama mo ang sekretarya niya."
Natigil ako sa pag-kain dahil doon. Pwede namang si tito ang isama ko roon. Then VIP? For what? Exclusive hotel siguro iyon kaya gano'n. Nagkibit-balikat na lang ako at saka sumang-ayon sa ilan pa niyang mga sinasabi. Habang nagpapaliwanag ito ay kumakain na rin ako.
Si Fred ang kinuha ni tito mula sa kumpanya kung saan nagtatrabaho sila Lucas at Jairo. Mahalaga ang koneksyon namin sa mga engineer na katulad niya dahil sa negosyo namin. Kadalasan ay gusto ng mga kliyente na full package na ang lahat, iyon din ang dahilan kung bakit mas maraming pasok ng kliyente sa amin at mga investors. Thanks to Nikasha's idea. Kaya si Fred ang nakakonekta sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya at sa amin na kailangan sila.
"Let's meet tomorrow. Same time. Rito na lang siguro tayo," ngiting sagot ko saka tumayo.
"Sige. Uuwi na rin ako ngayon. Ako na r'yan." Pagkuha nito sa tray na hawak ko.
"Hmm, thanks. Nakakahiya. Be careful Fred. Madilim na sa kalsada," pagbibigay babala ko dahil nasira ang mga poste ng ilaw no'ng umulan ng malakas.
"Oo naman. Matulog ka na."
"Sure. Good night."
Nang maisara ko ang pinto ay doon lang bumungad sa akin ang kapatid kong nakasandal sa pintuan ng Cr. Nakangiti ito habang nakasuot ng pantulog. Mukhang galing lang siya sa Cr. Pero ang tagal niya naman.
"Dalawa VIP mo? Gusto ko sana sumama kaso wala naman akong ambag sa ganyan," nakasimangot nitong sabi.
I knew it. Nasa banyo lang siya kanina, kaya pala hindi ko siya napansin.
"Pwede naman. Sabihan ko si tito bukas."
"Huwag na. Marami rin kaming collection next month e. Sabihan mo na lang ako kung sino kasama mo. Baka si tito yan, o kaya yong sekretarya niya."
"Maybe. Matagal pa naman yon e," komento ko saka nahiga sa kama.
Ayoko munang isipin iyon lalo na't sunod-sunod na ang pumasok sa utak ko. Medyo inaantok na rin ako, kailangan ko pang hilutin ang likuran ng kapatid ko. Mukhang masakit talaga dahil kanina pa siya ngumingiwi.
"Bukas pala, bibisitahin ko si Nikasha. Dalawang araw na raw absent yon sabi ni Patty. E, bihira lang naman daw yon um-absent. Baka nakulam na yong isang yon. H'wag ka nang sumama, asikasuhin mo na lang yong pinapagawa ni tito. Ako ng bahala sa barakong yon," ngusong sabi nito saka inalis ang damit pang-itaas at dumapa.
Palihim akong napangiti. Alam kong hindi niya matitiis si Nikasha, noon pa man, si Nikasha lang ang may lakas na loob sa aming dalawa na ipagtanggol si Veron. Duwag ako no'ng mga panahong kailangan nila ako lalo na sa mga training na nangyayari.
But the beautiful fact that I can't deny with them is, even I have a weak part of myself, they're always here to prove that I am strong enough to face my enemy. And that's my own fears.