Nangangalay ang aking likuran, pakiramdam ko ay parang may nakadagan sa aking likuran, dahil sa sobrang bigat. Hindi ko na lang iyon pinansin ngunit naramdaman ko na naman ang mahinang hampas sa aking likuran kaya ako na ang tumagilid.
Isang mahinang pagtawa ng boses bata ang aking narinig, ngunit agad na nanlaki a g mata ko nang tumingin ako sa gilid kung saan nahulog ang nasa likuran ko. Isang batang nakangiti na nakadapa, hindi agad ako makatayo at makapagsalita dahil ngumuso ito sa akin, inalalayan niya ang kaniyang sarili na maupo at humawak sa paa nito na abot kamay niya lang.
His eyes. Looks familiar.
Dahan-dahan siyang ngumiti, at gumapang papunta sa akin.
"Tata..." tawag nito sa akin at saka hinalikan ang aking pisngi.
"Oh my god! Are you real?" tanong ko dahil sa pagbagsak niya sa akin no'ng sinubukan kong tumayo.
Napalunok na lang ako at napansin na maliwanag na sa labas. Ganito pa rin ang suot ko, tho hindi ako makapaniwala dahil sa batang nasa tabi ko, but I immediately took care of him. Inilapag ko na muna siya sa kama at saka ako tinitigan.
"You know me?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok.
Ngumiti lang ito at saka tumawa na naman. Inayos ko lang ang sarili ko at saka mabilis na magmumog dahil baka mahulog ang bata. Gladly, I came back and saw him giggled. Dali-dali kong nilahad ang kamay ko kaya mabilis siyang tumalon sa akin. Nang mabuhat ko na ang bata ay nagpasiya akong lumabas na lang ng kwarto, napansin ko rin sa likod ng pintuan ang gamit ko na mukhang inakyat na nila.
So they knew, that I'm here.
"Papa!" Turo niya sa pinaka-dulo.
Nangunot agad ang aking noo. Kahit na tumalikod na ako sa direksyon na iyon ay pinipilit niyang kumawala sa akin, ngunit nang humarap ako sa dulo ay natigil ito. Nakita ko ang ngiti sa mga mata niya saka muling tinuro iyon.
I walked slowly as he repeatedly told papa.
Nang tuluyan ko nang marating iyon ay doon lang ako tuluyang nanlamig.
"Papa!" paulit-ulit na kalampag nito sa salaming nagsisilbing bintana.
He's lying at the hospital bed. A lot of machine that running into his body. Many scars from his almost-dead-body. Comatose.
"He looks exactly like you," bulong ko sa batang nakangiting walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Sa anak ni Maru.
Hinintay kong magsawa si Gale, bago ako tumalikod, nakaramdam na ako ng gutom kaya minabuti kong bumaba at pumunta ng kusina. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko dahil sa pusang abala sa pagdila ng kaniyang gatas na mabilis na lumingon sa amin. Walang salitang umikot-ikot ito sa akin dahilan para magpumilit si Gale, na bumaba. Kumuha na lang ako ng prutas at saka tiningnan si Gale na sinusundan ang pusa, palabas ng kusina.
"Where are you go—" Literal akong natahimik.
Some of them are here! Staring at me.
"G-Good morning," ngiting bati ko saka kumagat ng mansanas.
"Wala man lang bayad sa pag-akyat ng maleta?" parinig ni Lucas na tinawanan ko lang.
Dumiretso ako sa bakanteng sofa ngunit ang mata ay na kay Gale lang na nilalaro si Sero, na minsan pang hinihila ang buntot.
"Sorry, inantok agad ako kaya nakatulog. Hmm, you all okay?" tanong ko kina tita na ngumiti lang.
"Ikaw dapat ang tinatanong ng ganyan. Nag-alala kami dahil sa nangyari sa iyo, dumagdag pa ang ibang problema rito, kaya iniwan ka ng tito mo roon," pagpapaliwanag nila.
"It's okay. I feel... Better now. I hope so."
Hindi ko alam kung bakit ang tahimik at wala man lang silang masyadong tanong, o baka nanibago lang ako. O baka iniiwasan lang nila na magtanong dahil baka hindi pa ako okay from that accident. Well, ito naman ang gusto ko. Ang tahimik.
Ang nagmamadaling lakad ni Nikasha ay agad na bumagal dahil sa anak niyang sumasayaw sa harap ni Lucas. Napabuntonghininga ito saka napalingon sa akin na taas-kilay pa. Hindi pa rin siya nagbabago. But then, I noticed na pumayat siya.
"Akala ko kung saan mo dinala ang anak ko," iling na sabi niya saka naupo sa tabi ko.
I was about to answer her, when tito arrived. With his typical black slacks and black t-shirt... And of course, a lot of papers on his hand. Sinalubong niya si Gale na tuwang-tuwa sa kaniya at agad na hinalikan sa noo, lalaruin niya sana ito nang mapatingin ito sa gawi ko. Sandaling kumunot at saka napangiti.
"Independent," bulong nito saka ako ngumuso.
"I'm sorry, at least I'm back," saad ko na kaniyang nginisian.
There's something about tito, na hindi ko maipaliwanag. Mga bagay na mas nauuna niyang nalaman na dapat ako lang ang nakakaalam.
"How are you? Completely okay?" panimula niya kaya umayos ako ng upo.
"Yep! Puwede na akong bumalik sa trabaho," pasimpleng sabi ko na inilingan niya.
Alam ko naman na ayaw niya muna ulit akong bumalik sa trabaho, pero matanda na siya, malakas lang ang katawan niya at gusto kong ilaan na lang niya iyon sa mga apo niya, thou hindi pa naman pormal na naipasa sa akin ang pangalan ng kumpanya dahil hindi pa ako handang pumirma. Hindi ko kayang magpatakbo mag-isa. Pero ayokong i-asa kay tito.
"Kailan mo balak mag-asawa?" tanong nitong nagpatigil sa akin.
Goodnes! Kaya nga ako bumalik agad dito para maalis ang atensyon sa lalaking taga-isla, then he wants to ask me that? Thou, hindi ko naman sinabi na gustong maging asawa iyon.
"Don't know. I'm just busy."
"Paano kung mawala ako, sinong mag-aalaga sa iyo?"
"Don't say that," malamig kong saad na hindi niya pinakinggan.
"Ayoko lang na maiwan kang mag-isa, at least makilala ko man lang ang magiging kasama mo sa buhay, mga apo ko sa iy—"
"Tito—"
"Lahat tinatanggap ko, kahit mala-cow boy—"
"Oh my god!" Napatakip na lang ako ng mukha nang marinig ang tawa niya.
Kahit si Nikasha na katabi naman ay natawa na lang. Alam kong may alam na siya, hindi siya aaktong ganyan kung hindi.
"Why? The man who looks like Cow boy is really good. You look guilty, Zerenika."
"I'm not, I'm just like... You know."
"I didn't know," natatawang saad niya saka muling kinuha ang papel at binasa ang ilan doon.
Gusto ko na lang na lumubog sa kinauupuan ko, dahil mas nahuhuli niya ako sa paraan ng pang-aasar niya, ganito din noon kay Nikasha, wala namang problema dahil matagal na nakausap ni Maru si tito bago ipaalam na may relasyon sila. Unlike Veron... Harap-harapan. Si tito na lang ang humihingi ng pasensya sa mga Arcus.
"Hmm, puwede ko bang isama si Gale?" tanong ko kay Nikasha na hindi nahinto sa pagtipa.
"Sa?"
"Somewhere—"
"Walang lugar na somewhere, Zerenika, unless may sarili kang mundo."
Dahil ba ilang taon nang wala si Veron kaya ako naman ang sinusungitan niya?
"Just shopping or park, I wanna hangout with your son, you know, a bonding with ther tita," mahinang saad ko saka tumingin sa akin.
She has an eyes that could look at you murderous. Bakit hindi niya ituloy ang pag-aaral sa law school? As I remembered, tapos naman siya ng kinuha niyang course as pre-law, but then again, she chose to be involved at random students.
"Huwag kayong magpagabi. Naglalakad naman na siya, huwag mo lang papakainin ng sobrang lamig, kapag umiyak, kuwentuhan mo tungkol sa ama, tatahimik agad 'yon," pagpapaliwanag niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
I smiled. I can't imagine na sobrang kilala niya ang anak niya, well, anak naman niya iyon. Pero we all know na ayaw niya sa mga bata. Ever since we were child.
"Paano kung naghanap ng gatas? Anong gagawin ko?" tanong ko ngunit napatingin ito sa dibdib ko.
Nanlaki agad ang aking mata at tinakpan iyon. I have no milk!
"May timpla naman siyang gatas. Dalhin mo na lang." Bumalik ito sa pagtitipa kaya ako napatayo para mag-asikaso ng sarili.
Nakangiting lumabas ako ng sala para makaligo na ngunit narinig ko agad ang mga boses na matagal ko nang tinatakbuhan. Parehas kaming nahintong tatlo. Ngunit mabilis akong niyakap ng babaeng wala naman ibang hinangad kundi ang mahalin siya ng lalaking mahal niya. And it's granted.
Nagtama ang mata namin ng lalaking nobyo nito. Napangiti ako, this time, nawala ang maraming tanong sa utak ko. He hugged me and kissed my cheeks as old days. My heartbeat felt... Normal.
Speechless. Why am I feel so free? Parang wala lang ang dating pag-iinarte ko noon?
"Are you okay?" tanong ni Sev sa akin.
"Happy to say yes. I'm okay."