In Love With The Rain Chapter 45

Masaya ang lahat. I gave my best smile at newly-weds' picture. Gusto kong maiyak dahil tapos na, masaya na ang kaibigan ko at sobrang bagay sa kaniya ang singsing na nasa kaniyang daliri. Ang lahat ay abala sa pagbati sa bagong kasal. They wanted a beach wedding, but because of situation, the ceremony happened here at church.

Well, at least, they are happy.

Ang iba ay unti-unti nang lumalabas, hawak ni Gale ang bulaklak ni Kelly at bahagya itong bumungisngis sa kaniyang ina habang inaabutan ito ng bulaklak.

"Zeren!"

"Wha—"

Halos manginig ang buong sistema ko nang makita ko ang sarili kong nakasandal sa dibdib ni Jairo. Nakakunot ang noo nito saka ako marahang hinila pabalik.

"You almost fell," saad nito saka itinuro ang hagdanan pababa ng simbahan. "Okay ka lang? Ang tamlay mo," bulong nito saka ako lumayo.

Hindi ko siya pinansin. Sila Lucas ay nagtataka rin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti sa kanila at saka sumakay sa kotse. Hindi naman kalayuan ang reception kaya nakarating kami agad. Sobrang luwang at mukhang sinigurado nila na kasya kami rito. Halos ang lahat ay nandito na at dumiretso agad ako sa puwesto namin. Abala sila Kelly sa pakikipag-usap sa ibang mga bisita at hindi maalis ang ngiti sa kaniya.

Hindi ko alam ang mga nangyayari sa paligid ko.

Masaya sila. Paano ako?

Nanatili lang ako sa aking upuan at walang tigil na ininom ang makita kong wine. Wala namang nakakapansin sa akin dahil ang lahat ay nagkakasayahan. Si Nikasha ay abala sa anak niya, si tito ay may kausap na negosyante, sila Keirra ay abala sa pagsayaw kasama ang nobyo niya.

Okay... I'm now seeing nothing, but a blurred faces. Isang kurap luminaw agad, pero lumalabo habang tumatagal. Lasing na ba ako? Ang bilis naman.

"Hey, let's dance," bulong ng kung sino sa tenga ko.

"I don't want."

"It's an order, not a request," bulong niya saka ako tumingin. Si Jairo. Siya lang naman.

I stood up and held his hand. Pinalibot ko na agad ang mga kamay ko kaniyang leeg at sumandal sa dibdib nito dahil sa sobrang hilo.

"Puwede mo akong kausapin, hindi ka sasagutin ng mga alak na yan," bulong nito habang marahan akong sinasayaw.

Hindi ko alam ang mga sasabihin ko, kung dapat ko ba rito mismo itanong at ikukwento. Ilang linggo na akong tikom dahil sa mga trabahong nakatambak at sa paghahanda sa kasal ng kaibigan ko.

Doon ko lang napagtanto na umiiyak na ako, walang lumalabas sa bibig ko ngunit maraming gustong kumawala sa aking mga mata. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik nito sa aking likuran. Sinusubukan kong kumalma pero wala akong lakas.

"Wala na siya," bulong ko at sinusubukang tumigil sa kaiiyak.

"Don't say that. Buhay siya hangga't hindi nakikita ang bangkay, calm down," bulong nito sa akin at saka niya ulit ako isinayaw.

Ilang linggo na, wala akong ibang naririnig na balita kundi ang paglubog ng tatlong islang iyon, burado ang lahat at walang nakaligtas. Sa tuwing nakikita ko sa balita ang litrato ng islang tinutukoy nila ay nagmimistula iyong dagat. Walang buhay na dagat, malayong-malayo sa pinuntahan ko noon. Ang mga puno na nakalubog na at iba't-ibang klaseng kahoy at bakal na lumutang.

Walang nakitang tao sa lugar na iyon na nakaligtas at habang tumatagal ay dumarami ang bangkay na nakikita... marami silang walang kalaban-laban.

"Jai... Gusto ko nang matulog," bulong ko.

Ayoko nang maalala ang mga bagay na iyon, gusto ko na lang matulog nang matulog.

"Okay, let's go." Hinawakan nito ang aking kamay at saka sumabay sa kaniya.

Maraming mga tao at may kadiliman naman kaya sana walang nakapansin sa amin. I badly want to get out of here. Nagsasaya sila, habang ako, ganito.

Hindi na ako nag-abalang tingnan ang paligid. Inalalayan ako ni Jai na pumasok sa kotse. Hindi siya nagsalita at wala akong balak na makipag-usap pa.

Pakiramdam ko nakulong ako lalo, inisip ko rin ang mga sinabi ni tito sa akin noon, at nilunod ang sarili sa trabaho. Hindi ko magawang magkuwento sa iba at bihira ko lang makitang umuwi si Jairo sa mansyon. I'm already twenty-eight years old. But why do I feel like I'm a kid that they have to look after. I'm sacred for disappointing my tito, but I'm starting to lose my self. Na naman.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak hanggang sa makatulog.

Kinabukasan ay mabilis akong napabalikwas sa higaan. Gusto kong umiyak sa sobrang kirot ng ulo ko. Agad akong napatakbo sa banyo para sumuka. Halos manghina ako lalo na't hindi pa ako kumain kagabi, sobrang haba ng tulog ko dahil hapon no'ng nauwi kami rito.

"N-No! Oh my god!"

Halos mapatanga ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin, I have only bra and underwear! Si Jai, I knew! Si Jai ang naghatid sa akin dito!

Matapos kong makapagbihis ay agad akong umakyat sa kwarto niya. Kahit na nahihilo ay pinilit kong kumatok ng malakas ngunit walang lumalabas. Nagmadali akong pumunta sa ibaba at agad na natigil nang makita ko siya sa sala na mukhang aalis na. Agad kong naikuyom ang mga kamao ko saka dire-diretsong pumunta sa harapan niya.

Isang malakas na sampal ang iginawad ko rito na halos ikinapula ng pisngi nito.

"I-I trust you! Of all people ikaw pa talaga?" hinihingal kong saad sa kaniya na nagulat sa aking ginawa.

"Z-Zeren? What are you doi—"

"You got raped me! You were the one who dropped me at my room yesterday! How could you do that? My god!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha, hindi pa rin ito nagsasalita na para bang hindi makapaniwala sa mga narinig. Halos mamutla ito at saka napaupo nang sapakin siya ni Lucas.

"Gago ka!—"

"Wala akong ginagawang masama, Zere—"

Isang sapak na naman ang natanggap nito but this time humarang na si Martin, ako na lang din ang nabablangko sa mga nakikita ko, hindi ako makagalaw.

"Lucas! Hindi magagawa 'yon ni Jai, Zeren, walang gano'n," boses ni Martin sa akin habang pinoprotektahan si Jairo na nanatiling nakatingin sa akin.

Nanginginig ang mga kamay kong humawak sa aking buhok habang pinagmamasdan sila Von na nakaawat kay Lucas. Nasasaktan ako sa mga nakikita ko, umalis ako dahil sa biglaang pagdami ng tao sa sala. Gusto kong lumayas, gusto kong mawala, gusto kong lumubog na lang sa tubig.

Muli akong bumalik sa kwarto, natatakot akong lumabas dahil naroon silang lahat. Natatakot ako na baka maulit na naman ang mga nangyari noon.

"What the hell are you thinking?! Walang rape na nangyari, Zeren!"

Halos manginig ang buong sistema ko dahil sa boses ni Nikasha. Sinara nito ang pinto at nakasalubong ang mga kilay sa akin.

"Don't blame me as you know what happened—"

"Say it to yourself! Huwag mong sisihin si Jairo nang hindi mo naman nakita na may ginawa siya sa iyo. Nagmagandang-loob ang tao na ihatid ka rito, tapos gano'n ang gagawin mo?"

"Wala akong saplot paggising—"

"That because I undressed you! Amoy alak ka kaya inalis ko ang suot mo. Lasing na lasing ka, paano mo malalaman ang mga nangyari? Stop blaming him, Zeren, wala siyang ibang ginawa kagabi bukod sa tanungin ako kung ano ang lagay mo."

Kusa akong nanlamig sa mga sinabi ng kapatid ko. Ang lahat ng takot ay nawala, hindi ko pa rin mapigilan ang aking kamay sa panginginig dahil sa sobrang daming nangyari na halos hindi ko na maalala dahil sa blangko ang utak ko.

"What happened to you? Hindi ko naman ganito, noon," mahinang anas ng Nikasha na mas lalong nagpaluha sa akin.

"I-I don't know... Just leave me alone—"

"May nangyari ba? May wala ba kaming alam?"

"Just leave me alone, Nikasha," mariin kong utos saka ito bumuntonghininga.

Hindi na siya nagsalita narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Mas lalo akong nanghina, nanamlay at hindi ko alam kung saan lulugar, malawak ang lugar na kinalalagyan ko ngunit pakiramdam ko sobrang naiipit ako.

Should I go to hospital? Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko.

Buong araw lang akong nasa kwarto. Hindi pumasok sa trabaho, at hinayaan ang sariling matulog. Gigising lang ako para uminom ng tubig na nasa kwarto ko lang din at saka muling matutulog.

Ala-una na nang muli akong magising. Kahit madaling araw ay pinilit kong bumangon at ituloy ang nauna kong plano noon. I packed my things at my closet. I wrote a letter for them and left it at my table. Nagmadali ako sa paglabas ng mansyon and gladly, no one noticed me.

Halos wala ng sasakyan sa kalsada, binilisan ko na ang pagpapatakbo para makarating agad doon. Puro kuliglig lang ang aking naririnig idagdag pa ang manilaw-nilaw na daanan dahil sa ilaw na nagmumula sa mga poste. Huminto ako sa isang bahay na may kalakihan pero isang palapag lang. Nang makapasok ay pumunta agad ako sa likuran upang buksan ang kuryente.

Walang pinagbago, ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Gusto kong mapag-isa, ayoko ng kasama kahit sa maikling panahon. Inayos ko na ang aking mga gamit, wala na akong problema dahil kumpleto naman ang gamit doon. Wala lang laman ang ref at wala akong balak na kumain ngayon. I have to rest. This house would be my home as of now... it would be helpful to be alone.

I guess.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.